Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay
Sanaysay
may-akda.
Pormal
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon
tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang
panauhan sa paglalahad.
Di-pormal
Sanaysay
Kahulugan at Bahagi
2. Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay ³nakasulat na karansan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.´ Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay
. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa
ng manunulat hinggil saisang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
3. Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo angmambabasa mula sa
inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isangmanunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang
manunulat dahil sa paraan ngpagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Ito ay angpaglalahad ng
matalinong opinyon ng sumulat/may-akda, base sa kanyang:a. Damdaminb. Karanasanc. Kaalamand.
Haka-haka/Opinyon Anumang bagay ay maaaring paksain sa pagsulat ng sanaysay.
5.Ayon sa Diksyunaryo:
Ang sanaysay ay may natatanging paksa na hight na maikli at pormal kaysa saalinmang akda;
pagtataglay ng paniniwala, pananaw at kaisipan ng sumulat6.
Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasanng isang sanay sa
pagsasalaysay
Ang Sanaysay – isang kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin hinggli sa mainit na isyu at
usap-usapan
- Kalangang mabisa ang pambungal na sanaysay upang mapukaw ang interes ng mambabasa
Uri ng Sanaysay:
1. Sanaysay na Pormal – naglalayon ito na maddulot ng kawilihan sa isang piling pangkat ng mambabasa
ukol sa paskang hindi ganap na nababatid ngmga pinagukulan
2. Sanaysay na Di-pormal – ito ay isang uri ng sanaysay na maaaring paksain ang lahay, lalo na ang
kaugalian ng tao sa isang masaklaw na paglalahad
Ano ang Sanaysay?
Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o
kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong
saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
2 Uri ng Sanaysay
1. Pormal
Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat. Kadalasan
itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay
siryoso at walang halong biro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng sumulat
sa mga maiinit na balita.
2. Di-pormal
Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na nagbibigay-lugod
o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda
sa isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya
sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan.
Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay.
Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.
1. Simula/Panimula
Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang
kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga
mambabasa.
2. Gitna/Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda. Malaman
ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.
3. Wakas
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-
usapan.
Mga Halimbawa ng Sanaysay
Tungkol sa Pag-ibig
Tungkol sa Pamilya
Tungkol sa Kahirapan
Tungkol sa Kaibigan
Tungkol sa Wika
Tungkol sa Kalikasan