Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAONG NATIONAL HIGH SCHOOL

Kaong, Silang, Cavite

Araling Panlipunan 7
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2020-2021

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
2. Ano ang tinutukoy na pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao?
A. Kabihasnan at sibilisasyon
B. Kultura
C. Pilosopiya
D. Tradisyon
3. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon,uring panlipunan, sining,
arkitektura at sistema ng pagsulat
B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
4. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring
na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng
marami nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
5. Sa panahong ito nangibabaw ang teknolohiya sa bato na ginamit ng mga sinaunang tao ng mga
kabihasnan ng kasaysayan.
A. Paleolitiko
B. Mesolitiko
C. Neolitiko
D. Metal
6. Ang Mesopotamia ay ang isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Masasabing masagana
ang agrikultura rito noong unang panahon. Ano ang kambal ilog na naging mahalaga sa mga
mamamayan nito pagdating sa kanilang agrikultura?
A. Tigris at Euphrates
B. Indus at Ganges
C. Huang He at Yang Tze
D. Blue Nile at White Nile
7. Dahil sa dalawang lambak ilog na Tigris at Euphrates, naging mataba ang lupain na kinatitirikan
ng Mesopotamia. Nagdulot ito ng masaganang ani sa mga pananim noong sinaunang sibilisasyon.
Anong lupain ito?
A. Mesopotamia
B. Gojoseon at Silla
C. Mohenjo-Daro at Harappa
D. Fertile Crescent
8. Nagkaroon kayo ng talakayan tungkol sa imperyong Assyria, at isa ang mga kaklase mo sa
nagtalakay. Sinabi niyang dahil dito, maaaring naiambag ng mga Assyrian ang mga armas
pandigma. Tama ba ang kanyang pahayag?
A. Tama, dahil ang mga Assyrian ay likas na mapag-imbento ng mga bagay.
B. Tama, dahil ang mga Assyrian ay matatapang at agresibo.
C. Mali, dahil mga Akkadian ang unang lumikha ng mga armas pandigma.
D. Mali, dahil walang nai-ambag ang mga Assyrian sa kasaysayan.
9. Sumerian: ____________; Muslim: Mosque
A. Simbahan
B. Templo
C. Ziggurat
D. Shinto
10. Ang Mesopotamia ay tinaguriang “cradle of civilization”. Bakit kaya ganito ang pagtatataguri rito?
A. Dahil dito umusbong ang mga kauna-unahang kabihasnan sa daigdig.
B. Dahil sa Mesopotamia nadiskubre ang iba't ibang mga ambag na namana natin sa
kasalukuyang panahon.
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit.
11. Ang mga Mohenjo-Daro, Harappa, Dravidians, at iba pa, tulad ng Mesopotamia ay umusbong din
sa pagitan ng dalawang ilog. Ano ang mga ilog na ito?
A. Tigris at Euphrates
B. Indus at Ganges
C. Huang He at Yang Tze
D. Blue Nile at White Nile
12. Isa sa mga ambag ng kabihasnang Indus sa larangan ng panitikan ay ang paglimbag sa
pinakamahabang epiko ng daigdig. Ano itong dalawang epiko na ito?
A. Romeo at Juliet; Macbeth
B. Ramayana at Mahabharata
C. Superman; Batman
D. Captain America at Captain Barbell
13. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong
lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasna
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng
kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
14. “Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa
sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at
organisado at sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian.” Ayon sa pahayag, alin sa mga
sumusunod ang isa mga mahalagang ambag ng kabihasnang Indus sa larangan ng teknolohiya?
A. Paglilinis ng imburnal
B. Mga Lababo
C. Mga Banyo
D. Sewage
15. “Tulad din ng Ilog Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taun taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa
Himalayas.” Ano ang posibleng naging epekto nito sa kabuhayan ng mga mamamayan ng
kabihasnang Indus?
A. Walang naging epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan nito.
B. Naging mahirap sa mga mamamayan nito na makakuha ng makakain, lalo na ang mga
isda.
C. Naging masagana ang pamumuhay ng mga mamamayan nito dahil sa pagtaba ng lupain.
D. Laging sakuna ang nararamdaman ng mamamayan noon.
16. Tulad ng mga kabihasnang Mesopotamia at Indus, ang mga ilog din ang mga dahilan kung bakit
umusbong ang iba't ibang dinastiya sa China. Ano-ano ang dalawang ilog na ito?
A. Tigris at Euphrates
B. Indus at Ganges
C. Huang He at Yang Tze
D. Blue Nile at White Nile
17. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang
Indus at Sumer?
A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng
nasasakupan
B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa
tungkuling panrelihiyon
C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa
kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao
D. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.
18. Ming Dynasty: Great Wall of China; Qin Dynasty: ____________
A. Hanging Gardens
B. Pagyakap sa Budismo
C. Forbidden City
D. Grand Canal
19. “May mga hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o Hsia,”. Bakit kaya hindi tinanggap
ang Xia bilang isang dinastiya ng China?
A. Dahil bumagsak ito agad dahil sa mga Mongol na nagbabalak noon na sakupin ang
buong China.
B. Dahil walang ebidensyang arkeolohiya ang nakita tungkol dito.
C. Dahil ito ay isang lugar habang ang Dinastiyang Shang ang namumuno noon.
D. Wala sa mga nabanggit.
20. Noong sinaunang panahon sa China, naging hadlang sa pundasyon ng mga dinastiya ang mga
mahihinang hari. Anong epekto sa isang dinastiya ang pagkakaroon ng mahinang hari?
A. Magkakaroon ng masaganang buhay ang mga mamamayan ng kaharian.
B. Magiging maunlad ang ekonomiya ng kaharian.
C. Mapipilitang ipasa sa susunod na dinastiya ang pamamahala.
D. Maaari itong dahilan ng pagkabagsak ng dinastiya.
21. Ito ang pagtataguri sa tangway ng Korea dahil sa magandang klima nito na nakakapresko sa
pakiramdam.
A. Land of the Free
B. Peace when it Shines
C. Land of the Morning Calm
D. Sleeping Giant
22. Pagdating sa relihiyon at paniniwala ay masigla ang Korea. Ano ang dalawang paniniwalang
niyakap ng mga Koreano noong sinaunang panahon maging sa kasalukuyan?
A. Catholicism at Islam
B. Shintoism at Baha'i Faith
C. Confucianism at Hinduism
D. Buddhism at Confucianism
23. Ito ang ilog sa pagitan ng China at North Korea na naging tanglaw sa pagbuo ng mga kaharian
noong sinaunang Korea.
A. Yellow River
B. Huang He River
C. Yang Tze River
D. Yalu River
24. Paano naging maunlad ang mga sinaunang kaharian ng Korea pagdating sa aspetong heograpiya?
A. Ang mga mamamayan ng Korea ay matatapang at agresibo.
B. Mayroong magagaling na sundalo at malakas na hari ang mga kaharian ng Korea.
C. Ang Korea ay masagana sa pagtotroso at may angkop na lokasyon sa mapa.
D. Tropikal ang klima ng Korea kaya naaangkop ang maraming pananim dito.
25. Bakit kaya sinakop ng mga Hapones ang tangway ng Korea noon?
A. Dahil may layunin ang Japan na pamahalaan ang buong Asya.
B. Isa ang Korea sa mga mainit na kaaway ng Japan noong World War.
C. Dahil ito ang pinakamalapit na bansa sa Japan.
D. Wala sa mga nabanggit.

Para sa bilang 26-27, basahin ang teksto upang masagot ang mga tanong.
“Ang panahon ng Yamato at Nara ay panahon ng paglaganap ng impluwensiyang Tsino
at Japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confucianism. Kaakibat nito ang
pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at sistema ng pagsulat ng mga Tsino...”

26. Ano ang pagkakapareho ng sinaunang Korea at Japan?


A. Sistema ng pagsulat
B. Paniniwala at kultura
C. Heograpiya
D. Pamumuhay
27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pagkakapareho ng sinaunang China at Japan?
A. Sistema ng pagsulat
B. Sistema ng pamahalaan
C. Arkitektura
D. Batas

Para sa bilang 28-30, basahin ang teksto upang masagot ang mga tanong.
“Ang pagtatapos ng panahong Heian au hudyat ng pagbubuo ng bukufu o pamahalaang
militar sa Japan. Sa pamahalaang militar, iisang angkan ang nagiging dominanteng
kapangyarihang politikal ayon sa dami ng kontroladong samurai at malawak na lupain.”

28. Ano ang tawag sa pamahalaang militar ng Japan noong sinaunang panahon?
A. Heian
B. Bukufu
C. Shogun
D. Shogunate
29. Ano ang basehan ng isang angkan ang nagiging dominante sa paghawak ng pamahalaang militar
ayon sa teksto?
A. Dami ng alagang hayop
B. Lawak ng palasyo
C. Antas ng pamumuhay
D. Dami ng kontroladong samurai
30. Pagmasdan ang larawan sa kanan. Ano ang mahihinuha
mo sa larawan na ito?
A. Pantay pantay ang pagtingin sa kapwa ng mga Hapon
B. May sistema ng pag-a-antas sa pamumuhay ang mga Hapon.
C. A at B
D. Wala sa nga nabanggit.
31. Bakit kaya pinaniniwalaan ng mga Chinese na ang kanilang bansa ang sentro ng daigdig?
A. Dahil sa kanilang paniniwalang sinocentrism
B. Dahil sa kanilang paniniwalang divine origin
C. Dahil sa kanilang paniniwalang devaraja
D. Dahil sa kanilang paniniwalang shintoism
32. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo sa sinocentrism?
A. Hindi sibilisado ang mga nasa bansa ng China.
B. Hindi sibilisado ang mga nasa labas ng China.
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit.
33. Noong unang panahon, ang mga Hapon ay may karapatan na mang-agaw ng lupa ninuman. Bakit
kaya ganito ang kanilang kaisipan?
A. Dahil inaakala nilang sa kanila ang lupang kanilang inaagaw
B. Dahil sa pagkakaroon ng mala-anomalyang mga papeles ng lupang inaagaw
C. Dahil ang mga Hapon ay nainiwalang ang lahi nila ay mula sa mga Diyos
D. Dahil utos ito ng kanilang emperador na kunin ang mga lupa
34. Mesopotamia: Hari; Japan: ___________
A. Qin
B. Shinto
C. Emperor
D. Diyos
35. Deva: ___________; Raja: hari
A. Diyos
B. Diyos-hari
C. Diwata
D. Emperor
36. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng tradisyon?
A. Ang pagpapahalaga ng mga kaugalian at gawi ng mga tao na namana nila sa kanilang
mga ninuno o mga sinaunang kamag-anak.
B. Ito ay ang masusing pag-aaral ng mga bagay na nakakaapekto sa pang araw araw na
buhay ng mga tao.
C. Nasasaklaw nito ang masiding paniniwala sa kinikilalang tagapaglitas at kumikilos ng
naayos sa mga nailatag na patakaran at kautusan.
D. Wala sa mga nabanggit.
37. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng pilosopiya?
A. Ang pagpapahalaga ng mga kaugalian at gawi ng mga tao na namana nila sa kanilang
mga ninuno o mga sinaunang kamag-anak.
B. Ito ay ang masusing pag-aaral ng mga bagay na nakakaapekto sa pang araw araw na
buhay ng mga tao.
C. Nasasaklaw nito ang masiding paniniwala sa kinikilalang tagapaglitas at kumikilos ng
naayos sa mga nailatag na patakaran at kautusan.
D. Wala sa mga nabanggit.
38. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng relihiyon?
A. Ang pagpapahalaga ng mga kaugalian at gawi ng mga tao na namana nila sa kanilang
mga ninuno o mga sinaunang kamag-anak.
B. Ito ay ang masusing pag-aaral ng mga bagay na nakakaapekto sa pang araw araw na
buhay ng mga tao.
C. Nasasaklaw nito ang masiding paniniwala sa kinikilalang tagapaglitas at kumikilos ng
naayos sa mga nailatag na patakaran at kautusan.
D. Wala sa mga nabanggit.
39. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakaroon ng isang pilosopiya?
A. Ang pamilya mo ay Katoliko.
B. Paniniwala sa kasabihang “Ginto ang oras.”
C. Pagdaraos ng kapistahan ng patron ng simbahan.
D. Umanib ka sa mga kaibigan mong Born Again Christians.
40. “Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang
makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura
mahihirapan itong panatilihin ng tao.” Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong maha-
lagang haligi ng bansa.
D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
41.

You might also like