Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 77

Filipino

Ikalawang Kwarter

BAITANG 7
TALAAN NG NILALAMAN
YUNIT 2 – Pampanitikang Bisaya: Salamin ng
Mayamang Kultura, Tradisyon, at Kaugalian ng
Kabisayaan
ARALIN 1 Mga Awiting-bayan at Bulong sa Kabisayaan
1.1 Ating Alamin……… …….Awiting bayan 2
1.2 Ating Unawain ………….Uri ng Awiting-bayan 9
1.3 Ating Damhin ………….. Bulong 11
1.4 Gramatika/Retorika...…..Pormal at Di pormal na Wika 12
1.5 Ating Unawain…...…….. Uri ng Di-pormal na Wika 14
1.6 Ating Paunlarin………….Makalikha ng Orihinal na
Awiting-bayan 16
ARALIN 2 Alamat
2.1 Ating Tuklasin………….…Alamat 18
2.2 Ating Alamin ..……………Kasaysayan ng Capiz 19
2.3 Alamat ng Capiz ……………………….. 21
2.4 Gramatika/Retorika……...Pang-uri 26
Kaantasan ng Pang-uri 25
Mga Pahayag sa
Paghahambing 29
2.5 Ating Paunlarin.….……... Pagsulat ng Alamat sa
Anyong Komiks 30
ARALIN 3 Dula
3.1 Ating Tuklasin…………....Dula 35
3.2 Ating Alamin………..….…Severino Reyes 36
3.3 Ito Pala ang Inyo………………. 38
3.4 Ating Suriin…………..…...Editoryal 42
3.5 Ating Unawain …………....Uri ng Editoryal 43
3.6 Ating Damhin …………….. Tuntunin sa Pagsulat ng Editoryal 43
3.7 Gramatika at Retorika…...Pahayag na Ginagamit sa
Panghihikayat/Pagpapatunay 47
3.8 Ating Paunlarin…...……...Pagsulat ng Iskrip ng Editoryal 48

i
ARALIN 4 Epiko
4.1 Ating Tuklasin………………….Epiko 50
4.2 Ating Alamin……………...........Maragtas 52
4.3 Ating Damhin ………………….Epiko ni Maragtas 54
4.4 Gramatika/Retorika ….............Pang-ugnay na Ginagamit sa
Pagsasalaysay 57
4.5 Ating Gawin……………. …......Makapagpapahayag sa Tamang
Pagkakasunod-sunod 58

ARALIN 5 Maikling Kuwento


5.1 Ating Tuklasin.……….…..........Maikling Kuwento 60
5.2 Ating Alamin …………………..Deogracias Rosario 61
“Si Pinkaw” 62
5.3 Ating Suriin …………………....Uri ng Maikling Kuwento 68
5.4 Gramatika/Retorika…….……..Pang-ugnay na Ginamit sa
Pagsasalaysay o Pagsunod-
sunod ng mga Pangyayari sa
Kuwento 69
5.5 Ating Palawakin…..………...…Pagbuo ng Sariling Maikling
Kuwento 72

ii
Aralin MGA AWITING-BAYAN AT
1 BULONG SA KABISAYAAN

Ang awiting bayan (tinatawag ding kantahing-bayan) ay isang tulang inaawit na


nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanap-
buhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.

Maraming uri ang mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang Bathala,
pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang sumagana ang ani, pag-awit sa
pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng bata, pag-awit sa kasal, pag-
awit bilang pagpuri sa kanilang mga ninuno. May mga awit namang malaswa ang sinasabi at
may kagaspangan ang mga pananalita.

Fil7Q2SY1819022018
Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 1
Filipino Folk Songs (Mga Awiting-bayan)

Ang Filipino Folk Songs ay mga awiting sumasalamin sa araw-araw na


pamumuhay ng mga katutubo at mamamayan ng Pilipinas.

Ang mga awiting ito ay nagkukuwento tungkol sa mga katutubo, lalo na sa mga
probinsya sa kanilang simpleng pamumuhay, at kung paano nila ginagawa ang iba’t ibang
gawain. Tulad din ng ibang katutubong awitin sa mga bansa sa Asya, ang mga liriko at
paksa ay may kaugnayan sa kalikasan.

Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na
lumitaw bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan ng
ating tinalikdang panahon. Karamihan sa mga ito ay may labindalawang pantig. Naging
malaganap ang mga awiting bayan sa buong Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. May
kani-kaniyang awiting bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa
bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw. Ang mga wika na sumasaklaw sa panitikang
Bisaya ay ang Sugbuwanon ng Cebu at Negros, Hiligaynon ng pulo ng Panay at ang
Waray-waray ng Samar at Leyte.

Ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay na mayaman sa mga awiting bayan ang
ating mga ninuno. Bagamat napakaraming mga nagsisiusbong na mga makabagong kantahin
o awitin, sana’y hindi mawaglit sa ating isipan at sa ating puso ang himig at berso

2 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


ng mga ito. Ito ang mga pundasyon sa mga nagsisilitaw ang magagandang awitin ngayon
na may tatak-Pilipino.

Ang mga Waray ay masining sa kanilang pakikipagtalastasan. Ang pag-aaral


sa iba’t ibang wika ng ating bansa ay tulay upang mas lalo nating mapagyaman ang ating
sariling wika at mauunawaan natin ang ating mga kababayang Pilipino. Itinutuwid nito ang
maling implikasyon ukol sa kanilang mga ugali dahil ang mga Waray ay mapagmahal at
masayang maging kaibigan hindi gaya ng napagalaman na sila ay madalas nasasangkot
sa mga pakikipag-awayan.

Pagtapatin. Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa patlang ng bawat bilang.

A B
_____ 1. bakbakan a. pampatulog
_____ 2. mangulila b. labanan
_____ 3. panghele c. mamatay
_____ 4. magbaon d. lakambini
_____ 5. matodas e. malungkot
_____ 6. paraluman f. magdala

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 3


Mga Awiting-Bayan ng Kabisayaan
Tong Pakitong-kitong (Cebuano)

Tong, Tong, Tong, Tong, Pakitong-kitong ay isang awiting pambata na literal na nagsasaad ng
panghuhuli ng alimango sa ilog.

Cebuano Version English Version

Tong, tong, tong, pakitong-kitong (No meaning, just a tongue-twister)


Alimango sa suba Crab in the see.
Nanghambog nga dili makuha Big and delicious!
Ako ra’y makakuha So difficult to catch
Ako ra’y makasuwa Because it bites.

Tagalog Version
Tong, tong, tong, pakitong-kitong
Alimango sa dagat,
Kay laki at kay sarap,
Kay hirap hulihin, sapagkat nangangagat.
Tong, tong tong, pakitong-kitong

4 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Dandansoy

Ito ay isang kilalang kantahing bayan ng Kabisayaan na malimit na inaawit sa


wikang Hiligaynon ng Bisaya na kilala din sa tawag na Ilonggo.

Ang “Dandansoy” ay isang awiting Ilonggo na tungkol sa pamamaalam ng isang


babae kay Dansoy na kanyang katipan. Ang dalaga ay uuwi na sa Payao (isang bayan sa
lalawigan ng Zamboanga, Sibugay) na kanyang sinilangang bayan at nagbilin sa kanyang
katipan na siya’y sundan kung sakaling siya ay manabik ng lubha sa kanya.

Ito ay isa ring awit mula sa Bisaya na inaawit din na panghele sa isang sanggol. Ito
rin ay isang sayaw ng suyuan mula sa Negros Occidental.

I III
Dandansoy, bayaan ta icao Convento, diin ang cura?
Pauli aco sa Payao Ugaling Municipio, diin justicia?
con icao hidlauon Ang Payaw Yari si dansoy maqueja.
imo lang lantauon. Maqueja sa paghigugma

II IV
Dandansoy, con imo apason Ang panyo mo cag panyo co
Bisan tubig di magbalon Dala diri cay tambijon co
Ugaling con icao uhauon Ugaling con magcasilo
Sa dalan magbobonbobon. Bana ta icao,asawa mo aco.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 5


English Version

I III
Dandansoy, I'd like to leave Convent, where's the priest?
you, I'm going back home to City Hall, where's justice?
Payao. Though if you yearn for Here is Dansoy, charged
me, Just look towards Payao. Charged with falling in love.
II IV
Dandansoy, if you follow me, Your handkerchief and my handkerchief
Don't bring even water. Bring them here, as I'll tie them together
Though if you get thirsty, For if they interweave
Dig a well along the way. May you be my husband, I your wife.

Tagalog Version
I III
Dandansoy, iiwanan Kumbento, saan ang cura?
kita Uuwi ako sa Payao Munisipyo, saan ang hustisya?
Kung sakaling ikaw ay mangulila Ito si Dansoy nakulong
Tingnan mo lang ang Payao Nakulong sa pagmamahal

II IV
Dandansoy, kung ako ay iyong susundan Ang panyo mo at ang panyo
Kahit tubig, huwag kang magbaon ko Dalhin mo dito at Sakaling
Kung sakaling ikaw ay nauuhaw magkasilo
Sa daan, gumawa ka ng munting balon. Asawa kita, at asawa mo ako

Waray-Waray (Visayan Folk Song)

Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate
Sorsogon. grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at
Masbatenyo. Sila ay may mga sariling panitikan at kultura. Musika, pag-awit at pagsayaw ang
kanilang pangunahing libangan. Pinahalagahan din nila ang edukasyon gayundin ang pagiging
likas na relihiyoso at relihiyosa.

Sinasabing ang mga Waray ay matatapang at mahilig sa pana. Sila rin ay


mapagmahal ngunit huwag mo silang aabusuhin dahil handa silang ipagtanggol ang
kanilang karapatan hanggang kamatayan.

6 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


I IV
Waray Waray hindi tatakas Kaming babaeng waray waray
Waray Waray handang matodas ay siga siga, kahit saan
Waray Waray bahala bukas Ngunit iba ang waray waray
Waray Waray manigas! Kapag hinamon ng away.

II V
Waray Waray tawag sa akun, Waray Waray sadyang di siya tatakas
sa bakbakan, diri magurong Waray Waray handa nang matodas
sa sinuman ang humahamon Waray Waray bahala na bukas
kahit ikaw, ay maton! Waray Waray manigas!

III
Likas sa ating paraluman
kami'y palagi, mapagbigay
Ngunit iba ang waray waray
walang sindak kaninuman

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 7


A. Pag-usapan at talakayin.

1. Alin sa mga awiting-bayan ang mga alam mo na? Alin naman ang naging karagdagan sa
iyong kaalaman?
2. Sa ano-anong pagkakataon ito maaaring inaawit?

3. Kapag inaawit mo na ang isang awiting-bayan o bulong, anong pang reaksiyon ang iyong
nadarama?
4. Anong bahagi ng kultura ang nasasalamin sa bawat awit? Ilarawan ang mga ito.
5. Nakasaksi ka na ba ng isang nagsasagawa ng bulong? Kailan ito isinasagawa?

6. Ano-anong mga bagay ang ating masasalamin sa ating mga awiting-bayan at mga bulong?

7. Sa iyong palagay, papaano mo mapapanatili at maipalalaganap ang mga awiting-bayan at


mga bulong?

Subukan mong ipaliwanang ang mga bagay o kaisipang isinasaad ng bawat awiting
bayan.
1. Dandansoy
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Waray-waray
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

8 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


3. Tong, tong, tong, pakitong,kitong
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pag-usapan at talakayin.

1. Sa papaanong paraan lumaganap ang awiting-bayan?

2. Bakit naging kahiligan ng mga Pilipino ang pag-awit ng mga awiting-bayan?

3. Papaano natin masasabing yaman ng bansa ang ating mga awiting-bayan at bulong?

4. Anong damdamin ang iyong madarama kung mapanonood mo sa mga You Tube

ang mga dayuhan na umaawit n gating sariling awiting-bayan?

5. Bilang isang mag-aaral, papaano mo maibabahagi o mahihikayat ang gaya mong

mga kabataan upang tangkilikin ang awiting bayan?

AWITING-BAYAN
  tinatawag din itong kantahing-bayan
 
 nasa anyong patula at binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod
 
 pumapatungkol ito sa pang-araw-araw na buhay
 
kaugalian, karanasan, gawain o hanapbuhay, at paniniwala
Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival) ng kalinangan sa pamamagitan ng
saling-dila. Sa kabuuan, ang mga kantahing- bayan noong panahon ng pre-kolonyal ay mga
katutubong awitin ng ating bansa.
Mga Halimbawa:
Lawiswis-Kawayan – Waray Dandansoy – Ilonggo
Ay Kalisud – Ilonggo Ili-ili Tulog Anay – Ilonggo
Si Pilemon – Sugbuwanon

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 9


Mga Uri ng Awiting Bayan

Awiting-Bayan Kahulugan Halimbawa


1. Soliranin awit ng mangingisda “Si Pelimon”
2. Talindaw awit ng bangkero “Mamang Namamangka”
3. Diona awit sa mga ikinakasal
4. Oyayi/Hele awit pampatulog ng bata “Ili-ili tulog anay”
5. Kumintang awit sa digmaan “Waray-waray”
6. Dalit awit sa simbahan “Imno”
7. Sambotani awit ng pagtatagumpay “Kapirasong Luya”
8. Balitaw awit ng pag-ibig “Arimunding-munding”
9. Dung-aw awit sa patay ng taga-Iloko “Pangangaluwa”
10. Kutang-kutang awit sa lansangan “Paru-parong Bukid”
11. Maluway awit sa paggawa “Magtanim ay di Biro”

Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Awiting-bayan:

1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.


2. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing
sa puso at kaluluwang bayan.

10 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


BULONG

Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa


kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang
Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan
sa Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang inuusal na panalangin ang bulong. Mga
halimbawa ng uri ng bulong na nagtataboy ng masasamang diwa o maligno ay ang
Xristac Ortac Aminatac at "umalayu deketam e pesan a ore ni kamalotan de tabiang
ni makedepat".
Ang mga Bulong ay ginagamit sa iba't ibang pagkakataon ng ating ninuno. Ginagamit
itong bilang pangkulam o pang- engkanto ng mga Bagobo ng Mindanaw. Ginagamit din ito
magpahanggang ngayon sa Katagalugan, sa Kabisayaan at Kabikulan. Kung napaparaan sa
mga daang may punso, ayon sa matandang paniniwala, ang punso ay bahay ng mga nuno
na kapag natapakan ay magagalit sa nakatapak at ito'y magkakasakit. Upang makaiwas sa
gayong pangyayari ay bumibigkas ng "bulong" ang sinumang napaparaan sa punso.
Ito ay ginagamit din sa mga nauusog, sa mga panggagamot ng mga matatanda na ang
ginagamit ay mga ugat ng damo at mga dahon. Sa bisa daw ng bulong ay gumagaling ang
may sakit. Anupa't masasabi nating ang ating mga ninuno ay nag-iwan sa atin ng mga
pamanang kababakasan ng kalinangan at kabihasnan ng ating kahapon. Halimbawa:

1. Kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda ay bumibigkas din ng bulong bilang
paghingi ng paumanhin gaya ng:

“Tabi-tabi po apo. Baka po kayo mabunggo.”


“Aming pinuputol lamang
Ang sa ami' y napag- utusan."

2. May mga bulong rin ang ating matatanda kung nabubungian ng ngipin at humihingi ng
panibagong ngipin. Haharap sa posteng kawayang may butas na maaaring paghulugan
ng nabunging ngipin at ito' y ihuhulog doon sabay ang "bulong" na:

"Dagang malaki, dagang maliit


Heto na ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan mo ng bagong kapalit."

Iba Pang Mga Halimbawa ng Bulong

Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa


kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa
wikang Tagalog subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito bilang isang panalangin
o pagnanais na makamtan ang isang magandang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na
kapalaran ng isang tao.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 11


1. Ingat lagi.
2. Tabi, tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko.
3. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman.
4. Pagpalain ka nawa.
5. Makikiraan po.
6. Mano po.
7. Paabot po.
8. Paalam.
9. Ingat po sa biyahe.
10. Pakabait ka.

A. Pag-usapan at talakayin.

Kasanayang Panggramatika at Pangretorika


Uri ng Pormal na Wika

1. Pambansa - ginagamit sa buong bansa. Ito ay mga karaniwang salitang ginagamit sa


mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
2. Pampanitikan - pinakamataas na antas ng wika at ginagamit ang mga matalinghagang
ekspresyon na karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Di-pormal na Wika - ay mga salitang palasak sa pang araw-araw na pakikipag-usap at


pakikipagsulatan sa mga kilala o kaibigan.

Uri ng Di-pormal na Salita

1. Balbal - ginagamit ng mga istambay o salitang kanto mga salitang nahango lamang sa
pagbabago o pag-usad ng panahon at mga salitang nabuo sa lansangan.

12 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Halimbawa:
yosi – pinaikling tawag sa “sigarilyo”
kano – pinaikling tawag sa mga taong amerikano
utol – na ang ibig sabihin ay kapatid, lalaki man o babae
abnoy – hindi normal; abnormal
ermat – ina; binaligtad na tawag sa “mother”
ichichika – ikukuwento
bosing – tawag sa “boss” o sa namumuno sa isang opisina o organisasyon
bagets – kabataan
hanep – maganda; kasindak-sindak
tisoy _ mestiso

2. Kolokyal - tinanggap na ng wikang Filipino pero hindi kadalasang ginagamit


- ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw
na pakikipag-usap. Kasama rin dito ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita.

Halimbawa:
Mayroon - meron ayaw ko - ayoko
nasaan - nasa'n dalawa - dal’wa
diyan - dyan ganoon - ganun
paano - pa’no sa akin - sa’kin
kailan - kelan

3. Lalawiganin - ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o


panlalawigang salita.

- Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-
kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent at ang
paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.

- Sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang mula lamang sa probinsya
o rehiyong pinanggalingan nito. May mga salitang hindi maituturing na standard
sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng pinaggagamitan nito.

Halimbawa:
ditse (ate) sangko (kuya)
pasanin (problema) bilot (Batangas-tuta)
ambot (Bisaya-ewan) kaon (Bisaya-kain)
balay (Ilocano-bahay) biag (Ilocano-buhay)
tubal (Batangas-labahing damit)

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 13


Iba pang mga halimbawa:

Pambansa Lalawiganin Kolokyal Balbal

1. asawa bana/kabiyak mister/misis waswit

2. kasambahay kasama katulong tsimay

3. upuan silya bangko istol

4. ina Inay madir ermat

5. ama Itay padir erpat

Tukuyin ang uri ng wika na ginamit sa bawat pangungusap na nakasulast ng madiin at isulat sa
kahon kung anong uri ito (balbal, kolokyal, lalawiganin, o pormal).

1. Kinakailangan ko munang magawa ang inuutos sa akin ni ermat.

2. Dapat mo ng ibili ang kwarta mo kasi luma na.

3. Bakit naman emote na emote ka kagabi.

4. Nais mo ba talagang maging pulis paglaki mo?

5. Dehins ako kakain ngayon kasi busog pa ako.

14 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


6. Kilig to the bones ako ‘pag nakikita ko ang crush ko.

7. Talagang mapaglaro pa ang mga bagets.

8. Kain ngarud para mabusog ka ng todo.

A. Isulat sa inilaang patlang ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salitang balbal.

1. .parak ____________________ 6. eskapo ______________________

2. atik ____________________ 7. erpats ______________________

3. jokla ____________________ 8. tiboli ______________________

4. epal ____________________ 9. haybol ______________________

5. chibog ___________________ 10. bomalabs ___________________

B. Isulat sa paraang kolokyal ang mga sumusunod na salita. Isulat sa inilaang patlang ng
bawat bilang ang sagot.

1. puwede __________________ 4. at saka __________________

2. naroon __________________ 5. kamusta __________________

3. pahingi __________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 15


Makalikha ng Sariling Bersiyon ng Awiting-bayan

Matapos mong mabasa at mapag-aralan ang mga awiting-bayan, ngayon naman ay


ikaw ang gumawa ng sarili mong bersiyon. Pumili ng isang paksa at lagyan ng nauukol na
pamagat. Sabihin ang mga bagay-bagay na nauukol dito upang makabuo ng mga liriko. Isulat
sa loob ng iskrol ang iyong ginawa.

16 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Narito ang mga pamantayan upang maging gabay sa pagbubuo.

Mga Pamantayan 12 3 45

Mahusay na nailalahad ang mga impormasyon sa awiting-


bayan mula sa pamagat na napili

Nakasulat ng maayos at tama ang mga salita na ginamit


bilang liriko ng awiting-bayan

Nakagamit ng mga iba’t ibang uri ng wika sa kabuoan ng


liriko

Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 17


Aralin ALAMAT NG CAPIZ
2 Alamat ng Visayas

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng


mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kuwento ng mga mahiwagang pangyayari na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may
akda nito. Ito din ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o di
pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat,
matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti,
masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para
sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito.

18 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin-
salin na sa maraming henerasyon, ito ay pinaniniwalaan ng maraming tao na totoong naganap
dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura.
Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang
bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o
nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Ito ay
maaaring sa hangarin na isanobela, isadula o
isapelikula ang isang alamat.
Halimbawa nito ay ang isang bersiyon ng alamat
ni Bernardo Carpio ay sinasabing sadyang pinalaganap
ng mga Kastila upang mapigilan ang namumuong
himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga
mananakop. Ibang bersiyon naman
ang pinalalaganap ng ibangmga magulang sa
hangaring ang kanilang mga anak ay huwag matakot
kapag lumilindol sapagkat ayon sa kanila ito ay
likha lamang ni Bernardo Carpio tuwing nagtatangkang kumawala sa nag-uumpugang bato.
Bagama't maraming bersiyon ang alamat, ang mga ito ay nagkakaisa sa paglalarawan kay
Bernardo na isang matipuno at makisig na lalaki. Ang pagkakaiba ng iba't ibang bersiyon
ay ang pagtalakay kung bakit, papaano, at sino ang naging sanhi ng kanyang pagkaipit sa nag-
uumpugang mga bato.
Katumbas nito ang legend sa Ingles na mula naman sa salitang latin na Legendus.
Sangay ng panitikang ambag ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastila.

-Ngayon ay tandaan na ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento


ng tungkol sa pinagmulan ng bagay-bagay sa daigdig.

Ang lugar ng Capiz ay kilala bilang isa sa pinakamagandang probinsiya sa ating


bansang Pilipinas na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng rehiyon ng Bisaya. Ang syudad ng
Roxas na ang kapital nito ay matatagpuan naman sa hilagang-silangang bahagi ng isla ng
Panay na karatig ng Aklan, Antique at Ilo-ilo. Ang Capiz ay kilala sa Placuna placenta oyster
shell na ginagamit bilang palamuti at sa mga gawang lampshades, treys, bintana at pinto.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 19


Gayundin, ang lalawigang ito ay kinikilala bilang kapital ng mga lamang dagat ng bansa
at kabilang sa 15 pangunahing dinarayong lugar sa ating bansa. Sa Capiz din ang lugar na
kung saan ay kilala sa may magandang uri ng koral sa simbahan ng Sta. Monica sa bayan ng
Panay na siyang kilalang may pinakamalaking kampana ng simbahan sa buong Asya. Ang
kampanang ito ay gawa sa 70 sako ng ginto at pilak na mula sa mga naninirahan dito. Ito ay
may sukat na pitong talampakan ang dayametro, may taas na limang talampakan, at may bigat
na 10,4000 kilogramo o humugit 10 metro tonelada. Ang kampanang ito ng Panay ay kilala lalo
na sa mga taong bumibisita rito.

A. Natutukoy ang mga Salita Ayon sa Pahiwatig.

Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga pahiwatig na titik sa
bawat patlang.

__ u __ a __ n g 1. lumunsad

n __ g __ i __ i __ i l 2. nagsihimpil

__ __ n __ __ t a __ __ n 3. tinungo

m a __ a __ a n __ 4. mapitagan

__ u __ __ k __ 5. yumukod

B. Nakikilala ang Salitang Naiiba ang Kahulugan


Bilugan ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang
kahulugan nito.

1. laban hadlang nais ayaw


2. isinama kinilik itinabi sinundan
3. sumama sumibad umalis nawala
4. nangatal umayaw natakot nanginig
5. itinala isinulat ibinigay inilagay

20 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Alamat ng Capiz

ni Antonio, Emilio Martine

Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, ang mga
Kastila ay kumakalat na nang kumalat sa iba’t ibang pulo sa Kabisayaan. Bagama’t napatay ni
Lapu-lapu si Magellan sa pulong Maktan, ito ay hindi naging hadlang upang ang mga Kastila
ay magpalipat-lipat sa iba’t ibang bayan at lalawigan.

May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa malalaking pulo
ng Panay. Ang mga kawal na yaon ay pinamumunuan ng isang mabait na Heneral na ang
pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na Heneral at ang kanyang mga kawal ay
nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Mula dito ay gumawa sila ng mga paglalakbay hanggang
makarating sila sa isang pook na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook na iyon.

Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta ay


nakatanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may kasamang
dalawang anak na nang mga sandaling yao’y nagsisipaligo sa malinaw na batis.
Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang itanong kung ano
ang pangalan ng bayang kanilang kinaroroonan. Ngunit malayu-layo pa ang mga kawal na
Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali-dali nitong tinungo ang dalawang anak
na kambal na naliligo, kinilik ang isa at matapos akayin ang isa pa ay tinangkang sumibad ng
takbo.

Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Kastila,
kaya’t sa malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Nguni’t nakaiilang hakbang pa
lamang siya, ay ubod galang na lumapit ang pinunong Kastila at mapitagang nagtanong;
“Como se llama esta provincial?” na ang ibig sabihin ay “Ano ba ang pangalan ng lalawigang
ito?”

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 21


Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, nguni’t nang makitang ang
nagtatanong na pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang dalawang anak, na noo’y
nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na ina na ang itinatanong sa kanya ay
kung bakit magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata. Dahil sa gayong akala ay
nangangatal pa ang tinig na tumugon siya sa wikang Bisaya. Capid... Capid... na ang ibig
sabihin, ang dalawa niyang anak ay KAMBAL, kaya magkamukha ang mga iyon.

Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa babaing iyon.


Sa pag-aakalang ang isinagot nitong “Capid”, ay siyang katugunan sa kanilang itinanong.

Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang “CAPID” at


nagpapatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Subali’t nang sila’y nag-usap-usap na
tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang narating ay nahihirapan silang bigkasin ang
salitang “Capid”, sapagka’t hindi angkop sa kanilang dila ang “d”. Kaya’t ang titik na ito ay
binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na “s”.

Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa


mga lalawigan sa malaking pulo ng Panay sa
Kabisayahan, sa halip na maging “Capid” ay kinilala
ngayon at tinatawag na KAPIS. Ang pangalang ito ng
lalawigan ng Kapis ay siyang naging bunga ng hindi
pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang
pinunong Kastila.

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anong lipon ang dumating sa ating bansa? Papaano mo ilalarawan ang paraan ng
pamumuno ng kanilang lider?
______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Ano ang nais na malaman ng grupong ito sa kanilang ginawang paglalakbay?


______________________________________________________________

______________________________________________________________

22 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


3. Sa papaanong paraan nila nalaman ang kasagutan sa kanilang nais malaman?
______________________________________________________________

______________________________________________________________
4. Kung ikaw ang ina ng kambal, magagawa mo rin ba ang kaniyang ginawang pag-alis
ng bigla dahilan sa kanyang nakita?
______________________________________________________________

______________________________________________________________
5. Papaano nabago ang salitang “Capid” sa “Capiz”?
______________________________________________________________

______________________________________________________________

B. Nahihinuha ang Kalalabasan ng mga Pangyayari Batay sa Akdang Napakinggan o


Nabasa
Manghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akda. Bilugan ang tamang sagot
at isulat sa patlang ang iyong paliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

1. Bakit kaya binalak pang magtanong ng mga kastila ang pangalan ng lugar na
kanilang nilalakbay?
a. Upang malaman ang kanilang bawat dinaraanan.
b. Nais nilang maitala ito.
c. Dahil nakakita sila ng mapagtatanungan.

dahil________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Papaano kung hindi nakita agad ng ina ang Kastilang papalapit sa kanya?
a. Sisigaw siya ng malakas.
b. Hihingi ng tulong sa maaaring makakita sa kanila.
c. Manlalaban upang maingatan ang anak na kambal .

dahil________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 23


3. Kung sakaling Tagalog o Filipino ang wikang gamit ng nagtanong sa ina?
a. Maniniwala kaagad ang nagtatanong sa sagot.
b. Hindi na mag-iisip pa ng iba ang ina.
c. Magiging tama ang sagot ng ina.

dahil________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Bakit kaya ikinilik ng ina ang kanyang anak?


a. Dahil hindi niya kilala ang taong lumapit sa kanya.
b. Natakot ang ina sa armas na dala ng kastila.
c. Baka umiyak ang kanyang dalawang anak.
dahil_____________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Papaano nahirapan ang mga kastila sa pagbigkas ng titik “D”?
a. Dahil wala ito sa kanilang alpabeto.
b. Hindi sila gumagamit ng titik d sa huling salita.
c. Utal ang mga kastila.
dahil_____________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________________

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-anong alamat ang narinig at nabasa mo na?


________________________________________________________________

________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga katangian ng isang alamat?
________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat ?


________________________________________________________________

________________________________________________________________

24 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


4. Bakit sinasabing nakalilibang ang pagbabasa o pakikinig ng alamat?
________________________________________________________________

________________________________________________________________

5. Paano mo higit na mapapalawak ang iyong kaalaman sa alamat?


________________________________________________________________

________________________________________________________________

Mula pa noon ay lubos na tinatangkilik ang mga alamat. Bilang isang mag-aaral,
papaano ka makatutulong sa pagpapalaganap nito? Punan ang bubble map ng mga
pamamaraan mo upang makatulong sa pagpapalaganap nito at patuloy na tangkilikin ang
mga alamat.

Mga hakbang sa
pagpapalaganap ng
alamat

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 25


Kasanayang Panggramatika at Pangretorika
Pang-uri ay ang salitang nagbibigay katangian sa pangngalan at panghalip. Ito ay
tinatawag na Adjective sa wikang english. Ito rin ay nagbibigay larawan sa mga
pangyayari. Maaring gamitin ang mga pandama sa paglalarawan.
Halimbawa:

Mga Pandama Gamit ang: Mga Halimbawa

Mata makulay, maganda, maayos, marikit, maayos

Ilong mabango, mabaho, malansa, mahalimuyak

Tainga maingay, tahimik, malakas, mahina

Dila matamis, maasim, maalat, mapakla

Balat mainit, malamig, maligamgam, makinis

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.


Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook na ito.

2. Pahambing - nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o


panghalip.
Halimbawa:
Gamunggong pawis ang namuo sa aking noo.
a. Pahambing na magkatulad


 
ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na
pinaghahambingan.

  ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing- /magkasing- at
ipinakikilala
magsing.
 Halimbawa:
 Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.
b. Pahambing na di-magkatulad
 
Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan.

26 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


c. Pahambing na palamang
  
may katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.
 
ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.

Halimbawa:
Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa parke.

d. Pahambing na pasahol
  
may katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.
 
Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.

Halimbawa:
Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa
Zamboanga.

3. Pasukdol - ay mga katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng


pinaghahambingan.

Halimbawa:
Ang ganda-ganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.

Pagtukoy ng Kaantasan ng Pang-uri.


A. Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uring may salungguhit ay nasa lantay na
antas, PH kung pahambing na antas, at PS pasukdol na antas.

_____ 1. Napakaganda ng mga palamuti sa mga bahay tuwing Pista ng Pahiyas!


_____ 2. Magandang asal ang paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa
mga nakatatanda sa iyo.
_____ 3. Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba sa buhok ni Sarah.
_____ 4. Di-gaanong mabigat ang dalang bag ni Joshua.
_____ 5. Ang galing-galing ng mga mananayaw na napanood namin!
_____ 6. Huwag kayong pumunta sa lugar na mapanganib.
_____ 7. Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa pabrikang ito.
_____ 8. Magsintanda ang lolo ni Jose at lolo ni Pedro.
_____ 9. Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 27


_____ 10. Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni Ginang Rosario.
_____ 11. Ibigay mo ang makapal na aklat kay Ginoong Reyes.
_____ 12. Ang dalawang sanggol ay magkatimbang.
_____ 13. Kay bait-bait ng mga kasambahay ni Ginang Raymundo!
_____ 14. Si Juan ay singkupad ng pagong.
_____ 15. Bukod-tangi ang talento ni Juan Luna.

B. Punan ang kolumn ng tamang pang-uri.

Lantay Pahambing na Magkatulad Pahambing na Palamang

1. matalino

2.masipag

3.maamo

4.maawain

5.mapamaraan

C. Bumuo ng mga makabuluhang pangungusap mula sa mga ibinigay na salita


na pumapaksa sa mga kabutihang asal.
1. mas masipag
_______________________________________________________________

2. lalong matulungin
_______________________________________________________________

3. di-gasinong malinis
_______________________________________________________________

4. higit na marangal
_______________________________________________________________

5. di-gaanong malakas
_______________________________________________________________

28 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Mga Pahayag sa Paghahambing.

Ginagamitan ito ng mga salitang pareho sa, magkaiba sa, magkalayo ang katangian
sa, at sa kabilang banda.

A. Isulat ang simpleng pagkakaiba o pagkakatulad ng mga sumusunod gamit ang


mga pahayag sa paghahambing

1. Dalawang pangulo na sina Gloria Arroyo at Ninoy Aquino

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Dalawang magandang lugar sa inyong barangay

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Dalawang paboritong laruan

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 29


Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti
o walang salita at binubuo ng isa o higit pang mga larawan na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng isang paksa. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang
komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng
mga uri. Ang may-akda ng komiks ay maaaring tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Ang komiks sa tunay nitong esensya ay hindi pagalingan nang pagguhit. Ang importante
dito ay kung paano ilalarawan ang mga larawan kasabay ng mga salita na madaling
maintindihan ng mambabasa.

Marami ang marunong magsulat ng kwento pero hindi lahat ay marunong gumuhit para
makagawa ng isang kwento sa genre ng komiks. Hindi dahil sa nahihirapan gumuhit ng hugis
tao o hayop ay hindi na puwedeng gumawa ng komiks. Maari namang gumawa ng kuwento
ay mga stick man. Ibig sabihin ay ang pagiging malikhain ang pwedeng puno’t dulo ng
paggawa ng komiks. Maging ang mga bagay na walang buhay sa mundong ito ay pwedeng
gawin na tauhan na nag-iisip at nagkakaroon ng problema.

Sa panahon ngayon ay malaki na ang naitutulong ng kompyuter dahil mayroon na


ngayong mga softwares na makagagawa ng komiks na hindi na kailangan pang isa-isahin ang
mga clip arts.

30 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


A. Kumuha at ng isang komiks strip galing sa anumang mga magasin o pahayagan na
mayroong kapupulutan ng magandang aral. Idikit sa kahon sa ibaba.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 31


B. Talakayin kung ano ang ipinahihiwatig ng munting dayalog sa ibaba sa
anyong komiks.

Nakasusulat ng Isang Alamat sa Anyong Komiks

Nakaaaliw na libangan ang pagbabasa ng komiks. Mula sa mga nakaaaliw na mga


larawang makikita rito, gayundin ang pagkakahanay ng mga pangyayari sa kuwento na
nauugnay sa mga guhit ng mga larawan ay masusubaybayan ang takbo ng isang kwento mula
sa simula hanggang sa katapusan nito.

32 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Gumuhit ng isang komiks gamit ang stick man sa mga kahon sa ibaba. Gumuhit din
ng bubbles at isulat sa loob ang mga dayalog upang makabuo ng isang maiksing kwento.

1. 2.

3. 4.

5. 6.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 33


Mga Pamantayan 1 2 3 4 5

Mahusay na nailalahad ang nilalaman ng


alamat.

Pagiging malikhain sa komiks na nabuo.

Nauunawaang lubos ang kuwento at nauukol


sa napiling pamagat.

May tamang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari.

Nababagay ang mga nakaguhit sa takbo ng


istorya.

Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

34 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Ito Pala ang sa Inyo
Aralin
Dula
3

Ang dula ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng salita at


galaw ng mga aktor na nagbibigay ng buhay sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay
ng isang tao. Ito rin ay binubuo ng tanghalan, iba’t-ibang kasuotan, iskript, at maging ng mga
suliranin.

Naipakikita sa mga dula ang mga katutubong kultura, paniniwala at tradisyon at maging
ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya, ang dula ay isang uri ng
panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ito ay isang paglalarawan ng buhay

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 35


na ginaganap sa isang tanghalan Ang layunin nito ay itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay
tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

Severino Reyes


Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila
 noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-
asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero

  of Philosophy and Letters sa
Nagtapos siya ng Bachelor
Unibersidad ng Santo Tomas.

Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa
 
kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya
ang sagisag na Lola Basyang.

Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat
na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang

itinuturing na kanyang obra maestra. Ito ay pumapaksa sa
kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na
nagmamahalan.

Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog.
Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap ang nakitang pagtanggap ng mga

manonood ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelang “Salamin ng Pag-ibig” ni
 Roman Reyes.

 Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang  itinanghal ang
Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba.

 
Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na
ginawa niya sa dulang Tagalog.

Namatay siya noongSetyembre 15, 1942 ng ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pangangasiwa
ng rehimeng Hapon.

36 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit nito
sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.


a. masama c. maayos
b. maginhawa d. maganda

2. Ako ay nasisiyahan dahil kasama kita.


a. natutuwa c. nalulungkot
b. nanlalamig d. maayos

3. Sige na…., masyado kang maraming alibay.


a. pangako c. gusto
b. dahilan d. alam

4. Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso.


a. dakong magulo c. dakong masaya
b. dakong malungkot d. dakong laruan

5. Oo, iyon ang kasilyas namin.


a. kusina c. tulugan
b. silid d. palikuran

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 37


Ito Pala Ang Inyo
ni
Frederico B. Sebastian

Unang bahagi

Clary: Sabik na sabik na akong makarating sa bahay Bert.


Bert: Totoo ba yan?
Clary: Oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.
Bert: Masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko.
Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso!!! (papasok na sa
maralitang bahay)
Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert.
Bert: Oo mahal ko.
(tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko ito ay bumagsak)
Clary: Aray ko pohhh!!!!
Bert: Nasaktan ka ba mahal?
Clary: Nasaktan?! Hello? Bumagsak kaya ako dahil sa upuan na
‘yan! Hindi mo man lang sinabi na bulok na pala ‘yan. (galit na galit)
Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.( Imamasahe ang binti ng
babae) Matagal na kasi akong hindi nakakauwi dito mahal.
(ngingiti na si Clary at babangon)
Clary: Ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin
kahit araw na araw.
Bert: Oo nga. At ang upuan namin ay matigas lamang.
(tatawa ang dalawa)
Clary: Bert….wala ka na bang damit maliban pa diyan?
Bert: Ano naman ang masama sa suot ko, mahal kong Claring?

38 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Clary: (nagalit) Bakit noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong
suot? And by the way haven’t I told you to call me Clary.
Bert: Ayaw mo bang Claro na lang? (tatawa)
Clary: Its not Claro its Claryyyyy! (lalayo kay bert at tatalikuran ito)
Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo
nag-uusap ng ganito, kakasal pa lamang natin ah?
Clary: Oo nga.
Bert: Sige na, magbihis ka na muna.
Clary: Saan ako magbibihis?
Bert: Aba saan pa eh di dito. Wala naman taong makakakita sa iyo
kundi…ako lang (titingin sa manonood tapos tataas-taas ang kilay)
Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)
Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong
mahirap wala ka ng makikita pang silid kundi ito lang.
Clary: Mamayang gabi na lang ako magbibihis. (magdadabog)
Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi?
Clary: Huh?
Bert: Walang elektrisidad dito, mahal ko.
Clary: OMG! Di na talaga ako makakapagbihis!!! Sa Maynila na nga lang
ako magbibihis.
Bert: (Tatawa)
Clary: (Iirap) At saka asan pala ang ating bed?
Bert: Wala tayong katre mahal ko….
Clary: Saan tayo matutulog?
Bert: Sa sahig mahal ko.
Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa sahig?
Bert: Masanay ka na…sapagkat mahirap lang ako….
Clary: Tama na! Wala na akong magagawa!!! Samahan mo na lang ako
sa banyo at maliligo muna ako.

Ikalawang Bahagi

Alberto: Huwag ka nang maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa


masyadong sanay dito.
Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman? At bakit ako magsasanay
maligo, hindi ba ako naliligo?
Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa Maynila sa banyo
namin. Hindi ka nga makapagpalit dahil sa hiya ang paliligo pa kaya
sa batalan.
Clary: Sige na…..Mr. Alibi.
Bert: (sa sarili) ang hirap palang magkaasawa lalo na ang tulad ni Clary na laki
sa Maynila at mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung malaman
niya na ako ay may mga anak….
(bumalik na galing sa batalan si Clary)

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 39


Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon….wala man lang harang yung…
batalan, mahal.
At Bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha ng
tubig dito?
Bert: Kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahating kilometro lang naman
mula rito. Kung maliligo ka, sabihin mo na para ako ay mag-umpisa nang
maglakad.
Clary: Wag na, Bert! Sa Maynila na lang ako maliligo.
Bert: Sa Maynila ka na rin maliligo at doon ka na rin magbibihis?
Clary: Oo. At ‘asan dito yung….
Bert: Ano?
Clary: ‘yung banyo.
Bert: Wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga
mahihirap na tulad ko. At hindi pa kasi nakakarating ang sibilisasyon sa
amin e.
Clary: Ano?! Ano ang ginagamit ninyo?
Bert: Nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang direksyon)
Clary: Yung kawayan?
Bert: Oo, yun ang kasilyas naming.
Clary: What?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin Bert! Dito mo ba ako
ititira?! Akala ko ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng
parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang nangyari sa sinabi mo???
(magugulat na lang si Clary may pumasok na matanda)
Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!
Tiya Isyang: Berto! (nakakunot ang noo)
(ang mga bata ay pupunta kay Bert)
Mga bata: Tatay! Tatay! Tatay! Wala ka bang pasalubong sa amin? (with a cute face)
(gulat na gulat si Clary at nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari)
Bert: Tiya Isyang siya ay si Clary ang aking asawa, Clary ang aking tiya at
aking mga….
Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.
Uuwi na lang ako sa Maynila. Doon may banyo, toilet, bedrooms at higit
sa lahat walang mga makukulit na bata ang manggugulo sa akin.
(umalis si Clary at hinabol naman siya ni Bert at nahawakan sa kamay)
Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.……
(nag-iiyakan ang mga anak)
Tiya Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik.

40 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa dula.


________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng pamumuhay ng bagong mag-asawa?


________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Bakit sinabing magiging Adan at Eba sa paraiso sina Bert at Clary?


________________________________________________________________

________________________________________________________________

4. May layunin bang magsinungaling si Bert kay Clary? Ipaliwanag.


________________________________________________________________

________________________________________________________________

5. Bakit hindi napigilan ni Bert si Clary na bumalik sa Maynila?


________________________________________________________________

________________________________________________________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 41


Kung babalikan ang dula, makikita rito ang iba’t ibang mukha ng kahirapan. Hatiin ang
klase sa tatlo. Pagsama-samahin ang magkakapangkat. Ipagawa sa bawat pangkat ang mga
sumusunod:

Pangkat 1. - “Frozen pictures” sa pamamagitan ng kanilang mga katawan – pagpo-pose)


na nagpapakita ng isang mukha ng kahirapan na ipinakita sa dula.

Pangkat 2 – Ibuod ang dula sa pamamagitan ng pagguhit gamit ang Manilapaper, pentel
pen at krayola.

Pangkat 3 - Pumili ng isang bahagi sa dula at ito ay isadula muli.

Magkakaroon sila ng 10 minuto para makapag-usap-usap at makapaghanda.


Kapag handa na ang bawat grupo, pagtanghalin sila. Tawagin isa-isa ang mga grupo upang
mag-pose sa harap ng klase. Pahulaan sa natitirang bahagi ng klase ang mga ipinakikita ng
nagtatanghal na grupo. Ipaliliwanag ng bawat pangkat na nagpresenta ang mga konsepto na
nais nilang ipahiwatig.

Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan


ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o
makalibang sa mga mambabasa. Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.

Mga Bahagi ng Editoryal

Panimula o news peg - ay ang paksa o balitang batayan ng isusulat na tudling. Narito ang
mga tala o detalye ng paksa. Kailangang ito ay maging maikli lamang.

Katawan- ay ang kuro-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa. Maaaring laban o sang-ayon
siya sa paksa. Ipinahahayag din dito ang layunin ng sumulat ng editorial.

Panapos o pangwakas - ito ay nagpapatibay ng kuro-kuro at nagbibigay ng mungkahi o


solusyon sa tinatalakay na isyu.

42 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Mga Uri ng Editoryal

1. Nagpapakahulugan - ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang


mahalagang pangyayari.

2. Nagpapabatid - nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi


gaanong maunawaan.

3. Namumuna at nagpapabago - pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng


isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung
mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.

4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri - nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may


kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi- tanging
gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang
kabutihan.

5. Nagpapahalaga sa natatanging araw - ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging


araw o okasyon.

6. Nanlilibang - hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang ginagamit dito ay di-pormal,
masaya, kung minsan ay sentimental at karaniwang maikli lamang.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Editoryal

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula, maikli lamang upang akitin ang mambabasa.

2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan


nang maayos at malinaw.

3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay —


a. Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulain.
b. Gumamit ng paghahambing at pagkakaiba-iba.
c. Gumamit ng magkakatulad na kalagayan.
d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 43


4. Tandaang ang pinakapansing bahagi ay ang panimula at ang panapos.

5. Gawing maikli lamang.

6. Huwag mangaral, ilahad lamang ang katwiran at hayaang ang mambabasa ang
gumawa ng sariling pagpapasiya.

7. Iwasan ang unang panauhan at isahang panghalip.

8. Sulatin nang payak lamang.

Paninigarilyo sa Pampublikong Lugar

ng Pilipino Star Ngayon, Hunyo 16, 2013

Balewala ang Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2013). Sa ilalim ng batas
na ito, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at mga confined o enclosed
areas gaya ng ospital, gusali, sinehan, paaralan, terminal ng bus, elebeytor, mga airconditioned
room, klinika at recreational facilities para sa mga bata.

Pero ang malungkot na katotohanan, hindi naipatutupad ang batas na ito. Mata-pos
pagkagastusan, pagbuhusan ng oras, pagdebatehan at talakayin nang matagal ay hindi rin
pala lubusang mapapakinabangan. Ang nakadidismaya, may mga mambabatas na sila pa ang
unang sumusuway sa batas. Sa halip na sila ang maging halimbawa para maipatupad nang
maayos ang batas, sila pa ang nang lumalabag.

44 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Maraming naninigarilyo sa enclosed areas. Walang pakialam kahit na nasusulasok ang
mga nasa loob ng kuwartong airconditioned ng gusali. Walang pakialam kahit may
magkasakit dahil sa ibinubugang second hand smoke.

Isa ang gusali ng Senado sa mga lugar na hindi nasusunod ang R.A. 9211. Umano’y
may ilang senador na naninigarilyo rito at hindi na isinasaalang-alang ang kalusugan ng iba
pang nakalalanghap ng usok. May mga senador umano na naninigarilyo sa loob mismo ng
kanyang tanggapan. Dahil aircon ang tanggapan, hinihigop ito ng aircon kaya ang mga
katabing tanggapan ay nalalanghap din ang mabahong amoy ng sigarilyo. Sa halip na
magbigay ng halimbawa ang senador na huwag manigarilyo, siya pa ang pasimuno.

Sa ulat ng Department of Health, nangunguna ang cancer sa baga sa mga sakit na


nakukuha sa paninigarilyo at maraming Pilipino ang nagkakaroon nito. Ang iba pang sakit ay
cancer sa lalamunan, labi at dila, at sakit sa puso. Kandidato rin sa pagkakasakit ang mga
nakalalanghap ng second hand smoke.

Ang mga mambabatas ang nararapat maging halimbawa sa pagpapatupad ng batas.


Sila ang dapat manguna at hindi ‘yung sila pa ang nagpapakita nang kawalan ng respeto
sa batas. Sundin sana ng ilang mambabatas na matakaw sa yosi ang R.A. 9211.

1. Tungkol saan ang editoryal?


______________________________________________________________________

2. Bakit kinakailangan pang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar?


_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 45


3. Ano ang nararamdaman ng nagsulat ng editoryal? Sang-ayon ka ba? Bakit?
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang editorial o pangulong tudling?


______________________________________________________________________

2. Papaanong dahilan at bakit sinasabing ito ang tinig ng pahayagan? Ano ba ang
pinapatungkulan nito?
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

3. Ano bang tulong ang naidudulot nito para sa mga mambabasa?


______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga pamantayan na dapat sundin sa pagsulat ng editoryal? Maglahad ng isa
at ipaliwanag.
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

46 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Gramatika at Retorika

Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat at Pagpapatunay

Isa sa mga layunin ng manunulat ay ang makumbinsi o mahikayat ang mga


mambabasa. Layunin din nito na hamunin at manindigan sa mga kadahilanan ayon sa kanilang
nababasa. Narito ang mga angkop na mga pahayag na maaaring gamitin sa pagpapahayag sa
panghihikayat.

Halimbawa:

tara totoo tama talaga tumpak

kaya natin ito siyempre ngayon na! pero

naniniwala akong… tunay sama na siguradong…

kaya mong maging bahagi ng… ito na… subalit

kitang-kita mong…..

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 47


Gamit ang mga pahayag na panghihikayat, bumuo ng isang editorial na hihikayat sa
ating mga Pilipino na muling bumangon at makabawi sa ating mga pinagdaanan o
pangyayari na kinalugmukan.

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

48 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Narito ang gabay para sa gagawing editoryal.

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5

Nakatatawag pansin ang simula at wakas. May matibay,


malinaw at maayos na editoryal.

Nagamit ng tama ang mga pahayag na panghihikayat.

Malinaw na makikita ang mga mensaheng nais ipahayag


ng editoryal.

Kabuoang Puntos

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 49


Aralin Maragtas
4 (Epiko )

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan


na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi
ng mga diyos o diyosa.

Ito ay may paksa tungkol sa paglalakbay at pakikidigma. Ito ay galing sa Griyegong


salita na epos na nangangahulugang awit at tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan...

Ito rin ay kuwento ng kabayanihan. Punung-puno ito ng mga kagila-gilalas na mga


pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

50 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at
mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng
Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay.

Mga Epiko ng Iba't-ibang Rehiyon:

Biag ni Lam-ang (Iloko)

Indarapatra at Sulayman(Muslim)

Bantugan, Bidasari at Tuwaang (Bagobo)

Tulalang (Manobo)

IIbalon (Bicolano)

Labaw Donggon (Kabisayaan)

Mga Epiko sa Ibang Bansa:

Iliad at Odyssey ng Gresya

Kaleva ng Pinlandiya, Ramayana ng India at Hiawatha ng Amerikanong India

Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya

Beowulf ng Inglatera

El Cid ng Espanya, Sundiata (Mali)

Siegried ng Alemanya

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 51


Ang Maragtas ay nangangahulugan ng kasaysayan, kung kaya’t ang epikong ito ay
hango sa mga tala ng pangyayari na naganap sa pulo ng Maadyas, Visayas na ngayon
ay pulo na ng Panay.

Kasaysayan

Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang


Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa
Gitnang Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang
sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang
Filipino, ang pambansang wika na ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan subalit
bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga
opisyal na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika
sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga
pampublikong palatandaan at kalakalan.
May mga alamat na nakapaloob sa librong Maragtas, tungkol sa sampung hepe (datu)
na tumakas mula sa paniniin ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang
mga datu at ang kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga Bisaya.
Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama't ito
ay isang alamat, base pa rin ito sa mga makatotohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa
isang aklat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong 1907.

Wikang Hiligaynon

Ang Wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros


Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang Hiligaynon. Ginagamit rin
ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan,
Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat
at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000
katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang
karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang
lingua franca. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa
mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas.

52 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Maraming salitang Kastila sa Ilonggo, mas marami kaysa Tagalog, bagaman
sa kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila.

Kadalasang "Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros Occidental.


Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga
mamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong
Ilonggo at ang katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang maaaring ang
isa ay pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.

Mula sa mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang


may salungguhit batay sa kontekstong ipinahihiwatig sa bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang.
1. Isang araw, si Pabulanan ay nais halayin at angkinin ng masamang sultan.
______________________________________________________________________
2. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao.
______________________________________________________________________
3. Palihim silang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.
______________________________________________________________________
4. Si Sumakwel ay maraming alam tungkol sa paglalayag.
______________________________________________________________________
5. Ang mga sundalo ay palihim na umalis.
______________________________________________________________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 53


Epiko ni Maragtas

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ay nais halayin at angkinin ng
masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang
magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim.
Naisipan din nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming


bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni
Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw
ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao.


Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina
Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila
magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni
Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap
sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal
na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang
naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda
sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang
pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim
sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni
Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain.
Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno ng mga datung hahanap ng malayang
lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang
sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong.
Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay
bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni

54 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang
asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang
kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela,
Dumalogdog at Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na
pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa
paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng
Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay
nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang
paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa
pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sarat ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu
Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon
at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa
Borneo ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay
masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag
na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng


mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking lapad na bato sa baybay dagat. Ito
ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga
panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang
kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni
Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan
kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng
maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng
Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si
Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si
Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati
ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan
naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay naging masaya at nagkasundo.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 55


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? Paano siya inilarawan sa kuwento?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
2. Bakit ayaw ni Datu Sumakwel sa planong paglaban ng kanyang kapwa mga datu?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
3. Bakit ipinasiya ni Datu Puti ang maglayag at maghanap ng bago nilang lupain?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

4. Bakit sa kanilang paglalayag ay may dala silang binhi ng kanilang halaman?


___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

5. Paano masasabing si Marikudo ay mabuting pinuno?


___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

56 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Hatiin ang klase sa lima. Pagsama-samahin ang magkakapangkat. Ipagawa ang sumusunod
na gawain sa bawat pangkat at pagkatapos ay iulat.

Pangkat 1 – Gawan ng plot profile ang damdamin ng piling tauhan mula sa


simula hanggang katapusan ng kuwento.

Pangkat 2 – Magsaliksik kaugnay ng mga katapangan ng isang piling datu. Pagkatapos


ay ibahagi ito sa klase.

Pangkat 3 – Isa-isahin ang mga katapangang ipinakita sa epikong binasa. Maghain ng mga
mungkahi kung paanong mabisang maipatutupad ang nabanggit na katapatan sa
mapayapang paraan.

Pangkat 4 – Kaninong mga personalidad o grupo ng mga tao maaaring ihalintulad ang
mga tauhan sa binasang epiko? Ipaliwanag.

Pangkat 5 – Kasama ng iyong pangkat, lumikha ng poster story map tungkol sa


binasang epiko. Ilagay ang sumusunod sa inyong gawain: • Simula • Papataas na
aksyon • Kasukdulan • Pababang aksyon • Wakas

Kasanayang Panggramatika at Pangretorika


Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Ang pagsasalaysay ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw


ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na mauunawaan ng
nakikinig o bumabasa. Sa pamamagitan ng pagsasalaysay ay nagiging ganap ang pagkatuto
ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang idea o kaisipan na sa
kanya ang kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan. Itinuturing din ang
pagsasalaysay bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao.

1. Sa paglalarawan - inilalarawan ang mga katangian ng anumang isinasalaysay kaya't


karaniwan itong gumagamit ng mga salitang; ang mga katangian ay, ang anyo
ay, ang itsura ay, ang lasa ay, ang kulay ay, at iba pa.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 57


2. Sa paghahambing - ginagamitan ito ng mga salitang pareho sa, magkaiba sa, magkalayo
ang katangian sa , at sa kabilang banda.

3. Sa paglalahad ng sanhi o dahilan - ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na


dahil sa, sapagkat, palibhasa at iba pa.

4. Sa paglalahad ng suliranin o solusyon - ginagamitan ng mga salitang


ang problema ay, ang suliranin ay, ang diprensiya ay, ang tanong ay, ang sagot
diyan ay, ang solusyon ay;

5. Sa Pagsusunod-sunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o proseso sa


pagsasagawa ng isang bagay -. mahalagang masundan ng mambabasa o
tagapakinig ang hakbang o proseso kaya karaniwang ginagamit sa ganitong
pagsasalaysay ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo, kasunod at panghuli.

Bilang isang Kristyano at mag-aaral ng Paaralang Kristyano, ikaw ay naturuan ng


manalangin ng tama. Ipapakita mo kung papaano ang isang tamang panalangin gamit ang
pang-ugnay na magpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod na dapat banggitin sa tamang
pananalangin.

Panimula
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Gitna

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Pangwakas
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

58 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Pagsasagawa ng pasasalaysay ng isang pangyayari sa ating kasalukuyan na maihahalintulad
sa pangyayari sa Epiko.

Sa Epikong iyong nabasa ay maaring nakapulot ka ng mga mabubuting aral, pumili ng


isa sa bahaging ito at ihambing sa kasalukuyang panahon. Talakayin sa inyong buong pangkat
kung papaano ninyo maipapakita o maitatanghal na makabuluhan sa inyong klase.

Narito ang pamantayan upang maging gabay.

Mga Pamantayan 12 3 45

Mahusay na nailalahad ang mga datos o kinakailangang


mula sa mga mapagkukunang impormasyon tulad ng
aklat, magasin, at iba pang babasahin gayundin sa
internet na akma sa tinatalakay na paksa.

Maliwanag na nailalahad ang mga paraang gagamitin sa


pagkuha o paglikom ng datos.

Malinis at maayos ang pagkakasulat, makikita


ang pagsisikap na maging mahusay ang ipinasa.

Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 59


Aralin Si Pinkaw
5 ( Maikling Kuwento )

Ang maikling kuwento ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang–isip na hango sa isang
tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang upuan, nakapupukaw ng damdamin,
at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at kakauntian ng
mga tauhan. Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

Ito ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad,
kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap
sa buhay ng pangunahing tauhan.

60 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Deogracias A. Rosario

Isinilang sa Tondo, Maynila, Oktubre 17, 1894


Nagsimulang magsulat noong 1915 at taong 1917
naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at
Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng
mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog.
Siya ay kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong
Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng
tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng
kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda
ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang
tradisyon ng maikling kuwento.
Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda
ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:

"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan


ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan,
iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa
kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa
tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan".

Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang: Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang
Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa.
Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50
Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre


26, 1936.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 61


“Si Pinkaw”
(Maikling kwentong Hiligaynon)
Ni Isabelo S. Sobrevega

Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at


tawanan ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at
dumungaw sa bintana. Si Pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung
ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang
tinagpian, at ang isang paa’y may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil
malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel
na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palarang
kumikinang tuwing tinatamaan ng araw.

“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-
tawing na daga, “kumanta ka ng ng blak is blak.”

“Sige na, Pinkaw,” udyok ng iba pang mga bata.

“Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri.

“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo!” nakangising sabat ng pinakamalaki sa
lahat. Mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pinkaw.
Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.

Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw. “Sige,


agawin natin ang kanyang anak,” sabi nila at sabay halakhak. Maya-maya’y nakita kong
sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa
lupa.

62 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


“Huwag ninyo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.” Patuloy pa
rin ang panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw.

Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t sinigawan ko sila upang takutin.
“Hoy, mga bata! Mga salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa kanya.”

Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya’t isa-isa silang nag-alisan.
Nang wala na ang mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:

“Meyor, kukunin nila ang aking anak.”

Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang tawag
sa akin at ngayon nama’y meyor. “O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.”

Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita
kong lata pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata.

“Hele-hele, tulog muna, wala rito ang iyong nanay...” ang kanyang kanta habang
ipinaghehele ang hawak at may patiyad pa na sumasayaw-sayaw.

Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.

At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay namin sa tambakan, nang hindi pa iyon
nababaliw.

Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng


basura ng siyudad); dito siya kumukuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati,
madalas siyang kumakanta. Hindi kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta.
Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na
lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol. Isang bagay lamang ang mapupuna mo
sa kanya—lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang boses- basag nga at
boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Marahil dahil ito
sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung bakit ganoon siya
kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.

Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton
niya’y puno ng mga karton, papel, bote, basahan, sirang sapatos at may bag na buri na
nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang
sardinas, karne norte o kaya’y pork-en-bins, pandesal na kadalasa’y nakagatan na, at kung
minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. Sa kanyang payat na
katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tila
nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang Bisaya.

Pagdating niya sa harap ng kanyang barung-barong, agad niyang tatawagin ang mga
anak: “Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.” At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 63


magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang
jeans na istretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy?

Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay
niyang pangalan. “Pinkaw” ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya.
Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang
sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paboritong
santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama ng kanyang tatlong
anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na
labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng istretsibol na dala ng
ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa maisan. Si Basing ang
pangalawa, sungi na ngunit napakahilig pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas
nito sa biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi
at guwapong-guwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa’y maiisip mo na
totoo nga ang sinasabi ni Pisyang sugarol.

Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang


mga lata, ang mga bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan
katulong ang kanyang mga anak, at ang sungi ang siyang may pinakamalakas na tinig.
Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Intsik na tagabili.

Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita
mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si
Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak.

“Ang mga bata,” nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang pinapalo
ng isang ina ang maliit na anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. “Hindi
kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa
magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo
subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.”

Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa


ilong ng kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. Lubha siyang
matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang
tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng
matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing
linggo’y hindi kukulangin sa beinte sentimos ang
ipinamamahagi niya sa pulubi.

Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito. Minsan,


nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo
siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya.
Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sa isang

64 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-
dugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat wala naman
talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang
pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik.

Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doktor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng
dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata.

“Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking
anak, sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi
naipaduktor,” sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang
kanyang anak.

Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas, relip, at iba
pang bagay na ipinamimigay ng ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap.
Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking
pamumuhay? Malakas at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging
palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating
gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang
ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong.
Kalokohan...”

Iyan si Pinkaw. kuntento na siya sa kanyang maaabot sa buhay.

Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako ng
kapatid kong maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at
matinding galit ang aking nadama sa kanila.

Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa
sakit ng tiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi
nito.

Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong.


Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang dalhin ang mga anak sa ospital.

Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga
anak. Nagtungo siya sa bahay ng doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor sapagkat
naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong.

Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa pang duktor. Matagal
siyang tumimbre sa tarangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-
silip sa bintana.

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 65


Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos di
na makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging
maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.

Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto


upang isakay ang maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya’y
napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya
ng langit nang mabatid niyang ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang
pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming
tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit
isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga
anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada.

Pakiramdam niya’y isang daang taon na ang lumipas bago niya narating ang ospital ng
pamahalaan. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at nars na ang binibigyang pansin
lamang ay ang mga pasyenteng mukhang mayaman, nalapatan din ng gamot ang dalawang
anak ni Pinkaw.

Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at


sumusunod namang namatay ang bunso.

Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw,
sinusundan na naman ng mga pilyong bata.

“Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...” ang kanta niya habang
ipinaghehele sa kanyang mga bisig ang binihisang lata.

Talasalitaan. Isulat lamang sa patlang ang titik ng kasingkahulugan na tinutukoy na


salita sa bawat bilang.
______ 1. pag-idlip a. malungkot
______ 2. gula-gulanit b. umupo
______ 3. sumalampak c. naghuhukay
_______4. panunudyo d. pagtulog
_______5. pumapangos e. panunukso
_______6. malumanay f. nagtatago
_______7. nagkikimkim g. sira-sira
_______8. naghahalukay h. marahan
_______9. ipinamamahagi i. nagsasama-sama
_______10. nag-titipon j. ipinamimigay

66 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ilarawan si Pinkaw bilang ina.


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Sino ang nagkukuwento ng buhay ni Pinkaw?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Paano ipinakita sa kuwento na kahit mahirap lang si Pinkaw ay hindi siya umaasa
sa gobyerno?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Kasalanan ba ni Pinkaw ang mga nangyari sa kanyang buhay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Ikaw, kung makakasalamuha mo si Pinkaw ng personal, paano mo siya tutulungan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 67


URI NG MAIKLING KUWENTO

1. Kuwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang


nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Kuwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit


ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Kuwentong bayan - inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
4. Kuwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kuwento ng katatakutan - ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kuwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kuwento ng sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng isipan.
8. Kuwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
9. Kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
10. Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tao.

68 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Talakayin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga elemento ng maikling kuwento?


2. Ano-ano ang mga uri ng maikling kuwento?
3. Magbigay ng maikling kuwento na nais mong basahin. Ilahad kung bakit?
4. Bakit sinasabing nakalilibang ang pagbabasa o pakikinig ng maikling kuwento?
5. Kung ikaw ang susulat ng maikling kuwento, anong uri ang nais mong sulatin?

Kasanayang Panggramatika at Pangretorika


Mga pang-ugnay na ginamit sa Pagsasalaysay o Pagsusunod-sunod ng Pangyayari sa
Kuwento

Sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang sa panuto ay gumagamit tayo ng mga salitang


una, ikalawa, huli, para masundan ng mga mambabasa ang mga hakbang na ilalahad. Ngunit
sa isang kuwento ay hindi na magandang ganito ang gamitin para sa mga pagkakasunod-
sunod nito.

Mas magiging nakaaaliw ang pagbabasa nito kung ito ay gagamitan ng mga salitang
ginagamit sa pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari sa kuwento tulad ng mga salitang isang
araw, samantala, maya-maya, hindi nagtagal, sa wakas, at iba pa.

Sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ay gumagamit ng mga panandang salita upang


masundan ng mambabasa ang mga inilalahad gaya ng una, ikalawa, sunod, bilang
pagta-tapos, sa huli at sa pangwakas o panghuli.

1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos, pangyayari o


gawain.
a. Sa pagsisimula
una sa umpisa
noong una unang-una
b. Sa gitna
ikalawa pagkatapos
ikatlo saka
sumunod maya-maya
c. Sa wakas
sa dakong huli wakas sa panghuli
sa huli sa pagwawakas sa pagtatapos

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 69


Tukuyin at salungguhitan ang mga salitang pang-ugnay na ginamit sa pagsasalaysay.

Noong unang mga araw ay may mag-anak na nakatira sa malapit sa pangpang ng


dagat. Isang araw ay nagkasakit ang bunsong anak dahilan sa pagkagutom o kakulangan sa
pagkain. Agad na naghanap ang ina ng manggagamot upang malunasan ang sakit ng anak.
Mabuti na lamang at mayroon silang kapitbahay na isang albularyo. Pagkaraan ng ilang oras
ng panggagamot ay muling bumalik ang konting lakas ng batang may sakit. Hindi nagtagal at
nakauwi na ulit ang mag-ina sa kanilang tahanan.Nagpapasalamat sila sa tulong ng kapitbahay
na isang albularyo.

Gamitin ang mga hudyat na pananda sa makabuluhang pangungusap bilang hakbang sa


simpleng paghahanda kung may sakunang darating gaya ng malakas na bagyo. Isulat
ang sagot sa loob ng parihaba.

1. Unang-una

2. Sumunod

3. Saka

4. Pagkatapos

5. Sa huli

70 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Ayusin nang sunod-sunod ang mga pangyayari batay sa alamat na iyong binasa.
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari tungkol sa kuwento. Lagyan ng bilang mula 1-
10.

_____1. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping


mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak.

_____2. Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang
tawag sa akin at ngayon nama’y meyor.

_____3. Pagdating niya sa harap ng kanyang barung-barong, agad niyang tatawagin ang
mga anak: “Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.”

_____4. “Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...” ang kanta niya habang
ipinaghehele sa kanyang mga bisig ang binihisang lata.

_____5. Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at
nakita kong lata pala iyon ng biskwit.

_____6. Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na


sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan.

_____7. “Huwag ninyo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.”

_____8. Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan.

_____9. Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay.

_____10. “Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may
itinatawing-tawing na daga, “kumanta ka ng ng blak is blak.”

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 71


Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sariling Kuwento

Kung gagawa ng kuwento dapat ay alam kung ano ang ugali ng mga tauhan sa
gagawing kuwento. Bawat isa ay lalagyan ng ugali at kung ilan ang mga tauhan. Maaring
maglagay pa ng puwang upang kung may maisip pang idagdag ay puwede pang ilagay.

Halimbawa.

a. Kulas - mabait, masunurin, matulungin sa kapwa, mahina pagdating sa problema.

b. Berto - mabait, masayahing bata, palabiro, maasahan na kaibigan.

c. Karlo - makasarili, masama ang ugali, wala ng magulang.

Dito sila uumpisahang buhayin. Ang manunulat ang magiging “diyos” ng mga
isinusulat, siya ang gagawa ng mundo nila at ng kanilang magiging buhay. Uumpisahan ang
pagsulat sa isang blankong papel o kaya ay sa harap ng kompyuter. Malaki ang tulong ng
imahinasyon upang maging maganda ang kwentong gagawin.

Subukang gumawa ng sariling maikling kuwento batay sa sariling karanasan gamit ang
mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay at tamang pakakasunod-sunod ng
mga pangyayari. Isulat ang kuwento sa notbuk.

72 Filipino 7 / Ikalawang Kwarter


Narito ang mga gabay sa pagsulat.

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5

May maayos na elemento, at tamang


pagkakasunod-sunod ng banghay.

Maliwanag ang mga delatle sa kuwento.

Nagpapakita ng mahahalagang aral sa


kuwento.

Wastong paggamit ng mga bantas.

Kabuoang Puntos

Filipino 7 / Ikalawang Kwarter 73

You might also like