Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mary Carylle G.

Lauderes

Pagsasanay blg. 1-5

I. Gawing masining ang karaniwang paglalarawan.

1. Mainit ang panahon

Para akong niluluto sa sobrang init.

2. Matalino ang aking kamag-aral.

Malalaki ang utak ng aking mga kamag-aral.

3. Mabaho ang iskuwater.

Tila parang mga basura ang iskuwater

4. Maraming puno sa nayon.

Parang mga bituin ang mga puno sa nayon sa di mabilang na bilang.

5. Malaki ang nahuling isda.

Tila ang nahuling isda ay hari ng mga isda sa laki.

6. Nakatakas ang magnanakaw.

Ang mga magnanakaw ay nakatakas sa pagpikit ng aking mga mata.

7. Maingay sa silid-aralan

Di matukoy kung isa ba itong silid-aralan o pasyalan.

8. Palatanong ang bata.

Ang bata'y mayroong libu-libong mga tanong.

9. Malinis ang papel.

Iningatan na parang bagong puting sapatos ang papel.

10. Mahal kita.

Tinitibok ng puso ko'y ikaw.


Mary Carylle G. Lauderes

II. Sumulat ng pangkaraniwan at masining na paglalarawan gamit ang mga sumusunod na ilustrasyon na
halaw sa http://www.google.com.ph/search

LARAWAN 1

KARANIWAN

Ang siyudad ay mayroong iba't ibang establisyemento gaya ng


paaralan, banko at iba pa na may sari-sariling tungkulin na
ginagampanan upang magkaroon ng maayos na lipunan.

MASINING

Ang isang siyudad ay parang katawan na nilalaman ng iba't ibang parte na ginagampan ang kanya
kanyang tungkulin upang magkaroon ng organisado at maayos na lipunan.

LARAWAN 2

KARANIWAN

Sama-samang nagdasal at kumain sa hapag kainan ang pamilya.

MASINING

Ang pamilya'y taos pusong nagdasal upang magpasalamat sa


pagkain at makulay na pagsasama.

LARAWAN 3

KARANIWAN

Masayang nagtugtugan at nagkantahan ang magkakaibigan.

MASINING

Makulay na nagtutugtugan at nagsiawit na parang mga ibon ang


magkakaibigan.
Mary Carylle G. Lauderes

LARAWAN 4

KARANIWAN

Magkahawak kamay ang mga opisyal.

MASINING

Isang matibay na ugnayan at pagkakasundo ang ipinakita ng mga


opisyal sa pamamagitan pagkapit kamay.

LARAWAN 5

KARANIWAN

Mabagal ang daloy ng trapiko.

MASINING

Parang parking na ang kalsada sa hindi pagandar ng mga


sasakyan sa sobrang bagal ng daloy ng trapiko.
Mary Carylle G. Lauderes

Pagsasanay blg. 1-2

PANUTO: I. Tukuyin ang angkop na sagot sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang sagot:

Debate 1. Ito’y isang formal at tuwirang pagsasalitang paligsahan sa pangangatuwiran ng dalawang


magkasalungat na panig.

Proposisyon 2. Tawag sa paksa ng debate.

3. Pagtatalo na ang kinalabasan ng pagpapasya ay sa pamamagitan ng pagbobotohan.

Pagtatalong Oregon 4. Pagtatalo na may dalawa at tatlong tagapagsalita ang bawat panig.

Pagtatalong Lincoln 5. Debateng may tig – isang tagapagsalita sa bawat panig ng sang – ayon at
sinusundan ng di – sang – ayon.

Balagtasan 6. Tawag sa uri ng pagtatalong patula.

Paghahanda sa Pakikipagdebate 7. Dapat ihanay ng pabalangkas ang lagom ng mga katuwiran. Ito’y
lagom ng katuwiran 8. binubuo ng 3 bahagi;

Panimula, Pakatotoo at Konklusyon9.

OO o HINDI10.Sa pagtatanong sa debate, kailangang tanong na masasagot/tutugon lamang ng .

II.Ibigay ang hinihiling sa bawat sytem

A. Mga Uri ng Debate

1. Pagtatalong Di Formal
2. Pagtatalong Oregon
3. Pagtatalong Lincoln
4. Balagtasan

B. Mga Katangian ng Proposisyon

1. Napapanahon
2. Patunayan ng mga ebidensya
3. Maliwanag
4. Pantay at Walang Kinikilingan

C. Uri ng Proposisyon

1. Patakaran
2. Kahalagahan
3. Pangyayari
Mary Carylle G. Lauderes

D. Mga Dapat Tandaan sa Pagtatanong

1. Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong


2. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
3. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong
4. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng
pagtatanong ang isa sa kanila
5. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan
E. Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda sa Debate

1. Pangangalap ng mga datos


2. Paghanap ng impormasyon at katibayan
3. Paggawa ng balangkas
Panimula
-inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan-dito rin ang
pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu
Katawan
-dito inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin-ang bawat isyu ay binubuo mga patunay, mga
katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa panig na ipinagtatanggol
Wakas
-ay ang buod ng isyung binigyang-patunay
4. Pagpapatunay ng mga katuwiran
5. Pagpapahayag ng maayos, mabisa at maingat

F. Magbigay ng 2 Dapat Tandaan ukol sa Pagtuligsa

1. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban


2. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.

Pagsasanay blg. 2

GAWAIN PASALITA/PASULAT:

Lagyan ng tsek ( ⁄ ) ang pinakamabisang katuwiran sa suliranin:

Si Benigno Aquino Jr. ay isang mabuting Pangulo sapagkat…


Mary Carylle G. Lauderes

_______ si Cory Aquino ay mabuting ina.

_______ pinagkakaila niya sa publiko ang kanyang kapabayaanj ukol sa pambansang seguridad.

/ sa kanyang panunungkulan, binigyan niya ng mga hanapbuhay ang maraming Pilipino.

Si Mayor Duterte ng Davao ay tatakbo sa pagka-Pangulo sapagkat…

/ karamihan ay nagpapatunay na siya ay mabuti at matapat.

_______ ang pamilya niya ang nagtutulak tumakbo.

/ maraming pulitiko ang nag endorso sa kanya.

Si Benigno Aquino Jr. ay isang masamang Pangulo sapagkat…

_______ si Kris Aquino ay masamang kapatid.

/ pinagkaila niya sa publiko ang tungkol sa pagtaas ng sweldo.

_______ habang siya’y nasa posisyon, binigyan niya ng mga hanapbuhay ang maraming Pilipino.

Basahin ang mga sumusunod na opinyon at lagyan ng tsek ( ⁄ ) ang pinakaangkop na katuwiran.

Higit na mahalaga ang pera kaysa oras.

/ Di ako sang – ayon. Sa akin napakahalaga ng oras/panahon sa bawat indibidwal.

_______ Sang – ayon ako. Ang pera ay mas mahalaga, ito’y ginagamit sa lahat ng pagkakataon.

Mas mabuting maging maligaya/masaya kaysa maging mayaman.

_______ Mas gusto kong maging mayaman , maraming pera.

/ Mas gusto kong maging masaya dahil di ito nabibili ng pera.

Mas mabuting ligtas kaysa panganib.

/ sang – ayon ako na mas mabuting laging nag – iingat.

_______ Di ako sang – ayon diyan dapat laging may paalala.

Ang dalawang (2) taong nag – iisip ay mas mainam sa isa (1).
Mary Carylle G. Lauderes

/ Ang mga tao ay kailangang magtrabaho at magtulungan.

_______ Hindi lahat ng mga tao ay may alam/kaalaman.

Suportahan ang Opinyon:

Markahan ang sumusuporta sa mga sumusunod na opinyon sa ibaba. Isulat ang “E” para sa eksampol
“IS” para sa istatistik. “EO” para sa ekspertong opinyon at “EKSP” para sa Eksplanasyon.

Halimbawa:

Opinyon: Ang mga aso ay mas mainam na alagaan kaysa sa mga pusa.

Rason: Mas marami ang naitutulong ng mga aso.

Suporta:EKSP: Likas na sa mga aso ang pagiging matulungin.

EO 1. Noong Marso, 2001 isyu ng “Scientific Canadian” na nagpahayag na ang mga aso ay
talaganag natutulungan ang mga tao sa ispesipikong pamamaraan.

EKSP 2. Ang mga aso ay nagsisilbing tagabantay (watchdogs), nalalayo tayo sa mga masasamang tao
tulad ng mga magnanakaw…

Ang pusa ay hindi maaaring tagabantay. May narinig b akayong “watchcat”?

I S 3. Ang 96.5 % ng mga aso ay di na kailangang turuan para maging magaling na tagabantay
(watchdogs).

E 4. Sa Lungsod, ang mga aso tulad ng German Shepherds ay nagsisilbing aso ng mga kapulisan
(police dogs).

E 5. Sa lalawigan, mga bundok, ang mga aso tulad ni St. Bernards ay nagsisilbing tagapagligtas
(rescue dogs)

You might also like