Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALAYUNING KOMUNIKASYON

FINAL EXAMINATION 1ST Semester AY 2019-2020

Pangalan : _________________________ Petsa:_____________


Course, Yr. & Sec. __________________ Marka:____________

I. TAMA O MALI
Panuto : Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at kung
mali ay guhitan ang naging mali sa pangungusap at isulat sa patlang ang tamang salita.
__________________ 1.Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang
kapwa ang kanyang nadarama.
__________________2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay
sa perspektiba dahil sa komunikasyon.
__________________3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa
espasyo, dingding, tubig o pulo man ang pagitan.
__________________4. Napag-iisa ng komunikasyon kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong
may hidwaan.
__________________5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan
sa kanilang buhay at ito ay dahil sa komunikasyon.
__________________6. Isa sa kahalagahan ng komunikasyon ay nauunawaan ng tao ang tamang
paggamit ng kanyang WIKA.
__________________7. Ang wikang pantrabaho ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
__________________8. Dayalek ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
__________________9. Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
__________________10. Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang
ibig sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.

II. ENUMERASYON

Panuto : Ibigay nga hiningi sa bawat pangkat ng numero.


1-2 Dalawang Uri ng Komunikasyon
3-7 Limang Elemento ng Komunikasyon
8-9 Dalawang Uri ng Feedback
10-12 Proseso ng Komunikasyon
13-17 Limang lebel ng Komunikasyon
18-20 Elemento ng Intrapersonal na Komunikasyon
21-26 Teorya na pinagmulan ng Wika
27-30 Apat na antas ng Wika

III. GRAPHIC ORGANIZER

Panuto :
SEMANTIC MAP : Sumulat ng sampong salita na kaugnay ng salitang wika. (10 pts)

VENN DIAGRAM : Paghambinging ang Berbal at Di- Berbal na Komunikasyon. Ano ang mga
pagkakatulad at ano ang pagkakaiba ng dalawang uri ng komunikasyong ito. (10pts)
TRIPLE VENN DIAGRAM : Paghambing hanmbingin ang Komunikasyong Intrapersonal ,
Komunikasyong Interpersonal at Komunikasyong Panggrupo . (10pts)

IV. PAGSASANAYSAY
Panuto : Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Komunikasyong Panturo sa Pormal
na Edukasyon. ( 10 pts.)

You might also like