Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

NG MGA FILIPINO

Ang epektibong
komunikasyon ay hindi lang
pasalita o berbal, mahalaga Kakayahang
rin ang mga signal o kilos
na di berbal.
PRAGMATIK
at
ISTRATEDYIK
Uri ng Komunikasyon
Uri ng Komunikasyon
Komposisyon ng Pinagmumulan ng
Komunikasyon (Mehrabian)

7%
• 7% ay nanggaling sa mga salitang
binibigkas
38% • 38% ay nanggaling sa tono ng
55%
ating pagsasalita
• 55% ay nanggaling sa galaw ng
ating katawan
Ang resulta ng kanyang pag-aaral ay ginagamit at
itinuturo din sa ilang judicial institutes sa America, bagama’t
marami ang hindi sumasang-ayon sa kanyang natuklasan.
Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang pag-aaral ni
Mehrabian ay hindi nauunawaan.
May katotohanan man ito o hindi, isang aral ang
iniwan nito sa atin na kung anoman ang mensaheng nais
ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita.
Mahalaga ang di verbal na
komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang
emosyon ng nagsasalita at kinakausap,
nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at
pinananatili nito ang resiprokal na
interaksiyon ng tagapagdala at tagatanggap
ng mensahe.
Iba’t ibang Pag-aaral sa mga Anyo
ng Di Verbal na Komunikasyon
Kinesika – Ito ang pag-
aaral ng kilos at galaw ng
katawan. Hindi man tayo
bumigkas ng salita, sa
pamamagitan ng pagkilos
ay maipararating natin
ang mensaheng nais
nating ipahatid.
Ekspresyon ng Mukha (Pictics) – ito ang
pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang
maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.
Sa paghahatid ng mensaheng di
verbal, hindi maipagwawalang-bahala
ang ekspresyon ng mukha. Ang
ekspresyon ng mukha, kadalasan,
ay nagpapakita ng emosyon,
kahit hindi man ito sinasabi.
Galaw ng Mata
(Oculesics)
ito ay pag-aaral ng galaw ng
mata. Nakikita sa galaw ng
ating mga mata ang
nararamdaman natin.
Sinasabing ang mata ang
durungawan ng ating
kaluluwa, nangungusap ito.
Vocalics
ito ay pag-aaral ng mga di
lingguwistikong tunog na may
kaugnayan sa pagsasalita.
Kasama rito ang pagsutsot,
buntonghininga, at iba pang di
lingguwistikong paraan upang
maipahatid ang mensahe.
Tinutukoy rin nito ang tono,
lakas, bilis, o bagal ng
pananalitang nagbibigay-linaw
sa verbal na komunikasyon.
Pandama o Paghawak
(Haptics)
ito ay pag-aaral sa mga
paghawak o pandama na
naghahatid ng mensahe. Isang
anyo rin ito ng di verbal na
komunikasyon. Ang pagtapik sa
balikat, paghablot, pagkamay, o
pagpisil, ito ay mga paraan upang
mapabatid ang isang mensahe.
Proksemika (Proxemics)
ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng
espasyo, isang katawagang binuo ng antropologong
si Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo ng
kausap sa kinakausap. Sinasabing may kahulugan
ang espasyong namamagitan sa magkausap.

Ang magkausap ay may iba’t ibang


uri ng proxemic distance na ginagamit sa
iba’t ibang pagkakataon. Ang distansiyang ito ay
maaaring magpahiwatig kung anong uri ng
komunikasyon ang namamagitan sa magkausap.
Intimate – 0 hanggang 1.5 feet
Personal – 1.5 hanggang 4 feet
Social distance – 4 hanggang 12 feet
Public – 12 feet, karaniwan sa nagtatalumpati
Chronemics
ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay
nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring
kaakibat ng mensaheng nais iparating. Ang pagdating nang maaga
sa isang job interview ay nangangahulugang disiplinado ang nag-
aaplay at interesado sa inaaplayan. Ang pagtawag sa telepono sa
dis-oras ng gabi ay maaaring mangahulugan ng pang-iistorbo o
maaring emergency ito.
Kakayahang Pragmatik
Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang
pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa
paggamit ng wika sa isang partikular na
konteksto upang magpahayag sa paraang
diretsahan o may paggalang.
Speech Act
Para sa pilosopo sa wika na si J. L. Austin (1962;
sipi kay Ho 2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang
paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang
karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga
salita” o speech act.

Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi,


pagpapaumanhin, pangangako, at iba pa.
Tatlong Sangkap ng Speech Act
Interlanguage Pragmatics
Ito ay ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi
taal na tagapagsalita ng partikular na wika at
nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan
sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon sa pamamagitan
ng iba’t ibang speech act.
Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na


isinagawa ni Maggay (2002), kaniyang binigyang-diin ang
pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin,
mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit
sa pamamagitan ng pahiwatig.
Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002):

1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o


pagpupuntirya:
a. pahaging b. padaplis

2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap


kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
a. parinig b. pasaring

3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:


a. paramdam b. papansin

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig


ay napatatamaan siya:
a. sagasaan b. paandaran
Kakayahang Istratedyik
Isa pang kakayahang pangkomunikatibo na dapat
taglay ng isang mahusay na komyunikeytor ay ang
kakayahang istratedyik. Ito ay ang kakayahang magamit
ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid
nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos
ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwag (gaps) ng
komunikasyon.
Kakayahang Istratedyik
Sa isang bagong nag-aaral ng salitang hindi pa bihasa sa
paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit
ng mga di verbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig,
ekspresyon ng mukha, at marami pang iba upang maipaabot ang
tamang mensahe.
Maging ang mga katutubong nagsasalita ng wika ay
gumagamit din ng kakayahang istratedyik kapag minsang
nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng
kanilang dila” at hindi agad maaalala ang tamang salita. Kilala rito
ang mga Pilipinong madalas gumamit ng senyas sa
pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag may
nagtatanong ng lokasyon ng isang lugar.

You might also like