Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 124

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestre
UNANG
KWARTER
IKALAWANG
KWARTER
IBA’T IBANG URI NG TEKSTO
•Impormatibo
•Deskriptibo
•Persuweysib
•Naratibo
•Argumentatibo
•Prodisyural
TEKSTONG
IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO

TEKSTONG IMPORMATIBO ay isang


anyo ng pagpapahayag na
naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon.

Kadalasang sinasagot nito ang mga


batayang tanong na ANO, KAILAN,
SAAN, SINO, at PAANO.
TEKSTONG IMPORMATIBO

Naglalahad ito ng kuwento ng mga tunay na


tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong
nakabatay sa mga tunay na pangyayari.

Halimbawa ng tekstong impormatibo:


biyograpiya, mga impormasyon na
matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia,
almanac, papel-pananaliksik sa mga journal,
siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
KATANGIAN NG ISANG
TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Naglalahad ito ng mga mahahalagang
impormasyon, bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala, mga bagong
impormasyon, at tiyak na detalye para sa
kabatiran ng mga mambabasa.
2. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may
pagkakasunod- sunod at inilalahad nang buong
linaw at kaisahan.
3.Karamihan sa mga impormasyon ay
patungkol sa mga bagay at paksang
pinag-uusapan.
4.Nagbibigay ito ng mga impormasyong
nakapagpapalawak ng kaalaman at
nagbibigay-linaw sa mga paksang
inilalahad upang mawala ang alinlangan.
5.Naglalahad ng mga datos na nakatutulong
sa paglilinaw ng mga konsepto.
HANGUAN NG IMPORMASYON
O DATOS
1. Hanguang Primarya
• Mga indibidwal o awtoridad
• Mga grupo o organisasyon
• Mga kinagawiang kaugalian
• Mga pampublikong kasulatan o dokumento

2. Hanguang Elektroniko
• Internet sa pamamagitan ng e-mail
• Telepono o cellphone
3. Hanguang Sekondarya
• Mga aklat tulad ng diksyonaryo, ensayklopedia,
taunang-aklat o yearbook, almanac at atlas.
• Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin,
pahayagan, at newsletter
• Mga tesis, disertasyon, at pag-aaral sa feasibility,
nailathala man ang mga ito o hindi
• Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at
iba pa.
MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO BATAY SA
ESTRUKTURA NG PAGLALAHAD
Ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng:
1. SANHI AT BUNGA. Ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at
kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari.
Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na
relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung
bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito
(bunga).
2. PAGHAHAMBING.Ito ay kadalasang nagpapakita ng mga
pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,
konsepto, o pangyayari.
3. PAGBIBIGAY-DEPINISYON.
`
• Ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng isang salita, termino, o
konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong
bagay gaya ng uri ng isang hayop, puno, o mas abstraktong
mga bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay, o
pag-ibig.
• Dapat pag-ibahin ang kahulugan ng denotatibo o konotatibo.
4. PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON
• Ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang
magkaroon ng sistema ang pagtatalakay.
• Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay bibigyang depinisyon at halimbawa
ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.
Ang Cyberbullying At Ang Mga Epekto Nito
(Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma)

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng


teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang
cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa
text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan ,
video, at iba pa sa e-mail at sa social media ; pag-bash o pagpo-post ng mga
nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account
na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba
upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-
ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng
pagkapahiya, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di-tulad
ng harapang pambubu-bully na kung minsan ay humahantong sa pananakit
subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at
psychological trauma na maaaring maranasan ng isang biktima ng
cyberbullying.
• Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying:
• Mga senyales ng depresyon
• Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamut
• Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
• Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan
• Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem
• Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
• Pagiging biktima rin ng harapang bullying
Ang Pilipinas ay wala pang opisyal na estadistika
patungkol sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay
lumalabas na nasa 9% ng mag-aaral sa grade 6 hanggang
grade 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at
2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral
sa grade 9 hanggang grade 12 na nakaranas ng
cyberbullying.
Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org, ang sumusunod
ang isinasagawa ng mga nagiging bitima ng cyberbullying:
• 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya
• 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon sa
bully
• 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
• 29% ang walang giawang anuman ukol sa pambu-bully
• 28% ang nag-sign-offline
• 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayari cyberbullying
TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG
• Ang tekstong
DESKRIPTIBO
deskriptibo ay nagtataglay ng
impormasyong may kinalaman sa limang pandama:
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at
pandama
• Inilalarawan nito kung gaano kaganda ang mundong
nilikha ng Diyos, ang mga positibo at negatibong
naririnig tungkol sa nangyayari sa ating bayan,
naikukuwento ang masarap na nilutong ulam ng
nanay, ang nalalanghap na sariwang hangin, at
matukoy ang pakiramdam ng masaya at malungkot.
URI NG
PAGLALARAWAN
1. KARANIWANG PAGLALARAWAN
Halimbawa:
Paningin – matangkad na lalaki
Pandinig – maingay sa plasa
Panlasa – maasim na sinampalukan
Pang-amoy – mabango ang nilabhan
Pandama – mahapdi ang sugat
2. TEKNIKAL NA PAGLALARAWAN
Pangunahing layunin ng siyensiya ang
mailarawan nang akma ang anumang dapat
at kailangang malaman tungkol sa mundo at
kalawakan. Kalimitan ay gumagamit ang
manunulat ng mga ilustrasyong teknikal na
sulatin upang makita ng mambabasa ang
larawan o hitsura ng inilalarawan.
3. MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Di literal ang paglalarawan at ginagamitan ng
matatalinghaga o idyomatikong
pagpapahayag.
Malayang nagagamit ang malikhaing
imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang
isang imahen o larawan.
Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng
damdamin at pananaw ng sumulat.
Halimbawa:
Paningin – Kay tangkad mo, para kang poste.
Pandinig – Nabibingi ako sa sobrang hina ng boses mo.
Panlasa – Halos mapaso ang dila ko sa anghang ng Bicol
Express na ulam namin kanina.
Pang-amoy – Masusuka na ako sa baho ng kanal sa labas.
Pandama – Nasunog ang balat ko sa tindi ng sikat ng araw.
PAGKUHA NG DATOS SA MABISANG
PAGLALARAWAN
(Describe It)
(Associate It)
Ano ang
Ano ang
hitsura, tunog,
pagkakaugn
amoy, lasa at
ay nito
pakiramdam?

(Compare It) (Analyze It)


Ano ang Paano ito
pagkakatulad nabuo? Paano
at ito
pagkakaiba? gumagana?

(Argue for or
against it) Positibo
o negatibo ba
ito? Kapaki-
pakinabang o
nakakapinsala?
GAMIT NG COHESIVE
DEVICES O KOHESYONG
GRAMATIKAL SA
PAGSULAT NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
KOHESYONG GRAMATIKAL
•Nagbibigay ng mas malinaw at
maayos na daloy ng mga kaisipan sa
teksto upang lumitaw ang kabuluhan
at kahulugan ng bawat bahagi nito.
LIMANG PANGUNAHING
KOHESYONG GRAMATIKAL
• Reperensya (Reference)
• Substitusyon (Substitution)
• Elipsis
• Pang-ugnay
• Kohesyong Leksikal
1. REPERENSYA (REFERENCE)

•Ito ang paggamit ng mga salitang


maaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
•Maari itong maging anapora o
katapora.
ANAPORA
• Kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy.

• Halimbawa:
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaring
maging mabuting kaibigan.
KATAPORA
• Kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o
ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa ng
teksto.

• Halimbawa.
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirayong bumango sa umaga
at masiglang umuwi sa gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit
na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi ng
kapaguran. Siya si Bella, ang aking mapagmahal na asawa.
2. SUBSTITUSYON (SUBSTITUTION)

• Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.

• Halimbawa:
Nawala ang aklat mo. Ibibili na lang kita sa iba.
3. ELIPSIS
• May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig.

• Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
4. PANG-UGNAY
• Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay
ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap. Sa pamamagitan nito higit na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-ugnay.

• Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at
ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanialng mga magulang.
5. KOHESYONG LEKSIKAL

•Mabibisang salitang ginagamit sa


teksto upang magkaroon ito ng
kohesyong. Maari itong mauri sa
dalawa; ang reiterasyon at ang
kolokasyon.
REITERASYON
•Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit
nang ilang beses. Maari itong mauri sa
tatlo; pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa,
at pagbibigay-kahulugan.
URI NG REITERASYON
PAG-UULIT
Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
PAG-IISA-ISA
Halimbawa: Nagtatanim sila ng mga gulat sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.
PAGBIBIGAY KAHULUGAN
Halimbawa: Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa pamilyang dukkha.
Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para
sa hapag-kainan.
KOLOKASYON
• Mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nababanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaring magkapareha o maari ding magkasalungat.

• Halimbawa:
nanay - tatay guro - mag-aaral hilaga –
timog
puti – itim maliit – Malaki mayaman -
mahirap
TEKSTONG
NARATIBO
TEKSTONG NARATIBO/
NAGSASALAYSAY
• Layunin ng tekstong naratibo ang
magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o
hindi.
• Maaaring ang salaysay ay personal na
naranasan ng nagkukuwento, batay sa
tunay na pangyayari o kathang-isip
lamang.
• Maaari ding ang paksa ng salaysay ay
nakabatay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang.
IBA’T IBANG PANANAW O
PUNTO DE VISTA (POINT
OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
1. Unang Panauhan
2. Ikalawang
Panauhan
3. Ikatlong Panauhan
4. Kombinasyong
IBA’T IBANG PANANAW O
PUNTO DE VISTA (POINT
OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
•Sa pagsasalaysay o
pagkukuwento ay may
mga matang tumutunghay
sa mga pangyayari. Ito
ang ginamit ng manunulat
na pangingin o pananaw
sa pagsasalaysay.
IBA’T IBANG PANANAW O
PUNTO DE VISTA (POINT
OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
• 1. Unang Panauhan – Sa pananaw na ito,
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kanyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ako.
• 2. Ikalawang Panauhan – Dito mistulang
kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na
ka o ikaw.
IBA’T IBANG PANANAW O
PUNTO DE VISTA (POINT
OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
• Ikatlong Panauhan – Ang mga
pangyayari sa pananaw na ito
ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan
kaya’t ang panghalip na
ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya. May
tatlong uri ang ganitong uri ng
pananaw.
IBA’T IBANG PANANAW O
PUNTO DE VISTA (POINT
OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
• TATLONG URI NG IKATLONG PANAUHAN
• Maladiyos na panauhan – Nababatid niya
ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan
• Limitadong panauhan – Nababati niya ang
iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit
hindi ang sa iba pang tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan- Hindi niya
napapasok o nababatid ang nilalaman ng
isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging
ang mga nakikita o naririnig niyang mga
pangyayari,kilos,o sinasabi lang ang kanyang
isinasalaysay.
IBA’T IBANG PANANAW O
PUNTO DE VISTA (POINT
OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
•Kombinasyong Pananaw o
Paningin - Dito ay hindi lang
iisa ang tagapagsalaysay
kaya’t iba’t ibang pananaw
o paningin ang nagagamit
sa pagsasalaysay.
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
NG DAMDAMIN NG TEKSTO

•1. Direkta o Tuwirang


Pagpapahayag
•2. Hindi Direkta o Hindi
Tuwirang Pagpapahayag
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
NG DAMDAMIN NG TEKSTO
• 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay
direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
dayalogo, saloobin,o damdamin. Ito ay ginagamitan ng
panipi.
• Halimbawa:
“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa
anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napansing nakalapit na pala an ina sa kanyang
kinalalagyan. “Aba’y kay ganda naman nireng ginagawa
mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay
papasok sa munti nilang kusina.
-Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
NG DAMDAMIN NG TEKSTO

2. Hindi direkta o Hindi tuwirang Pagpapahayag


• Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip
o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
• Halimbawa:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang
ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing
nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi
niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinatanong din niya
kung ano ba talaga ang balak niya.
Natatwang inakbayan ni Donato ang ina at inakay
papasok sa munti nilang kusina
-Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO

1.Tauhan
2.Tagpuan at Panahon
3.Banghay
4.Paksa o Tema
TAUHAN
• Lahat ng tekstong naratibo ay
nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o
bilang ng tauhan ay dapat umayon sa
pangangailangan.
• May dalawang paraan sa pagpapakilala
ng tauhan---ang expository at ang
dramatiko.
• Expository kung ang tagapagsalaysay
ang magpapakilala o maglalarawan sa
pagkatong tauhan at dramatiko naman
kung kusang mabubunyag ang karakter
dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
TAUHAN
•Ang karaniwang tauhan sa
mga akdang naratibo ay
ang sumusunod:
a. Pangunahing Tauhan
b. Katunggaliang Tauhan
c. Kasamang Tauhan
d. May-akda
TAGPUAN AT PANAHON

•Ang tagpuan ay tumutukoy


hindi lang sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa
panahon (oras, petsa, taon) at
maging sa damdaming umiiral
sa kapaligiran nang maganap
ang mga pangyayari.
BANGHAY
• Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-
linaw ang temang taglay ng akda.
• BALANGKAS NG TEKSTONG NARATIBO:
a. Introduction- simula kung saan maipakikilala ang mga
tauhan, tagpuan, at tema
b. Problem- suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga
pangunahing tauhan.
c. Rising action- saglit na kasiglahang hahantong sa
pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin.
d. Climax- patuloy sa pagtaas ang pangyayaring
humahantong sa isang kasukdulan.
e. Falling Action- pababang pangyayaring humahantong sa
isang resolusyon o kakalasan
f. Ending- pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas
BANGHAY
• Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa
kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga
akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at
tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na
hindi nakaayo sa tamang pagkakasunod-sunod.
Mauuri ito sa tatlo:
• a. Analepsis (flashback)-Dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
• b. Prolepsis (Flash-forward)-Dito nama’y ipinapasok
ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
• c. Ellipsis – May mga pawing o patlang sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakita ng may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal o hindi isinama.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PERSUWEYSIB
• naglalayong mangumbinse o manghikayat
ng mga mambabasa o tagapakinig.

• isang malakas na puwersa sa pang-araw-


araw na buhay at may malaking
impluwensiya sa ating lipunan bilang
pangkabuuan.
PERSUWEYSIB
isang simbolikong proseso kung saan ang
mga komyunikeytor ay naglalayong
kumbinsihin ang ibang tao upang baguhin
ang kanilang kaasalan o kaugalian kaugnay
sa isang isyu sa pamamagitan ng transmisyon
ng mensahe.”
Perloff (2003)
•Layunin ng tekstong
persuweysib ang manghikayat
o mangumbinsi sa babasa ng
teksto. Hinihikayat din nito ang
mambabasang tanggapin
ang posisyong pinaniniwalaan
o ineendorso ng teksto.
•Taglay nito ang personal na
opinyon at paniniwala ng may
akda ginagamit din ito sa mga
iskrip para sa patalastas
propaganda para sa eleksiyon,
at pagrerekrut para sa isang
samahan o networking.
TATLONG PARAAN
NG PAGHIHIKAYAT
AYON KAY
ARISTOTLE
INILARAWAN ANG GRIYEGONG PILOSOPO
NA SI ARISTOTLE ANG TATLONG PARAAN
NG PANGHIHIKAYAT O PANGUNGUMBINSI.
ITO AY ANG SUMUSUNOD:
• 1. Ethos -tumutukoy sa kredibilidad ng isang
manunulat na may malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa kaniyang isinusulat.
• 2. Pathos -tumutukoy ito sa gamit ng emosyon
o damdamin upang makahikayat. Ayon kay
Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon.
•3. Logos -tumutukoy sa gamit ng lohika
upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat
sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos ng kanyang
inilatag ang kaniyang pananaw o punto
ang siyang dapat paniwalaan.
PROPAGANDA
DEVICES
PROPAGANDA DEVICES
• 1. Name-Calling - pagbibigay ng hindi
magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko.

• 2. Glittering Generalities - magaganda at


nakasisilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.
• 3. Transfer - paggamit ng sikat ng personalidad upang
mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

• 4. Testimonial - kapag ang sikat na personalidad ay


tuwirang nag endorso ng isang tao o produkto.

• 5. Plain Folks - ginagamit ito sa kampanya o


komersyal kung saan ang mga kilalang o tanyag na tao
ipinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa
boto o serbisyo.
6. Card Stacking - Ipinakikita nito ang
lahat ng magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit ang
hindi magandang katangian.

7. Bandwagon - panghihikayat kung


saan hinihimok ang lahat na gamitin
ang isang produkto o sumali sa isang
pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
MGA SALITANG GINAGAMIT SA
PAGSULAT NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

 Tiyakin na ang salita ay • Piliin ang tiyak na


may malinaw na salitang
kahulugan at madaling gagamitin sa
maunawaan ng mga mga pahayag.
nakikinig o nagbabasa.

 Tiyakin na ang salita ay magbibigay sa mga


tagapakinig ng epektong pandamdamin upang
maramdaman nila ang bisa ng diwang ipinapahayag.
PAGBASA
Uri ng Teksto:
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
•Ito ay uri ng tekstong naghahayag ng mga
punto, kuro, saloobin, at opinyon nang
tahas at matalas na pamamaraan upang
maiparating sa mambabasa ang
paninindigan ng manunulat. Ang
paninindigag ito ay maaaring panig o
hindi-panig sa isang isyu o paksa.
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG
ISANG MABISA AT RETORIKAL NA
ARGUMENTO
•1. Ilatag ang lahat ng ideyang naiisip.
•Kung panig man sa tama o sa maling
pangangatuwiran, patunayan at
magbigay ng mga pruweba ng iyong
argumento.
•Gawing kritikal o nasa mataas na anyo
ang mga ganitong uri ng teksto
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG
ISANG MABISA AT RETORIKAL NA
ARGUMENTO
•2. Sa paglalatag ng mga ideya, huwag
kalimutan ang mga ebidensya o
dokumentong magpapatunay ng
argumento.
•Upang mahikayat sa isang paniniwala
buhat sa argumento ang kausap, marapat
na may maipapakitang patunay.
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG
ISANG MABISA AT RETORIKAL NA
ARGUMENTO
•3. Pabuod at pasaklaw ang
paghahain ng mga argumento-
pabuod o deductive at palahat
o inductive. (Yapan & Oris, 2010)
PAG-UNAWA SA
BINASA
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang tekstong argumentatibo?

2. Ano-ano ang mga katangian ng isang mahusay na tekstong argumentatibo ?

3. Bakit nangangailangan ng masusing imbestigasyon sa pagsulat ng tekstong


argumentatibo?

4. Paano isinusulat ang tekstong argumentatibo? Isa-isahin ang mga hakbang.

5. Kung ikaw ay maatasang magsulat ng isang argumentatibong artikulo sa


dyaryong Manila Bulletin, anong paksa o isyung panlipunan ang tatalakayin mo sa
iyong artikulo? Ipaliwanag.
“SMOKING KILLS, DI NGA
BA?”

HTTP://KIMHAZELNUT.BLOGSPOT.COM/2014/
10/SMOKING-KILLS-DI-NGA-BA-
ARGUMENTATIV.HTML
• SMOKING KILLS, DI NGA BA?
•Parami na nang parami ang namamatay
dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng
sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng
mga Pilipino, edad kinse pataas ang
naninigarilyo. May malaking katanungan
na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong
ito, "Ano nga bang ikinaganda ng
panininigarilyo?".
• Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng
mga taong panay buga ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo.
Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga
rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng
sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa
antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang
nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito.
Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit
ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang
masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga
adik sa sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang
kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa
mga ito.
• Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na
kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay
maaaring magdulot ng kanser. Isa ring
katotohanan na mas maagang namamatay ang
mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit
nito pero maaari pa ring maapektohan ang mga
taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula
sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit ng
kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila
humithit ng sigarilyo.
• Nakakapangamba ring malaman na mismong
pangulo natin ay lulong sa paggamit ng sigarilyo at
hindi ito magandang tingnan para sa isang taong
dapat sana'y modelo ng bansa. Nakikita naman
nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan
ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa
mga tao. Kailangan nilang mas pag-igihin ang
pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng
mga ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa
sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para
makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino
mula sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo.
Walang anumang kapaki-pakinabang sa
paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro
ang pagkilos at kooperasyon ng
mamamayan at hindi lamang tuluyan na
iasa sa pamahalaan ang paghahanap ng
solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito.
Mas mapapabilis ang pagwakas sa
masamang epekto ng paninigarilyo, kung
sisimulan ng mga "smokers" ang pagbabago
at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.
TEKSTONG
PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL:
ALAMIN ANG MGA HAKBANG
- Uri ng paglalahad
na kadalasang
nagbibigay ng
impormasyon at
instruksyon kung
paano isinasagawa ang
isang tiyak na bagay.
LAYUNIN
- Makapagbigay ng sunod-
sunod na direksyon at
impormasyon sa mga tao
upang matagumpay na
maisagawa ang mga
gawain ng ligtas,
episyente at angkop sa
paraan.
Apat na bahagi ng
Tekstong Prosidyural
-Inaasahan o Target na
Awput
-Mga Kagamitan
-Metodo
-Ebalwasyon
INAASAHAN O TARGET NA
AWPUT

- Kung ano ang


kakalabasan o
kakahantungan ng
proyekto ng prosidyur.
INAASAHAN O TARGET NA
AWPUT
- Maaaring ilarawan ang
mga tiyak na katangian ng
isang bagay o kaya ay
katangian ng isang uri ng
trabaho o ugaling inaasahan
sa isang mag-aaral kung
susundin ang gabay.
MGA KAGAMITAN
-Ang mga kasangkapan
at kagamitan na
kinakailanganupang
makumpleto ang
isinasagawang proyekto.
MGA KAGAMITAN
-Nakalista ito sa pamamagitan
ng pagkasunod-sunod kung
ailan gagamitin. Maaaring
hindi makita ang bahagingito
sa mga uri ng tekstong
prosidyural na hindi gagamit
ng anumang kagamitan.
Metodo

- Serye ng mga hakbang


na isinasagawa upang
mabuo ang proyekto.
Ebalwasyon
- Naglalaman ng mga
pamamaraan kung
paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur
na isinagawa.
EBALWASYON
-Ito ay sa pamamagitan ng
mahusay na paggana ng
isang bagay, kagamitan o
makina o di kaya ay mga
pagtataya kung nakamit ang
kaayusan na layunin ng
prosidyur.
-Mahalaga ang paggamit
ng heading, subheading,
numero, dayagram at
mga larawan upang
maging mas malinaw ang
pagpapahayag ng
instruksyon.
Mahalagang alamin at
unawain kung sino ang
nakikinig o nagbabasa ng
teksto upang
mapagdesisyunan kung
anong uri at antas ng
wika ang gagamitin.
Mga Tiyak na
Katangian ng
W ikang
Madalas
Gamitin sa
Tekstong
- NASUSULAT SA
KASALUKUYANG
PANAHUNAN.
- Nakapokus sa
pangkalahatang
mambabasa at hindi
sa iisang tao
lamang.
- GUMAMIT NG
TIYAK NA
PANDIWA PARA SA
INSTRUKSYON.
- Gumamit ng malinaw
na pang-ugnay at
cohesive device upang
ipakita ang pagkasunod-
sunod at ugnayan ng
mga bahagi ng teksto.
- Mahalaga ang
detalyado at tiyak na
deskripsyon (hugis,
laki, kulay, dami atbp .
PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

INIHANDA NI: Bb. Kristel Gail S. Basilio


ENERO 8, 2020

You might also like