Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Kasunduan sa Paris, na nilagdaan noong 10

Disyembre 1898, ay ang nagpatapos ng Digmaang


Espanyol-Amerikano.[1] Nasasaad sa kasunduan ang
pagpapalaya sa bansang Cuba, ang paglilipat ng
pamumuno sa Estados Unidos sa mga bansang
Portoriko at Guam, at ang pagbili sa Pilipinas mula
sa Espanya sa halagang $20,000,000 ng Estados
Unidos.
Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang
kasunduan sa gitna ng mga Pilipino at mga Espanyol
upang matigil ang Himagsikang Pilipino noong 1896.
Sa pamamagitan ni Pedro Paterno, nilagdaan ni
Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang Kasunduan
sa Barangay Biak-na-Bato, San Miguel, Bulacan.
Itinakda ng kasunduan na:

1. Ang mga kawal-Pilipino ay titigil sa kanilang


pakikipalaban sa mga Espanyol;
2. Isusuko ng mga kawal-Pilipino ang kanilangmga
armas; at
3. Kusang-loob na magpapatpon si Aguinaldo at iba
pang mga lider ng Republika ng Biak-na-Bato.

Bilang kapalit ng mga Pilipino, magbabayad


ng P800,000 ang pamahalaang Espanyol sa mga
Pilipino. Ipagkakaloob ito sa tatlong bigayan;
P400,000 pagkaalisng pangkat ni Aguinaldo;
P200,00 kapag umabot ng 800 na sandata ang
isinuko ng mga kawal-Pilipino; at P200,000 kapag
napahayag na ng amnestiya si Gobernado
Heneral Primo de Rivera.
Ang Republika ng Biak-na-Bato (Kastila: República de
Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang
ang Republik ng Filipinas (Kastila: República de Filipinas) ay ang
kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng
manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga
kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gata ng
pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas,
ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang
kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa
pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral
Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at
pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong.

You might also like