Ang Nobena Sa Lahat NG Mga Banal at Panalangin para Sa Mga Yumao PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

ANG PAGSISIYAM SA LAHAT NG MGA BANAL

AT PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO


ANG PAGSISIYAM SA LAHAT NG MGA BANAL
AT PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO
PAROKYA NG SANTISIMA TRINIDAD
© 2019. Maaaring gamitin sa loob lamang ng Parokya.
Mga sipi mula sa Banal na Kasulatan mula sa Mabuting Balita Biblia.
Mga panalangin mula sa https://www.praymorenovenas.com/saints-day-novena
Pangwakas na Panalangin mula sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma.
Inihanda at isinaayos ng Lupon para sa Pagsamba, Parokya ng Santisima Trinidad, 2019.
ANG PAGSISIYAM SA LAHAT NG MGA BANAL
UNANG ARAW: SA KARANGALAN NG MAHAL NA BIRHEN
Oktubre 23
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS 2 Pedro 2, 9

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro.

K ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang,


AYO
bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-
hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa
kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat sa Diyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay. MAUPO
TUGUNAN

Namumuno. Kayo ay bayang pinili niya.


Lahat. At tinawag tungo sa kanyang kaliwanagan.

3
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Diyos,
upang sa pamamagitan ng kaniyang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos
ang kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

S ANTA Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Simbahan, ipakita mong ikaw ang
aming Ina, at gabayan mo kami sa pamumuhay nang may kabanalan,
nang sa gayon ay mapasalangit din kaming katulad mo. Ipanalangin mo
kami nang makatulad kami sa iyong kababaang-loob at kalinisan.
Ipinapanalangin rin namin na dalhin mo iyong Anak ang mithiing ito:
(Banggitin ang iyong mithiin).

Santa Mariang Kabanal-banalan, ipanalangin mo kami.


Santa Maria, ipinaglihing walang sala, ipanalangin mo kami.
Santa Mariang Kalinis-linisan, ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Tala ng Karagatan, ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Lupa at Kalangitan, ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Anghel at lahat ng mga Banal, ipanalangin mo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.

Namumuno. Manalangin tayo.


Lahat.
TUMAYO

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

4
IKALAWANG ARAW: SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA ANGHEL
Oktubre 24
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS 1 Tesalonica 5, 9-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica.

H INDItayo pinili ng Diyos upang parusahan, kundi upang iligtas sa


pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Namatay siya para sa atin
upang tayo’y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa
kanyang muling pagparito. Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at
magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat sa Diyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay.
TUGUNAN
MAUPO
Namumuno. Tayo ay pinili hindi upang parusahan.
Lahat. Kundi upang bigyan ng buhay na walang hanggan.

5
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na Anghel upang sa
pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang
kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGA Anghel na banal na naglilingkod sa harapan ng Diyos gabi at


araw, kami ay tunghayan at laging gabayan upang kami ay lumago sa
kabanalan. Ipanalangin ninyo kami nang lagi kaming makasunod sa
Panginoong Diyos, katulad ng matapat ninyong paglilingkod. O mga banal
na Anghel, dalhin ninyo ang aming mga panalangin sa harap ng dambana
ng Diyos sa kalangitan, lalo na ang mithiing amin ngayong ipinagdarasal:
(Banggitin ang iyong mithiin).

San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.


San Gabriel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
Mga banal na Anghel na Tagatanod, ipanalangin ninyo kami.
Kayong lahat na mga banal na Anghel sa Kalangitan, ipanalangin ninyo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.

Namumuno. Manalangin tayo.


Lahat.
TUMAYO

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

6
IKATLONG ARAW: SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA APOSTOL
Oktubre 25
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Hebreo 12, 22-24

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo.

A NG nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lunsod ng Diyos na buháy,


ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel. Dumalo
kayo sa masayang pagtitipon ng mga itinuring na panganay. Ang kanilang mga
pangalan ay nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga
espiritu ng mga taong ginawang ganap. Lumapit kayo kay Jesus, ang tagapamagitan
ng bagong tipan. Ang dugo niyang dumanak ay may pangako ng mas mabubuting
bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat sa Diyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay.
TUGUNAN
MAUPO
Namumuno. Di gaya ng sigaw ng dugo ni Abel,
Lahat. Ang dugong dumanak ni Kristo, dulot sa ati’y buhay.

7
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na Apostol upang sa
pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang
kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGA banal na Apostol, una kayong tinawag ng Panginoong


Hesukristo upang ipakita sa amin ang kahulugan ng pagsunod sa
kanya. Ipanalangin ninyo kami upang maging handa kami na sumunod sa
hangarin ng Espiritu Santo na inyong tinanggap noong araw ng
Pentekostes, at nang lumago kami bilang tagasunod ni Kristo. O mga banal
na Apostol, ipanalangin ninyo kami sa Diyos, at dalhin ninyo sa kanya ang
mithiing ito: (Banggitin ang iyong mithiin).
San Pedro at San Andres, ipanalangin ninyo kami.
San Juan at San Mateo, ipanalangin ninyo kami.
San Felipe at Santiago mayor, ipanalangin ninyo kami.
San Simon at San Judas Tadeo, ipanalangin ninyo kami.
San Bartolome at Santo Tomas, ipanalangin ninyo kami.
Santiago, anak ni Alfeo at San Matias, ipanalangin ninyo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.
Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO
Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

8
IKA-APAT NA ARAW: : SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA MARTIR
Oktubre 26
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Pahayag 12, 10-12a

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag.

A Tnarinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,


“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas
bilang Hari! Ipinamalas din ni Kristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat
pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay
ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang
pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.
Kaya’t magalak ang kalangitan at lahat ng naninirahan diyan!”
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat saDiyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay.
TUGUNAN MAUPO
Namumuno. Nagtagumpay ang mga banal sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.
Lahat. Magalak ang santinakpan sapagkat iniligtas niya tayo.
9
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na Martir upang sa
pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang
kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O banal na Martir, ibinuwis ninyo ang inyong buhay para sa


MGA
pananampalataya. Sa pamamagitan ng inyong katapangan at pag-
aalay ng buhay, ang inyong dugo ay naging binhi ng mga Kristiyano, kaya’t
nakaabot ang Mabuting Balita ng Kaligtasan dito sa aming lupain.
Ipanalangin ninyo kami upang katulad ninyo ay mapuno kami ng tapang
na manindigan para kay Kristo. Kayo ay iniluklok ng Diyos sa harapan ng
kanyang dambana. Dalhin ninyo sa kanyang harapan ang aming
panalangin, lalo na ang mga mithiing ito: (Banggitin ang iyong mithiin).
Apostol San Pablo, ipanalangin mo kami.
Santa Perpetua at Santa Felicidad, ipanalangin ninyo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Lahat kayong mga martir, ipanalangin ninyo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.
Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO
Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

10
IKALIMANG ARAW:
SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA MATAIMTIM SA PANANALANGIN
Oktubre 27
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Pahayag 5, 6a. 8a. 9-10

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag.

N AKITA ko sa pagitan ng matatanda at ng tronong napapaligiran ng apat na


buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo. At nagpatirapa sa harapan
ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu’t apat na matatanda
at inaawit nila ang isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa
kasulatang nakabalumbon at magtanggal sa mga tatak niyon. Sapagkat pinatay ka,
at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula
sa bawat lahi, wika, bayan at bansa. Ginawa mo silang isang lahing maharlika at
mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos at sila’y maghahari sa lupa.”
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat saDiyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay.
MAUPO

11
TUGUNAN
Namumuno. Sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo kami para sa Diyos
Lahat. At itinalaga kami na mga lingkod niya.
LUMUHOD
PANALANGIN
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na biniyayaan ng Diyos ng
pakikisalo sa kaniyang di malirip na buhay upang sa pamamagitan ng kanilang
mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGA banal na biniyayaang makilala ang kalaliman ng buhay ng


Diyos, ang buhay ninyo ay inilaan ninyo sa pananalangin at
pagninilay. Maging huwaran nawa namin kayo ng buhay-panalangin.
Dalhin ninyo sa Diyo ang aming mga panalangin, lalo na ang mithiing ito:
(Banggitin ang iyong mithiin).

Santa Teresa ng Avila, ipanalangin mo kami.


Santa Catalina ng Siena, ipanalangin mo kami.
Santa Faustina, ipanalangin mo kami.
San Juan de la Cruz, ipanalangin mo kami.
San Francisco de Sales, ipanalangin mo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.
Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO
Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

12
IKAANIM NA ARAW: SA KARANGALAN NG MGA PANTAS NG SIMBAHAN
Oktubre 28
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Efeso 1, 17-28
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso.

M GAkapatid: Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang


maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay
ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang
makilala. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung
ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, at kung gaano kasagana
ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal.
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat saDiyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay. MAUPO
TUGUNAN
Namumuno. Di malilirip ninuman
Lahat. Ang pagpapalang inilaan ng Diyos para sa kanyang mga banal.

13
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na Pantas ng Simbahan upang
sa pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang
kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGAbanal na Pantas, ang inyong karunungan ay salamin ng


Katotohanan, at ang inyong katuruan ay tanglaw ng Inang Simbahan.
Ipnalangin ninyo kami upang lumalim pa ang pagkakakilala namin sa
Diyos, at nang sa gayon ay lalo pa namin siyang mahalin nang buong puso.
O mga Pantas na nagniningning tulad ng bituin sa langit, idalangin ninyo
kami sa Ama, lalo na ang mga mithiin naming ito: (Banggitin ang iyong mithiin).
San Ambrosio at San Agustin, ipanalangin ninyo kami.
San Gregorio Magno at San Geronimo, ipanalangin ninyo kami.
Santo Tomas de Aquino, ipanalangin mo kami.
Santa Teresita ng Batang Hesus, ipanalangin mo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.
Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO
Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

14
IKAPITONG ARAW:
SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA NAMUHAY NANG PAYAK
Oktubre 29

Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO


Lahat. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS 1 Pedro 1, 15-16

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pedro.

M kapatid: Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong
GA
magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat,
“Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.”
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat sa Diyos.
MAUPO
Sandaling katahimikan para sa pagninilay.

TUGUNAN
Namumuno. Diyos ay ating tularan sa kanyang kabanalan
Namumuno. Di malilirip ninuman
Lahat. Nang makasalo niya tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Ang pagpapalang inilaan ng Diyos para sa kanyang mga banal.

15
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa
mga banal na namuhay nang payak upang
sa pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang
kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGAbanal na namuhay nang payak, ang inyong kababaang-loob ay


nagpapakilala sa amin ng kabutihan ng Diyos. Ang pagtalima ninyo
sa kanyang kalooban ay nagpapakita sa amin na kami man ay maaaring
maging kasangkapan ng pagpala niya. Ipanalangin ninyo kami nang kami
ay matutong magpakababa at maging mga payak na sisidlan na nakalaan
sa paglilingkod sa kanya. At dalhin ninyo sa harap ng mahabaging Diyos
ang aming mga dalangin, lalo na ang mga mithiing ito: (Banggitin ang iyong mithiin).
Santa Bernadette Soubirous, ipanalangin mo kami.
San Jose ng Cupertino, ipanalangin ninyo kami.
San Juan Diego, ipanalangin mo kami.
San Francisco at Santa Jacinta de Jesus Marto, ipanalangin ninyo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.

Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO


Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

16
IKAWALONG ARAW: SA KARANGALAN NG MGA BANAL
NA NAGTALAGA NG BUHAY SA DIYOS
Oktubre 29
Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO
Lahat. Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS 2 Corinto 6, 16b; 7, 1
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto.

M GA minamahal: Hindi ba’t tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin
ang maysabi, “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang
magiging Diyos nila, at sila’y magiging bayan ko.” Sapagkat ipinangako sa atin ang
mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating
katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan
at paggalang sa Diyos.
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat sa Diyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay.
MAUPO

TUGUNAN
Namumuno. Alisin
natin ang lumang lebadura ng kasalanan
Lahat. At mamuhay nang may ganap na kabanalan.

17
PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na nagtalaga ng buhay sa Diyos
upang sa pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos
ang kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGA banal na pari at madre, mga monghe at mongha, na nagtalaga


ng buhay sa Diyos, kayo ang mga kamay at paa ng Diyos dito sa lupa.
Ipanalangin ninyo kami nang palagi kaming makadulog sa mga
Sakramento lalo na sa Eukaristiya. Dalangin namin na kung paano kayo
naging daluyan ng biyaya noong nabubuhay pa kayo sa lupa, maging tulay
namin kayo ngayon, at dalhin sa Diyos ang aming mga mithiin, lalo na ito:
(Banggitin ang iyong mithiin).

San Benito at Santa Scholastica, ipanalangin mo kami.


Santo Domingo, ipanalangin mo kami.
San Francisco at Santa Clara ng Asis, ipanalangin ninyo kami.
San Ignacio ng Loyola, ipanalangin mo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.

Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO


Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

18
IKASIYAM NA ARAW:
SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA MAGKABIYAK NG PUSO
Oktubre 23

Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO


Lahat. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Pahayag 19, 5-9a

Pagbasa mula sa aklat ng mga Pahayag.

M AY nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na
mga lingkod niya, dakila o hamak man, kayong may banal na takot sa
kanya!” Pagkatapos ay narinig ko ang parang sama-samang tinig ng napakaraming
tao, parang ugong ng malaking talon at dagundong ng mga kulog. Ganito ang sabi
ng tinig, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari ang Panginoon nating Diyos
na Makapangyarihan sa lahat! Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin natin siya
sapagkat nalalapit na ang kasal ng Kordero. Nakahanda na ang kasintahang babae;
nabihisan na siya ng malinis at puting-puting lino.” Ang lino ay sagisag ng
mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos. At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat
mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero.”
Ang salita ng Diyos.
Lahat. Salamat sa Diyos.
Sandaling katahimikan para sa pagninilay. MAUPO

19
TUGUNAN
Namumuno. Mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero
Lahat. At ang mga tinawag na makasalo sa kanyang kagalakan.

PANALANGIN LUMUHOD
Namumuno. Mga kapatid, dumulog tayo sa mga banal na magkabiyak ng puso upang
sa pamamagitan ng kanilang mabisang panalangin ay igawad ng Diyos ang
kanyang pagpapala sa atin.
Lahat.

O MGA banal na magkabiyak ng puso, ang pag-iisang-dibdib ninyo dito


sa lupa ay salamin ng pag-iisang-dibdib ni Kristo at ng Simbahan sa
Langit. Ipinakita ninyo sa amin kung paano lumago at mamuhay nang may
kabanalan sa pamumuhay bilang mag-asawa. Ipanalangin ninyo kami at
ang aming mga pamilya, at dalhin ninyo sa Diyos ang mga dalanging ito:
(Banggitin ang iyong mithiin).
Santa Maria at San Jose, mga magulang ni Hesus, ipanalangin ninyo kami.
San Joaquin at Santa Ana, ipanalangin ninyo kami.
San Zacarias at Santa Elizabet, ipanalangin mo kami.
San Isidro at Santa Maria da la Cabeza, ipanalangin mo kami.
San Gregorio at Santa Nona, mga magulang nina Obispo San Gregorio
Nazianzeno, Santa Gorgonia, at San Cesario, ipanalangin ninyo kami.
Dasalin ang isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.

Namumuno. Manalangin tayo. TUMAYO


Lahat.

A MA naming makapangyarihan,
ipinagkaloob mong aming maparangalan
ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal.
Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin,
na paapawin mo sa amin ang kinasasabikang batis ng iyong awa
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno. Pagpalain tayo ng Panginoon,  iligtas tayo sa lahat ng kasamaan, at
akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat. Amen.

20
PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO
Nobyembre 1-8
Ang sumusunod na panalangin ay darasalin gamit ang karaniwang Rosaryo. Sa pagdarasal ng mga dekada,
ang mga butil ng Ama Namin ay papalitan ng panalangin na nakalaan para sa simula ng bawat dekada. Ang
mga butil naman ng Aba, Ginoong Maria ay papalitan ng Sampung Pagsusumamo.

Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. TUMAYO


Lahat. Amen.

PAGSISISI
Lahat.

O DIYOS ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko


sa Iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot
kong mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap ng
impiyerno, ngunit lalo pa’t ang kasalanan ay nakakasakit sa kalooban mo,
Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang
walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking
mga kasalanan, tutuparin ang parusang hatol at sa tulong ng Iyong biyaya
ay magbabagong buhay. Amen.

21
Namumuno. Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang
kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Lahat. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin
mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga
nagkakasala sa amin. Huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya
mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Namumuno. Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang
iyong anak na si Hesus.
Lahat. Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami’y mamamatay.
Namumuno. Luwalhatisa Ama, sa Anak, at sa Diyos Espiritu Santo,
Lahat. Kapara noong unang-una, ngayon, magpasawalang-hanggan. Amen.

PANALANGIN SA SIMULA NG BAWAT DEKADA LUMUHOD


Ang mga sumusunod ang darasalin sa mga butil ng Ama Namin.
Unang Dekada
Lahat.

P ANGINOONG Hesukristo, buksan mo ang aming mga labi. Pagningasin


mo ang aming mga puso at punawin sa mga ito ang anumang
kasamaan. Liwanagan mo ang aming mga pag-iisip, upang mapagnilayan
namin nang may pitagan ang iyong pagpapakasakit at kamatayan, at ang
mga sakit na tiniis ng iyong kamahal-mahalang Ina. Dinggin mo ang
aming mga panalangin at tanggapin mo kami, ikaw na nabubuhay at
naghahari magpakailanman. Amen.

O MAHABAGING Hesus ko, tunghayan mo ng iyong mga mata mong


maamo ang mga kaluluwa ng mga yumao, na para sa kanila’y
nagpakasakit ka at namatay sa krus. Amen.
Itutuloy ang panalangin sa Sampung Pagsusumamo, pahina 24.

22
Ikalawang Dekada
Lahat.

P ANGINOON naming lubos na mapagmahal at maawain, buong


pagpapakumbabang dumudulog kami sa iyo para sa mga kaluluwa sa
Purgatoryo. Huwag mo silang hayaang mapasa-kamay ng kaaway at
kailanma’y huwag mo silang limutin. Utusan mo ang mga banal na Anghel
na dalhin sila sa paraisong kanilang dapat hantungan, sapagkat sila’y lubos
na nanalig at umasa iyo. Nawa’y hindi nila maranasan ang sakit ng
impiyerno, kundi’y magkamit ng walang hanggang kaligayahan sa
pamamagitan ng aming Panginoong Hesus na iyong Anak, na nabubuhay
at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na
walang hanggan. Amen.

O MAHABAGING Hesus ko, tunghayan mo ng iyong mga mata mong


maamo ang mga kaluluwa ng mga yumao, na para sa kanila’y
nagpakasakit ka at namatay sa krus. Amen.
Itutuloy ang panalangin sa Sampung Pagsusumamo, pahina 24.

Ikatlong Dekada
Lahat.

P ANGINOON, maawa ka sa mga kaluluwa sa Purgatoryo, na para sa


kanila’y iniaalay namin itong pagbibigay-puri sa iyo. Buong
kapakumbabaang hinihiling namin sa iyo, kataas-taasang Diyos, na sa
pamamagitan ng mga handog na ito ay maging karapat-dapat sila sa
walang hanggang kapahingahan, sa pamamagitan ni Hesukristong iyong
Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.

O MAHABAGING Hesus ko, tunghayan mo ng iyong mga mata mong


maamo ang mga kaluluwa ng mga yumao, na para sa kanila’y
nagpakasakit ka at namatay sa krus. Amen.
Itutuloy ang panalangin sa Sampung Pagsusumamo, pahina 24.

23
Ika-apat na Dekada
Lahat.

P ANGINOON, hinihiling namin na ipagkaloob mo ang kalinisan at


kagalingan sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. Ipinapanalangin namin
ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at walang hanggang
kapahinghan. Ito’y aming hiling sa pamamagitan ni Hesukristong iyong
Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.

O MAHABAGING Hesus ko, tunghayan mo ng iyong mga mata mong


maamo ang mga kaluluwa ng mga yumao, na para sa kanila’y
nagpakasakit ka at namatay sa krus. Amen.
Itutuloy ang panalangin sa Sampung Pagsusumamo, pahina 24.

Ikalimang Dekada
Lahat.

P ANGINOON, hanguin mo sa lahat ng pagdurusa ang mga kaluluwa sa


Purgatoryo nang sa pamamagitan ng iyong tulong at awa ay makabagi
sila sa walang hanggang liwanag. Ipagkaloob mo po ito sa pamamagitan ni
Hesukristong iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.

O MAHABAGING Hesus ko, tunghayan mo ng iyong mga mata mong


maamo ang mga kaluluwa ng mga yumao, na para sa kanila’y
nagpakasakit ka at namatay sa krus. Amen.
Itutuloy ang panalangin sa Sampung Pagsusumamo, pahina 24.

SAMPUNG PAGSUSUMAMO
Sa mga butil ng Santo Rosaryo sa bawat dekada, darasalin ang sumusunod:

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis nang


manalangin ka sa halamanan,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

24
Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa mga sampal na tinanggap ng iyong Kabanal-
banalang mukha,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na iyong tiniis,


Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumimo sa Kabanal-


banalan mong Ulo,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan na ang


Krus ay iyong kababaw-babaw,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa Kabanal-banalan mong Mukha na naliligo ng


dugo at hinayaan mong malarawan sa birang ni Veronica,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa damit mong natitigmak ng dugo na biglang


pinaknit at hinubad sa iyong Katawan niyong mga tampalasan,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa Kabanal-banalan mong Katawan na napako


sa krus,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa iyong mga Kabanal-banalang Paa at Kamay


na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. O Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang


matalim na sibat ay binukalan ng dugo at tubig,
Lahat. Kaawaan mo at patawarin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Namumuno. Pagkalooban mo sila, Panginoon, ng kapayapaang walang hanggan.


Lahat. At sikatan sila ng liwanag na katapusan.

25
Namumuno. Mapahinga nawa sa kapayapaan.
Lahat. Amen.

Dasalin ang isang Ama Namin, isang Aba, Ginoong Maria, at isang Luwalhati.
Pagkatapos madasal ang limang dekada, darasalin ang sumusunod:

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Lahat.

K ATAMIS-TAMISANG Hesus ko, na sa pagsakop mo sa sangkatauhan, ay


inibig Mong Ikaw ay ipinanganak; tumulo ang iyong mahalagang
dugo sa pagtutuli; alipustain ng mga Hudyo, mapasa-kamay niyong mga
tampalasan sa paghalik ni Hudas; gapusin ng lubid; dalhin sa
pagpaparipahan sa iyo tulad sa Korderong walang sala; iharap kay Anas,
kay Caifas, kay Pilato, at kay Herodes; lurhan, at pinaratangan at
pinatotohanan ng mga saksing sinungaling, tampalin; maging alimura;
matadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina, putungan
ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha ng isang purpura, sa
pagpapalibhasa sa iyo, malagay sa isang pagkahubong na kahiya-hiya;
napako sa krus, at natindig sa kanya; napagitna sa dalawang magnanakaw
na parang isa sa kanila; painumin ng apdong nilahukan ng suka, at ang
iyong tagiliran ay silain ng isang sibat. Hanguin mo na, Panginoon ko,
alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait na dinalita mo, ang
mga kaluluwa sa Purgatoryo, sa pagdurusa nila, iakyat mo silang
matiwasay sa iyong kaluwalhatian. Iligtas mo kami alang-alang sa mga
karapatan ng iyong Kabanal-banalang Pagpa-pakasakit at Pagkamatay sa
Krus, mula sa mga hirap sa impyerno, nang kami ay maging dapat na
pumasok sa payapang kaharian, na iyong pinagdalhan sa mapalad na
magnanakaw na napakisama sa iyong naripa sa krus. Nabubuhay ka at
naghahari, kasama ng Diyos Ama, at ng Diyos Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan.
Amen.

26
PAGWAWAKAS TUMAYO
Namumuno. Panginoon namin, dinggin mong nalulugod ang aming pag-aamo-amo.
Lahat. At dumating nawa sa iyong pandinig ang aming pagtangis.

Namumuno. Manalangin tayo. Ipinagtatagubilin namin sa iyo, Panginoon namin, ang


mga kaluluwa sa Purgatoryo. Mangyaring iyong ipatawad sa kanila, alang-alang
sa walang katapusan mong awa, ang mga kasalanang nagawa, at laging mabuhay
sa iyo, sa pamamagitan ni Hesukristo na nabubuhay at naghahari kasama mo
at ng Espiritu Santo magpasa-walang hanggan.
Lahat. Amen.

Namumuno. Pagkalooban mo sila, Panginoon, ng kapayapaang walang hanggan.


Lahat. At sikatan sila ng liwanag na katapusan.

Namumuno. Mapahinga nawa sa kapayapaan.


Lahat. Amen.

Namumuno. Sangalan ng  Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Lahat. Amen.

27

You might also like