Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE) S.S.


LALAWIGAN NG BULACAN )
X==============================X

“SINUMPAANG SALAYSAY”
(Sworn Affidavit)

Ako, si Elenita Sonsona y Estadilla, nasa hustong gulang, at kasalukuyang


nakatira sa Block 20 Lot 7 Expansion II Heroesville I, Brgy Gaya-gaya, CSJDM, Bulacan,
matapos kong mabatid ang mga karapatan sa ilalim ng umiiral na Saligang Batas sa ngayon,
ako ay kusang loob na nagsasalaysay at naglalahad ng mga sumusunod;

Na, noong ika-5 ng Disyembre 2019 humigit-kumulang ika-pito ng umaga (7:00AM)


ay hinatid ng aking anak na si Jean Ray Sonsona y Estadilla ang aking bunsong anak na si
Hazel Sonsona y Estadilla, labing anim na (16) taong gulang, isang grade 10 student, sa
sakayan patungo sa kaniyang eskwelahan sa San Martin National Highschool.

Na, aming napag-alaman na si Hazel ay hindi tumuloy sa kaniyang eskwelahan


dahil sa isang anak ko na Teacher sa nasabing eskwelahan. Hinanap namin siya sa
eskwelahan at sa aming bahay sa Area H Phase 3, Brgy San Rafael V, ngunit wala rin siya
doon.

Na, kami ay umuwi sa aming bahay sa Heroesville at naghintay na lamang na siya


ay umuwi ngunit lumipas na po ang ilang araw at hindi pa rin po siya umuwi sa aming bahay
sa Heroesville.

Na, noong December 10, 2019 humigit-kumulang ika-6:30 ng gabi, dumating ang
aking anak na si Jean Ray kasama ang kaniyang kaklase na si Mac Rhey Catabay upang
doon sila gumawa ng kanilang aralin. Sa kagustuhan naming makausap si Hazel, ay
nagpatulong kami kay Mac Rhey na ma-contact ang aking anak. Hanggang sa sinubukan
naming na i-chat ang kaibigan ng anak ko na naglayas din na si Lorie Jean. Na, nang maka-
chat niya ito gamit ang facebook messenger at ito ay pumayag sa pag-aya na
magmeryenda, doon na kami gumawa ng plano.

Na, matapos kaming makabuo ng plano at nalaman namin ang kanilang


kinaroroonan ay nagtungo na kami sa La Poblacion Brgy Muzon, CSJDM, Bulacan bandang
ika-10:00 ng gabi.

Na, nang makarating kami sa gate ng La Poblacion ay unang bumaba sa motor si


Mac Rhey habang kami ng aking asawa ay naghihintay sa tricycle di kalayuan sa gate ng La
Poblacion. Doon lumapit si Mac Rhey sa kanila, nang makita namin na si Hazel ang tumawid
sa kalsada ay agad na kaming lumapit at kinausap sina Hazel at mga kasama nito.

Na, matapos iyon ay dinala namin sila at ang akusado sa Punong Himpilan ng Pulis
(WCPD) upang pormal na masampahan ng kaukulang reklamo.

Na, ginawa ko ang salaysay na ito upang susugan ang kasong Violation of RA 7610
na isinampa ng namin laban sa nasabing akusado at bilang patunay ng salaysay naming ay
lalagda po kami sa ibaba.

Elenita Sonsona y Estadilla


Nagsalaysay

NILAGDAAN at SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika____ng ________dito sa


lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

______________
Taga-usig

You might also like