Si Mabuti ay isang guro, tinatawag siyang Mabuti ng kanyang mga
estudyante kapag naka talikod dahil lahat ng kanayang mga salita ay naglalaman ng kabutihan. Bukod roon ay palagi rin syang nagsasalita ng salitang “mabuti“ sa kanayang mga sinasabi. Isang araw may isang estudyante na umiiyak na patago sa silid aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalok ito napag-usapan ang kanyang problema. Sinabi ni Mabuti na hindi niya alam na may tao roon at ang pagpunta niya doon ay hindi nagkataon lamang. Pumupunta talaga si Mabuti sa sulok na iyon upang umiyak rin. Kung anong dahilan ay hindi niya masabi. Nakikinig lamang siya sa estudyante kahit na napakababaw lamang ng iniiyak niro. Simula ng pangyayaring iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkukwento ng tungkol sa kanyang buhay, maliban ng tungkol sa kanyang asawa. Ang pangarap ni Mabuti para sa kaniyang mga anak ay maging isang manggagamot, at may isang estudyante nag sabi “ Kagaya daw ng kaniyang ama. Ang asawa kasi ni Mabuti ay isa ring magaling na manggagamot. Ngunit namatay na ito, pero hindi sa kanilang bahay ibinurol. Sa kabila ng bigat na kanyang dinadala ay patuloy parin siyang metatag. Aral: Hindi masamang umiyak paghindi na kaya ang bigat ng problemang pinapasan, paminsan minsan kaylangan natin ng taong masasabihan ng ating mga problema para tayo ay mabigyan payo at kung ano ang dapat nating gawin. Kung ano man ang nagawang masama ng ating Guro o nang isang tao at huwag natin agad husgahan hindi natin alam kung ani ang kanilang pinagdadaanan . Salay National High School JUNIOR HIGH SCHOOL Salay, Misamis Oriental
Buod ng Ang Kwento ni Mabuti Ipinasa ng Grupo ng mga babae