Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

INFORMATICS

2ND floor Stary Building, Max Suniel St., Carmen, Cagayan de Oro City
October 19, 2018

I. OBJECTIVES
1. Nasusuri ang konsepto ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan.
2. Nakasusulat ng mga dahilan ng pagiging mamamayang Pilipino at mga dahilan ng
pagkawala ng pagkamamamayan.
3. Napahahalagahan ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal.

II. SUBJECT MATTER


A. Topic : Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan
B. Reference: Modyul sa Araling Panlipunan
C. Materials: Marker, Handouts, Speaker

III. Procedure
A. Preliminaries
Panalangin, Pagbati, Pagtala ng lumiban

B. Review
Pag-aanalisa ng Kanta: Sabihin Mo by Smokey Mountains

C. Motivation
Tatalakayin ang tungkol sa Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan.

D. Presentation

E. Discussion
Ang pagkamamamayan o citizenship ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa
isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring
hindi kasapi nito.
• Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating bansa upang mag-
aral, mamasyal, o makipagkalakal, ay hindi maituturing na Pilipino dahil sila ay
mamamayan ng ibang bansa.

Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang Batas ng 1987 ang tungkulin at karapatan


ng mga mamamayan nito. Makikita rin dito kung sino ang mga maituturing na
mamamayan ng isang estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang
mamamayan.

Ayon sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng Pilipinas 1987 , maituturing na mamamayang


Pilipino ang mga sumusunod:
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong
ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano hakbangin upang
matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na
maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat ituring na
katutubong inianak na mga mamamayan.

SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa


paraang itinatadhana ng batas.

SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng


Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang,
sila ay ituturing, sa ilalaim ng batas, na nagtakwil nito.

SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang


pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal


Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan
(dual citizenship).

Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.

Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais
maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o
hukuman. Kapag nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan,
kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang
mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na
posisyon sa pamahalaan ng bansa.

 Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino ayon sa Kapanganakan


Jus Sanguinis - ang pagkamamamayan ay nakabatay sa dugo o pagkamamamayan ng
mga magulang o isa man sa kanila.
Jus Soli o Jus Loci - naman ay nakabatay sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman
ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.

 Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino


Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan.
Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng
mga ito:
1. Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
4. Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkamamamayang Pilipino.
5. Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa sa panahon ng
digmaan.
6. Itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag angkin ng pagkamamamayan
ng ibang bansa (expatriation).

F. Application
Random na magtatawag ng mga mag-aaral na siyang sasagot. Sabihin kung ang mga
tauhang nabanggit ay mamamayang Pilipino o hindi, batay sa sitwasyon. Ipaliwanag
ang sagot.

1. Si Juaquin ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.


2. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si James na isang Australyano.
3. Si Smith na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa
Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.
4. Si Maria ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina
ay Hapones.

G. Generalization
Gaano ba kahalaga ang pagkamamamayan ng isang tao? Ipaliwanag ang sagot.

IV. EVALUATION
Pagtugmain ang mga pahayag sa hanay A at hanay B. Isulat sa isang-kapat (1/4) na
papel ang titik ng tamang sagot.
A B
1.Pagkamamamayan ayon sa lugar ng A. Dual citizenship
kapanganakan. B. Jus Sanguinis
2. Proseso ng pagiging mamamayan ng C. Jus Soli o Jus Loci
isang dayuhan ayon sa batas. D. Naturalisasyon
3.Pagkamamamayan batay sa dugo ng E. Saligang Batas
magulang. F. Pagkamamamayan
4. May dalawang pagka- mamamayan
5. Pagiging kasapi o miyembro ng isang
bansa ayon sa itinatakda ng batas.

V. AGREEMENT/ASSIGNMENT
Magsaliksik tungkol sa mga dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan ng isang
indibidwal at punan ang mga hinihinging impormasyon sa concept map. Isulat din ang
mga dahilan ng pagiging isang mamamayang Pilipino.

Dahilan ng
Pagiging Mamamayang
Pakawala ng
Mamamayang Pilipino Pagkamamamayan
Pilipino

Inihanda ni:

Mary Joy Adelfa P. Dailo


BSED-Araling Panlipunan

You might also like