Reflection

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

January 23, 2019

Ito ang unang araw ng aming pagbisita sa Barangay San Josef Norte sa Cabanatuan City.
Ito ay isinagawa sa tulong ng mga mag-aaral ng NSTP-CWTS mula sa Wesleyan University-
Philippines .

Sa pangunguna ng aming guro na si Pastor Roberto Pascual, inatasan kaming mga mag-
aaral ng CWTS na obserbahan o suriin ang kapaligiran at maging ang mga mamamayan na nasa
barangay. Ang layunin ng gawaing ito ay malaman kung ano ang kakulangan at pangangailangan
ng mga tao sa nasabing lugar. Nagsagawa rin kami ng sarbey upang malaman at makakuha sapat
na impormasyon mula sa mga miyembro ng barangay.

Nang matapos ang aming unang pagbisita, aking napagtanto na maraming kakulangan o
pangangailangan ang mga tao. Hindi lahat ay may kakayahang buhayin ang kani-kanilang
pamilya. Akin ding napansin ang kalinisan sa kapaligiran. May kakulangan pagdating sa mga
basurahan sa iilang bahagi ng barangay. Sa mga panahong iyon, nag-isip kami ng mga bagay na
maaari naming ipagkaloob sa barangay na magsisilbing tugon namin sa ilan nilang
pangangailangan.
March 2, 2019

Sa ikalawang pagkakataon, kaming mga mag-aaral ng CWTS ay muling bumisita sa


Barangay San Josef Norte. Sa puntong ito, muli naming tinanong at inusisa ang mga
mamamayang naninirahan sa barangay. Ilan sa mga katanungan nabanggit sa sarbey ay kung
mayroon bang proyektong isinasagawa o inilunsad ang barangay at kung anong diyalekto ba ang
kanilang gingamit bukod sa wikang Filipino o Tagalog.

Muli rin naming inobserbahan and kapaligiran kung ito ba ay kulang sa mga basurahan,
may mga sira o barado bang kanal o mayroon bang mga pangangailangan pagdating sa kalinisan
sa loob ng barangay. Inusisa rin naming mabuti ang mga kabataan kung may pangangailangan ba
ang mga ito pagdating sa kanilang kalusugan.
March 9, 2019

Sa aming pagbalik sa barangay San Josef Norte, nagsawa muli ang aming klase ng sarbey
patungkol sa pangangailangan ng barangay. Habang kami ay abala sa aming Gawain, nakipag-
sangguni naman ang aming propesor sa barangay hall upang kumonsulta sa iilang bagay
patungkol sa proyekto isasagawa ng mga mag-aaral.

Ilan sa mga mag-aaral ng CWTS naman ay naglinis ng ilang bahagi ng barangay. Ang iba
ay sa tabing ilog at ang iilan naman ay sa paaralan. Nang matapos sa mga Gawain, bumalik na
kami sa paaralan para sa maliit na pagpupulong. Napag-usapan dito ang mga proyektong nais
ilunsad ng klase tugon sa pangangailangan ng barangay. Ilan sa mga namungkahi proyekto ay
ang paglulunsad ng feeding program sa mga bata sa barangay, pagbabahagi ng mga school
supplies sa mga kabataan at paghahandog ng trash bins o basurahan na maaaring magamit upang
mapanatili ang kalinisan.
March 23, 2019

Sa muli naming pagpunta sa barangay San Josef Norte, nilista namin ang mga pangalan
ng mga bata sa barangay nasa edad pito hanggang labindalawa. Ito ay para sa isasagawang
feeding program bilang proyekto ng klase ng CWTS sa tulong ng barangay. Sa pamamagitan
nito, matutulungan namin ang mga bata lalo na ang underweight o may kakulangan sa timbang.

Bilang isa sa mga mag-aaral ng CWTS, nakakagaan ng loob at nakakataba ng puso na


masaksihan ang mga batang sumasaya sa simpleng kaganapan o tulong na aming ibabahagi para
sa kanila.

You might also like