Professional Documents
Culture Documents
A Trap Script
A Trap Script
Minsan sa ating buhay, may mga bagay na dumarating at atin itong pinapahalagahan. Hindi man natin ito pinili pero
kailangan nating tanggapin dahil kusang dumarating. Dumarating rin sa punto na ang nag-iisang taong ating
pinapahalagahan ay siya ring magiging dahilan upang tayo’y maging malungkot at maiwang mag-isa.
May iba’t-ibang klaseng kasiyahan, isa na rito ang magkaroon ng isang buong pamilya. Pero paano kung hindi parin ito
sapat para maging masaya at mabuhay ng payapa. Paano kung sila rin ang magbibigay dahilan para ikaw ay lumayo at
magtanim ng sama ng loob.
Mahirap pero totoo, masakit pero ito ang realidad. Walang bagay na mas hihigit pa sa pagkakaroon ng tiwala at
pananampalataya. Minsan kailangan nating bumangon, maging malakas at matatag pagkatapos ng ilang pagkadapa
para ipagpatuloy ang buhay.
* naglalakad ang dalawa at nagmamadali (Angela at Eros) kaya magkakabanggaan. Malalaglag ang mga daladala ni
Angela at susubukang pulutin ni Eros, pero ayaw ni angela.
Habang naglalakad si Eros ay may matatanggap siyang isang video galing kay Alexandra. Magugulat ito at dalidaling
pupuntahan si Alexandra upang kausapin.
Eros: tigilan niyo nga yan, tsaka para san tong video na to Alexandra?!
Alexandra: para saan? para ikalat sa buong campus (magsisitawanan ang mga magkakaibigan pero kung ayaw mo, may
choice ka naman.
Eros: sige kahit ano, gagawin ko pero seguraduhin mong buburahin mo yan pagkatapos.
Alexandra: okay game! ganto kasi, these past few days I felt like I don’t feel myself anymore like parang nababawasan
yung mga followers ko and feel ko naleleft behind ako, and it’s because of that transferee girl, Angela.
Eros: oh bakit si Angela?
Alexandra: well madali lang naman, ligawan mo siya at kailangang maging kayo before this month ends tapos, hiwalayan
mo siya at ipagkakalat natin sa buong campus na isa siyang uto-utong babae.
Eros: sa tingin mo madali yang pinapagawa mo sakin? tsaka bakit ko gagawin sakanya? wala naman siyang ginagawang
masama.
Daisy: ay wow sana all
Alexandra: you have a choice Eros, and if ayaw mo I’ll just upload the video and the school will do the rest. (laughing)
Eros: oo sige na, gagawin ko na. Pero tandaan mo to Alexandra, kapag hindi ka sumunod sa usapan, malilintikan ka
saakin babae ka.
Alexandra: whatever Eros!
--
--
Jake: Bro, tikman mo ‘to! (sabay labas nung sachet ng droga at inabot kay Eros)
Eros: Jake ano to?! Hindi mo ba alam na pwede kang makick out dahil ditto?
Yani: Kahit kailan ang killjoy mo talaga Eros! Akin na nga ‘yan!
Eros: Alam niyo, irereport ko kayo. hindi dahil sa killjoy ako o ano man ang tingin niyo but for your own good. (tumalikod
at aakmang lalakad)
Jake: SIge, subukan mo kaming ireport at pasasabugin ko yung bungo ng Angelang ‘yan!
Eros: (humarap ito)
Jake: hindi ako nagbibiro Eros, kilala mo ako, Lahat ng sinasabi ko, ginagawa ko. Kaya kung sinabi kong hithitin mo ‘yan,
hithitin mo at hindi ko gagalawin yung babaeng mahal mo!
--
Jaja: Beshie, hindi mob a nabalitaan yung big issue sa campus natin ngayon?
Angela: ano yun?
Jaja: na nagddroga sila…
Angela: sila?
Jaja: sila Eros.
Angela: si Eros, what? Si Eros?!
Jaja: (Tumango ito) Ang balita ko pa, walang sinumang pumapangahas na magreport kasi takot sila kay Jake.
Habang naglalakad si Angela papunta kay Eros ay maririnig niya ang pinaguusapan ng grupo nina Alexandra tungkol sa
kanilang relasyon ni Eros.
Angela: Eros!
Eros: (tulala)
Angela: Bakit hindi ka na pumapasok? Ilang araw na kitang hindi nakikitang pumapasok! Bakit ngayon ka lang!
Eros: Angela, I don’t have the energy to explain.
Angela: Sagutin mo nga ako, gumagamit kaba ng droga? Kaya ba hindi ka pumapasok dahil kasama mo ‘yung mga
barkada mong nagdrodroga? Diba ang sabi ko naman sayo iwasan mo sila? hindi mo ba maintindihan yon?
Eros: (tumalikod it okay Angela at akmang lalakad)
Angela: (hinila si Eros) Ano ba Eros?! Sumagot ka naman para alam ko kung ano nang nangyayari sayo! Nag-aalala ako
para sayo.
Eros: Hindi ka ba nakakaintindi? wala akong lakas para makipag away! Nakakarindi ka na! Sige, sagot ang gusto mo diba?
Oo! Gumagamit ako ng droga! Oo! Kasama ko sila Jake na nagdrodroga! Pero Angela, dati na yun. Nagbago na ako,
nagbago ako para sayo. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw mo sakanila? Ano?! Masaya kana? Lahat nalang ba
ng tanong mo kailangan kong sagutin? Angela, nakakasakal ka na!
Angela: Nasasakal ka? Naiinis ka? Bakit, dahil ginamit mo lang ako? dahil ang totoo ginamit mo lang ako para
maipakitang isa akong uto-utong babae? Oo, Eros. Narinig ko yung usapan ng mga kaibigan mo pero hindi ko nalang
pinansin dahil mahal kita. Sabihin mo sakin Eros, mahal mo pa ba ako? or I’d rather ask. Minahal mo ba talaga ako?
sumagot ka!
Eros: Oo Angela minahal kita at sorry kung…
Angela: Akala ko iba ka, pare-pareho lang pala kayo. (sabay alis at papasok sa gilid sina Alexandra at ang kanyang mga
kaibigan)
Alexandra: (Clap 3x) Good job Eros, don’t worry I’ll delete the video.
Eros: Wala akong pake sa’yo Alexandra. (sabay alis)
Alexandra: omg!
--
Nanay: Saan ka nanaman nanggaling? Anong oras na? Ano umuwi ka pang lasing, hindi kana nahiya!!
Eros: (Lalagpasan ang nanay)
Nanay: Kinakausap kita huwag kang bastos!
Eros: Pasensya na po pero pagod po ako, sige po.
Nanay: Eros! Eros! bumalik ka rito! (susundan si Eros) Bastos ka talagang bata, wala ka nang nagawang tama.
Eros: Oo! Ako naman lage e, ako ang bobo, ako ang malas, Ako ang walang kwentang anak. Pero ma! ni minsan ba nag-
alala kayo para saakin? naisip niyo rin ba kung bakit nagkakaganito ako? Hindi, diba? kase wala kayong alam. Wala
kayong ginawa kundi ang sermonan at iparamdam saakin na wala akong kwentang anak.
--
--
--
--
(sa bahay)
Eros: Ma, I’m sorry. Sorry po kung nasagot kita nong isang araw.
Nanay: Sorry din anak, pasensya kana kung naging bulag ako, sorry dahil wala ako sa tabi mo nong mga panahong
nahihirapan ka.
Eros: okay lang po ma, sana mapatawad niyo rin ako.
THE END