Kumpisal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

COUPLES FOR CHRIST (LAGUNA)

PASTORAL FORMATION OFFICE


HOUSEHOLD DISCUSSION TOPIC FOR NON- MC MEMBER

KUMPISAL
(Hinalaw at isinalin mula sa Signs of Life ni Scott Hahn)

Ang kumpisal ay sadyang ninais ng Diyos upang ang tao ay makapagsisi, gumaling at
makipagkasundo sa Kanya. Noong tanungin ng Diyos si Adan, “Nasaan ka? O si Cain, ng
“Nasaan ang kapatid mo?” hindi naghahanap ng impormasyon ang Diyos, dahil sa alam naman
Niya ang lahat. Ang nais Niya ay isang lubusang kumpesyon, para sa kanilang sarili upang
makapamuhay silang muli sa katotohanan. Sa kasamaang palad, hindi ito naganap.

Sa Lumang Tipan, nagsisi ang mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay ng sakripisyo ng mga
hayop na pinapatay at sinusunog sa altar. Nang dumating si Jesus, nagtatag siya ng ministeryo at
sakramento ng pagsisisi sa Simbahan, ang kumpisal.

Nakakatulong sa pag-unawa sa kumpisal ang tingnan ito na katulad ng pangangailangan ng


katawan natin na pag-aalaga sa kalusugan. Nagpupunta tayo sa doktor, upang maging maayos
ang katawan natin. Kung pinagsisikapan nating alagaan ang katawan natin, hindi ba mas dapat
nating pag-ukulan ng panahon ang ating kaluluwa? Alam nating lilipas ang katawan natin, ngunit
ang kaluluwa natin ay mabubuhay magpakailanman.

Ang ating mga desisyon tungkol sa ating espiritwal na kalusugan ay may malaking epekto pati
rin sa mga taong nakapaligid sa atin. Lubhang lubos na nakabubuti sa buhay pamilya at gawain
ng mga katrabaho ang isang malinis na kaluluwa. Sa kabilang dako, walang mas nakakasakit sa
ating mga ugnayan at pangkaisipang kalusugan kaysa bigat ng kasalanan. Ang kumpisal ay
libreng health care at libreng life insurance din! Si Kristo ang Diyos na manggagamot, na laging
gumagarantiya ng ating kagalingan.

Sa Bagong Tipan, si Jesus ay nagpatawad ng mga kasalanan. Nagduda ang mga eskribas at
pariseo ngunit tama ang katanungan nila: ‘Sino ang makapagpapatawad ng kasalanan kundi ang
Diyos lamang?” (Mk 2:7) At si Jesus ay nagsabi nang may awtoridad, “Anak, pinatawad na ang
mga kasalanan mo” (Mk 2:5). Si Jesus naman ay nagbahagi ng awtoridad na ito sa kanyang mga
pinili, ang mga apostoles. Sa araw ng kanyang pagkabuhay na mag-uli: “Hiningahan niya sila, at
sinabi,” Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang pinatawad ninyo sa kanilang mga kasalanan
ay pinatawad na nga, ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.” (Jn 20:22-23). Isang
bagong dimensiyon ng pagpapatawad ang iginawad ni Jesus sa Simbahan kung saan ang
kapangyarihan ng Diyos na nagkatawang tao ay magpapatuloy.” Tunay na sinasabi ko sa inyo,
ang anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa
lupa ay ipahihintulot sa langit” (Mt 18:18). Samakatuwid, ang simbahan ay makapagpapatawad
ng kasalanan sa ngalan ng Diyos.
Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng kumpisal. Bago magpatawad ang mga apostoles
kinailangan muna nilang marinig ang kasalanan. “Kung ipapahayag natin ang ating mga
kasalanan, maasahan nating ipapatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng
ating kasamaan (1Jn 1:9). Sinabi ni San Pablo na ang kumpisal ay ipinahahayag ng ating mga
labi, hindi lamang ng puso at isipan (Rom 10:10). Hindi kay Jesus lamang ikinukumpisal ang
kasalanan, kundi sa pari o sa tinatawag na presbitero (Santiago 5:14-16). Sa Didache, ang
pinakalumang dokumentong Kristiyano bukod sa Bibliya, ay sinasabi:” Ikumpisal ang inyong
mga kasalanan sa Simbahan, at huwag magdasal nang may masamang budhi... Sa Araw ng
Panginoon magtipon kayo, hatiin ang tinapay, magpasalamat, ngunit ikumpisal muna ang inyong
mga kasalanan upang madalisay ang inyong alay”.

Ang kumpisal ay dapat na indibidual, sinasabi, at tiyak. Bagamat may pagkakataong may
pangkalahatang absolusyon na ibinibigay ang Simbahan, kailangan pa ring may indibidual na
kumpisal pagkatapos.

Sa makabagong panahon, tila ba nawawala na ang pandama ng tao sa kasalanan (no fault
culture), ngunit alam nating hindi ito tama. Lahat tayo ay nagkakasala at tayong lahat ay
nagdurusa dahil sa ating mga kasalanan at pati sa kasalanan ng iba. Kayat tayo ay hindi kaakma
(out of sync) ng Diyos at ng mundong ginawa Niya para sa atin. Oo, mahal tayo ng Diyos kung
anuman tayo, ngunit tunay niya tayong minamahal kayat ayaw Niyang manatili tayo sa
pagkakasala. Kailangan nating maranasan ang kanyang pagpapatawad upang tayo ay maghilom,
lumago, at makapagpatawad din.

Kailangan nating muling magkaroon ng wastong pandama o pagkakilala sa kasalanan, upang


muling lumusog ang ating espiritu.

Pagnilayan natin:
Mas mabuti ang magkumpisal ng mga kasalanan kaysa patigasin ang ating mga puso. (Papa
San Clemente I)

Gabay sa Talakayan
1. Naniniwala ka ba sa kahalagahan ng kumpisal bilang isang sakramento?
2. Gaano ka kalimit na magkumpisal? Magpasya na magkumpisal nang mas malimit at
isapuso ang pagbabalik-loob sa Diyos.

You might also like