Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag- aaral ay
inaasahang:

A. Nauunawaan ang kahulugan ng migrasyon;

B. Naipapaliwanag ang ibat ibang kadahilanan kung bakit naganap ang


migrasyon;

C. Nakakalikha ng slogan hinggil sa pangkalahatang obserbasyon ng


konsepto at dahilan ng migrasyon.

II. Paksang Aralin: Migrasyon

Sanggunian: Mga Kontemporareong Isyu p. 103- 104

Mga Kagamitan: Babayang Aklat at mga kagamitang biswal

III. Pamamaraan

A. Introduksiyon

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral

Bago tayo dumako sa ating bagong

aralin ay magkaroon muna tayo ng balik aral.

Ano ang paksang tinalakay noong

nakaraan? Pinag- aralan po natin ang paksa


tungkol sa produksiyon.

Ano nga ba ang produksiyon?

Ang produksiyon ay ang proseso


ng pagsasama ng iba’t ibang
material at di material na bagay
upang makagawa ng produkto
na maaaring gamitin ng tao.

Bago natin simulan an gating pagtatalakay

sa paksa may ipapakita ako sa inyo na mga

larawan na may malaking kaugnayan sa ating

panibagong aralin.
Anu- ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Eroplano, passport, ibon na


lumilipad at mga taong may
dalang bagahe.

Batay sa mga obserbasyon ninyo sa

larawan, buuin ninyo ang isang salita. Hahatiin

ko ang klase sa dalawang pangkat at bwat

pangkat may isang kinatawan. Kung sino ang

mauuna na makabuo ng salita siya ang panalo. Opo Ma’am

Handa na ba kayo? Magbilang ako ng

isa hanggang tatlo at mag- umpisa na. Opo Ma’am

Ang unang nakabuo ng salita ay ang

pangkat una.Pakibasa ang nabuo ninyong

salita. Migrasyon

B. Interaksyon

Batay sa ating nagging aktibidad,

mayroon ba kayong ideya kung ano ang

paksang ating pag- aaralan? Opo, Ma’am. An gating paksa po


ngayon ay tungkol sa migrasyon.

Tama. Ang panibago nating paksa

ay tungkol sa misgrasyon.

Mayroon ba kayong ideya kung ano ang

kahulugan ng migrasyon? Sa akin pong pagkakaalam, ang


migrasyon po ay ang paglipat o
pag- alis sa isang lugar patungo
sa ibang lugar.

Ang migrasyon ay nagmula sa Latin na

migrationem na nangangahulugan ng pagbabago


ng tirahan. Ito ay tumutukoy sa proseso ng

pag- alis o paglipat ng isang tao o grupo ng

tao m ula sa isang lugar o teritoryong pulitikal

patungo sa iba pa maging ito man ay

pansamantala o permanente.

Mayroong mga kadahilanan kung bakit

nagkakaroon ng migrasyon, Sino dito sa inyo o

kamag- anak ninyo ang nakaranas ng migrasyon? Kami po Ma’am. Ang


aking ama po ay nagtratrabaho
sa bansang Saudi Arabia.

Isa iyon na halimabawa ng migrasyon. Sino

pa ang may ideya kung bakit nagkakaroon ng

migrasyon? May mga pagkakataon po


na ang migrasyon ay nagaganap
dahil na rin sa pangangailangan
at kagustuhan ng Taas sa iba’t-
ibang sitwasyon na nakakaapekto
sa kanyang buhay.

Ang mga kadahilanang ito ay nakabatay

sa pangyayari o mga sitwasyong nakaaapekto

sa pamumuhay ng isang tao, Una na sa dahilang

ito ang hanapbuhay. Paano ba nagkaroon ng

ugnayan ang hanapbuhay at migrasyon? May kaugnayan po ang


hanapbuhay at migarsyon.
Halimbawa po ang isang
nagtratrabaho sa isang
kompanya ay mapapadala sa
ibang lugar.

Tama. Ang hanapbuhay at migrasyon

ay mayroong malaking kaugnayan dahil may

mga trabaho na sa ibang lugar mo lang maha-

hanap at ito ay maaaring makapagbigay ng

malaking kita na inaasahang maghahatid ng


masaganang pamumuhay.

Ang ikalawang dahilan ay ang paghahanap

ng ligtas na tirahan. Maaari niyo ba itong

ipaliwanag? Isang halimbawa po nito


ay bahay po ng isang pamilya ay
malapit sa sakuna ang gagawin
po nila ay lilipat sa ibang bahay.

Masasabi natin na nagkakaroon ng

migrasyon kapag ang isang tao o pamilya

ay nakatira sa lugar ng disgrasya o kapaha-

makan ang kanilang magiging solusyon

ay umalis at humanap ng mas ligtas na lugar

o tirahan.

Ang susunod naman na kadahilanan ay

ang panghihikayat ng kapamilya o kamag-anak.

Paano ito nakakaapekto sa migrasyon? Halimbawa po na sa


magandang lugar po ang mga
kamag- anak niyo, tapos po ang
gusto nilang mangyari ay doon
na sila tumira, kayo po
hihikayatin nila ang kanilang
mga kamag- anak o kapamilya.

Ang panghihikayat ng kapamilya o

mga kamag- anak na nasa ibang lugar ay isa

ring dahilan kungbakit nagkakaroon ng

migrasyon. Isang halimbawa nito ay kapag

ang isang miyembro ng inyong pamilya

ay sinuwerteng nagtratrabaho sa ibang bansa,

darating ang punto na gugustuhin na rin nila na

ikaw ay doon na rin manirahan.

Ang huling dahilan ay ang pag- aaral.


Sa paanong paraan ito nagging dahilan ng

migrasyon? Nagiging dahilan po ng


migrasyon ang pag- aaral kapag
ang isang tao ay lumipat ng lugar
kung saan mayroong paaralan
para makapag- aral.

Ang pag- aaral o pagkuha ng teknikal na

kaalaman ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon

ng migrasyon katulad ng paglipat ng tirahan

kung saan mayroong accessible na paaralan.

Sa pag- aaral ng migrasyon, mahalagang

maunawaan natin ang ilang termino na ginamit

sa paksa, At ito ay ang flow at stock. Mayroon

ba kayong ideya kung ano ang mga ito? Ang flow po ay


tumutukoy sa mga
nandarayuhang pumapasok o
lumalabas po sa ibang bansa.

Ang flow ay tumutukoy sa dami o

bilang ng mga nandarayuhang pumapasok

sa isang bansa sa isang takdang panahon.

Ano naman ang kahulugan ng stock? Ang stock po ay bilang ng


nandayuhan na naninirahan o
nanatili sa bansang nilipatan.

Tama. Ngayon naman ay ating pag-arlan

ang iba’t- ibang obserbasyon ukol sa migrasyon.

Una ay ang globalisasyon ng migrasyon. Saan

ba ito tumatalakay? Sa akin pong palagay ang


globalisasyon ay isang dahilan
kung bakit tumataas ang bilang
ng migrasyon.

Tama. Ang globalisasyon ay nagbukas ng

pinto para sa mga tao sa buong daigdig upang


hanapin ang mabuting buhay na bunsod ng

ekonomiya, lipunan o kalayaang political.

Ayon sa United Nations, ang migrasyon ay

madalas na bunga ng udyok ng mga malaking

kita sa ibang bansa. At ang Pilipinas ang

halimbawa ng isang bansa kung saan marami

ang nagtutungosa ibang bansa dahil sa mas

magandang opurtunidad ng trabaho.

Bunsod ng globalisasyon tumataas ang

bilang ng mga bansang nakakaranas at

naaapektuhan ng migarsyon. Sino sa inyo

ang may ideya kung saang bansa madalas

puntahan o dayuhin? Sa bansang US, Canada, at


Australia po.

Tama. Ang mga bansang madalas

puntahan o dayuhin tulad ng Australia,

New Zealand, Canada at US.

Ang ikalawang obserbasyon ukol sa

migrasyon ay ang mabilisang paglaki ng

migrasyon. Bakit kaya ito nagaganap? Ito po ay maaaring dahil


rin pos a pagpasok ng
globalisasyon sa ating bansa.

Tama. Ang kapal o dami ng nandarayuhan

ay patuloy ang pagtaas sa iba’t- ibang rehiyon

ng daigdig.

Ang ikatlong obserbasyon ay ang pagkakaiba

ng uri ng migrasyon. Ano ang kahulugan nito? Kapag sinabi po na


pagkakaiba ibig sabihin po ay
mayroong iba pang uri ng
migrasyon na nasa loob ng isang
bansa.

Hindi lang iisang uri ng migrasyon ang

nararanasan ng halos lahat ng mga bansang

nakapaloob sa usaping ito. Ito ay ang

pansamantalang nigrante at permanenteng

migrante. Meron ba dito sa klase ang may ideya? Ang pansamantalang


migrante ay yong nagtratrabaho
sa ibang bansa at inaasahang
babalik pagkatapos ng kanilang
kontrata.

Tama. Sila yong nakikipagsapalaran

sa ibang bansa alang- alang sa trabaho para

sa kanilang pamilya at walang balak manirahan

doon ng matagal.

Ano naman ang permanenteng migrante? Sila po yong nananatili sa


isang lugar o bansa kung saan
sila nandarayuhan.

Sino ang nagtungo sa isang lugar o bansa

na hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng

paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip

ditto ang pagpapalit ng pagkamamamayan.

IV. Integrasyon

Bilang isang indibiduwal,paano mo maipapa-

liwanag ang konsepto at pangkalahatang obserbasyon

ng migrasyon sa hamon ng buhay sa pamamagitan

ng paglikha ng slogan.

Hatiin ang klase sa apat na grupo at bawat grupo

bubuo o lilikha ng slogan sa loob ng limang minute at

pagkatapos idikit ito sa pisara at may isang kinatawan


bawat pangkat para ipaliwanang ang nilikhang slogan.

V. Ebalwasyon

Sa isang buong papel, bigyang katwiran ang mga sumusunod na dahilan kung

bakit lumilikas ang mga tao pansamantala man o permanente.

V. Takdang Aralin

Magsaliksik kung ano ba ang mga Perspektibo at Pananaw sa Migrasyon. Gamit

ang sariling pananalita, ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng bawat pananaw na ito.
Mystical Rose College of Science and Technology
Pogonlomboy, Mangatarem, Pangasinan
S.Y. 2018- 2019

Masusing Banghay Aralin


sa
Araling Panlipunan 10

Mischel B. Manlangit
(Gurong Nagsasanay)

Gng. Imeelen H. Pagal


(Gurong Tagapagsanay)

Dr. Antonia B.Valmonte


(Tagapangasiwa)

You might also like