Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

*Magandang life*

(Intro)(Sound Effects)
Hana: isang maganda at masiglang araw sa ating lahat. Kayo’y tumututok sa number 1
talk show ng bayan!!
Hana and claire: magandang life!
Claire: ang guests natin ngayon ay pinaka-inaabangan. Sila ang mga bida sa
teleseryeng tumatak sa bawat pusong pilipino. Ating salabungin ng buong puso ang
mga bida na gumanap sa teleseryeng pinamagatang si tuwaang at ang dalaga ng
buhong na langit
Hana: maari ba naming malaman ang karanasan ninyo bilang mga napiling actor sa
kuwento na ito.
Ivan: ikinagagalak namin na maparirito ngayon at malaki ang aming pasasalamat dahil
nabigyan kami ng tiyansa o pagkakataon upang maranasan ang buhay ng mga
karakter sa kuwento na ito.
Claire: maari na ba naming interbyuhin ang isa sa inyo? Kung gayon kami ay
magsisimula na, hana?
Hana: nasa harap natin ngayon ang isa sa mga determinado at matapang na
mandirigmang binata ay walang iba kung hindi si tuwaang!
Claire: ikinagagalak ng aming programa na makasama kayo sa araw na ito, maaari mo
bang isalaysay sa amin kung ano ba ang ginampanan mo sa istorya na ito para mas
lalo pang lumawak ang aming kaalaman tungkol sa istorya ng iyong kwento,tuwaang.
Rophe: (tuwaang): ako ang gumanap bilang karakter ni tuwaang, isang matapang at
makisig na mandirigma! (soundeffect) ako ang nagligtas sa dalaga ng buhong na langit
mula sa kapahamakan sa kamay ng higante at ang siyang nagligtas sa mga tauhan sa
kaharian ni batooy sa kasakiman na nagawa ng binata ng pangumanon o ang higante.
Hana: kay bagsik mo naman tuwaang na kaya mo yon? Ngunit paano nga ba
nagsimula etong maka bayani mong kuwento, maari ba naming malaman?
Rophe: nagsimula ang lahat ng ako’y tinawagan ng langit upang maglakbay patungo sa
kaharian ni batooy kung saa’y naparoroon ang isang kabigha-bighaning dalaga ng
buhong na langit, ng ako’y nagsisimulang maghanda isang hadlang ang sumalubong sa
akin walang iba kundi ang aking kapatid na si Bai.
Gelo: huwag mong masamain ang aking nagawa samantalang ako lamang ay nag alala
sa mga posibleng masamang mangyari saiyo,tuwaang ngunit sa tigas ng iyong ulo
ako’y iyong sinuway at walang pagdadalawang isip iyong sandata’y kinuha at tinawag
ang kidlat at nagpatuloy sa iyong paglalakbay, ayh! Maaari ko bang Ipakllala ang
karakter na aking ginampanan? ako si bai ang nagiisang kapatid ni bai.
Binata ng pangavukad: Ako naman ang binate ng pangavukad ang siyang sinamahan
si tuwaang sa kaniyang paglalakbay patungo sa kanyang pinangangayungan sa
kaharian ni Batooy.
Dalaga: Sa kaharian kung saan ko nakilala ang aking tagapagligtas, nagsimula ang
lahat ng ito ng walang malay ay nakatulog saking tabi si tuwaang aking hinablot ang
isang buhok na nakalawit at doon kami unang nagkausap at nagpakilala sa isa’t-isa.
Higante: Ngunit saglit lang ng nangyari ang kasiyahan na kanilang naramdaman nang
dumating ang isa sa mga hadlang ng kanilang pagkakaibigan ay walang iba kung hindi
ang higante na akin naming ginampanan. Isang higante na may palamuti sa ulo at abot
ang kataas taasang tulad ng ulap, na handing ibagay ang lahat upang mapakasalan
ang dala na akong ginugusto.
Dalaga: Ngunit aking minamasama ng ika’y aking tanggihan ngunit ito naman ang
naging bunga ng iyong pagkagalit! Walang awa iyong sinunog ang aking bayan at ang
mga lugar kung saan ako naparoroon! Balot ng apoy iyong pinagpapatay ang mga
inosenteng mga nilalang sa kaharian ni batooy!!
Tuwaang: Gamit ang aking lakas hinamon at sibukan kong talunin ang binata ng
pangumanon ngunit taglay ng aking kakayahan ay sing lakas laman din ng binata.
Claire: kung gayon Pinano mo naman siya natalo gaya ng nabanggit mo kanina
tuwaang?
Higante: ng masira ang aming mga sandata ay aking tinawag ang aking patung at
binato at pumulupot kay tuwaang
Tuwaang: lumiyab ito ngunit sa taglay ko aking itinaas ang kanang bisig at pinatay ang
apoy. Kung saan nagkaroon ako ng pagkakataon upang siyang mapatay ang binate ng
pangumanon aking tinawag ang patung at ibinato sa binate!
Higante: na siya naming aking ikinapatay
Dalaga: hindi lamang iyan ang nagawang kabayanihan ni tuwaang, kaniya ring binuhay
ang mga tao sa kaharian ni batooy gamit lamang ang kaniyang laway! Dinala niya narin
ako patungo sa baan sakay ng kidlat.
Gungutan: Ako’y nanaginip na paroroon si tuwaang sa kawkawangan kaya ito ay aking
ikinuwento, na syang inalok ni tuwaang na sumama ako sa kanyang paglalakbay na
akin naming sinang- ayunan.
Binata ng sakadna: Maari ko bang ipagpatuloy ang kuwento? Ako naman ang binata
ng sakadna isa sa mga nakakita sa mga panyayari na naganap. Ng maka abot si
tuwaang at ang gungutan sa aking kasal, dumating narin ang binata ng panayangan na
nakaupo sa gintong upuan at dumating narin ang binata ng liwanon at binata ng
pagsikat ng araw, kinausapasn ko ang aking isang daan na tagapagsunod upang linisin
ang mga kalat sa kasal. Nngunit sinagot ako ni tuwaang na mayroon dawng mga
pulang dahon sa okasyon.
Dalaga ng Monawon: Nais kong ipagpatuloy ang sinimulan ng binata na akin dapat
papakasalan sa kuwento…Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran
ng mga kamag-anak ang mga savakan, hanggang may naiwang dalawang hindi
mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang
dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang
sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi
pangalawang bagay. Lumabas ako, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga
sa lahat ng bisita. Pagkatapos kong mabigyan ang lahat ng panauhin ng nganga,
umupo ako sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si
Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga
kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa
anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng
Sakadna.
Gungutan: nais kong isalaysay kung paano nag tapos ang labanan…. Base sa aking
nakita Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at
nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo
ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang
tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya
roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto
ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang
ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.
Hana: kung gayon dito na nagtatapos ang teleserye,makikita natin ang kabayanihan na
nagawa ni tuwaang! Kahanga-kahanga napakagandang tularan,
Claire: inuulit kami ay nagpapasalamat sa inyong oras at presensya para sa araw na ito
labis naming ikana tutuwa ang inyong pag kuwento sa paglalakbay ni tuwaang!
blessing: iniidolo ko ang kabayanihan ni tuwaang maari kop o ba kayong interbyuhin
upang malaman n gating mga taga panuod kung ano nga ba ang mensahe na dala ng
kuwento, may mahalaga po ba itong aral? Anong mga katangian ni tuwaang ang dapat
tularan ng mga kabataan sa panahon ngayon?

Aral dayon------------

Claire: maraming salamat sainyong coopersayon

hana: hanggang sa muli kayo’y tumututok sa number 1 talk show ng bayan!!

Claire and hana: magandang life!


(outro music)

You might also like