Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan Patakarang Pananalape
Lesson Plan Patakarang Pananalape
Lesson Plan Patakarang Pananalape
Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipaliliwanag ang konsepto ng patakarang pananalapi;
b. napahahalagahan ang mga bangko at paglago ng ekonomiya sa ating bansa; at
c. nakabubuo ng sariling pamagat ayon sa nasuring larawan.
II. Nilalaman
a. Paksa: Patakarang Pananalapi
b. Sanggunian: Batayang Aklat sa Ekonomiks 9 (Modyul ng Mag-aaral) Balitao, B., Cruz
N,. Rillo J. et.al.,304-314
c. Kagamitan: Kagamitang biswal, batayang aklat, speaker, laptop, projector at mga
larawan
III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Panalangin Magdarasal
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo ay siguruhing walang
kalat sa paligid at iayos ang inyong mga upuan.
4. Pagtala ng Liban
Wala po Ma’am
B. Pagganyak
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
B. Pagganyak
Panuto: Ipakikinig ang awit
na “Mukha ng pera” ng The Youth.
1. ano ang mensahing ipinababatid ng awitin?
1. Opo.
2. gaano nga ba kahalaga ang pera sa tao?
C. Paglalahad/Talakayan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
(Ikatlong Grupo)
Mga Institusyong Bangko
Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi
mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan
bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o tubo,
ang halagang inilagak ng mga tao bilang
depositong nalikom ay ipinauutang sa mga
nangangailangan na may kakayahang magbayad
nito sa takdang panahon.
Uri ng mga Bangko
1. Commercial Banks- Ito ang malalaking
bangko. Dala ng kanilang malaking capital, ang
commercial banks ay pinapayagang
makapagbukas ng mga wala pang mga bangko.
Nakapangangalap sila ng deposito sa higit na
maraming tao. Dahil dito, may kakayahan silang
magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa
mga mangangalakal o malalaking negosyante.
2. Thrift Banks- mga di- kalakihang bangko na
kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at
depositong tinanggap ay ipinauutang nila,
kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang
pantustos ng mga ito sa kanilang mga negosyo.
3. Rural Banks- Ang rural banks o mga bangko
na kalimitan ay matatagpuan sa mga lalawigang
malayo sa kalakhang Maynila at tumutulong sa
mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang
mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan
ng pagpapautang upang ang mga ito ay magkaroon
ng puhunan at mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
4. Specialized Government Banks
Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag
upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng
pamahalaan.
a. Land Bank of the Philippines (LBP)
Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No.
3844 na sinusundan ng Republic Act No. 7907,
layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan.
b. Development Bank of the Philippines (DBP)
Unang natatag noong 1946 upang matugunan ang
pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa
mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang
pangunahing layunin ng DBP ay ang tustusan ang
mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor
ng agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the
Philippines (Al- Amanah)
Magaling! Bigyan ng palakpak ang Ikatlong Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848,
grupo. layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga
Ang mga Institusyong bangko ay may Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at
kinabibilangan na mga pinauutang ito ay ang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
mga negosyanteng nangangailangan ng
puhunan upang mapalago ang kanilang negosyo
at may mga naging dahilan naman ito ng
paglago ng ekonomiya ito nga ay ang mga uri
ng Bangko.
Commercial Banks- Ang Commercial Banks
ay maari ding tumatanggap at magbigay ng
letter of credit at iba pang instrumento ng
kredito na malaki ang naitutulong sa patuloy na
pag-unlad ng mga negosyo.
Thrift Banks- Ang Thrift Banks ay
pinapayagan ding magpautang sa ating
pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga
ito ng mga government securities.
Rural Banks- ito yung mga bangko malayo
sa Kalakhang Maynila na tumutulong sa mga
magsasaka o sa maliliit na negosyante.
Land Bank of the Philippines
(LBP)- Tinutulungan din nito ang iba pang
negosyante sa kanilang pangangailangan sa
puhunan.
Development Bank of the Philippines
(DBP)- Prayoridad ng DBP ang mga small and
medium scale industry. Malaking bahagi ng
pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa
bangkong ito.
Al-Amanah Islamic Investment Bank of the
Philippines (Al-Amanah)- Ang Al-Amanah ay
may walong(8) sangay. Lahat ng sangay ng
nasabing bangko ay matatagpuan sa Mindanao.
Ang Zamboanga City samantalang ang pitong
(7) sangay nito ay matatagpuan sa lungsod ng
Cagayan de Oro, Davao, General Santos,
Marawi, Iligan At Cotabato; at sa isla ng Jolo.
(Ikaapat na Grupo)
Mga Institusyong Di-Bangko
Maaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng
pananalapi ang mga ito sapagkat tumatanggap sila
ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago
ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating
ng panahon upang ito ay mapakinabangan.
1. Kooperatiba- Ang kooperatiba ay isang
kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayan
layunin. Para maging ganap na lehitimo ang isang
kooperatiba, kailangan itong irehistro sa
Cooperative Development Authority (CDA).
2. Pawnshop o Bahay- sanglaan- Itinatag ito
upang magpautang sa mga taong madalas
mangailangan ng pera at walang paraan upang
makalapit sa mga bangko. Ang mga indibidwal ay
maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari-
arian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na
kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng
isinangla, kasama na ang interes.
3. Pension Funds
a. Government Service Insurance System
(GSIS)- Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro
( Life Insurance) sa mga kawaning nagtatrabaho sa
mga ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan,
mga korporasyon pag-aari at kontrolado ng
gobyerno, at mga guro sa mga pampublikong
paaralan.
b. Social Security Service (SSS)- Ang SSS ay ang
ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa
mga kawani ng pribadong kompanya at sa
kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan
katulad ng kaniyang pagkakasakit, pagkabalda,
pagretiro,pagkamatay, at pagdadalang tao kung
ang kawani ay babae.
c. Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw,
Bangko, Industriya at Gobyerno (PAG-IBIG
Fund)- Ang Pag-Ibig Fund at itinatag upang
matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay. Ang
mga empleyado sa pamahalaan man o pribadong
sektor ay kinakailangang maging kasapi rito. Ang
mga taong may sariling negosyo at mga Overseas
Filipino Workers (OFW) ay maaaring maging
boluntaryong kasapi.
4. Registered Companies- Ang mga rehistradong
kompanya (registered companies) ay yaong mga
kompanyang nakarehistro sa komisyon sa panagot
at palitan (Securities and Exchange Commission o
SEC) matapos magsumite ng basic at additional
documentary requirements, at magbayad ng Fling
fee.
5. Pre-Need- Ang Pre-Need Companies ay mga
kompanya o establisimyento na rehistro sa SEC na
pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na
mangangalakal o mag alok ng mga kontrata ng
preneed o pre-need plans.
6. Insurance Companies (Kompanya ng
Magaling! Bigyan ng palakpak ang Ikaapat na
Seguro)
grupo.
Ang Insurance companies ay mga rehistradong
Nagagalak ako dahil mahusay ninyong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng
naipaliwanag ang mga paksang ibinigay ko sa Komisyon ng Seguro (Insurance Commision) na
inyo! Bigyang nyo nga ang mga sarili nyo ng mangalakal ng negosyo ng seguro sa pilipinas.
Pawer Clap.
D. Paglalapat
Ipanunuod ang video ng “Usapang pera: Noon at Ngayon”.
1. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo pahahalagahan ang pera?
2. Ano ang kahalagahan ng mga bangko sa pag-unlad ng isang bansa?
E. Paglalahat
SURI-LARAWAN:
Bubuo ng isang pamagat ang bawat pangkat ayon sa larawan nakanilang nakikita. Bibigyan ng
isang parihabang piraso ng kartolina ang bawat pangkat at doon
isusulat ang pamagat na kanilang maiisip Ipapaskil sa pisara at iuulat sa klase. Bibigyan ng
limang minuto ang bawat pangkat upang maghanda at tig-dalawang minuto naman para sa pag-
uulat. Pagkatapos ay pipili ng isa(1) sa apat (4) na pamagat na ipinaskil sa pisara.
IV. Ebalwasyon:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang uri ng bangkong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
___1. Dahil sa malaking Kapital, ang mga bangkong ito ay a. bangkong pagtitipid
nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng b. Land Bank of the Philippines
pabahay at iba pa. c. Bangkong Komersyal
___2. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na d. Development Bank of the
hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok. Philippines
___3. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang e. bangkong rural
pangkabuhayan sa kanayunan. f. Bangko Sentral ng Pilipinas
___4. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng
pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.
___5. Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang
sektor ng agrikultura at industriya, lalo na sa mga
programang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya
V. Takdang- Aralin
Panuto: Suriin at pag-aralan ang pie graph sa kwaderno matapos ito kwentahin ang kabuuang
bilang ng mga uri ng mga institusyong pinansyal. Gumamit ng pie graph upang madaling
matukoy ang bilang o bahagdan.
Mga Tagasuri:
------------
Pictures of materials