Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

URI NG TEKSTO

Tekstong Impormatibo

Ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at


magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano,
kailan,saan, sino at paano.Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga
mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng
mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa
mga tunay na pangyayari, Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng
impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng
impormasyon. May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng
paglalahad nito: ri ng Teksto
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng
mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang
pangyayari. Sa urng ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa
dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at
ano ang resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang
nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto
o pangyayari. c)Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng
isang salita, termino at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong
bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng
katarugan o pag-ibig.
d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng
isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

Katangian:

 Makakatohanan ang mga datos.


 May malawak na kaalaman tungkol sa paksaang manunulat.
 Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at may
kaisahan.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita sa mga magasin, textbook, at sa mga
pagkalahatang sanggunian.
Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na
pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o magbigay-aliw sa mga
mambabasa.

Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na


maaaring piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento,tula) o di-piksiyon (hal.: biyograpiya, balita,
maikling sanaysay). Maaaring ang salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento. Maaari
ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

Mas malalim na halaga ng tekstong Naratibo:

- Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang
isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan para sa
kaniya ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na
pagsusuri dito.

Iba't ibang elemento ng Naratibong teksto:

a) Paksa - kailangang mahalaga at nmakabuluhan.

b) Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.

c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan, lunan at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento.

d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang


senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento
sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.

* mga iba't ibang paraan ng narasyon:

 diyalogo
 Foreshadowing
 plot twist
 ellipsis
 comic book death
 reverse chronology
 in media res
 deux ex machina (God from the machine)
e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng
paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.

f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay masaya o


hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

Katangian:

Ito ay nagsasaad ng tiyak na emosyon ng manunulat.Ito ay naghahatid ng kalinawan sa


bagay-bagay o pangyayari.Ito ay nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mambabasa o
tagapakinig.Ito ay nagpapahayag ng tiyak na impormasyon patungkol sa isang
pangyayari.
Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan

Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isnag bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa.

Deskripsiyon : Ang tekstong Deskriptibo ayisang uri ng paglalahad at naisasagawa sa


pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay
din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na
pagpapahayag.

Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo:

1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa


mga mambabasa.

2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa


manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.

3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong


detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o
anomang paksa na inilalarawan.

Katangian:

May isang malinaw at pangunahing imposmasyon na nililikha sa mga mambabasa.


Ang tekstong ito ay maaaring maging obhetibo at subhetibo at maaari ding magbigay ng
pagkakaroon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
Ang teksto ay mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng mga detalye.
Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran

Deskripsiyon : Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang


ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga
ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na maga literatura at pag-aaral,
ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon


kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.

Mga elemento ng Pangangatuwiran:

1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.

2) Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang
isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon
upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:

Mahalaga at napapanahong paksa


Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento.
May matibay na ebidensiya para sa argumento.
Ang katangian ng tekstong argumentatibo ay malcipagtalo upang mapatunayan
anglcatotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang lcatotohanang ito.
Tekstong Persuweysib: Paano kita mahihikayat

Deskripsiyon: Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang


kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.

 sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang


batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga
pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.

Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng :

1) Malalim na pananaliksik - kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung


tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Ang paggamit ng mabibigat na
ebidensiya at husay ng paglalahad nito ang pinak-esensiya ng isang tekstong persuweysib.

2) Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - kailangang mulat at maalam


ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na pesepsiyon at paniniwala
tungkolsa isang isyu.

3) Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito ay upang epektibong masagot ang
laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

Katangian:

Ang katangian ng textong persuweysib ay maglahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay, o


mga ideya na nanghihikayat sa mambabasa.
Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

Deskripsiyon: Ito ay iang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at


instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.

Layunin: layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at


impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at
angkop na paraa.

Nilalaman: Ang tekstong Prosidyural ay may apat na nilalaman :

1) Layunin o target na awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o
kahihinatnan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang tiyak na katangian ng isang
bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaaasahan sa isang mag-aaral kung
susundin ang gabay.

2) Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang


makompleto ang isasagawang proyekto.

3) Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4) Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng


prosidyur na isinagawa.

Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural:

Nasusulat sa kasalukuyang panahunan


Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa iisang tao lamang
Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng
paggamit ng mga panghalip
Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga
bahagi ng teksto
Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.
Ang katangian ng tekstong prosidyural ay may mga serye ng impormasyon tungkol
saisang bagay upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
“ANG ALAMAT NG MAKOPA”

(Tekstong Naratibo)

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng isang mataas na bundok at halos
naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang
pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay ng
masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.Ngunit sa lahat ang
pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na nakasabit sa simboryo ng
simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ang
kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang. Dito ay may napapaloob na
hiwaga at ang paniwala’y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa nila sa buhay. Ang
batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo ang tunog. Kung tumutunog ay
kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong makarinigay sapilitang lumuluhod at
taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyaya nilang tinatanggap.Talagang
napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa kanilang batingaw.

Maraming sa tao sa malalayong bayan ang nakaalam sa kahalagahan ng kampanang ito. Hindi
lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na makamtan ang nasabing batingaw. Higit
sa lahat na may nais ay ang mga tulisang naninirahan sa gubat. Balak nilang tunawin ito kapagka
nakuha nila.

Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na: “Tulisan, tulisan ang mga tulisan ay
dumarating!” Di nag-aksaya ng panahon ang pari at ang dalawang sakristan, biglang ibinababa
ang kampana’t itinago. Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw. Ang pari at mga
sakristan ay pingsasaktan ng mga tulisan at pilit na pinalabas sa kanila ang batingaw. Datapwa’t
hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay pinagpuputlan sila ng liig.
Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.

Ang bayan ay nagulo. Lahat ng tao’y nalungkot pagka’t ang pinakamamahal nilang batingaw ay
di nila makita sapagka’t ang nakaalam lamang ng pinagtaguan nito ay ang tatlong pinatay ng
tulisan. Lahat ng mamamayan – bata, matanda, mayaman, mahirap ay para-parang
nangagsipaghanap. Nguni’t hindi rin nila matagpuan. Lumipas ang maraming araw at ang
batinagw ay patuloy ng naglaho. Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa
kanilang banal na gawain. Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal. Ang mga bukid ay
naiwan ding tiwangwang. Lagi na lamang may gulo sa bayan. Anupa’t ang bayan ay nababalot
ng kalungkutan.

Isang umaga, may maraming taon na nakalilipas ang mga taong nagdaraan sa may simbahan ay
nakakita ng isang punung-kahoy sa tabi ng kumbento na hitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga
bungang kahoy. Ang mga bunga ay kakaiba ang hugis, at hugis kampana. Nagkagulo ang mga
tao sa paligid ng puno at sila ay nagtaka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa
hugis kampana ay mamula-mula pa na anaki’y ginto. Isang matandang lalaki ang pumagitna sa
mga taong nangaroroon at nagsalita ng, “Habang ako’y natutulog, tila nakarinig ako ng isang
tinig na nag-uutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento. Ngunit ito’y di
ko pansin sa pag-aakala ko na isang panaginip lamang.”

Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda. Laki ng katuwaan nila nang matagpuan
ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno. Ang lahat ng mga tao ay nagtungo sa
simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandali
ang magagandang tunog ng kampana ay narinig na. Ito ay nagbigay ng kasiyahan at katahimikan
sa puso ng mga tao habang sila ay tamtim na nananalangin.

Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ng pagbubunga at nang lumaon ay napag-alamang


iyon ay kinakain. Ang mga bata’y nangatutuwa sa hugis ng bunga nito, kawangki ng kopa.
Pagkalipas ng ilang araw ang bunga ay tinaguriang “Makopa”.

BUOD:

Noong unang panahon ay may isang bayan na malapit sa bundok na halos napapaligiran ng
malapulong gubat. Ang mga mamamayan dito ay maligaya at sagana sa kanilang
pamumuhay. Sa mga bukirin ay may mga masaganang ani, na siyang ikinabubuhay ng bawat
taong naninirahan doon.

Ang kanilang simbahan ay may mataas na kampanaryo na may isang kampanang ginto na may
napapaloob na hiwaga at ang paniniwala nila’y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa at
buo ang tunog. Kapag naririnig nila ang tunog nito, ang bawat tao’y sapilitang mapapaluhod at
taimtim na nagdarasal at nagpapasalamat dahil sa biyaya nilang tinatanggap.

May mga tao naman na masama ang kanilang hangarin sa kampanang ginto. Nais nilang
nakawin ito at ipatunaw dahil sa malaki ang halaga nito. Isang araw, nagimbal ang buong bayan
dahil nawawala ang kampanang ginto. Ito raw ay ninakaw at hindi nila alam kung saan
itinago. Nalungkot ang mga tao pagkat hindi na nila maririnig ang tunog ng kampana na
nagbibigay sa kanila ng suwerte sa pamumuhay. Lumipas ang maraming buwan, ang kampana
ay tuluyan ng nawala at hindi na makita. Ang bayan ay nabalot ng kalungkutan at ang mga tao
ay nakalimot na sa kanilang pagdarasal at wala ng pumupunta sa simbahan.

Isang umaga, maraming tao ang nagulat sa isang punong-kahoy na tumubo sa tabi ng
kumbento. Ito’y punong-puno ng bunga na hugis kampana. May matandang nagsabi sa kanila
na ang puno ay palatandaan lamang na wari’y doon nakalibing ang kampanang ginto at ito’y
dapat nilang hukayin. Hinukay ng mga lalaki ang puno at kanilang nakita ang kampanang
ginto. Laking tuwa ng mga tao at lahat sila’y nagtungo sa simbahan para magpasalamat sa
pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandal ay naibalik na ito sa dating kinalalagyan
at narinig na nila ang tunog nito na tanda ng kasiyahan at katahimikan ng buong bayan.

Ang puno ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng bunga na kawangki ng kopa at ito’y tinawag nang
makopa.

MGA TAUHAN:

Mga Mamamayan sa Bayan

TAGPUAN:

may isang bayan na kalapit ng isang mataas na bundok at halos naliligiran ng malapulong gubat.
Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay
“ANG MAPAGLARONG NGITI NG ISANG INA”

(Tekstong Deskriptibo )

Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang tao.
Mga mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at mga
matang nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa
akingmga labi na gantihan rin ito ng matatamis na ngiti. Ngunit sa likod pala ng nakahahawang
ngiting ito ay may kumukubling kalungkutan at kahirapan na nadarama ang aking ina.

Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng putting pinta ng aming tahanan ay


masisilayan na rito ang aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking telebisyon
napinaliligiran ng tatlong malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay kung saan
kami ay sama-samang nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong
araw. Dito rin naming paulit-ulit na pinakikinggan ang kwento ng aking ina. Musmos pa lamang
ako nang simulang marinig ito ng aking mga tenga. Sabi nito, simula pa lamang nang malaman
niyang dinadala niya ang panganayna anak nila ni Papa ay labis na kagalakan na ang kanilang
nadama, at labis pa itong nadagdagan nang kaming mga sumunod pang mga anak ay ibiniyaya
sa kanila ng Panginoon. Bakas sa mga mata nito na tunay ang bawat salitang kaniyang
sinasambit. Hindi lamang iyon kundi marami pang ibang masasayang pangyayari ang
ikinikwento sa amin na hindi ko na lubos matandaan sapagkat ako’y napakabata pa nang mga
panahong iyon.

Sa loob ng ilang taon simula nang iluwal ako sa sinapupunan ng aking ina, kailanma’y hindi ko
naramdaman na nagkaroon kami ng kahit isa man lang na problema. Ito ay sa kadahilanang sa
bawat pag-uwi naming magkakapatid mula sa aming pribadong paaralan ay sinasalubong kami
ng isang babaeng mula sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay may tama lang na tangkad,
medyo matabang katawan, maikling mga buhok na nagbibigay hugis sakanyang mukha na
nakatayo sa tapat ng aming trangkahan na may galak at ngiti sa kaniyang mga labi. Sapagbaba
ng sasakyang humahatid-sundo sa amin ay magiliw siyang lalapit upang halikan kami isa-isa sa
aming mga noo at matapos ay sasabayan kaming lalakad papasok sa aming tahanan. Hindi
mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta sa buong araw na paglilinis ng bahay.

BUOD:

Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang tao.
Mga mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at mga
matang nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa
akingmga labi na gantihan rin ito ng matatamis na ngiti.
Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking telebisyon napinaliligiran ng tatlong
malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay kung saan kami ay sama-samang
nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong araw. Dito rin naming
paulit-ulit na pinakikinggan ang kwento ng aking ina. Musmos pa lamang ako nang simulang
marinig ito ng aking mga tenga.

Ito ay sa kadahilanang sa bawat pag-uwi naming magkakapatid mula sa aming pribadong


paaralan ay sinasalubong kami ng isang babaeng mula sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay
may tama lang na tangkad, medyo matabang katawan, maikling mga buhok na nagbibigay hugis
sakanyang mukha na nakatayo sa tapat ng aming trangkahan na may galak at ngiti sa kaniyang
mga labi. Sapagbaba ng sasakyang humahatid-sundo sa amin ay magiliw siyang lalapit upang
halikan kami isa-isa sa aming mga noo at matapos ay sasabayan kaming lalakad papasok sa
aming tahanan. Sa mga pangyayaring iyon ay natauhan ako. Natutunan ko na hindi lahat ng
ngiti ay saya, hindi lahat ng tawa ay tuwa at hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo,
sapagkat may pagkakataon na puso lamang ang makakadama nito. Simula noon ay hindi na ako
muling nagpalinlang pa sa mga ngiting ipinapakita ng aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli
niya pa rin ang lungkot sa kanyang mga ngiti ngunit bago ako maniwalang muli ay tinititigan ko
muna ito sa kanyang mga mata. Marahil ito ay kaniya lamang paraan upang patuloy na maging
matatag, ang makita kamingmasaya.

TAUHAN:

Ina- ito ay nagbibigay ng lakas sa atin at nagbibigay ng isang ngiti.

Anak- ito ay pinakamabait sa ina.

Papa - ay labis na kagalakan na ang kanilang nadama sa atin na mahal tayo

TAGPUAN:

Bahay
“NANINIWALA KA BA SA FOREVER?”

(Tekstong Argumentatibo)

May FOREVER, at maniniwala akong may forever hangga’t may nagmamahal at


minamahal. Ang Forever kase hindi lang naman yan nakatuon sa pag-ibig lang sa kapareha mo
na dapat mo lang paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa lawak at kakayahan mong magmahal sa
mga nakapalibot sayo. Para sa akin maituturing mong forever ang pagmamahal kahit isa ka lang
na nagmamahal, ibig sabihin mananatiling mahal mo siya kahit walang tugon ng pagmamahal
mula sa iyong sinta. Hangga’t may kakayahan kang magmahal at may nagmamahal naniniwala
ako at maniniwala parin ako sa forever. Sapagkat ang tao’y nabubuhay sa pagmamahal at
pagmamahal lamang. Para sa akin isang kahibangan ang pagiging bitter, sila kase yung mga
hindi naniniwala sa forever dahil nasaktan sila, pero ganoon naman sadya kapag nagmamahal,
masasaktan at masasaktan ka dahil kaakibat nito ang sakit at kabiguan. “Hindi ka pa kase
nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng isang bitter?”, alam ko ang
pakiramdam na yan dahil lahat naman tayo nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi yun
dahilan para itaga sa sarili mo na walang forever. Huwag mong ikulong ang galit at sakit na
nararamdaman mo dahil lang sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o pagmamahal
mo sa iisang tao lamanng dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong nakapalibot sa
iyo, yung mga taong hindi mo napapansin, yung mga taong nasa likod mo lang.

Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil Oo lahat may katapusan, lahat ay
mamamatay, lahat ng bagay binibigyan ng life span. Pero hindi ito ang basehan na wala
talagang forever. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin, di ba forever yun?, ang pagmamahal natin
sa pamilya natin, sa mga kaibigan natin, sa lahat ng taong mahalaga sa atin di ba forever yun?
Hangga’t naniniwala ka at may pagmamahal kang nadadama, may FOREVER, maniwala ka.
"Edukasyon: Susi ng Tagumpay"

(Tekstong Persweysib)

Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil sa
kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang kinakaharap ng
ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na abot ng tulong ng
pamahalaan.

Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isapuso ang bawat mababasa mo sa tekstong ito.
Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa sitwasyon mo
ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa pag-aaral, maraming
ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo na makapag-aral ulit.

Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka matatapakan at


yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at ginagamit mo ito sa
tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya ang mga magulang mo. Mabibigay
mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila sa magagandang lugar.

Pagnatapos mo ang kursong iyong kinuha magiging madali sa iyo na makahanap ng trabaho.
Makakaipon ka at mabili ang gusto mo. Makakapaglaan ka ng pera para sa pagbuo mo ng sarili
mong pamilya. Isang paalala sa iyo ang naging karanasan mo noong bata ka pa, mas mabuting
makapagtapos ng pag-aaral ang magiging anak mo.

O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan, hindi pa huli ang
lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay.
Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng ating bayan.
Paano makalimot?

(Tekstong Prosidyural)

Sa lahat ng ginagawa natin sa pang araw araw ay parang isang lutong ulam, ihahanda mo ang
mga rekado, mga kagamitang na gagamitin, mga proseso o mga hakbang upang matapos mo
ang isang producto. Katulad sa buhay ng isang tao may proseso kung paano tayo ginawa ng
ama, paano tayo pinanganak, paano tayo pumasok sa paaralan, paano tayo maligo, paano tayo
kumain, paano tayo magpamahal, paano tayo masaktan at higit sa lahat paano tayo magmove
on? Lahat ng mga yan may proseso, may mga sangkap, may kagamitan upang patuloy mo
siyang makalimutan. Patuloy mawala ang mga alala niyong magkasama. O sa madaling salita
mawala na siya sa buhay mo.

Ang pinakamahirap gawing sa buhay ng isang tao ay kalimutan ang taong minahal mo,
pinahalagahan mo, pinagkatiwalaan mo, binigay mo ang lahat makunteto lang sya siyo. Kasama
sa ilang taon at gumagawa kayo ng masasayang bagay, bumubuo ng bagong memorya,
nangakong walang iwanan at habang buhay magsasama. Paano bang mabuhay ng wala siya?
Paano bang maging independe sa pagmamahal mo sakanya, kung gaano ko sya kamahal, ganun
din kahirap kung paano ko sya makakalimutan. Sa bawat lungkot na dati’y saya na hinawi na
kasabay ng hanggin. Sinubukan ko na ang lahat ng paraan para makalimutan sya. Ang hirap pala
talaga kapag wala na siya siyo. Yung may kulang sa bawat araw mo. Yung may hinanap hanap
ka. Ano ba ang kailangan kong gawin makalimutan lang sya.

Kaytagal na pala, anim na buwan na ang nakakaraan, di ko parin sya makalimutan, ginawa ko na
ang lahat, di pa ba sapat mga yun.

Linibot ko na ang lahat. Naghanap ako sa internet, magazine at iba pa. Ngunit wala talaga! Pero
sa isang telebisyon ko lang pala makikita ang sagot sa kalahating buwan na sakit sa puso ko,
yung kirot sa pakiramdam ko, at yung lito sa isip ko. Ang apat na mga hakbang para
makalimutan sya. Ang dalawang sangkap na kaylangan, ang puso at isip ko. Ang kagamitan na
namumukud tanging sarili ko lang pala. Ako lang pala kamamasagot sa mga tanong kung paano
ko makakalimutan ang taong nagpahirap sakin ng sobra, makalimutan lang siya.

Tatawagin natin itong oplan makalimutan sya. Una, ihanda mo ang puso at isip mo bilang mga
sangkap. Ang sarili mo bilang kagamitan. Ingatan mo ang mga ito upang maging maayos ang
ating plano. Isipin mo para sa iyo rin ang mga ito. Pangalawa, alamin mo ang mga hakbang
upang makalimutan sya. Pangatlo, gawin nyo na nga mga ito.

Gawin mo ang unang hakbang, Acceptance lang pala. Ibaon mo sa puso’t isipan ang pagtanggap
na wala na sya. Tanggapin mo na tapos na ang lahat. Isipin mo na dahil sa kanya di ka totoong
naging masaya. Di ka bitter kapag ganun ginawa mo, kundi inisip mo lang ang ikabubuti mo.
Mahal mo sya pero kaylangang mong tanggapin na hanggang dun lang yun. Mahal mo sya pero
wala na. Pangalawa, Forget. Kalimutan mo na sya, katulad ng paglimot niya siyo. Isipin mo ang
lahat ng bagay sa positibong paraan tulad ng: iniwan ka nga kasi may taong mas karapat dapat
para saiyo. May nagmamahal pa sayo na di nya katulad. Dapat mo syang kalimutan kasi ang
pangit nya. Lahat ng bagay na nagpapaalala sa kaniya, simula sa mga litratong magkasama kayo,
sa mga konbersasyong nabuo niyo nung masaya pa kayo, at higit sa lahat yung numero nya,
kahit pa ito’y kabisdo mo pa.Pangatlo, Change. Magbago ka para sa sarili mo, magbago ka hindi
para sa kanila. Tandaan mo, sa huli ang taong mapapagkatiwalaan mo ay ang sarili mo lang,
wala nang iba. Magbago ka kasi mahal mo yung sarili mo at mahal mo ang mga taong
nakapaligid sayo at nagaalala na bakit malungkot ka. Magbago ka para makalimutan sya.
Magbago ka kasi mahal mo sarili mo. Magbago ka kasi wala ng pakakataon mabalik sya sayo.
Pang-apat, Walk Away. Magsimula kang muli, maging masaya, ienjoy mo ang bawat araw mo.
Bumuo ka ng panibagong journey, mag isa ka? Ok lang yun, subalit mas masaya kapag kasama
mo ang mga taong sumusuporta sayo. Maglakad ka patungo sa kasiyahan mo. Maglakad ka
hanggang sa walang hanggan.

Ang mga hakbang na ito ay tungo sa paglimot mo sa kanya at para sa ikakabuti mo. Sige lang,
ipagpatuloy mo tungo sa ikakaganda ng buhay mo. Hindi lang sya ang nagmamahal siyo.
Madami sila. Huwag mong ipagsiksikan yung sarili mo. Sa taong di mo deserve. Maging masaya
ka, okay na yun. Susuportahan kita.

Ihandanda mo ng maigi ang sarili, puso at isipan mo. Gawin mo ang lahat lahat para maging
success at maayos ang plano natin. Ayos lang masugatan ang puso mo dahil tama ang desisyon
ng isip mo. Subukan mo lang, hindi masamang subukan, wala namang mawawala sayo eh.

You might also like