Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Teoryang Klasismo/Klasisismo

v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan
at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo

v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen
na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Teoryang Realismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Teoryang Feminismo

v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.

Teoryang Arkitaypal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna
ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.

Teoryang Formalismo/Formalistiko

v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo
ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok
na mabago o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Teoryang Romantisismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.

Teoryang Markismo/Marxismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.

Teoryang Sosyolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan
ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Teoryang Moralistiko

v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao –
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.


Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Teoryang Queer

v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang
mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman ay queer.

Teoryang Historikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural

v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng
may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Teoryang Feminismo-Markismo

v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Teoryang Dekonstruksyon

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.

POSTED BY KADIPAN

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html

Eksistensiyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo
(death ,life)

Naturalismo
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong
ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng
kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga tauhan nito. Ito'y
isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.

Humanismo
Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao.

Romantisismo
Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.
Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang
kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.

Modernismo
Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging
larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan,
puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang
layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot sa mga tao gamit ang
tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya ring nais niyang
ipaabot sa kanyang mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong sapat
lamang.walang halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi kailangan ng malalimang
pagsusuri at pag-unawa.

Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan
na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan
at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.

Pisikal
Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng
akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa. Ito'y naghari
sa panahon ng amerikano.

Moralismo
Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal
na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di
mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.

Sosyolohikal
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon,
lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila
bilang boses ng kanyang panahon.

Biyograpikal
Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal
niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

Sikolohikal
„Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang
akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga,
gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.
Arkitaypal
Ayon kay John Loui Medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud at Carl
Jung na may di-malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay
kolektibong unconscious na nagmumula sa "tendency na mabuo ang isang motif".
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teoryang_pampanitikan

You might also like