Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Araling Panlipunan – V

Inihanda ni: Jhon Lloyd Dagsil


I. LAYUNIN

Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka

ng bayan

a. Reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyong tabako

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Monopolyo ng Tabako
Kagamitan: Manila Paper, pentel pen, pisara, tisa
Sanggunian: K to 12 - AP5PKBIVa-b-1
https://www.scribd.com/document/338387736/Monopolyo-Ng-Tabako

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimula

Pagbati
Pagdarasal
Pag tsek ng lumiban at hindi lumiban

B. Panlinang na Gawain

(Balik-aral)
Klas, kung si Juan at Pedro ay Mag-ka kompetensya
parehong nagtitinda ng gulay, sila ay
magka ano?

Tama!

Kung sila ay magka kompetensya, (Magkakaibang sagot)


paano kung si Juan na lamang ang
magtitinda, ano kaya ang tawag sa
kanya?

C. Pagganyak

(Tumawag ng boluntir, gamit ang Monopolyo


katawan ipaguhit sa kanya ang
salitang MONOPOLYA, ipahula sa
buong klase ang salita na ginuhit ng
boluntir.)

(Isulat sa pisar ang salitang


Monopolya.)

Klas, sa araw na ito ang ating Hindi po


tatalakayin ay may kinalaman sa
salitang monopolyo. Alam nyo ba ang
ibig sabihin ng Monopolyo?

D. Paglalahad

Ang monopolyo ay mula sa


Griyegong mónos ["nag-iisa" o "nag-
iisang"] at pōleîn ["ibenta"].
Noong panahon ng mga espanyol
mayroong monopolyo sa ating bansa
at iyon ay ang monopolyo ng tabako.
Bilang kolonya ng Spain, naging
mabigat na pasanin ang Pilipinas sa
kalagayang pananalapi nito. Hindi
makalikom ang pamahalaan sa
Pilipinas ng sapat na salapi upang
tustusan ang pangangailangan nito.
Bilang tugon sa suliraning ito,
ipinatupad ang monopolya ng tabako
sa ilalim ng mahigpit na pamamahala
ng pamahalaan.
(Magkakaiba ang sagot ng mag-
Sa tingin ninyo, ano-anu kaya ang aaral)
kabutihang at kasamaang naidulot ng
monopoly ng tabako sa buhay ng
mga Filipino?

E. Pagtatalakay

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng


pagbabago sa ekonomiya sa
panahon ni Gobernador-Heneral Jose
Basco y Vargas. Noong 1781, itinatag
ang monopolyo ng tabako.
Kontrolado ng pamahalaan ang
malawakang pagsasaka at pagbili ng
tabako tulad ng sa Ilocos, Cagayan,
Nueva Ecija at Marinduque. Ito ay
tumagal hanggang 1881.Ang bawat
mag-anak ng magsasaka ay may
takdang dami ng tabako na dapat
anihin. Sila ay nagtanim ng 40,000
halaman ng tabako sa isang taon. Ito
ay binili ng lahatan ng pamahalaan sa
mababang halaga. Ipinagbawal din
ng pamahalaan ang paghithit ng mga
mamamayan sa sariling ani.
Pinagmumulta sila kung ang kanilang
ani ay nasira o nasalanta ng bagyo.
May mabigat na parusa sa sinumang
lumabag sa mga alituntunin.

May kabutihang naidulot ang


monopolyo. Natupad ang mithiin ng
Basco na lumaki ang kita ng
pamahalaan at makapagsarili ang
bansa. Nagkaroon ng trabaho ang
libu-libong mamamayan. Nang
lumaon, mas marami ang kasamaang
naidulot nito. Inabuso ng mga
pinunong namahala rito ang kanilang
tungkulin kayat katakut-takot na
paghihirap ang dinanas ng mga
mamamayan. Ang mga magsasakang
nasiraan ng pananim ay hindi lamang
pinagmulta kundi binawian pa ng
lupa. Hindi rin sila binayaran.
Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa
halip na mapunta sa pamahalaan ang
salapi, napunta ito sa bulsa ng mga
opisyal. Umabot ito sa kaalaman ng
Hari ng Espanya kayat ipinatigil niya
ang monopolyo.
F. Pangkatang Gawain

(Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.)

Sa pangkat 1 ipasagot ang mga


sumusunod na tanong.

1. Bakit tinatag ang monopoly ng


tabako sa ating bansa?
2. Sino ang nag tatag ng
pagbabagong pang ekonomiya sa
Pilipinas?
3. Paano naapektuhan ang mga
Filipino ng reporma ni Jose Basco y
Vargas?
4. Anu-anong lalalwigan ang sakop
ng monopoly ng tabako?
5. Bakit nagpatupad ng reporma sa
kabuhayan ang Espanya sa
Pilipinas?

Sa Pangkat 2, ipaggawa ang isang


maikling pagsasadula ng pagtatatag
sa monopoly ng tabako sa ating
bansa.

Sa pangkat 3, ipalahad ang


kabutihang at kasamaang naidulot ng
monopolyo sa tabako sa buhay ng
mga Filipino gamit ang vein diagram.

IV. PAGTATAYA
Tama o Mali
Isulat ang Tama kung ang pahayag ay tama at isulat naman ang Mali kung ito ay mali.

1. Pamahalaan ang komokontrol sa pagsasaka at pagbili ng tabako.


2. Nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni Jose Basco y Vargas.
3. Mas gumaan ang buhay ng mga Filipino sa panahon ng Monopolyo sa Tabako.
4. Malaking lupain ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.
5. 100 daang taon tumatagal ang Monopolyo sa Tabako sa Pilipinas.
6. 4,000 halaman ang dapat itanim ng isang mag-anak sa loob ng isang taon.
7. Ipinagbawal ng pamahalaan ang paghithit ng mga mamamayan sa sariling ani.
8. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay tinulungan ng pamahalaan.
9. Nagkaroon ng puslitan at suhulan.
10. Ipinatigil ng Hari ng Espanya ang monopolyo.

Sagot:

1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama

V. TAKDANG ARALIN

……………………………….

You might also like