Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

" Akademikong sulatin"

(Napapanahong Papel)
Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pagaaral ng mga
estudyante at kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa.
Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at
maunlad. Ngunit kayraming problemang panlipunan ang
kinakaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang edukasyon.
Isang problemang nais nang matuldukan ng gobyerno. Sa
panahon ngayon kay rami ng kabataan ang hindi
nakapagtatapos ng pag aaral at ang panginahing dahilan nito ay
kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng
bansang pilipinas. Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay
isang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi
nakapagtatapos ng pag aaral dahil nagiging rebelde ito.
Maraming nakakaimpluwensya sa mga kabataang ngayon. Mga
problemang pampamilya,pampinansyal,at ang iba ay
napapabarkada. Kakulangan sa pondo ay isa pang problema sa
ating edukasyon kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno
kung hindi maayos ang paggamit nito, hindi uunlad ang
eduksyon sa ating bansa.

You might also like