Pagpupunyagi at Kasipagan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CENA, Stephanie Reinne C.

9 – Dalton

Pagpupunyagi at Kasipagan: Pangako Para sa Kinabukasan


“It is always the day one.” – isang linyang sinambit ni Dra.
Sandra Santiago, doktora mula sa Manila Doctors Hospital, isang
prestihiyosong ospital na pinapaandaran ng mga magagaling na
doktor sa Metro Manila. Doktor, isang mataas na posisyon sa ating
lipunan. Itinitingala at pinupuri ng karamihan dahil sa angking
galing at talino. Ang pagiging doctor ay isang sakripisyo. Give or
take, risks included: ang laro ng kanilang kapalaran. Oras,
pamilya, pagkakataon – doon lamang umiikot ang mundo, para sa
kanila. Sa mahigit na anim na taon, dugo’t luha ang kanilang
ibinuhos para lamang makamit ang inaasam na tagumpay sa buhay. Ang
desiyon ng mga buhay ng mga nangangailangan ay laging bumabagsak
sa kanilang kamay; at isa ito sa mga mahihirap na pagkakataon na
dumarating isang doktor. Ngunit ang pagiging doktor ay hindi isang
talento, isa itong kasanayan; kasanayan ng disiplina, kasipagan,
pagpupunyagi, determinasyon at punto sa buhay. Isa pang nagging
malaking pundasyon
Dra. Sandra Santiago, nagaral sa Unibersidad ng Pilipinas,
major in Bachelor of Science in Pre- Medicine. Siya ngayon ay isang
attending physician sa Manila Doctors Hospital. Ang kanyang
pagiging doktor ay hindi na nakakagulat dahil sa una palamang ay
nakatuon na siya sa kanyang layunin, lahat ng plano o “How to
Achieve Goals 101,” kung kanyang tatawagin ay napagsama na niya.
Mga istratehiya na kanyang gagamitin ay ang kung saan siya pinaka-
komportable. Sa pinaikli, determinasyon at paghihirap – lahat ng
ito ay kanyang pinasok sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Limang
punto: una, “Complaining has no value.” – hindi magiging maunlad
ang iyong buhay kung puro pagrereklamo lang ang iyong ginagawa.
Gawing paghihirap ang pagrereklamo; mas madami ang iyong magagawa
kung ganoon. Pangalawa, “Don’t let people tell you what can’t be
done.” – ang tao ay tao lamang. Sabihin mo sa tao ang kaya mong
gawin; madami kang pupwedeng gawin, posibleng gawin. At lahat ng
iyon ay kayang kaya mong gawin kapag nakatuon ka lamang dito.
Pangatlo, “Question a lot of things.”- kapag pala-tanong ang isang
tao ay mayroong kang interes sa lahat ng bagay. Isa iyon sa mga
bagay na kaikailanganin ng isang taong may pangarap. Ang dahilan:
minsan, ang mga maliliit na bagay ay ang pinakaimportante sa lahat.
Pangalawa sa huli, “Emotional investment is a must.” – kapag
mayroon kang nararamdaman para sa isang bagay, mas lalong hihigitan
mo pa ang mga pagsisikap na iyong ginagawa. Panghuli, “You can
never finish someone else’s work” – kung ano ang inumpisan yun din
ang tatapusin. Ngunit ang mahalaga, lahat ng ideya ay manggagaling
sa iyo. Mas masarap sa pakiramdam iyong alam mong lahat ng bagay
ay pinaghirapan mo, pinagisipan mo at ipinaglaban mo sa lahat.
Itong mga limang puntong ito ay ginagamitan ng madaming pasensya
at paghihirap. Ang tagumpay ay matatamasa kung ibibigay mo ang
lahat ng iyong makakaya. Ikaw, ako, tayo – maging anong rason pa
ang humadlang; kung gusto mo ay gusto mo at walang makakapigil sa
iyo kung ano ang gusto mong gawin at makakamit sa buhay.
Ang henerasyon natin ngayon ay puno ng “Ayoko na.” o “Suko na
ako.” Ngunit ang mga salitang ito ay walang pakinabang kung uulit-
ulitin. Ito ay di hamak na salita lamang. Nasa atin ang aksyon.
Kaya’t dapat ay lagi nating tatandaan na ang kasipagan at
pagpupunyagi ay isang rason kung bakit ang karamihan sa ating mga
tinitingala ay nasa posisyon na nila ngayon. Ikaw, pupwede ka pang
humabol. Ika nga nila, “It is always the day one.” Kung kalian ka
nagumpisa ay hindi importante. Ang dapat na pagtuonan ng pansin ay
ang kung paano ka nagsimula. Dahil kung magaling ka na umpisa pa
lamang ay tuloy tuloy na ang iyong paglalakbay. Isa pa, kapag
tinuon mo ang iyong sarili sa isang gawain, mayroong maliliit na
bagay na darating; at yung mga maliliit na bagay na iyon ang dapat
nating ipagpasalamat sa Itaas. Dahil ang mga iyon ay ang matuturo
satin ng mga pinakamalaking bagay na sa buhay natin natamo.

You might also like