Araling Panlipunan IX - Chapter 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang
panahon.
2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng
pamumuhay ng mga unang tao.
3. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang
panahon.

II. Nilalaman
Paksa: Pag-unlad ng Kabihasnan
Kagamitan: Powerpoint presentation, laptop, projector, mga larawan, whiteboard
marker, plastic, bato, maliliit na sanga at mga dahon
Sanggunian: Araling Panlipunan 9, pahina 32-36
Pagpapahalaga: pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po!

3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
Bago umupo, pulutin muna ang mga (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat
kalat sa inyong paligid at ayusin ang at aayusin ang mga silya)
mga silya.

4. Pagtatala ng mga pumasok at


lumiban sa klase.

5. Balik-Aral: Ang pinagmulan ng tao

Kahapon ay tinalakay natin ang


tungkol sa mga sinaunang tao at ang
mga paniniwalang pinagmulan nila.

1|Page
Ilahad mo nga sa klase ang iyong May tatlong paniniwalang pinagmulan ang
natatandaan sa araling iyon. tao. Una, ang paniniwala mula sa mitolohiya
(Tumawag ng isang mag-aaral) tulad ng Alamat ni Malakas at Maganda.
Ikalawa naman ay ang paniniwalang
panrelihiyon kung saan si Adan at Eba ang
pinagmulan ng tao. At ang huli ay ang
paniniwala mula sa siyensya na kung saan
ang tao ay nagmula sa unggoy.

Tama ba sya klase? Opo

Magaling. Karagdagan? Ayon sa teoryang Ebolusyon ng Tao ni


(Tumawag muli ng isa pang mag- Charles Darwin, ang tao daw ay nagmula sa
aaral) iisang ninuno na dumami at naging iba’t
ibang specie na ang tanging matibay at
malakas ang siyang mag-eevolve sa
pamamagitan ng “natural selection”

Mahusay.

May nais pa ba kayong idagdag


klase? Mga katanungan o nais
linawin sa araling ating tinalakay? Wala na po.
Kung wala na ay tutungo na tayo sa
gawain natin ngayon bago natin
pormal na buksan ang susunod na
aralin.

6. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating aralin.
Mayroon akong ibibigay na Gawain
na may koneksyon sa bago nating
paksa. Bago iyan hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat. Ang bawat
pangkat bibigyan ko isang plastic bag
na nag lalaman ng iba’t ibang bagay
na gagamitin nyo upang makagawa
ng isang bahay sa loob lamang ng 7
minuto, at bawat pangkat ay mamili
ng isang representative para
ipaliwanag ang iyong nagawang
bahay at ilahad ang mga kagamitang
inyong nagamit.

2|Page
Handa na ba kayo klase?
Handa na po kami.
Simulan na.
(At sinumulan na nilang buuin ang kanilang
bahay)
B. Paglinang na Gawain
1. Pagtatalakay
Ngayon naman matutunan natin ang
isang bagong aralin. Sa aralin nating ito,
matutukoy natin ang pagkakaiba ng
pamumuhay ng mga unang tao sa iba’t
ibang panahon.

Handa na ba kayo sa bagong aralin natin Handa na po.


ngayon?

Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga sa


pisara ang mga ginamit na materyales sa
(Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang
paggawa ninyo ng bahay.
kagamitan sa paggawa ng bahay)
(Tumawag ng ilang mag-aaral upang
magsulat sa pisara)

Anong mapapansin nyo sa mga


Lahat ng mga nakatala ay madaling makita
nakatalang materyales sa pisara?
at makuha sa ating paligid.
(Tumawag ng isang mag-aaral)

Tama. Lahat ng mga bagay na iyan ay Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay
makukuha natin sa ating paligid. Sa mayroon na noong unang panahon.
tingin nyo, kung nabubuhay kayo noong
sinaunang panahon, magagamit niyo rin
ba ang mga materyales na iyan? Bakit?

Ang pamumuhay ng sinanunag tao ay


nahahati sa tatlong panahon. Ito ay
Panahon ng Bato, tanso at bakal.

Anong mayroon sa panahon ng


Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500
Paleolitiko?
BK) ay ang panahon kung saan karamihan
(Tumawag ng isang mag-aaral)
sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa
kahoy at madaling masira. Ito ang panahon
kung saan ginagamit ang bato bilang
kasangkapan ng mga australopithecine. Dito

3|Page
ay laganap ang pangangaso at
pangongolekta ng mga halaman sa gubat.

Ano naman sa Panahong Neolitiko? Ang Panahong Neolitiko (10,000-4,000 BK)


(Tumawag ng isang mag-aaral) ay kilala sa tawag na ”Panahon ng Bagong
Bato”. Sa panahong ito natuto ang mga tao
na magtanim, mag-alaga o magpastol ng
mga hayop, gumawa ng palayok at maghabi.
Mahusay.

Ang Panahon ng tanso? Ang panahon ng Tanso (3,600-300 BK)


natuto ang mga tao na gumawa ng mga
kasangkapang gawa sa metal sa
pamamagitan ng pagpapanday ng mga
mineral.

Magaling. At sa panahon ng bakal? Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang


(Tumawag ng isang mag-aaral) pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya. Sa panahong din ito
nagsimulang magkaroon ng sistema ng
pagsulat sa mga kabihasnang natagpuan sa
kanluran (Mesopotamia), timog (Indus),at
Silangang Asya (Tsina).

Mahusay!

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Batay sa ating natalakay, pumili ng (ang mag-aaral ay magbibigay ng kanilang
isa sa tatlong panahon at ipaliwanag napiling panahon)
kung bakit ito napili?

2. Paglalapat
Sa kabuuan, ano ang kahalagahan Nakatulong poi to ng malaki sa ating
ng mga panahong ito sa atin? panahon ngayun sapagkat kung hindi nila
natuklasan ang bagay na iyon, wala tayong
magagamit sa panahon natin ngayon.
Mahusay!

May iba pa bang kasagutan? Wala na po.

4|Page
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Karaniwwang gamit o kasangkapan ng sinaunang mga tao ay gawa tinapyas
at magaspang na bato?
a. Panahon ng Paleolitiko c. Panahon ng Tanso
b. Panahon ng Mesolitiko d. Panahon ng Bakal
2. Nagmula sa wikang griyego na palaios?
a. Paleolithic c. Neolitiko
b. Mesolithic d. Panahon ng bakal
3. Nagmula sa wikang griyego na mesos?
a. Paleolithic c. Neolitiko
b. Mesolithic d. Panahon ng bakal
4. Pamayanan na binuo ng mga bahay na gawa sa putik?
a. Catalhuyuk c. Tanso
b. Nomad d. Paleolitiko
5. Kinilalang unang gumamit ng Bakal?
c. Catalhuyuk c. Tanso
a. Nomad d. Hittite

V. Kasunduan
Basahin at pag-aralan ang Kabihasnang Mesopotamia, pahina 37-42 para sa
susunod na talakayan.

5|Page

You might also like