Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

"Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipinas"

Isa, Dalawa, Tatlo.

Wikang katutubo'y nais kung ipakilala sayo,

Na naging simbolo, nang yung pagka pilipino.

Apat, Lima, Anim.

Pahalagahan ang yung sinilangan, dahil ang nilalaman ng kasabihan...

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, tiyak, may iba na yan.

Pito, Walo, Siyam.

At kung dumating man ang panahon,

Na aalis ka at iiwan mo na,

Ang bansang ipinag laban ng ating mga ninuno, para sayo

'Wag mo sanang kalilimutan ang mga alaala,

Nang 'yong wikang kinagisnan.

At sampo.

Hindi ito ang wakas ng istorya ng wikang katutubo.

WIKANG FILIPINO

Labing-apat na letra pero tulad mo rin na sa marami'y umasa

Sabi'y babalikan kita pero anong ginawa?

Tinangkilik ibang wika na animo'y dito siya nagmula

Sabi mo pilipino ka? Bakit ikinahihiya mo ang kulay mong ita.

Itatago na lng ba ang sarili bilang isang banyaga,

Na minsan sumakop sayong pinakamamahal na bansa.

Itataboy nalang ba..


Itatapon nalang ba...

Ang mga alala-ala ng bansang nagdusa,

Na ngayo'y nararapat na lumaya.

Ngayon, Paano ko nga ba sisimulan?

Sisimulan ang istorya ng aking bayan

Bayan na aking sinilangan

Na Filipino ang wikang kinagisnan

Bayan na inagaw satin ng mga dayuhan

Bayang ipinaglaban para sa ating kalayaan.

Hindi ko lubos maisip kung bakit marami sa atin ngayon ang wala ng pakialam sa mga bagay sa
nakaraan,

Oo may mga bagay na hindi dapat binabalikan, pero ibang usapan pag tungkol sa bayan,dahil maraming
buhay ang inalay para sa tagumpay ng pangkat na iyong kinabibilangan.

Sa paglipas ng panahon

Wika nati'y 'di maka-ahon

Wikang kinagisnan ay unti unti nang nawawala

Halaga nito'y naging bula

Na sim'bilis ng pagtingin niya sayong nawala

Hindi man lang nagpa-alam

Pilipino'y basta na umalis

Wikang filipino'y iniwan at isinawalang bahala.

Ikaw, ako, tayo, iisa sa mundong pilit kang binabago.

Gamit ang wikang nagsisilbing sinturon para sa ating paglago.

Pero nasaan ka? Patuloy sa pagtatago.

Sarili sa banyaga'y ipinapako

Sa bagong panaho'y nagpapabilanggo


Pansinin mo...

Sariling wika napalitan na sa mordernong panahon,

Wikang banyaga ang pilit tinatangkilik ngayon.

Pilipinas ay ibinabaon, ibang bansa'y tayo mismo ang nag-aahon.

Pero tandaan mo pinagtagpo lang kayo ng banyaga pero hindi kayo itinadhana.

Nais kung sabihin sa iyo

Maging tapat ka hindi lang sa pag-ibig kundi sa wikang dapat mong iniibig.

Katutubo ang ipaglaban, kaysa pag-ibig mong mabubulaanan.

Bansa natin ay paunlarin, sariling wika ay tangkilikin.

Pagka't ika'y Pilipino, sa puso, diwa at dugo.

Pusong Pilipino, na mamahalin ang wikang katutubo

Katutubo na sa diwa mo'y magpapabago

Na ang dugong nananalaytay sa iyo ay Pilipino

Tulay sa Bansang Pilipinas.

Maging imahe ka ng pagbabago

Simulan mo, sa pagsasabi ng MAHAL KITA, sa halip na I LOVE YOU.

Miss na kita, sa halip na I MISS YOU.

Kailangan kita, sa halip na I NEED YOU.

At Pakakasalan kita, sa halip na I'LL MARRY YOU.

Dahil ang isang punto, para mahalin ka, ng isang dalaga, ay ang maging makata.

You might also like