Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang maikling paliwanag ukol sa paraan o “strategy” ng pagsulat ng riserts
kung ito ay:

a. Pangkasaysayan (Historical)
b. Eksperimental (Expiremental)
c. Palarawan (Descriptive)
d. Kaso (Case Study)
e. Serbiyon (Survey)
f. Pagsubay-bay na Pag-aaral (Follow-up Studies)
g. Pagsusuri ng Dokumento
h. Kalakarang Pagsusuri (Trend Analysis)

Ang susunod na bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago dumako sa pangangalap ng mga datos sa pamamagitan
ng sarbey ay pagbubuo ng disenyo ng pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng
matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon, respondent at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos,
kaakibat rin nito ang pagsukat sa usapin ng balidad at relayadibilidad at ang mga pamamaraang ginamit upang makita ang
kahusayan ng pananaliksik.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Nililinaw dito kung anong uri ng pananaliksik ang pinag-aaralan

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE


C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS
E. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

 Laging tandaan na sa seksyon ng metodolohiya, ipinaalam sa mga mambabasa kung ano ang ating ginawa.
Anumang pagkakamali o kakulangang natuklasan sa pagsasagawa ng riserts ay dapat bigyan ng kaukulang pansin,
at anumang resulta dala ng limitasyong ito ay dapat maitala nang buo.
Modelong halimbawa ng PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na
isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan nnng mga walong pangunahing wika at wikang cultural. Matatagpuan dito
ang disenyo ng pananaliksik at a ng linggwistikang pagsusuri ng mga walong pangunahing wika at wikang kultural.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri


ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”,
na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik
na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa
maraming respondent.
Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito sy hindi
lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga
mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon
upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.
Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pagaaral
na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananalisksik.

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “Naitutulong ng youtube sa
unang taon ng mga mag-aaral ng kursong Mass Comm Tech sa La Verdad Christian College Caloocan” ginamit
ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.
Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng kursong Mass
Comm Tech La Verdad Christian College Caloocan. Nahahati sa tatlong pangkat ang kursong Mass Comm Tech sa
unang taon, malayang pumili ang mananaliksik nang dalawampu’t walong (28) mag-aaral na maaring kumatawan
sa kabuuan ng pag-aaral.

Talahanayan 1.

Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan mula sa unang taon ng Mass Comm Tech sa La Veradad
Christian College Caloocan taong 2012-2013.

Kabuuang bilang Kasarian ng mga mag-aaral na Tagasagot Pangkat na kinabibilangan


Ng mga mag-aaral Lalaki Babae MCT 11 MCT12 MCT13
28 14 14 14 8 6

Ang kabuuang bilang ng mga sumagot ay dalawampu’t walo (28) na mga mag-aaral mula sa unang taon ng
Mass Comm Tech sa La Verdad Christian College Caloocan. Ayon sa kasarian ng mga tagasagot, kalahati o labing
apat (14) sa mga sumagot ay lalaki at labing apat (14) din naman ng nagmula sa babae.
Limampung porsyento (50%) ng mga tagasagot o labing apat (14) na mag-aaral ay mula sa Mass Comm
Tech 11, tatlumpung porsyento (30%) naman ng mga tagasagot o walong mag-aaral ay mula sa Mass Comm Tech
12, at dalawampung porsyento (20%) naman ng mga tagasagot o anim na mag-aaral ay nagmula sa Mass Comm
Tech 13.
Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral upang masiguro na nauunawa
ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang
maipahayag ang kanilang nararapat at kailang mga impormasyon.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing instrumento sa


pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang profile
at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral
kung sa papaanong paraan makakatulong ang youtube sa kanilang pag-aaral.
Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng mga talatanungan
na ginamit sa pag-aaral.

Pangalan: _______________________ Lagda: ________________ Propesyon: ___________________Kasarian:


___________________________________________ Edad: ________________________
Panuto:
Bilugan ang titik ng sagot na iyongpipiliin. Pumili lamang ng isa. 1.

1. Gaano kaepektibo ang mgamakabagong teknolohiya sapanggagamot ng mga pasyenteng maymalalang sakit?
a. Napakaepektibo
b. Hindi masayadong epektibo
c. Hindi epektibo

2. Alin ang mas epektibong panggamot samga pasyenteng may malalang sakit?
a. Paggamit ng makabagongteknolohiya
b. Paggamit ng iba pang alternatibo

3.Ano ang maaaring dahilan ng pag-usbong ng mga makabagongteknolohiya sa larangan ng medisina?


a. Paglaganap ng napakaraming sakitsa bansa
b.Kompetensya sa ibang bansa
c.Para sa mabilis na pag-unlad atpaggaling ng mga pasyente

4. Alin ang mas gugustuhin mo kungsakaling isa kang pasyente?


a. Magpagaling gamit angmakabagong teknolohiya
b. Magpagaling gamit angalternatibong paraan ng panggagamot

5. Anong sakit ang ginagamitan ngpinakamaraming aparato o kagamitan sapanggagamot?

Pumili ng halimbawa
a. Cancer
b. Karamdaman sa puso
c. Karamdaman sa utak
d. Karamdaman sa buto

D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw
at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.
Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging
sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang
pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas
makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.
Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Enero hanggang sa Pebrero ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta
ng datos ay sinagawa ng isang araw kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.
Upang masiguro ang impormasyong nakalap ay nagsagawa ng interbyu ang mananaliksik sa iba’t ibang
saklaw ng pag-aaral: guro, magulang at publikong opisyal ng bansa.

E. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis
ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang
napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang
iba’t ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maintindihan para mga mananaliksik ay ang
paggamit ng talahanayan at graphs kung gayon ay magiging epektibo ang Descriptive Statistical Analysis sa pag-aaral na
ito.

You might also like