Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG KUMPLETONG PASILIDAD SA

ELIM CHRISTIAN ACADEMY INC.

Isang Pamanahong Papel na Iniharap

sa Lupong Paaralang Sekondarya

Elim Christian Academy Inc.

Lungsod ng Trece Martires

Bilang Bahagi sa mga

Gawaing Kailangan sa Pagpasa sa

Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Dimaunahan, Erica T.

Estacio, John Joseph R.

Garcia, Junie Anne L.

Ogarte, Jeanekaye B.

Ruiz, Christler B.

Bartolo, Essai Mark D.

Lim, Leonardo Hanz


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng sabjek na Filipino 1, Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik; Ang Pananaliksik na ito na pinamatagang Ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa Elim Christian Academy Inc. ay inihanda at iniharap ng

pangkat ng mga mananaliksik mula sa 11 - STEM na binubuo nina:

___________________ ___________________ __________________

Erica T. Dimaunahan Jeane Kaye B. Ogarte John Joseph R. Estacio

___________________ ____________________ ___________________

Christler B. Ruiz Essai Mark D. Bartolo Leonardo Hanz L. Lim

___________________

Junie Anne L. Garcia

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, paaralan ng Elim Christian

Academy, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik.

G. Jay Aviola
Guro

ii
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal,

tanggapan at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na

suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pagbuo ng

pamanahong papel na ito:

Kay G. Jay Aviola, ang aming minamahal na guro sa Filipino, salamat sa paggabay

sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathalaang

aming papel;

Sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aming pinaghanguan ng mahahalagang

impormasyon sa una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel na ito;

Sa Baitang 7 na aming naging respondente, salamat sa paglaan ng panahon upang matapat

at makatotohanang masagutan ang inihandang naming kwestyoneyr,

Sa aming mga kani-kaniyang pamilya na gumabay, sumuporta, at umunawa sa amin sa mga

panahong naghihirap at ginugugol an gaming oras sa paggawa ng proposal na ito, at higit sa

lahat;

Sa Diyos Amang Makapangyarihan, sa pagdinig sa aming mga panalangin at pagtugon sa

aming nais na matapos ang pamanahong-papel na ito sa itinakdang oras. Muli, maraming-

maraming salamat po sa inyong lahat.

iii
Erica T. Dimaunahan

Jeane Kaye B. Ogarte

Junie Anne L. Garcia

John Joseph R. Estacio

Christler B. Ruiz

Leonardo Hanz L. Lim

Essai Mark D. Bartolo

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Fly Leaf I ………………………………………………………………... i

Dahon ng Pagpapatibay ………………………………………………… ii

Pasasalamat ……………………………………………………………… iii

Mga Nilalaman ………………………………………………………… v

Fly Leaf II ………………………………………………………………. 1

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito ………………………… 2

1. Introduksyon …………………………………………………….. 2

2. Layunin ng Pag-aaral ……………………………………………. 4

3. Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………. 5

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ……………………………... 7

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………………… 8

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura …………… 11

Kabanata III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik ……………………. 15

1. Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………… 15

2. Mga Respondente ……………………………………………….. 16

3. Instrumentong Pampananaliksik ………………………………… 16

4. Tritment ng mga Datos …………………………………………… 16

Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ………... 17

Kabanata V Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ……….......... 27

v
1. Lagom ………................................................................................ 27

2. Konklusyon ………........................................................................ 27

3. Rekomendasyon ………................................................................ 29

Listahan ng mga Sanggunian ……….................................................... 30

Apendiks ………..................................................................................... 32

A. Sarbey-Kwestyoneyr ………........................................................ 32

B. Mga Larawan ………................................................................... 34

vi
KABANATA I

INTRODUKSYON

Ayon kay Grant Finster “We would like to build a sustainable school facility in each

community, provide training to local teacher and supply children with a sufficient amount of

educational supplies”. Ang paaralan ay isang institusyon na naglalayong magbigay ng

karagdagang kaalaman sa bawat batang pumapasok at nag – aaral dito. Isang tahanang

pumapangalawa sa bawat batang nag nanais matuto. Maraming salik ang kinokonsiderasa isang

institusyon upang matawag ito na isang paaralan ayon sa DepEd na katulad ng mga pasilidad na

siyang nagsisilbing kagamitan upang mas mapaunlad ang kaalaman ng bawat mag – aaral.

Ang mga pasilidad sa mga paaralan ay napakahalaga para sa mga estudyante para mas

lalong matuto. Ang mga pasilidad na ito ay nagbibigay sa kanila ng aktuwal na karanasan sa

kanilang mga pinag-aaralan.

May palikuran, silid-aklatan, kainan, silid-aralan at marami pang iba ay iilan lamang sa

mga pasilidad na mayroon dapat ang isang paaralan. Laking tuwa naman namin dahil ang aming

paaralan ay nagtataglay ng ganitong mga pasilidad. Hindi man masasabing kumpleto ngunit ang

mahalaga ay mayroon ang mga pangunahing pasilidad na silid-aralan, kainan, silid-aklatan at

palikuran. Malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral lalo na sa kanilang pag aaral. Kung walang

maayos na silid aralan ang mga mag-aaral ay di sila gaganahan magaral at tatamarin na sila.

Katanggap-tanggap pa yung maalinsangan na panahon ngunit kung wala man lang maayos na

bentilador at mga ilaw sa isang silid-aralan ay abuso na. Mahihirapan sila mag aral dahil sa mga

kakulangan ng gamit. Sa mga palikuran naman at kainan ay dapat sinisiguradong malinis ito

palagi dahil kaunting dumi lamang dito ay maaaring pagmulan ng sakit. Sakit na makakahantong

2
sa kawalan ng pokus sa pag aaral. Kasabay ng dekalidad na pagtuturo ay dapat samahan ito ng

maayos na mga pasilidad.

Pasilidad ang maghahanda sa isang estudyante kung gaganahan ba siya mag aral o hindi.

Kung malinis, tahimik at organisado ang kapaligiran ay tiyak na gaganahan silang mag aral. Sa

pamamagitan nito ay dadami pa ang mga produktibong mga estyudante na mag-aangat sa ating

bansa.

3
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman kung ano ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa Elim Christian Academy Inc.

Ang sumusunod ay magsisilbing gabay sa pag-aaral na ito:

1. Paano nakatutulong ang kumpletong pasilidad?

2. Paano mapapangalagaan ng mga mag-aaral ang mga pasilidad sa paaralan?

3. Bakit kinakailangan ng isang paaralan ang magkaroon ng kumpletong pasilidad?

4
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Dahilan sa mabilis na pag-unlad ng ating bansa sa larangan ng edukasyon, lalong

nadaragdagan ang mga bagay na kailangan gawin. Anuman ang maging resulta ng pag-aaral na

ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: sa mga mag-aaral, sa mga guro,

sa mga pinuno ng paaralan, at maging sa ibang mga mananaliksik.

Para sa mananaliksik;

Sa pananaliksik na ito na pinamagatang “ANG KAHALAGAHAN NG

PAGKAKAROON NG KUMPLETONG PASILIDAD SA ELIM CHRISTIAN ACADEMY,

INC.” ay nakakalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik na nagsilbi upang lalo pang

madagdagan ang kaalaman ng bawat isa at maintindihan ng lubos ang mga mag-aaral at ang

tunay na kahalagahan ng kumpleto at maayos na pasilidad.

Para sa mag-aaral;

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang imulat ang bawat isipan ng mga mag-

aaral sa tunay na kahalagahan ng edukasyon at ng kahalagahan ng maayos at kumpletong

pasilidad para sa mga mag-aaral at nang sa gayun ay makapag-bahagi rin ang mag-aaral sa

kapwa nila mag-aaral tungkol sa maayos na pasilidad.

5
Sa Elim Christian Academy Inc.;

Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa komunidad ng ECA at upang

mapangalagaan at mapanatiling maayos ang paaralan na ito at lalo pang makilala ang paaralan sa

Magandang kalidad ng Edukasyon.

6
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng

kumpletong pasilidad sa Elim Christian Academy Inc. Saklaw nito ang mga estudyante mula sa

baitang 7 ng Elim Christian Academy Inc.

Nakapokus din ang paksang ito, sa pasilidad ng paaralan, kung paano nakatutulong ang

kumpletong pasilidad, ano ang epekto nito sa mga mag-aaral, paano mabibigyang kabuluhan ang

pasilidad sa paaralan, at paano mapapangalagaan ng mga mag-aaral ang mga pasilidad sa

paaralan.

Ang pananaliksik ay binubuo ng pitong (7) mananaliksik na kung saan bawat isa ay

nagtulong-tulong at nag-ambag ng mga kaalaman upang maisagawa ng maayos ang pananaliksik

na ito.

7
DEPINISYON NG MGA TERMONOLOHIYA

Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan bataysa pag-aaral na isinagawa ng mga

tagasaliksik.

1. Paaralan- ang paaralan ay isang institusyon na kung saan pormal ang pagtuturo at

makakapulutan ng kagandahang asal at disiplina. Dito matatagpuan ang mga guro at

estudyante na nagpapalitan ng kaalaman.

2. Department of Education (DepEd) - ay ang departamentong tagapagpatupad ng

pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng

kalidad ng Edukasyon sa Pilipinas. Ito ang pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang-

edukasyon at responsable sa sistemang pang-elementarya at pang-sekondarya dito sa

Pilipinas.

3. Silid-aralan- ay isang espasyo para sa pag-aaral, isang silid na kung saan natututo ang

mga bata at matanda ng iba'tibang mga bagay. Matatagpuan ang mga silid-aralan sa mga

iba't ibang institusyon pang-edukasyon, mula sa mga preschool hanggang sa mga

pamantasan, at maaring matagpuan din sa ibang mga lugar kung saan mayroong

pagsasanay o edukasyon na binibigay, katulad ng mga korporasyon at organisasyong

pang-relihiyon o makatao.Sinusubok ng silid-aralan na magbigay ng isang espasyo kung

saan ang pagkatuto ay hindi naabala ng panlabas na gambala.

4. Silid-aklatan - Ang silid-aklatan o ang "library" ay isang mahalagang bahagi ng isang

paaralan. Sa silid-aklatan makukuta ang iba't ibang klaseng mga libro at iba pang mga

kagamitan na maaaring gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ang

ipapatayong silid-aklatan ay malaking tulong sa mga mag-aaral sa pagkuha ng mga

impormasyon at ideya ukol sa kanilang mga aralin. Napakahalaga ng silid-aklatan sa mga


mag-aaral dahil dito sila makakakuha ng mga "reliable sources" na magagamit nila sa

kanilang pag-aaral. nakakatulong din ito sa mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang

kaalaman at madagdagan ang kanilang mga bukabulario mula sa pagbabasa ng mga libro.

Maiiwasan din ang pagkalat ng mga maling impormasyon mula sa "internet". Ayon sa

mga pag-aaral malaki ang naiaambag ng mga silid-aklatan sa pag-unlad at pag-asenso ng

mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral na nag-aaral sa isang paaralan na may silid-aklatan

ay mas magagaling bumasa kaysa sa karaniwan.

5. Bentilador - ay isang dekuryenteng kagamitang nakalilikha ng daloy ng hangin upang

maginhawaha ang tao o nilalang tuwing mainit. Para rin ito sa pagkakaroon ng

tamang bentilasyon, pagpapalamig, at ibang panghangin paggalaw o pagdadala ng

hangin. Sa konseptong mekanikal, maaaring maging anumang umiikot na banoglawin o

mga banoglawin (parang elisi o propeler) ang isang bentilador o "dekuryenteng

pamaypay" na ginagamit sa paggawa ng mga daloy ng hangin.

6. Black board o Pisara - Ang pisara ay importanteng bagay na matatagpuan sa mga

paaralan. Ginagamit ito n gating mga guro sa pagturo ng kanilang mga leksyon. Ang

pisara ay maaring kulay berde na ginagamitan ng tsalk bilang panulat. Ang ibang pisara

naman ay kulay puti, kung saan marker ang ginagamit bilang panulat. White board ang

tawag dito sa ingles. Hindi makukompleto ang isang araw ng pag-aaral kung hindi tayo

gagamit ng pisara. Sa asignaturang Matematika, mahalagang-mahalaga ang pisara dahil

dito isinusulat ang iba’t-ibang halimbawa ng problemang numero. Kung hindi tayo

gagamit ng pisara, mahihirapan tayong intindihin ang iresolba ang mga problemang

matematika. Sa ibang asignatura naman, mahalaga ang pisara dahil ginagamit itong

pagsulat ng mahahalagang salitang ibinibigkas ng guro na maaaring kopyahin ng mag-

8
aaral bilang kanilang leksyur. Malaki ang halaga ng mga pisara, sa ating pag-aaral, kung

wala ito tayo ay mahihirapan.

7. Telebisyon – ang midyum ng telekomunikasyon na naghahatid ng mga gumagalaw na

imahe na maaring monochrome o colore, mayroon o walang tunog at ginagamit din ito sa

paaralan.

8. Palikuran - ay karaniwan sa lahat ng tao sa mundo sapagkat dito tayo naliligo,

nagsisipilyo, nagbibihis, nag-aayos at iba pa sa silid palikuran, kailangan kumpleto ang

mga kasangkapan nagagamitin. Katulad ng sabon, shampoo, conditioner at iba pang mga

gamit. At yun ay kung tayo ay nasa bahay lamang. Ngunit, kahit tayo ay nasa paaralan,

kailangan pa rin kumpleto ang kasangkapan kagayang handwashing soap, toilet paper at

higit sa lahat malamig at hindi mainit na tubig. Kadalasan ng mgatao ay pumupunta sa

palikuran bawat oras para makapaginhawa, kailangang obserbahan at panatilihinang

kalinisan nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa kalusugan o

infection saurinary bladder.

9. Kantina - ay nakakadagdag atraksyon din sa loob ng paaralan. Bukod rito, dito tayo

kumakain at nag bibigay oras upang magkasama-sama ng mga kaibigan sa iba't ibang

grado o seksyon.

10. Pasilidad- ay isang material na bagay na makikita sa loob at labas ng bahay.

Yulad ngkompyuter, aircon, ilaw at T.V. Monitor.

11. Pananaliksik- ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na

humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano

ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa

pamamagitan ng pagpapatunay (o nghindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o

9
mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsuboksa mas mainam na pagpapaliwanag ng

mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesongmapagsuri, sistematiko o

maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo).Nararapat na

masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat

itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi

nakikilalangbagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

12. Institusyon - ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay mga

organisasyon o lipunan na pinatatatag ng iisang misyon. Ang institusyon ay isang lipunan

o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan, o mga

katulad na layunin.

13. Edukasyon - ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa

kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na

humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang

dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang

kapaligiran.

14. Estudyante o Mag-aaral - Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at

makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pagiging

estudyante. Ang mga estudyante ay nangangailangan ng mga silid-aralan at mga

kagamitan pang-iskwela.

15. Guro - isang di matatawarang propesyon na siyang tumutulong sa paghubog ng mga

susunod na henerasyon para sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Ito’y isang

panunumpa sa sarili na pang habambuhay na maalala ng mga estudyante.

10
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay isinaalang-alang ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Inilahad din ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na higit na

makatutulong sa ginawang pagsusuri ng kakulangan sa pasilidad.

Banyagang Literatura

Ayon sa nalimbag na aklat “College and University Facilities” ni David J. Hueman noong

2003 bawat pasilidad sa isang paaralan o unibersidad ay mahalaga. Malaki ang naitutulong nito

para mas mapaunlad ang mga kakayahan at abilidad ng bawat estudyante. Tinalakay din dito na

dapat angkop ang disenyo ng bawat gusali para mas maging kaaya-aya sa paningin ng mga mag-

aaral, kasama narin ang tibay ng mga ito.

Isa rin sa mahalaga at nakakaapekto sa pagkakaroon ng magandang pasilidad ay ang mga

tinatawag na “State Regulators”, na binaggit sa librong “Planning and Managing School

Facilities 2nd Edition ni Teodore J. Kowalski, noong 2003. Ang mga State Regulators ang unang

gumawa ng mga hakbangin para sa pagpaplano sa mga unibersidad at eskwelahan, halimbawa

nito ang kagawaran ng Edukasyon at Commission on Higher Education (CHED). Ayon pa kay

Kowalski malaki ang nagiging epekto nila sa pagkakaroon ng maganda at maayos na pasilidad

ng isang paaralan dahil ang mga State Regulators na ito ang isa sa mga may hawak ng badyet

para sa mga unibersidad at paaralan.

11
Ayon naman kay Rutter Maughan 2002, mas nakakaapekto ang kalidad ng paaralan,

kalakip nito ang mga guro, estuktura at pasilidad sa progreso ng isang mag-aaral kaysa sa

panlipunang kasaysayan. Hindi pare-pareho ang abilidad ng bawat mag-aaral kaya’t hindi

maiiwasang magkaiba ang epekto nito sa kanila. Gayunpaman, ang pagpapatibay at pagpapa-

unlad ng kalidad ng isang institusyon ay makakagawa ng malaking dahilan upang mas mapagaan

ang paghihirap sa pag-aaral.

12
Lokal na literatura

Ayon sa aklat na “Education Psychology” nila Gaudencio V. Aquino at Perpetua U.

Razon na nilimbag noong 2000, malaki din ang ginagampanang papel ng mga guro at dalubguro

para sa pagkatutong mga mag-aaral. Kailangang maging bukas ang mga guro sa kanilang mga

mag-aaral para mas madali silang magkaintindihan.Mas mainam din kung ang mga guro at

dalubguro ang mangunguna sa paggamit ng mga teknolohiya o bagong pasilidad sa pagtuturo

sapagkat mas nakadaragdag ito ng kaalaman at mas nagiging malinaw sa mga mag-aaral ang

kanilang pinag-aaralan.

Ayon kay Schneider (2002), ang pagkakaroon ng maayos na kapaligiran ay isang

mahalagang parte sa pagkamit sa tagumpay ng isang mag-aaral. Ang pagkakaroon ng maayos na

kapaligiran ay nakatutulong upang makapag-isip ng maayos ang mga mag-aaral na

makapagpapataas sa kanilang grado.

Ayon kay Raychauduri, Amivata, Majundar (2010). Ang mga pasilidad ng paaralan ay

naobserbahan bilang isang makapangyarihang kadahilanan sa kalidad na edukasyon. Ang

kahalagahan ng proseso ng pagtuturo at pag-aaral ay hindi maaring bigyan-diin. Ang mabisang

pag-aaral ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng isa pakikipag ugnayan sa kapaligiran. Ang

kapaligiran ay tumutukoy sa mga pasilidad na magagamit upang mapadali ang mga mag-aaral na

matutunan ang kinalabasan o tagumpay. Kabilang sa mga pasilidad na ito ang gusali ng

paaralan,aklatan , laboratoryo, mga aklat-aralin, software at hardware ng teknolohiyang pang-

edukasyon.Ang mga pasilidad na ito ay tumutulong upang maapektuhan ang pagpapahusay ng

pag aaral ng mga mag-aaral.Ito ay maaaring maisasakatuparan kapag mayroong mga

kwalipikadong guro upang mahawakan ang paksa at ang mga pasilidad ay magagamit.

13
Nakilala ang mga pasilidad bilang pangunahing dahilan ng pag-aaral sa paaralan. Iba’t

ibang pag-aaral na isinagawa ng Ayodele (2006) at Vandider (2011) ay nagpakita na ang isang

positibong relasyon ay umiiral sa pagitan ng pagkakaroon ng mga pasilidad at pang-

akademikong tagumpay ng mga estudyante. Pagsusulat sa papel na ginagampanan ng mga

pasilidad sa pagtuturo.

14
KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag atmailahad ang mga paraang ginamit

ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptiv. Tinutukoy dito kung mayroon bang

koneksyon ang kahalagahan ng kumpletong pasilidad sa paaralan. Ang ginagamit sa pananaliksik

ay ang metodong sarbey, panayam upang mangalap ng kakailanganing datos para sa pag–aaral

na ito.

Ayon kay Best (1993) ang palarawang pananaliksik o deskriptiv ay isang imbestigasyon

na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang paksa. Binibigyan kahulugan nito kung ano

ang magiging epekto ng pakikipagrelasyon sa pag-aaral ng mga esudyante sangkot man o hindi

dito.

Ang pananaliksik na ito ay kailangan punan ng mga respondente ang mga inihandang

talatanungan ng mga mananaliksik upang ang mga datos at impormasyon na kailangan ay

makakalap at makokolekta.

15
Respondente ng Pananaliksik

Upang makakuha ng impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “Ang kahalagahan

ng kumpletong pasilidad sa Elim Christian Academy Inc.” Ginamit ng mga mananaliksik nilang

tagatugon ang mga mag-aaral, guro, sa Elim Christian Academy na may bilang na tatlumpu’t

isang estudyante. Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa ika-siyam na baitang

sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa pamanahong papel

na ito. Dagdag pa nito, sila ay may sapat na kaalaman sa pagsagot ng katanungan sa aming

sarbey kwestyuner.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang survey ay

nagbigay ng iba’t ibang persepsyon tungkol sa epekto ng social media sa mga mag-aaral.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga surbey o kuwestiyoner na

ipinamigay sa mga mag aaral na naglalaman ng mga tanong na patungkol sa paksa. Ang pagkuha

ng bilang at porsiyente ay nakabase sa nagiging abay at batayan. Ang mga naging sagot ng

respondonte sa katanungan ang naging gabay para makuha ang bilang at porsiyento sa

pananaliksik.

16
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Presentasyon:

Mga Social Media na Madalas Gamitin


Skype
0%
Instagram
16%

Facebook Facebook Twitter


41%
Instagram Skype

Twitter
43%

Interpretasyon:

Ika-unang katanungan: Anong klaseng “social media” ang madalas mong gamitin?

 Ipinapakita nito na ang 43% sa mga estudyante ng baitang 9 ang gumagamit ng Twitter

kaysa sa ibang “social networking site”

17
Presentasyon:

Oras sa Paggamit ng Social Media

1-2 oras
20%
7-8 oras 1-2 oras 3-4 oras
40%
5-6 oras 7-8 oras
3-4 oras
17%

5-6 oras
23%

Interpretasyon:

Ikalawang katanungan: Ilang oras kang gumagamit ng “social media” sa isang araw?

 Isinasaad nito na 40% ang gumagamit ng “social media” ng 7-8 oras sa isang araw sa

mga estudyante ng baitang 9.

18
Presentasyon:

Dahilan ng Paggamit ng Social Media

Komunikasyon Libangan
35% Proyekto at Takdang Aralin
Libangan
47% Komunikasyon

Proyekto at Takdang
Aralin
18%

Interpretasyon:

Ikatlong katanungan: Saan mo madalas ginagamit ang “social media”?

 Halos kalahati ng mga estudyante na may pursyento na 47 ang gumagamit ng “social

media” bilang libangan kaysa sa ibang mga dahilan ng mga ito.

19
Presentasyon:

Mga Positibong Epekto ng Social Media

Madali na ang
paggawa ng Madali ang pakikipagkomunikasyon
takdang aralin Naibabahagi ang talento
28% Madali ang pagkikipag-
komunikasyon… Madali na ang paggawa ng takdang aralin
Naibabahagi ang
talento
9%

Interpretasyon:

Ikaapat katanungan: Anong positibong epekto ang iyong nakukuha sa paggamit ng social media?

 63% ng mga estudyante ang nagsasabing mas napapadali nito ang

pakikipagkomunikasyon sa ibang tao.

20
Presentasyon:

Mga Negatibong Epekto sa Paggamit ng


Social Media

Umiikli ang
pasensya
10%
Kulang sa tulog

Kawalan ng pokus sa pag-aaral


Kawalan ng pokus sa
pag-aaral
Umiikli ang pasensya o madaling magalit
Kulang sa Tulog
31% 59%

Interpretasyon:

Ikalima katanungan: Anong negatibong epekto ang iyong nakukuha sa paggamit ng social

media?

 Mayroong 59% ng mga eestudyanteng respondente ang nagsasabing sila ay

nakukulangan sa tulog dulot ng paggamit ng “social media”.

21
Presentasyon:

Dahilan ng Pagkahumaling ng Kabataan sa


Social Media

Naiimpluwensyahan Libangan
ng lipunan Libangan… Nakikisabay lamang sa uso
43%
Naiimpluwensyahan ng lipunan

Nakikisabay
lamang sa uso
6%

Interpretasyon:

Ikaanim katanungan

Sa iyong pananaw, bakit maraming nahuhumaling na kabataan sa paggamit ng social media?

 Dulot ng kalibangang naibibigay ng social media sa mga kabataan, mayroong


nagsasabing ito ang nagiging dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa
paggamit nito.

22
Presentasyon:

Tugon ng mga Nakaranas ng Cyberbullying

Ipinaalam sa
magulang
14%
Ipinaalam sa magulang

Ipinagsawalang Gumanti
bahala na lamang
43% Gumanti
29%
Ipinaalam sa tagapayo ng
eskwelahan
Ipinaalam sa
tagapayo ng
eskwelahan
14%

Interpretasyon:

Ikapito katanungan: Nakaranas ka na ba ng Cyberbullying?

 May 77% ng mga estudyante ng baitang 9 ang nagsasaad na sila ay hindi pa nakakaranas

ng Cyberbullying.

23
Presentasyon:

25
Bilang ng mga Nakaranas ng Cyberbullying

Oo
23%

Oo Hindi

HIndi
77%

Interpretasyon:

Ikawalo katanungan: Kung oo ang iyong sagot, sa pangpitong katanungan, ano ang iyong naging

tugon?

 Sa 23% ng mga kabataan na nakaranas ng Cyberbullying, kalimitan sa kanila ang

ipinagsawalang-bahala na lamang ang pangyayaring ito.

24
Presentasyon:

Pagtugon ng mga kabataan sa Paggugol ng


Oras sa Social Media

Hindi Oo Hindi
Oo 43%
57%

Interpretasyon:

Ikasiyam katanungan: Mas ginugugol mo na ba ang iyong oras sa paggamit ng “social media”
kaysa sa ibang bagay?

 Sa lahat ng mga tumugon sa surbey na ito, mayroong 57% ng mga estudyanteng mas
iginugugol ang kanilang oras sa paggamit ng “social media”.

25
Presentasyon:

Bilang ng nabago ng Social Media sa


paniniwala ng mga Kabataan

Hindi
Oo Hindi
37%

Oo
63%

Interpretasyon:

Ikasampung katanungan: Nababago ba ng “social media” ang iyong mga paniniwala sa buhay?

 Isinasaad ng mga estudyanteng may 63% ng baitang 9 ay nagsasabing nababago ang


kanilang pananaw sa paggamit ng “social media”.

26
KABANATA V

LAGOM, KONKULUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon tung-kol sa mga mabuti

at di mabuting naidudulot ng social networking sites sa mga estudyanteng nasa baiting 9 ng Elim

Christian Academy. Ang pag-aaral ay gumamit ng disenyong deskriptib -

analitik. Para makakalap ng mga datos, nag-disenyo ang mga mananaliksik ng sarbey-

kwestyuneyr para sa tatlumpung (30) respondente.

KONKLUSYON

Sa pagwawakas ng pag-aaral na ito tungkol sa pagsali sa mga Social Media, nais ilahad

muli ng mga mananaliksik ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap na mga datos. Ang pag-aaral

na isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw sa mga piling mag-aaral ng baiting 9 ng

Elim Christian Academy sa pamamagitan ng sarbey. Napakalaking porsyento ng mga mag-aaral

ang may kaalaman gumagamit ng mga Social Media Sites. Isang simpleng dahilan

ng pagkakaroon ng bawat kabataan ng Social Media Site ay upang makihalubilo

28

sa ibang mga tao sa internet. Sa mga uri ng Social Media Sites, may kanya-kanya

ring preperensya ang mga tao, higit na ginagamit ng mga mag-aaral ang Twitter ngayon kumpara

sa Facebook, Skype at & Instagram. Ito ay tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social

Media, na ang Twitter ay isa nasa pinakapopular na Social Media Site sa Pilipinas.
Matalino pa ang mga kabataan tungkol sa kung gaano kalaki ang oras na kanilang ilalaan

para sa mga Social Media Sites pero minsan ay masyado talagang nasasayang ang oras nila dito.

Pero nabibigyan pa din nila oras ang mga mas mahahalagang bagay na dapat nilang unahin gaya

na lamang ng pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan. Pagiging maingat din ang

higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang nila ang mga impormasyon na kanilang

inilalathala sa internet; hindi nag-iimbita ng mga taong hindi nila kakilala.

Sa kabuuan, ang Social Media ay may higit na mabuting naidulot sa mga mag-aaral.

Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral, napagtitibay ang relasyon ng

mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay-

sosyal, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kai-bigan na matagal ng walang komunikasyon sa

isa’t-isa at higit sa lahat, naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay.

29

REKOMENDASYON

Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

 Para sa mga mag-aaral, dapat magkaroon ng time management upang may kusang pokus

sa pag-aaral. Mayroong oras para sa paglilibang at mayroon ding

oras para sa trabaho at edukasyon. Dapat bigyang prayoriti ang mga mahahalagang bagay

sa buhay.

 Para sa mga magulang, dapat maintindihan nila ang adbentahe at disadbentahe ng

paggamit ng social media ngayon. May mabuting naidudulot ang social media sites lalo

na sa sosyal na aspe-to ng isang indibidwal. Pero dapat ding mag-ingat, dahil nakakasama

ang anumang sobra.


 Para sa administrador ng paaralan at mga guro, maaari nilang gamitin ang social media

sites bilang makabagong feature bilang kasangkapan sa pagtuturo.

 Para sa mananaliksik sa hinaharap, maaari pang magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa

social media at ang epekto nito sa edukasyon, komersiyo at siyensya.

30

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

 https://www.researchgate.net/publication/295010160_The_effects_of_social_media_on_s

tudents'_behaviors_Facebook_as_a_case_study

 https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG_EPEKTO_NG_S

OCIAL_NETWORKING_SA_MGA_KABATAAN

 https://www.academia.edu/33268489/EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_PATULOY

_NA_PAGHUBOG_SA_UGALI_PERSONALIDAD_NG_MGA_KABATAAN_MULA

_SA_SENIOR_HAYSKUL_NG_IMMACULATE_CONCEPTION_ACEDEMY_DAS

MA%C3%91AS

 R. Orencia Literacy and technology integration, The RAP Journal vol. XXX (2007)

 http://www.1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-edukasyon/

 https://www.academia.edu/31146687/EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAG_AAR

AL_NG_MGA_ESTUDYANTE_NG_ESEP_NG_MATAAS_NA_PAARALANG_PAM

BANSA_NG_STO._DOMINGO_KABANATA_I_ANG_SULIRANIN
31

 http://gratefulandhappy.blogspot.com/2016/02/maganda-at-masamang-mga-epekto-

ng.html

 https://sharmainedesalon.wordpress.com/2017/02/14/epecto-ng-social-media/

 https://jayzen23.wordpress.com/2016/11/01/tulong-ng-internet-at-social-media-sa-mga-

magaaral/

 https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG_EPEKTO_NG_S

OCIAL_NETWORKING_SA_MGA_KABATAAN
32

APENDIKS

Pangalan: Kasarian:

Edad: Petsa:

Direksyon : Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa iyong sagot. Pwedeng mag tsek ng higit sa isa
ayon sa iyong kasagutan.

1. Anong klaseng social media ang madalas mong gamitin?


Facebook Twitter Instagram Skype

2. Ilang oras ka gumagamit ng social media sa isang araw?


1-2 oras 3-4 oras 5-6 oras 7-8 oras

3. Saan mo madalas ginagamit ang social media?


Libangan Proyekto at takdang-aralin Komunikasyon

4. Anong positibong epekto ang iyong nakukuha sa pag gamit ng social media?
Madali na ang pakikipag komunikasyon Madali na ang paggawa ng takdang-aralin

Naibabahagi ang talento gamit ang social media

5. Anong negatibong epekto ang iyong nakukuha sa paggamit ng social media?


Kulang sa tulog Umiikli na ang pasensya o madaling magalit

Kawalan ng pokus sa pag-aaral


6. Sa iyong pananaw, bakit maraming nahuhumaling na kabataan sa paggamit ng social media?
Libangan Nakikisabay lamang sa uso Naiimpluwensyahan ng lipunan

7. Nakaranas ka na ba ng cyber-bullying?
Oo Hindi

33

8. Kung oo ang sagot mo sa pang pitong katanungan, ano ang iyong naging tugon?

Ipinaalam sa magulang Ipinaalam sa tagapayo ng eskwelahan


Guamanti Ipinagsawalang bahala na lamang

9. Mas ginugugol mo na ba ang iyong oras sa paggamit ng social media kaysa sa ibang bagay?
Oo Hindi

10. Nababago ba ng social media ang iyong mga paniniwala sa buhay?


Oo Hindi

You might also like