Ching Yaot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ALEGRIA NATIONAL HIGH SCHOOL

ALEGRIA STA.MONICA SURIGAO DEL NORTE

Disiplina sa tamang pagtatapon ng basura ng mnga mag-aaral sa ALEGRIA

NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang sulating Filipino na Inilahad sa klase ng Alegria National High School

Bilang kahingian saFilipino 11, komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang


Pilipino

Nila:

Maria Theresa Liza

Chyrellou Raden

Vilma Mantua

Allene May Simbajon

Kenneth Mellena

11-JOHN DEWEY

November 2019
PANIMULA

Wastong pagtatapon ng basura ipinakahulugan itong pagsasaayos at paghihiwalay ng


basura ayon sa tatlong klase: Nabubulok, Di-nabubulok at Napapkinabangan pa.

Isa sa mga malalaking problemang kinakaharap ng Pilipinas ay ang kawalan ng control


ng mga Pilipino sa pagtatapon ng hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga hindi mabuting
naidudulot ng pagtatapon ng basura sa kung saan lang higit lalo sa mga tabi ng kanal.Hindi
maitatangging bawat isa ay naapektuhan nito. Ipinagpapalagay na ang karaniwang problemang
ito ay isa sa mga problemang mahirap hanapin ang solusyon sa kabila ng batas na pinagtibay
para sa wastong pagtatapon ng basura (Section 59 of Republic Act.no.9003,Philippines
Ecological Solid Waste Management; Executive order no.192,Series of 1987)Hindi
maikakailang maliit ang persyento ng mga Pilipinong sumusunod dito.Sa bawat paglipas ng
araw, halos hindi narin naman napupuna ang nagkalat ng basura kung hindi pa umaalingawngaw
ang amoy ay wala rin namang halos pupuna.Bihira na ang nagkokomento ukol sa problemang
ito.Ang kahalagahan ng pag-aaral ng paksang ito ay upang mailahad ng mabuti ang paksa.
Layunin ng pananaliksik na ito na magkaroon ng pagbabago matapos mailahad ang pag-aaral.At
makapagbibigay ng maaring solusyon,kundi man daglian ay maaring makatulong upang
mabawasan ang problema.Ipaghalimbawa ang pag isa isang upos ng sigarilyo ng mga
nagdaraan.Paisa isa,ngunit nagkalat sa gilid-gilid ng kalsada.Ang mga balat ng pagkain na
itinapon ng mga naglalakad.Mga plastic na maliliit ngunit pag naipon sa isang tabi ay bumubuo
ng malilit na bundok.Mga perpektong ehemplo ng kawalan ng disiplina ng mga kabataan.
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Sa pagtalakay ng paksa,sinaklaw nito ang mga mag-aaral mula sa Alegria National


High School ipinagpalagay na ang isang dahilan ang pasilidad at kapaligiran sa nasabing
paksa.Ang pagsulpot ng marami-raming mga tindahan sa gilid ng paaralan ay sinasabing
PAKTO ng maling pagtatapon ng basura idinagdag pa rito ang iilang basurahan hindi rin naman
halos pansin ang mga kalat sa ilalim ng upuan ng mga estudyante. Kapuna-punang hindi naman
naabala ang takbong klase kung may kalat man sa ilalimng bawat upuan.Isa ring kinonsiderang
dahilan ang kawalan ng basurahan sa bawat silid-aralan.kung tutuusin,maliit ang espasyo ng
bawat silid-aralan para isiksik pa ang basurahan.Dangan nga lamang,na kahit sa labas ng silid-
aralan ay iilan ang mapagtatapunan.sa isang banda,responsibilidad ng mga mag-aaral na
mapanatiling malinis ang paligid ng paaralan.Lumalabas rin na isa pang dahilan sa maling
pagtatapon ng basura ng kawalan ng displina sa paglalarawan ng suliranin masasabing, bagama’t
hindi kasing lala ng pang kalahatang problema sa basura ay nangangailang pa rin ito ng
atensyon.At kinakailangan pa ring bigyang solusyon hinihingi pa rin nito ang pansin ng bawat
konsern dito.
SOLUSYON AT ISTRATEHIYA

Upang matugunan ang mga katanungan ng isinagawang pag-aaral,gumamit ang mga


manaliksik ng sarbey. Nakapaloob dito ang mga katanungang binigyang tugon ng mga
respondents.Ito ay may limang tanong na tumatalakay sa piniling paksa.kinabibilangan ito o ang
mga respondents ng sarbey ay sampung mag-aaral mula sa klase ng alegria national high
school.Layunin ng isinagawang sarbey na maipakita ang sapat na impormasyong tutugon sa
pananaliksik naipakita nito ang reaksyon ng mga mag-aaral hingil sa paksang tinatalakay.
RESULTA AT NATUKLASAN

Ipinakita rito ang reaksyon na tiyak na bilang ng respondents na tumugon sa


isinasagawang serbey.

1. Posible bang mabawasan ang porsyento ng dami ng nag-tatapon ng basura sa kung saan, kung
may basurahan sa loob ng silid-aralan?

Ayon sa serbey pinapaburan ng nakakarami ang pag kakaroon ng basurahan sa bawat


loob ng silid-aralan.

2. Magiging epekto ba kung magpapataw ng multa sa bawat estudyanteng hindi nag tatapon ng
basura sa tamang basurahan?

Pitong respondents ang nagsabing epektibo ang pagpataw ng mullt bilang solusyon sa
problemang tinatalakay.Sa kabilang banda tatlo ang naniniwalang hindi ito sapat na solusyon.

3. Dapat pa bang ang Student Council Organization ang mag bigay ng solusyon sa nabanggit na
problema? OO o HINDI

Nahati ang opinion ng mga respondents kalahati ng bilang respondents ay naniniwalang


responsibilidad pa ng Student Council Organization ang pagbibigay solusyon sa pagtatapon ng
basura. At ang kalahati ay nag sasabing hindi na ito sakop ng oblikasyong ng Student Council
Organization.

4. Ilan sa inyong palagay ang bilang ng mga estudyanteng masasabing may malasakit pa sa
tamang pagtatapon ng basura?

Pinatunayang higit na marami pa rin ang mgs estudynteng may malasakit sa kapaligiran.

5. Inilalarawan ba nito ang kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral?

Siyam sa sampong respondents ang nag sasabing nag lalarawan ng kawalan ng disiplina
ang pag tatapon ng basura kung saan.
KONKLUSYON

Ipinapakita ng pag-aaral ng mga problema sa pagtatapon ng basura ay nag sisimula sa


isang maliit na komunidad.bunga nito nagiging isang malala at komplikadong problema na
mismong gobyerno ay nahihirapang bigyan ng solusyon.Base sa serby na isinagawa hindi namn
talagang ipinaggsasawalang bahala ang problemang tinatalakay.ngunit hindi lamang nabibigyan
ng sapat na atensyon dahil may ibang higit na binibigyang pansin ang mga konsern
dito.Bagaman pinapaboran ng nakakarami ang paglalagay ng basura sa bawat silid-
aralan,masasabing hindi rin ito praktikal dahil maliit ang espasyong sinasakop ng bawat silid-
aralan,sapat lamang upang magkasya ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase.Naniniwala
ang higit na maraming bilang ng respondents na kawakan ng disiplina ang pagtatapon ng basura
sa kung saan.Kung ikukumpara sa kapaligiran noon ang hitsura ng kapaligiran ngayon,hindi
talaga maikakailang kawalan ito ng disiplina at kahit na marami konsern sa kapaligiran,walang
may sapat na motibasyon upang ipakita ang konsern sa kapaligiran.Kalahati ng respondents ang
nagsabing responsibilidad pa ng Student Council Organization ang nagkalat ng basura.Sa
puntong ito,nahati ang opinion ng mga respondents.Maaari ngang bahagi ito ng obligasyon ng
student council organization,ngunit bahagi rin ito ng disiplina na dapat pinapraktis ng bawat
mamamayan.
REKOMENDASYON

Ang isang bagay,paksa, o pangyayari kung ipinaglalagay na problema ay


nangangailangan ng solusyon.Ang piniling paksa,bagaman karaniwan,ay mahirap bigyan ng
solusyon.Bilang tugon sa pag-aaral,iminumungkahin ng mga mananaliksik ang pagkakaroon ng
mga basurahan sa labas ng bawat silid aralan.Bagaman masasabing hindi ito sapat ng
solusyon,malilimitahan nito ang kalat sa loob ng silid aralan dahil malapit na ang
mapgtatapunan.Bilang karagdagan ,iminumungkahi rin ang pagmumulta sa mga studyante na
makikitang may kalat ng basura malapit sa kanyang kinaupuan.At upang hindi na makadagdag sa
responsibilidad ng mga student council organization,iminumungkahi rin na ito ay simulant ng
mga opisyal sa klase .Naniniwala ang mga mananliksik na bukod sa ito ay maitutring na agarang
solusyon sa suliraning tinatalakay,ay makakatulong ito sa muling pagpapapraktis ng disiplina sa
mga mag-aaral
LAYUNIN NG PAKSA

1. Mamulat ang bawat isa sa kahagahan ng wastong pagtatapon ng basura at ang mabuting
epekto nito.

2. Mahikayat ang lahat lalung-lalo na sa mga mag-aaral na panatilihing malinis ang kapaligiran.

3. Maiparating sa lahat ang kahalagahan ng disiplina sa sarili at pakikibahagi sa pagpapanatili ng


kalinisan ng paligid.

HIPOTESIS

Inaasahang mapipigilan,kundi man ay malilimitan na ang pagtatapon ng basura ng mga


estudyante sa kung saa-saan. Inaasahanng magiging kapakipakinabang ang pag aaral para sa mga
mambabasa. Kaugnayan nito,inaasahan ding maoobserbahan ang disiplina ng mga mag aaral
ukol sa pagtatapon ng mga basura.
DEDIKASYON

Ang aming isinagawang pananliksik ay aming iniaalay sa aming mga mahal sa buhay at
sa aming guro na si Gng. Hannahruth B. Payao at sa aming mga kaibigan. Sila ang aming
inspirasyon kaya nabuo naming itong aming pananaliksik na ikakabuti sa lahat ng tao lalong-
lalo na sa mga kabataan sa Alegria National High School malaman nila ang tamang pagtatapon
ng basura.
SAKLAW AT DELIMITASYON

Sa aming pananaliksik na ito ay nakasentro lamang sa mga kabataan na walang disiplina


sa tamang pagtatapon ng mga basura ng mga mag-aaral at saklay nito ng pag-aaral ay limitado o
mapipili lamang ang mga estudyante sa ANHS ang nagtatapon ng tama sa basura.Ang pag-aaral
na ito ay likha lamang sa mga estudyant na walang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura.
PASASALAMAT

Ang aming pananaliksik na ito ay maging matagumpay, salamat sa mga taong


sumusuporta ng aming pananaliksik na ito at sa aming guro na nagbibigay ng payo sa aming
pananliksik na si Gng.Hannaruth Payao at buong puso rin kami na nag papsalamat sa ibang taong
nag paparticipate ng pananaliksik na ito.
KAHALAGAHAN NG PAKSA

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa ating mga estudyante na


maintindihan natin ang wastong pagtatapon ng basura dito sa ating paaralan at kung paano mag
segregate ng basura.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa Eskwelahan. Sa pag-aaral na ito maaring ang ating eskwelahan ay maging malinis at


maaring makatanggap pa tayo ng parangal dahil sa wastong pagtatapon ng basura .

Sa Kabataan. Sa pamamagitan nito maaring ang mga estudyante ay mamulat rin sa


kanilang mga ginagawa sa pagtapon ng basura kung saan-saan at kung paano ang wastong
pagtatapon ng basura at maari rin nilang e recycle.
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA NG TITULO i

PASASALAMAT ii

ABSTRAK iii

TALAAN NG NILALAMAN iv

PANIMULA

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

LAYUNIN NG PAKSA

HIPOTESIS

KAHALAGAHAN NG PAKSA

SAKLAW AT DELIMITASYON

DEPENESYON NG MGA TERMENO

KONKLUSYON

PAGLALAGOM AT MGA NATUKLASAN

SOLUSYON AT STRATEHIYA
PAGLALAGOM

Sa aming pag aaral na ito ipinapahiwatig ng malawak na epekto sa ating kapaligiran ang
walang disiplina sa pag tatapon ng basura ng mga mag-aaral at amin ring na imbestigahan ang
epekto ng pagiging pabaya o walng disiplina sa pag tatapon ng basura ng mga mag-aaral sa
Alegria National High School.

MGA NATUKLASAN

Ang mga sumosunod ay ang mga natuklasan sa pag-aaral:

Karamihan sa mga etudyante ng Alegria National High School. ay walng mga disiplina sa
pag tatapon ng basura kaya ang mga basura ay naiipon sa isang tabi mayroon ding inilalagay sa
ilalalim ng upoan ng mga mag-aaral.

Ang iba, imbes na tipon ang basura sa di-malata itatapon nila ito sa basurahan ng malata
kaya kung itatapon na basurahan ng malata may nahahalo itong di-malata ta na giging sanhi ng
pagbaha at iba pa.

At nag iba naman sa mag-aral ng Alegria National High School.ay itinatapon nila sa
tamang basurahan ang mga basura kaya ang mga plastic ay napapakinabangan pa ito.
ABSTRAK

You might also like