Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ilan sa kanyang mga nagawa o kontribusyon para sa Pilipino at sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Itinatag ni Andres Bonifacio, kasama ang iba pang mga Pilipino ang Katipunan o kung tawagin nila ay KKK
(Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) na kung saan kalaunay siya ang
naging Supremo. Ito ay isang lihim na samahan na ang layunin ay kasarinlan mula sa Espanya sa
pamamagitan ng armadong himagsikan.

Pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio ang pagpunit ng mga sedula sa Kalookan at ito ay tinawag na
“Sigaw ng Pugad Lawin” Ang kaganapang to ay naging hudyat ng pagsimula ng pagaaklas sa Espanya.
Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng isang malawakang himagsikan sa Espanya at
nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsunod sa kabiserang Maynila noong 29 Agosto.

Kasama ang isa pang bayani na si Emilio Jacinto, pinasimulan ni Gat Andres Bonifacio ang pagsalakay sa
El Polvorin sa San Juan na syang imbakan ng pulbura at istasyon ng tubig. Bagawang sakupin ng grupo ni
Andres Bonifacio ang El Polvorin sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga armado at bihasang
kawal ng Espanyol.

Siya ay isa din sa mga unang kaanib ng “La Liga Filipina” na itinatag ni Jose Rizalnoong 3 Hulyo 1982. Ito
ay may layuning pagkaisahin ang lahat ng Pilipino upang makapagsimula ng isang reporma, maayos na
edukasyon, kooperasyon, at pagbuo ng bansa.

Bagaman isang bayaning maituturing dahil sa kanyang mga kontribusyon at gawa para sa inang bayang
Pilipinas, ang pagkakakilanlan at kasaysayan ni Andres Bonifacio ay sinalubong din ng kontobersiya. Ilan
sa mga ito ay ang sumusunod:

Ang kanyang pagkamatay ay isang paghatol sa salang pagtataksil sa bayan. Ito raw ay itinuturing na isang
legal na pagpaslang. Sinangayunan at pinaboran ang kanyang pagkakapaslang ni Pangulong Emilio
Aguinaldo gayundin ng kanyang mga tagapagpayo upang mapanatili ang pagkakaisa ng pmahalaan.

Si Andres Bonifacio ay ang Unang Pangulo ng Pilipinas. Ayon sa ilang dalubhasa sa pananaliksik ng
kasaysayan, si Gat Andres Bonifacio ay ang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas sapagkat siya ay ang
Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan. Ang batayang ito ang nagbibigay ng katarungan na
siya ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan at ito ay naganap bago pa naitatag ang
pamahalaang pinamumunuan ni Aguinaldo.

Bonifacio, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang itinuturing na pambansang bayani
ay si Gat Jose Rizal. May mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabi na ang kasalukuyang pambansang
bayani na si Rizal ay isang bayaning itinaguyo ng Estados Unidos. Ito ay nangyari matapos nilang matalo
si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Hindi katulad ni Andres Bonifacio at iba pang pambansang
bayani ng ibang bansa, na naging panimula ng himagsikan, napili si Rizal dahil sa kanyang mapayapang
pamamaraan. Ito ay upang maiwasan ang maaaring pumukaw sa ideya ng mga Pilipino upang lumaban
sa pamumunong Amerikano.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/41483#readmore

You might also like