Pagsasakatuparan NG Batas Diskwentong Pamasahe Sa Dyip para Sa Mga Estudyante NG Ika-Labing Isang Baitang Sa Paaralang Fame Academy of Science and Technology
Isang lupaing marikit, kung titignan mo ay parang langit, ang ganda ay
nakakaakit, puso at isip nahuhumalik. Ito ay lupain na ang buhay ay sagana,at kung tatawagin ito ay "Paraiso". Himig ng ilog, humagoyhoy na hangin, awit ng mga ibon, at ungol ng lion, uso, at lobo. Paraiso na puno ng buhay, mapa hayop at halaman man. Di mo aakalaing ito ay masagana, sapagkat ang himig ng paraiso ay nakakabingi sa tenga. Kay gandang mga tanawin na iyong masasaksihan, mula sa Bundok, Ilog at iba pang kaakit-akit na mga bagay dito. Agos ng ilog sobrang layo ang naaabot, tubig na wari moy crystal, agos na akala mo ay ritmo ng musika. Mga Halamang nag sasayawan sabay sa tugtog ng kasaganahan. Buhay rito ay kay ganda, amoy mo ang sariwang hangin, maraming puno ang namumunga rin, at may ilog na pwedeng pagkakuhaan ng isdang lulutuin. Paraisong nakakapanghinayang rin, dahil sa panahon ngayon,ito ay dahan- dahan ng naglalaho sa ating paningin. Gayunman maari pa rin nating maibalik ang ganda ng bawat paraiso, maging reponsable lamang tayo sa bawat bagay na ating gagawin, ingatan at bigyang halaga ang nasa paligid natin. Name: Reymart Benagua
Grade&Section: Xl- St. Lucy
PANGHIHIKAYAT
“Stress”? Pagod? Gusto magpahinga? Walang jowa? Malungkot? Masaya? Bonding?
Pagkain? Pasiyalan?, At kahit anong problema pa yan i “travel” mo lang yan, dahil dito comportable ka. PILIPINAS? Oo Pilipinas, ito ang lugar na swak puntahan, maraming mga lugar na kung saan gagaan ang loob mo. Abot langit ang ngiti at saya mo rito, di mo aakalaing may iniinda ka. Swak na swak para makapag pahinga, “stress free”. Kung may balak ka na mag travel, wag ng mag alangan pa sa pag pili sa bansang ito. Maraming mga lugar na kapapasyalan, pwede kang mag “hiking”, “camping”, “riding”, “swimming”, “Island hoping” at marami pang iba. Ang Pilipinas ay isang paraisong kahit saang banda mo tignan ito ay nakakaakit talaga,at may saya laging nakapaligid sayo. Ang marikit na bayan na ito ay puno ng galak at saya ang iniiwan sa bawat isa. Pasok lage sa budget, kayang-kaya ng bulsa. Di ka talaga mang hihinayang kapag pumunta ka dito. Kaya’t halina!- punta na rito, upang maramdaman mo ang nararamdaman ng iba. Wag ng mag dalawang isip pa, tara na!.
Pagsasakatuparan NG Batas Diskwentong Pamasahe Sa Dyip para Sa Mga Estudyante NG Ika-Labing Isang Baitang Sa Paaralang Fame Academy of Science and Technology