Gawain Judy Micth

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

A.

Panitikan: Sandaang Damit


Maikling Kuwento
J
Ni Fanny Garcia
B. Batayan: https://www.academia.edu/8096367/Sandaang_Damit_
Ni_Fanny Garcia

C. Pamagat ng Pangkasanayan 1: Pagbungkal sa kaalaman


2: Meme-a-sabi
3: Emoji Story
4: Fliptop
D. Diskripsyon ng Gawain:
1. Ang bawat kalahok ay inaasahang lalahok sa gawain. Ang bawat isa ay
maglalahad ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng imprumtu batay sa larawang
ipapakita na may kasamang teksto na may kaugnayan sa kwentong “sandaang
damit”.
2. Ang bawat pangkat ay kinakailangang magpamalas ng pagkamalikhain sa
paglalarawan ng pagkakasunod-sunod na mga pangyayari sa kwentong
sandaang damit gamit ang memes .
3. Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
tig-limang halimbawa ng mga emoji. Gamit ang mga emoji sila ay magsasagawa
ng role play na nagpapakita ng emosyon ng bawat emoji nakalaan sa kanila batay
sa mga pangyayari sa kwentong “sandaang damit.”
4. Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat. Bawat pangkat ay binubuo ng tatlong
myembro. Sa pamamagitan ng fliptop sila ay magbibigay ng kanilang saloobin
tungkol sa kung ano ang kanilang gagawin kung sila ang nasa katayuan ng
pangunahing tauhan, kung magsisinungaling ba sila o magpapakatotoo sa
kanilang sarili at sa ibang tao.

Panimula

Ang Maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan, na nagsasalaysay ng


isang kwento o pangyayari na kasangkot ang iisa o maraming tauhan,hango man sa
totoong buhay o hindi.
Ang kwentong Sandaang damit na akda ni Fanny Garcia ay tungkol sa isang
bata na nakakaranas ng sobrang kahirapan sa buhay. Sila ay salat sa anumang
bagay. Wala silang magandang tahanan, walang masasarap na pagkain, at walang
kakayahang makabili ng magara at magandang damit. Subalit sa kabila ng
kahirapan ng kanilang pamumuhay ay ninais pa din na makapagtapos ito ng pag-
aaral. Ang batang mahirap ay tampulan ng tukso at palaging kinukutya. Dahil sa
pangyayaring ito ay napilitang magsinungaling ang bata. Ipinaalam niya na mayroon
siyang sandaang damit gayoy wala naman talaga. Ikinubli niya ang katotohanan na
tanging larawan lamang ng kanyang ipinagmamalaking sandaang damit ang
mayroon siya.

Sandaang Damit

ni Fanny Garcia

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin


ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang
sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata,
sasagot lamangkapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita.

Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang


kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya.
Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa
paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga
malinis, ay halatang luma napalibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.

Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag


oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw
ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng
akonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang
kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang
mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas,
sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y
magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong
tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang
kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina.

Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa


panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang
kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang
buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang
pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama,
makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng
maraming damit.

At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-
uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y
unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa
malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang
pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak.
Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina.

Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na


siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska.
Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.
Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.

Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang


babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging
kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang
magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang


damit sa bahay.”

Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.

“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.

Ayokong maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi

nila sa batang mahirap.

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay,
kung may laso o bulaklak.”

At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa


kaniya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay,
pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.Naging mahaba ang kaniyang
pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa
sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa
pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na
mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas.
May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng
damit.O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo,
manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon
at malalaking bulsa.

Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang nagging
tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang
pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong
mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi. Ngunit isang araw ay hindi pumasok
sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod
na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok
ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa


klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila
at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang
marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon
nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad
ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na
maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras.
Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa
dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda,
makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi
niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng
kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa
paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya’y
nakatago’t iniingatan niya sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

Gawain 1: “Pagbungkal sa kaalaman”


Panuto:

Ang bawat kalahok ay inaasahang lalahok sa gawain. Ang bawat isa ay


maglalahad ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng imprumtu batay sa larawang
ipapakita na may kasamang teksto na may kaugnayan sa kwentong “sandaang
damit”.

Pamantayan: Porsyento
a. nilalaman 20%
b. kaangkupan sa paksa 20%
c. kawastuhan at kalinawan 20%
d. tindig 10%
e. emosyon 20%
f. disiplina 10%
KABUUAN: 100%

Gawain 2: “meme-a-sabi”
Panuto:

Ang bawat pangkat ay kinakailangang magpamalas ng pagkamalikhain sa


paglalarawan ng pagkakasunod-sunod na mga pangyayari sa kwentong sandaang
damit gamit ang memes .
Pamantayan:

a. kawastuhan 30%
b. Pagkamalikhain 30%
c. Kooperasyon 25%
d. disiplina 15%

KABUUAN: 100%

Gawain 3: “Emoji story”


PANUTO: Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan
ng tig-limang halimbawa ng mga emoji. Gamit ang mga emoji sila ay magsasagawa
ng role play na nagpapakita ng emosyon ng bawat emoji nakalaan sa kanila batay
sa mga pangyayari sa kwentong “sandaang damit.”

PAMANTAYAN:
Pagkamalikhain 20%
Kooperasyon 20%
Kaangkupan sa paggamit ng emoji 25%
Disiplina 15%
Gramatika at Balarila 20%
kabuoan 100%

Gawain 4: “Fliptop”
PANUTO: Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat. Bawat pangkat ay binubuo ng
tatlong myembro. Sa pamamagitan ng fliptop sila ay magbibigay ng kanilang
saloobin tungkol sa kung ano ang kanilang gagawin kung sila ang nasa katayuan ng
pangunahing tauhan, kung magsisinungaling ba sila o magpapakatotoo sa kanilang
sarili at sa ibang tao.

PAMANTAYAN:
Linaw ng pagbigkas 25%
Ideyang/nilalaman 25%
pagkamalikhain 25%
disiplina 25%
Kabuoan 100%
Maikling pagsusulit sa akdang “Sandaang Damit”
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang bagay na nakatago at iniingatan ng batang mahirap sa sandaang damit
sa kanilang tahanan?
A. Kendi
B. Sandaang Damit
C. Laruan
2. Ano ang kulay ng damit pandalo sa pagtitipon ng batang mahirap?
A. Makintab na rosas
B. Asul
C. Dilaw

3. Bakit nagpasyang dalawin ng mga kaklase ang batang mahirap?


A. Kaarawan ng batang mahirap
B. naaksidente
C. isang linggo nang hindi pumapasok sa klase

4.”Halos paanas na kung magsalita “


Ano ang kasing kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. mabagal
B. mahina
C. pabulong

5. Ano ang aral na mapupulot sa sandaang damit?


A. ‘wag magsisinungaling
B. ‘wag mangungutya
C.’wag bibisita sa bahay ng kaklase
II. Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang pahayag at titik M naman kung mali.
_____ 1. Ang may-akda ng sandaang damit ay si Fenny Garcia.
_____ 2. Ang batang mahirap sa sandaang damit ay laging nakayuko, mailap ang
mga mata at sasagot lamang kapag tinatawag ng guro.
_____ 3. Ang baon ng batang mahirap sa sandaang damit ay isang kamote lamang.
_____ 4. Inilarawan ng batang mahirap ang kanyang damit pantulog na may dilaw
na prutas sa kwelyo ng manggas at laylayan.
_____ 5. Ang sandaang damit na tinutukoy ng batang mahirap ay guhit lamang

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B
2. A
3. C
4. C
5. A
6. M
7. T
8. M
9. T
10. T
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF
AGRICULTURE
San Jose Pili, Camarines Sur
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: op@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 871-5531-33 Local 101

PROYEKTO SA
LIT.111
AKDA:

SANDAANG DAMIT
ni Fanny Garcia

Ipinasa ni:

Judy Ann I. Casabuena


Michelle B. Enola

Mag-aaral, BSE-4E

Ipinasa kay:

Dr. LEOPOLDO TRANSONA


Guro, Lit. 111

You might also like