Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ika-5 ng Nobyembre 2016

Bb. NICOLE SACMAN


Suprema
UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP)

Bb. Sacman:

Pagbati!

Ako si John Carlo S. Santos, ang kinatawan ng isang pangkat ng mga mag-aral sa Fil 40 – Wika, Kultura,
Lipunan sa ilalim ng pagsubaybay at pamamahala ni Prop. Alwin Aguirre, PhD ng Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas – Kolehiyo ng Arte ng Literatura (DFPP-KAL).

Matapos ang isang pananaliksik na sinimulan ng aming pangkat, natalos namin na ang UP KAPPP ang
nag-iisang akademikong organisasyong patuloy na nagtataguyod ng walang hanggang pagsasapilipino
na may pokus sa multi-disiplinaryong pag-aaral ng mga disiplinang nasa Agham Panlipunan at
Pilosopiya. Sa kadahilanan na ang aming pangkat ay nakatuon sa sosyolinggwistikong pag-aaral ng
rehistro ng wika ng lipon ng mga mag-aaral ng isang organisasyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman,
nais naming hingin ang inyong pahintulot na gawin naming pangunahing paksa ng pagsusuri ang
inyong organisasyon. Ang aming pag-aaral ay may isang layuning alamin ang klase ng wika at diskurso
ng ilan sa mga miyembro ng UP KAPPP sa loob (panlahatang pulong, papeles, mga liham) at labas
(social media, patalastas, pakikipagkapwa sa mga mag-aaral na hindi miyembro ng organisasyon) nito.
Nakatala sa ilalim ang mga tiyak naming kahingian upang maisagawa nang maayos ang aming
pananaliksik:

1. Mai-access ang ilan sa mga pangunahing papeles ng UP KAPPP tulad ng katitikan ng pulong,
konseptong papel, saligang batas, mga liham pakikipagkapatiran, kasulatang panloob,
mahahalagang anunsyo, larawan at/o bidyong patalastas hinggil sa mga gawain, koda ng
kasaysayan, atbp.
2. Makapagmasid sa isa sa mga gawain o panlahatang pulong ng mga miyembro ng UP KAPPP.
3. Panayam sa pitong miyembro ng sangguniang tagapagpaganap (at ilang miyembro ng mga
lupon kung maaari).

Kalakip ng liham na ito ang aming konseptong papel upang malaman ninyo ang magiging takbo ng pag-
aaral. Tunguhin ng aming pangkat na matapos ang lahat ng mga ito sa loob ng isa hanggang dalawang
linggo.

Inaasahan naming ang inyong positibong pag-ayon at permiso bago ang ika-7 ng Nobyembre 2016.
Maraming salamat at padayon!

Sumasaiyo,

sgd.
JOHN CARLO S. SANTOS
+63 926 143 8164 / johncarlosantos72@gmail.com
BA Philippine Studies
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Sosyolinggwistikong Pagsusuri sa Wikang Gamit ng mga Miyembro ng UP Kalipunan para sa Agham
Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP) sa Loob at Labas ng Organisasyon: Isang Case Study

Konseptong Papel

Ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman ay ang puno ng buong sistemang UP. Ito ay may 79
na mga hindi-graduwadong kurso, 27 na mga kolehiyo, at mahigit 16 000 na mga iskolar ng bayan. Dahil
sa lawak ng mga aralin nito, maraming mga pangkat ng mga mag-aaral ang bumubuo ng mga
organisasyon na magbubuhat ng kaniya-kaniyang mga layunin na tutulong hindi lamang sa kanilang
mga sarili, pati na rin sa unibersidad, bansa, at sambayanan. Sa katunayan, mayroong 198 na paunang
bilang ng mga organisasyong nasa talaan ng Office of the Vice Chancellor for Student Affairs na patuloy
pa ring dumarami. Nahahati ang mga ito sa iba’t ibang kategorya – alliance, fraternity, sorority, academic
organization, cause-oriented organization, religious groups, regional/provincial organizations, special
interest, at sports and recreation. Ang bawat organisasyon ay binubuo ng hindi bababa sa 15 na mga
miyembro na madalas na may pagkakataong mula sa magkakaibang kurso.

Isa sa mga academic organizations ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at


Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP) na naka-base sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
(KAPP). Noong 2015-2016, mayroon silang 45 na mga miyembro na may magkakaibang mga kurso.
Layunin ng organisasyon ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral at walang hanggang pagsasapilipino
ng mga disiplinang nasa base nilang kolehiyo. Buhat ng kanilang layunin, ang ngalan ng kanilang mga
lupon ay nasa-Filipino. Ang kanilang sangguniang tagapagpaganap ay ang mga sumusunod – Suprema,
Katalonan, Sugo, Ingat-Yaman, Kalihim, Umalohokan, at Punong Mananaliksik. Dagdag dito, ang lahat
ng kanilang mga akademikong diskusyon tulad ng KAPPPihan, mga gawain tulad ng Pista ng Pagkaing
Pilipino, at iba pang mga paksa ay nasusulat sa Filipino. Malimit nilang gamitin ang ating Pambansang
Wika sapagkat ito ang kanilang pangunahing adbokasiya na ngayon ay nasa 16 na taon na. Makulay at
aktibo ang papel ng ating wika sa UP KAPPP. Ngunit, sa kabila nito, Filipino rin ba ang pangunahing
wika na ginagamit ng lahat ng mga miyembro nito?

Layunin ng papel na ito, sa pamamagitan ng isang case study, na suriin kung ano ang rehistro
ng wikang ginagamit ng mga miyembro ng UP KAPPP sa loob at labas ng organisasyon. Sa panloob
na pag-aaral, aalamin ng mga mananaliksik kung anong uri ng wika at diskurso ang ginagamit ng
kalipunan sa kanilang mga papeles, liham, panlahatang pulong, larawang o bidyong patalastas, liham
pakikipagkapatiran, anunsyo, atbp. Sa panlabas na pag-aaral naman, sasaklawin nito ang
pangunahing wika ng organisasyon sa kanilang facebook at iba pang social media accounts.
Magkakaroon din ng serye ng pakikipanayam sa ilan sa mga miyembro na tatalakay sa wikang gamit
nila sa pakikipagkapwa sa mga mag-aaral na hindi miyembro ng UP KAPPP. Aaralin kung
nagdudulot ba ng impluwensiya ang pagsasapilipinong adbokasiya ng organisasyon sa pagtiyak kung
may nagaganap bang pagbabago sa paraan ng pakikipagkapwa nila pagbalik sa sari-sariling kolehiyo
na may rehistrong taliwas ng sa UP KAPPP.

You might also like