Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pagmamahal ng Ina

Alam naman nating lahat kung gaano tayo kamahal ng ating


mga ina, lahat kaya nilang isakripisyo para sa atin. Ang anak
kayang tiisin ang ina, pero ang ina hindi, dahil tayo lang ang
lakas nila kung mawawala tayo asahan mong manghihina sila
at mawawalan sila ng kaligayahan, dahil nawala sa kanila ang
kanilang lakas at kaligayan at tayo iyon. Di niyo naitatanong
tayo ang kaligayahan at lakas ng ating mga ina pinaramdam
na nila yan nang tayo pa ay nasa isinagpupunan pa nila di din
natin maitatanggi na sila ang nagbigay ng buhay natin at hindi
ang ating mga kasintahan kaya wag niyong balewalain ang
pagmamahal ng isang ina, dahil sila lang ang tunay at puro
mag mahal. Ina lang natin ang nakapagtitiis sa mga ugaling
pinapakita natin kinakaya nila kahit hirap na hirap na silang
intindihin tayo, dahil iyan ay mahal tayo ng ating mga ina. Kaya
huwag kayong magalit sa kanila kapag tayo ay pinapagalitan
sa mga maling gawain na kanilang nakikita dahil tinutulongan
lang nila tayong maitama ang pagkakamali na iyon. Ang
pagmamahal ng ina ay 'di matutumbasan, kahit pa ang iyong
kasintahan. Dahil ang pagmamahal ng isang ina ay walang
katapusan at hanggang sa kanyang huling hininga. Kaya sa
mga taong nakikinig sa aking talumpati sana nagkaroon ng
kalinawan sa inyong mga isip at naunawaan niyo ang nais kung
ipahiwatig. Sana maiparamdam niyo din ang inyong
pagmamahal para sa inyong ina iyan lamang po at maraming
salamat.

You might also like