2ND Quarterly Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

INTERNATIONAL SCHOOL OF ASIA AND THE PACIFIC

ALIMANNAO HILLS, PENABLANCA, CAGAYAN


isaphsdept@gmail.com
HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA KULTURANG FILIPINO


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2018-2019
I. Maramihang Pagpilian
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag at pagkatapos itiman ang titik ng angkop na sagot sa
sagutang papel. BAWAL ANG ANUMANG URI NG PAGBUBURA.
1. Ayon sa kanya, “Ang bigkas sa isang salita ay ipinapasya, hindi ng ispeling, kundi ang kasaysayan
nito”.
a. Ferdinand de Saussure c. Ferdinand de Sausurre
b. Ferdinand Saussure d. Fernando de Saussure
2. Anong taon masusing pinag-ukulan ng pansin ng SWP ang problema tungkol sa ortograpiyang
wikang Filipino.
a. 1970 c. 1972
b. 1971 d. 1973
3. Ayon sa pagbabago ng alpabeto noong 1987, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging
.
a. Pinagyamang Alpabeto c. Pinatayog na Alpabeto
b. Pinasimpleng Alpabeto d. Pinakomplikadong Alpabeto
4. Ito ay gagamitin sa pagbabaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa
Filipino.
a. F,J,V,Z c. F,J,Y,Z
b. C,N,Q,X d. C,NG,Q,X
5. “Dukha, Dagta, Sariwa”. Ang mga naunang mga salita ay halimbawa ng mga salitang binibigkas ng
.
a. Malumay b. Malumi c. Mabilis d. Maragsa
6. Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa salitang madunog?
a. Pagbibigay-diin c. Pagpapalit ng ponema
b. Pagkakaltas ng ponema d. Asimilasyon
7. Ang pagbabagong morpoponemiko na ginamit sa mga sumusunod na salita: NIYAYA, NILINIS,
NILIPAD.
a. Reduksyon b. Metatesis c. Pagpapalit ponema d. Asimilasyon
8. “Puso, Sagana, Talumpati”. Ang naunang mga salita ay mga halimbawa ng mga salitang binibigkas
ng .
a. Malumay b. Malumi c. Mabilis d. Maragsa
9. Saan kabilang ang mga sumusunod na salita: HABA, TONO, DIIN, at ANTALA?
a. Ponemang segmental c. Ponemang suprasegmental
b. Ponemang Gramatikal d. Ponemang supresegmental
10. Anong pagbabagong morpoponemiko ang nagaganap sa mga sumusunod na salita?
“Pampelikula, Pandakot, Panlaba”
a. Pagbibigay-diin c. Pagpapalit ng ponema
b. Pagkakaltas ng ponema d. Asimilasyon
11. Ang Bahag-hari ay nasa anong kayarian ng salita?
a. Langkapan c. Tambalang Ganap
b. Payak d. Tambalang Di-Ganap
12. Ano ang tawag sa nabagong anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito?
a. Alomorposis b. morpoponemiko c. Ponema d. Alomorp
13. May mga pagkakataon na maaring palitan ng ibang ponema/tunog ang isang ponema nang hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita tulad ng :
a. Ewan-Iwan c.. Lalaki-Lalake
b. Diles-Riles d. Uso-Oso
14. Piliin ang salitang may diptonggo.
a. Yoyong b. Kamay c. Saliwan d. Platito
15. May iba’t ibang posisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita. Anong uri ng panlapi ang
matatagpuan sa salitang “ipinagsumigawan”.
a. Gitlapi b. Magkabilaan c. Hulapi d. Laguhan
16. Alin sa mga pangkat ng salita ang ginamitan ng hulapi?
a. Lupa, Bayani, Bandila, Langit c. Sumayaw, Lumakad, Sinagot, Ginawa
b. Maglaro, Umalis, Matakot, Palayo d. Ibigin, Sulatan, Sabihin, Sabihan
17. Asnan mo ang binili kong isda. Ang pagbabagong morpoponemiko na naganap sa salitang
nasalungguhitan ay:
a. Pagbibigay-diin c. Pagpapalit ng ponema
b. Pagkakaltas ng ponema d. Asimilasyon
18. Ano ang wastong pangungusap ang nagpapahayag nito: Ayaw mong tanggapin na si Roy ang
nanalo sa paligsahan.
a. Hindi si Roy/ ang kampeon// c. Hindi si Roy ang kampeon//
b. Hindi/ si Roy ang kampeon// d. Walang tamang sagot
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangungusap.
a. Malamig ngayon c. Walang Anuman
b. Kung aalis ka d. Mayroon bang dumating?
20. “Ang aking pag-ibig ay tanging sayo lamang.” Ano ang ayos ng pangungusap na ito?
a. Payak b. Tambalan c. Karaniwan d. Di-karaniwan
21. Ano ang kayarian ng pangungusap na ito: “Nakipagkita sa pangulo ang mga senador at kinatawan
ng Batasang Pambansa”
a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan d. Langkapan
22. Ito ay ang paraan ng pagpapahayag at may iba-ibang interaksyon ayon na rin sa kultura ng mga
taong gumagamit ng wika.
a. Semantika b. Pragmatiks c. Syntax d. Morpolohiya
23. Ang alomorp na [pang-] ay ginagamit kapag ang salitang inuunlapian ay nagsisimula sa mga katinig
na .
a. k,g,h,m, ng,w,y,z c. k, g, h, m, n, ng, w, y
b. K,b, h, m, n, ng, w, y d. k, g, l, m, n, ng, w, y
24. Ang mga pinagsama-samang malayang morpema at di-malayang morpema na nagbubunga ng
panibagong anyo ng salita gayundin kahulugan ay tinatawag na?
a. Leksikal na Mopema c. Infleksiyonal na Morpema
b. Gramatikal na Morpema d. Derivasyunal na Morpema
25. Ang kambal katinig ay ang dalawang katinig na magkasama sa loob ng isang pantig ay tinatawag
ding .
a. Ponema b. Klaster c. Pares Minimal d. Diptonggo
26. Ang sintaks ay nagmula sa salitang Griyego. Ano ang salitang Griyego ng sintaks?
a. Syntatein b. Synttattein c. Synttatein d. Syntattein
27. Bago pumayag si Mark na maging ispiker, tinanong niya muna kung saan at anong oras magaganap
ang seminar. Anong mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy sa pahayag?
a.Setting and Scene c. Ends
b. Key d. Norms
28. Pinatawag ni Gael ang magulang ni Anthony upang mapag-usapan ang laging pagliban nito sa
klase. Anong mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy sa pahayag?
a. Key c. Ends
b. Genre d. Act Sequence
29.Laging nagpapadala ng liham si Pepe sa kanyang asawa dahil ito ay nasa ibang bansa. Anong
mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy sa pahayag?
a. Norms c. Instrumentalities
b. Genre d. Act Sequence
30. Si Marlou ay inatasang kausapin ang isang biktima ng rape, kaya nararapat lamang na maging
seryoso ang kanilang pag-uusap. Anong mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy
sa pahayag?
a. Key c. Act Sequence
b. Genre d. Instrumetalities

31. Si Grace ay nakikipag-usap sa mga bakla at gumagamit sila ng gaylinggo sa kanilang pag-uusap.
Anong mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy sa pahayag?
a.Participant c. Act Sequence
b. Norms d. Instrumentalities
32. Hindi labis maintindihan ng mga magsasaka ang sinabi ng ispiker ng sila ay dumalo sa isang seminar
tungkol sa paggamit ng makabagong makinarya sa pagtatanim dahil ang wikang ginamit ng ispiker ay
Ingles. Anong mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy ng pahayag?
a. Participant c. Norms
b. Act Sequence d. Instrumentalities
33. Upang lubos na maunawan ng mga mangingisda ang tinalakay ni Arlene sa seminar ay isinalin niya
ito sa kanilang dayalekto. Anong mahalagang salik sa linggwistikong interaksyon ang tinutukoy sa
pahayag?
a. Act Sequence c. Norms
b. Ends d. Participant
34. Ang mga magkakaibigang Tina, Maria at Angela ay marunong magsalita ng Gaylinggo, kaya minsan
ay ginagamit nila ito sa pag-uusap tungkol sa kanilang mga sikretong ayaw nilang malaman ng iba.
Ano ang nais ipahiwatig ng varayti ng wikang kanilang ginamit?
a. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
d. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
35.Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng taong gamitin ang wika ng may angkop na panlipunang
pagpapakahulugan.
a.Etnograpiyo c. Sosyolingguwistiko
b.Komunikasyon d. Varayti
36. “Ako na ang gwapo”. Ang pangungusap ay humahaba sa pamamagitan ng_______________.
a. Kataga c. Komplemento
b. Panuri d. Pagtatambal
37. Ito ay nagsasaad ng bagay na ipinahahayag ng pandiwa at pinangungunahan ng panandang ng.
a. Komplementong kagamitan c.Layon
b. Sanhi d. Ganapan
38. “Namalagi ang mga rebelde sa bundok.
a. ganapan c. tagaganap
b. layon d. kagamitan
39. Kailan nailathala ang 28 letra sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino?
a. 1987 c. 2001
b. 1989 d. 2002
40. Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 2001 ay nabigyang bias noong_________.
a. Agosto 17, 2001 c. Agosto 19, 2001
b. Agosto 18, 2001 d. Agosto 20, 2001
41. Sa anong kagawaran nabibilang ang ikalawang kalihim na tinutukoy sa ika-24 na bilang?
a. DepEd c. DECS
b. KWF d. CHED
42. Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 ay nilagdaan noong 2001. Sino ang lumagda nito?
a. Ikalawang Kalihim Virgillio Almario
b. Ikalawang Kalihim Pat Villafuerte
c. Ikalawang Kalihim Isagani Cruz
d. Ikalawang Kalihim Lope K. Santos
43. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may wastong pagkakabaybay ?
a. Panbukid b. Pambukid c. Pam-bukid d. Pangbukid
44. Sa kumbersasyon, kailangang maging tapat at iwasang magsabi ng kasinungalingan. Ito ay
panuntunang ____________.
a. kalidad c. relasyon
b. kantidad d. paraan
45. Kabilang sa labing-isang dagdag na letra ang tatlong digrapo, Anu-ano ang mga ito?
a. SH,LL,RR c. XH,LL,RR
b. CH,LL,RR d. CH,II,RR

II. TAMA O MALI


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Itiman ang titik B kung TAMA at itiman ang titik
A kung MALI. BAWAL ANG ANUMANG URI NG PAGBUBURA.

46. Ang KWF ang bumuo ng Abakadang Tagalog.


47. Noong taong 2001 ang huling pagrebisa sa Alpabetong Filipino.
48. Alibata o baybayin ang unang paraan ng pagbabasa.
49. 25 na letra ang bumubuo sa Abakadang Tagalog.
50.Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.
51. Ang salitang awit ay hindi nakatatayong mag-isa.
52. Ang ponemang /e,i/, /o,u/, /d,r/ ay malayang nagpapalitan nang nagbabago ang
kahulugan ng salita.
53. Ang klaster o kambal-patinig ay ang dalawang letra na magkasama sa loob ng pantig.
54. Ang malumay ay salitang nagtatapos sa patinig.
55. Ang alomorp ay tinatawag sa Griyego na allomorph.

III. PAGKILALA
PANUTO:Tukuyin ang ginamit na pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento ng mga sumusunod
na pangungusap. Piliin at itiman ang angkop na sagot sa sagutang papel.

a. Komplementong Tagaganap d. Kompletong Tagatanggap


b. Komplementong Ganapan e. komplementong Sanhi
c. Komplementong Layon f. Komplementong Kagamitan

56.Ibinalot ni Di Wag ang mga tirang pagkain.


57.Bumili ng laruan si James para kay Reid.
58.Sa pamamagitan ng internet napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.
59.Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
60.Dahil kay Dim, naparusahan si Sung.
61.Namalagi sila sa evacuation area.
62. Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak naming mataas ang kaniyang marka sa mga
pagsusulit.
63.Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.
64.Nagpaluto ng palabok si Kath para kina Vince at Thrym.
65.Naglalako ng turon si Aling Kurda tuwing hapon.

IV. TRANSKRIPSYON SA ALIBATA


PANUTO: Isalin sa Tagalog ang mga sumusunod na salita bago ito isulat sa Alibata.
66.Telephone
67.Conservative
68.Love
69.Handsome
70.Exercise
Inihanda nina:

___________________ ________________________
JAMES PAUL BALTAZAR,LPT KRISTINE JOY M. FERNANDEZ,LPT

__________________________ ____________________
PRECIOUS JEWEL NUEVOS, LPT ZANDRA LEI PONCE, LPT

Recommending Approval:

CRISPINA B. ANOG, MAEd


Principal

Approved:

PRESENITA C. AGUON, PH.D


Vice President for Academic Affairs

You might also like