Biogas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Basurang kapaki-pakinabang

Sa bawat pagkonsyumo ay may natitira at itinuturing na basura o ang biodegradable wastes. Mga klase
ng basurang hindi nareresiklo at hindi rin magandang itapon sa landfill dahil sa amoy na nagagawa nito
kapag nabulok na. Ngunit ang amoy na ito mismo ang ginamit ni Alberto upang mabigyan ng libreng
pangluto ang buong subdibisyon, sa pamamagitan ng biogas.

Pinangunahan ni Alberto S. Ararao, presidente ng Home Owners Association, ang paggawa ng biogas sa
Transville subdivision sa Trece Martires City. Isinagawa niya ito bilang isang solusyon sa problema sa
tamang pagtatapon ng mga nabubulok na basura. Ilan na rito ang mga tirang pagkain, balat ng mga
gulay at prutas at iba pang kitchen wastes.

Ayon sa Homebiogas, isang klase ng biofuel ang biogas na nagmumula sa mga nabubulok na basura
tulad ng dumi ng hayop, tirang pagkain at iba pa. Dahil sa paggawa nito, nagagawang magamit muli sa
tamang paraan ang mga basura. Dagdag pa dito, hindi na kakailanganin ng mga delikadong kemikal sa
kailangan sa sewage treatment plants na pinagdadalhan ng mga nabubulok na basura. Higit sa lahat,
magandang pamalit din ito sa ginagamit na fossil fuels upang makagawa ng gasoline na ngayon ay unti-
unti nang nauubos dahil sa pang-aabuso ng tao.

Gas mula sa pag-iimbak

Ayon kay Alberto, isang drum container ang nagsisilbing imbakan ng mga nabubulok na basura kung
saan rin nangyayari ang proseso ng fermentation o pagbuburo. Sinisigurong nakatakip ang drum at may
tubo lamang na nakatusok kung saan ihuhulog ang mga basura.

Ayon sa Homebiogas, sumasailalim sa apat na yugto ng fermentation ang basura bago maging biogas.
Una ang hydrolysis kung saan naghihiwakay ang particles ng polymers tulad ng carbohydrates na
matatagpuan sa kanin at tinapay. Tsaka gagawing Carbon dioxide, hydrogen at ammonia ng Acideogenic
bacteria ang sugar at amino acid na mula sa naghiwalay na carbohydrate at protein.

Sa ikatlong bahagi, ginagawang acetic acid ng acetogenic bacteria ang mga naunang nagawang gas. Saka
gagawing Methane at Carbon dioxide ng Methanogens ang gas na maaari nang gamitin sa pagluluto.
Lahat ng mga prosesong ito ay nangyayari lamang sa lugar kung saan walang Oxygen o tinatawag na
anaerobic environment upang mabuhay an bacteria na nagsasagawa ng mga proseso.

Kalan ng Bayan

Nakuha ni Albert ang konsepto ng biogas mula sa kaibigan niya mula sa Agricultural Institute sa Quezon
City at naisipan niyang gawing proyekto sa kanilang subdibisyon. Tinawag niya itong Kalan ng Bayan
kung saan maaaring gamitin sa pagluluto ng lahat ng mga mamamayan ang kalan na nakakonekta sa
drum kung saan ginagawa ang biogas.
Noon ay nagtayo sila ng babuyan na magsisilbing mapagkukunan ng solid waste dahil sa dumi ng hayop
at bilang mapagkakakitaan na rin, ngunit ipinasara rin dahil sa mahal ang feeds. Ngayon ay kumukuha na
lamang sila ng solid wastes mula sa GMA, Cavite kasama ng mga basurang dinadala ng mga mamamayan
sa loob ng subdibisyon.

Ayon kay Alberto, umaabot ng 30 hanggang 60 araw ang proseso ng pagkakagawa ng methane gas.
Ngunit dahil sa tuloy-tuloy ang paglalagay ng solid wastes, tuloy-tuloy rin ang fermentation at
produksyon ng gas.

You might also like