Kurikulum Written Report

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang Kurikulum sa Panahon ng Republika ng Pilipinas

Ang Mga Pangulo ng Ikatlong Republika

Manuel Roxas (1946-1948)

Bago pa man din siyang maging unang presidente ng Ikatlong


Republika, siya ang naging huling presidente ng Commonwealth. Isang
stateman ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay,
ang Lungsod ng Roxas), si Roxas ang nagsimulang magtayo ng economy ng
isang war-born country. Kanyang ipinatupad ang ibang top priorities ng
kanyang admistrasyon gaya ng: ang industrialzation ng Pilipinas, ang
pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados
Unidos (dahilan kung bakit sa panahon niya'y isang public knowledge na siya'y
isang "Pro-American"), ang maintenance ng batas at order at ang pagpasa sa
kongreso ng batas na magbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang
ani (30% lamang sa landlord). Ngunit noong gabi ng 16 Abril 1948, si Roxas ay
namatay sa isang atake sa puso sa Clark Field, Pampanga matapos magbigay
ng speech sa mga American servicemen at tagasuportang Pilipino.

Mga Nagawa ng Administrasyong Roxas

1. Bell trade Relations Act

Kasunduang nagtatadhana ng libreng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at


United States. Itinaguyod ng kasunduan ang libreng pagpasok ng mga yaring
produkto mula sa dalawang bansa sa loob ng dalampu’t walong taon mula
Enero 1,1946 hanggang Hulyo 3, 1974. Sa ilalim ng batas, ang Pilipinas at
Estados Unidos ay magkakaroon ng malayang relasyong pangkalakalan,
subalit paglampas ng 1954, papatawan ng 50% bawa’t taon ang produktong
Pilipino na papasok sa Estados Unidos hanggang 1974. Pagsapit ng 1974,
ang mga produktong Pilipino ay magbabayad nang buong butaw na ipapatong
ng Estados Unidos.
2. Batas Rehabilitasyon ng Pilipinas

Pangunahing layunin ng pamahalaan nang panahong iyon ay maitayong muli


ang kabuhayan ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan at pagpapasiglang muli sa produksyon, kalakalan at
pagbabangko ng bansa. Mahalaga ring maisaayos ang kapaligiran tulad ng
mga gusali, daan tulay at mga sistema ng komunikasyon at transportasyon.
Ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga nawasak na paaralan ay isa rin sa
mga gawaing pinagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

3. Pagsapi sa Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa

Layunin ng samahan ang maiwasan ang pagkakaroong muli ng banta ng


agresyon mula sa alinmang bansa. Inaasahan din itong magiging daan para
makapagtulungan ang mga kasaping bansa sa paglutas ng anumang suliraning
haharapin ng sinuman sa kanila.

Kontribusyon ni Roxas sa Sistema ng Edukasyon

• Nagpokus sa rehabilitasyon ng sistema ng edukasyon.

• 80% ng paaralan ang nasira

• Republic Act # 139- “Board on Textbooks”

• Executive Order #94- (1947): Department of Instruction to Department


of Education

• Republic Act # 416 (June 18, 1949): PNS to PNC (BSEEd & MA Ed)
Elpidio Quirino (1948-1953)

Ang bise presidente ng Pilipinas sa administrasyon ni Roxas na si


Quirino ang siyang pumalit matapos ang kanyang pagpanaw. Siya ang unang
Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni Roxas at nanalo
noong 1949 eleksyon. Sa kanyang administrasyon, pinakamalaki niyang
pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng
ekonomya & ang restoration ng tiwala at kooperasyon ng marami sa
pamahalaan. Kinaharap ng administrasyong niya ang isang malubhang banta
ng kilusang komunistang Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon, a red
commnunist). Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk at bilang
pangulo, si Qurino mga nagawa na sa kanya nakakredit:

Una, ang paglikha ng PACSA (President's Action Committee on Social


Amelioration), na layuning tulungan ang masa mula sa pagbagsak ng
ekonomiya, pangalawa ay ang paglikha ng ACCFA (Agricultural Credit
Cooperative Financing Administration) para tulungan ang magsasaka na maka-
avail ng pautang na may mababang interes mula sa gobyeno at huli ay ang
pagtayo ng mga bankong rural at Labor Management Advisory Board, isang
isang presidential advisory body. Ang administrasyon niya ay nagtagumpay sa
pakikipagrelasyon sa ibang bansa. Kasama nang kanyang statemanship,
kanyang napahanga ang ilang mga head of state at foreign diplomatic corps at
sa kanyang official trip abroad, siya ang ambassador ng mabutin pakikisama at
pakikipagkaibigan. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa
gulang na 66.

Kontribusyon ni Quirino sa Sistema ng Edukasyon

• Sinuri at nirebisa ang mga layunin na iminungkahi sa pag-unlad ng


sistema ng edukasyon sa mga paaralan.

• Pagbibigay ng praktikal na

edukasyon para sa pangkabuhayan.


Ramon Magsaysay (1953-1957)

Si Magsaysay ang secretary ng National Defense sa ilalim ng


administrasyong Quirino. Kanyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito
ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng
Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na
lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na
"Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kanyang pagiging sikat.
Ilan sa kanyang mga nakamit ay ang mga sumusunod:

Ang pag-iimprove ng standard living sa pamamagitan ng panggawa ng


mga irrigation system, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng pagamit
ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing
na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty
Organization), isang regional politico-military aggregation, noong 18 Setyembre
1954; negosasyon sa Japan ukol sa war reparation agreement kung saan ay
huling nilagdaan sa Manila (ang bansang Japan ay magbabayad ng war
reparation fee na nagkakahalaga ng $ 300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang
San Francisco Treaty, kung saan opisyal na nagpawakas sa bansang Japan at
Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo
ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit
nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang plane crash na bumangga sa
isang bundok ng Manunggal, Cebu noong 17 Marso 1957.

Mga Nagawa ng Administrasyong Magsaysay

1. Reparation Agreement

Nagtadhana ito sa pagbabayad ng Japan sa Pilipinas ng halagang 800


milyong dolyar sa loob ng 25 taon bilang bayad-pinsala sa mga nagawa nito sa
Pilipinas sa panahon ng giyera. Para sa akin, ito ang pinakamagandang
nagawa ni Pangulong Magsaysay, nararapat lamang na magbayad ang
bansang Japan bilang bayad pinsala sa gyerang kanilang sinimulan, kulang pa
nga ang 800 milyong dolyar sa ilang libong tao na nagging biktima at napatay
sa naganap ng digmaan.

2. Social Security System (SSS)

Ang Social Security System na hanggang ngayon ay nagagamit ng ating mga


magulang at patuloy na magagamit sa susunod pang henerasyon. Layunin nito
na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga
pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon
sa pagreretiro. Mapapakinabangan natin ito sa oras ng ating pangangailangan.

3. Presidential Complaints and Action Committee

Ang Presidential Complaints Action Committee ay nagbigay ng


pagkakataon sa mga karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang hinaing sa
pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga
karaniwang tao. Dahil dito nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.
Importanteng malaman ng pangulo kung ano ang mga hinaing ng kanyang mga
kababayan upang masolusyunan kaagad ang kanilang mga problema. Dahil
dito naging malapit ang tao sa kay Magsaysay kaya siya ay tinaguriang
“Kampeon ng Masa.”

Kontribusyon ni Magsaysay sa Sistema ng Edukasyon

• Republic Act #896 (June 10, 1953)- Elementary Education Act of 1953

• Republic Act #1124 (June 16, 1954) -created Board of National


Education

• Republic Act #1265 (June 11, 1955)- compulsory daily flag ceremony

• Republic Act # 1425 (June 12, 1956)- Rizal as subject


Carlos Garcia (1957-1961)

Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang


bise-presidente na si Garcia ang siyang umupo bilang ikaapat na presidente ng
Ikatlong Republika. Tinapos niya ang huling termino ni Magsaysay at nanalo
bilang pangulo pagkatapos. Ang bise presidente niyang si Diosdado
Macapagal ng Partido Liberal at siyang naging unang pagkakataon na may
magkaibang partidong presidente at bise-presidente, ngunit ganoon pa man,
kanyang nakamit ang mga sumusunod: ang pinalaganap ang konsepto ng
"Filipino Muna" (First Filipino Policy) para mataguyod at maprotektahan ang
produktong Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamgitan
ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa abroad; pagrespeto
sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang eleksyon; ang paggawa
ng Dr. Jose P. Rizal Centennial Commission at ang pagtataguyod ng
international peace and -harmony through official visits. Habang nasa
kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng
bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na
ginagamit na Base Militar ng Amerika.

Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang


pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong
ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado
Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga
nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hulyo
1971 sa edad na 75.
Mga Nagawa ng Administrasyong Garcia

1. Filipino First Policy o Pilipino Muna

Ipinanukala niya ang pagbili at paggamit ng sariling produkto ng


bansa upang masuportahan ang nooý papaunlad at umuusbong na ekonomiya
ng PIlipinas. Layunin nito ay upang magkaroon ng kalayaan pang- ekonomiya
ang bayan. Magandang polisiya ito dahil ipinapakita at mas lalong
pahahalagahan ng mga Pilipino ang mga produkto ng ating bansa. Tatangkilikin
ito ng tao na makakatulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

2. Pagpapahalaga sa Malinis na Halalan

Ipinakita ng pangulo na pinangangalagaan ng kanyang


administrasyon ang kalinisan ng halalan. Ipinag-utos niya ang mahigpit na
pangangalaga sa balota. Bagaman hawak niya ang makinaryang halalan hindi
kailangman nabatikan ang kanyang pangalan dahil sa maruming halalan.
Tinanggap niya nang maginoo ang kanyang pagkatalo nang mahalal si
Pangulong Macapagal.

3. Paglinang sa Kulturang Pilipino

Itinaguyod niya ang pagpapadala ng mga mananayaw ng mga


katutubong sayaw sa ibang bansa. Layunin nitoý bigyang-dangal ang kulturang
Pilipino at itaguyod din ang programa sa turismo ng kanyang administrasyon.
Pinag-ukulan din ng pansin ng kanyang administrasyon ang paglinang ng
kulturang Pilipino.Sinuportahan niya ang pagpapadala ng mga kinatawan sa
mga pandaigdig na pulong maging ang pagtungo sa iba’t ibang bansa ng mga
pangkat pangkultura. Ito ay mga paraan upang maitampok ang kulturang
Pilipino sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Ipinag-utos din niya ang pag-iipon ng
mga sinulat ni Rizal.
Kontribusyon ni Garcia sa Sistema ng Edukasyon

• Commonwealth Act 586

• Buong araw na klase sa pampublikong paaralan.

• Binaba ang bilang ng 60-70 na

mag-aaral sa 30-40 bilang ng estudyante sa silid-aralan.

• Paggamit ng wikang bernakular sa baitang I at II sa elementarya. Sa


pangunguna ni Jose V. Aguilar.

Diosdado Macapagal (1961-1965)

Mula sa isang mahirap na pamilya sa probinsya ng Pampanga, nakilala si


Pangulong Diosdado Macapagal bilang “The Poor Boy from Lubao.” Bitbit ang
kanyang pangakong bigyan ng tuldok ang kurapsyon sa bansa, tinalo niya ang
noo’y kasalukuyang pangulo na si Carlos Garcia sa halalan ng may malaking
agwat sa bilang ng botong natanggap. Kabilang sa mga ginawa ni Macapagal
ang pagsasagawa ng mga batas upang maisaayos ang sektor ng agrikultura
sa bansa.

Una na rito ang pagsasabatas ng Agricultural Land Reform o Republic


Act No. 3844, na nagbukas ng oportunidad na magkaroon ng sariling lupang
sakahan ang mga maliliit na magsasaka sa bansa. Sa naturang batas,
nabigyan din ng karapatang bumuo ng samahan ang mga nagtatrabaho sa
sektor ng agrikultura, bukod pa sa kasiguruhang makatatanggap sila ng sahod
na naaayon sa Minimum Wage Law. Upang pasiglahin pa ang ekonomiya,
ibinukas ng kaniyang administrasyon ang merkado sa mga pribadong
mangangalakal.
Bilang kontribusyon ng gobyerno sa pag-alalay sa mga ito, naging aktibo ang
pamahalaan sa pagpapagawa ng mga imprastraktura tulad ng mga kalsada,
mga puerto at paliparan.

Gumawa rin ng mga polisiya si Macapagal na maka-eengganya sa mas marami


pang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagsisilbi ng gobyerno bilang taga-
endorso ng mga aktibidad na magbibigay-daan upang ang mga negosyong
nangangailangang sa malaking kapital ay mapasimulan sa bansa.

Kabilang sa mga negosyong ito ang mga kalakal na may kinalaman sa


paggawa ng mga bakal, abono at maging sa turismo. Ilan pa sa
makasaysayang kontribusyon ni Pangulong Macapagal ang pagtatatag ng
Philippine Veterans’ Bank, ang paglilipat ng paggunita ng ating araw ng
kasarinlan mula ika-4 ng Hulyo sa ika-12 ng Hunyo. Ang nalalabing lakas ni
dating Pangulong Macapagal ay ginugol niya sa pagbabasa at pagsusulat.
Binawian siya ng buhay noong April 21, 1997, dahil sa kumplikasyon sa sakit
na pneumonia.

Mga Nagawa ng Administrasyong Macapagal

1. Pagtatanim ng Miracle Rice

Ito ay isang uri ng palay na bahagi rin ng programa ni Macapagal sa


pagsasaka. Hangad niya ang pagkakaroon ng mainam na uri ng palay at ito ay
ipinasaliksik niya sa International Rice Reseach Institute. Dahil dito nakilala ang
Pilipinas sa pagsusuplay ng bigas sa iba’t ibang bansa. At upang matulungan
ang mga magsasaka na lumaki ang kanilang kita at produksyon.

2. Pagtataguyod ng Industriyalisasyon ng Bansa

Maraming industriya ang naitatag sa panahon ng Administrasyong


Macapagal lalo na sa gawing timog ng bansa. Lagi ring naglalaan ng tulong
ang kanyang administrasyon sa mga pagawaan ng mga yaring produkto gaya
ng DOLE Philippines at Ilagan Steel Philippines. Ipinatayo rin niya ang North
Diversion Road, South Super Highway at mga Tenement Housing Projects.
Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp. Nakatulong ito upang

mapaunlad ang ekonomiya ng bansa gaya ng DOLE Philippines, sila ay


nagsusuplay ng mga class na uri ng pinya at ineexport sa iba’t ibang bansa.

3. Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

Pinayaman niya ang sarili nating wika. Pinag-utos niya ang paggamit ng
wikang Filipino sa mga diploma, sertipiko, selyo at maging sa mga babala sa
trapiko. Ipinag-utos din niyang awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong
Filipino. Maging ang mga bagyo ay binigyan ng mga ngalan ng babaing Pilipino.
Layunin niya na mahalin at pahalagahan natin ang pagiging Pilipino natin
gayundin ang ating wika.

Kontribusyon ni Macapagal sa Sistema ng Edukasyon

• Narebisa ang mga layunin ng DepEd upang mas mapabuti ang kalidad
ng edukasyon at pagtibayin ang kurikulum.
M.A.GARCIA,(2014),Pagsisiyasat sa mga nagawa ng mga naging Pangulo ng
Pilipinas, Academia. (pahina 1- pahina14)

A.C.Bernardo,N.V.Guillermo. Kurikulum. Academia. (pahina 32- pahina 37)


ISANG PASULAT NA ULAT
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON
FILIPINO 1002

ANG KURIKULUM SA PANAHON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS

ni
DUQUE, KRISTEL JOY F.
BSED 1-5
TAGAPAG ULAT BILANG 19

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

UNANG PAMANAHON
Unang Semestre 2019-2020

You might also like