Editorial

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

EDITORYAL - Huwag patayin ang wikang

Filipino
(Pilipino Star Ngayon)

May 31, 2019 - 12:00am

NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon na tuluyan nang aalisin ang


Filipino at Panitikan bilang mga subjects sa kolehiyo. Base ito sa memo-
randum ng Commission on Higher Education (CHEd) at sinang-ayunan
naman ng Supreme Court. Ayon sa SC, pinal na ang desisyon at wala nang
paghahabol pang maaaring gawin ukol dito sapagkat hindi na nila
pakikinggan. Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang SC noon
pang 2015 makaraang isulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Panitikan
sa kolehiyo. Ayon sa argumento ng CHEd, nararapat na sa senior high school
na lamang ituro ang mga nabanggit na subjects.

Noon pa, nasasalamin nang “anti-Filipino” ang CHEd sapagkat kung alin pa
itong sariling wika na dapat palaganapin at payabungin pa ang kanilang
pinatay. Noon pang 2013 isinulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at
Pantikan na lubhang nakapagtataka kung bakit ganito sila kasigasig. Tama na
raw sa senior high school o K12 ituro ang mga subjects. Sobra-sobra na raw
ang pag-aaral ng Filipino. E ano naman kung ituro uli ito sa kolehiyo. May
masasayang ba kung muling pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang


sarili. Marami pa ring nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangungusap.
Maraming salat sa tamang baybay. Kaya paano sasabihing sobra-sobra na
ang pag-aaral ng Filipino kaya hindi na ito dapat pang ituro sa kolehiyo?

Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Filipino at Panitikan ay ang mga


guro at propesor sa mga nasabing subjects. Ganundin ang mga kumukuha ng
kursong nagme-major sa Filipino. Saan sila pupulutin ngayon? Dahil sa
pagiging “anti-Filipino” ng CHEd, maraming apektado.

Sana, may mga unibersidad at kolehiyo na huwag agad-agad buwagin ang


kanilang Filipino Department. Hindi naman at umayon ang SC, malaya pa rin
ang bawat unibersidad at kolehiyo na magpatupad sa pagtuturo ng wikang
sarili. Sila pa rin ang masusunod ukol dito. Sana, maraming unibersidad ang
manindigan at itaguyod ang mga subject na Filipino at Panitikan.

EDITORYAL - Bullying sa school


(Pilipino Star Ngayon)
-
December 25, 2018 - 12:00am
MARAMING nangyayaring bullying sa mga school at hindi na ito nalalaman
ng mga magulang ng mga bata. Marami sa mga bata ang nananahimik na
lamang kaya lalo namang nagpapatuloy ang bullying. May mga bullying na
humahantong sa pananakit gaya nang ginawa ng Ateneo Junior High School
student sa kanyang classmate na nakunan ng video at pinagmulan ng
outrage. Kung hindi nakunan ng video ang pangyayari, maaaring manahimik
na lamang ang estudyanteng binully at magpapatuloy ang pambubully sa
kanya ng kaklase na isa umanong blackbelter Taekwondo champion.

Ang school ang nararapat na manguna sa pagsugpo ng bullying sa kanilang


nasasakupan. Dapat nalalaman nila kung may nangyayaring pambu-bully at
umaksiyon agad bago pa lubusang lumala ang ginagawa ng “sangganong
estudyante’’.
Kung hindi pa naging viral sa social media ang pananakit ng estudyante sa
kanyang kaklase, hindi pa kikilos ang pamunuan ng Ateneo. Napilitan lamang
kumilos at sinabing patatalsikin ang “sangganong estudyante’’ makaraang
magalit ang netizens sa inakto nito. Dahil sa galit, may mga martial arts expert
na humamon sa mismong ama ng “sangganong estudyante” para maturuan
ito ng leksiyon. Sabi ng mga humamon, hindi raw pinalaki nang maayos ng
ama ang anak nito kaya nambu-bully. Isa pang martial expert ang humamon
sa “sangganong estudyante”. Matapang lamang daw sa hindi lumalaban ang
estudyante kaya hinahamon niya ito. Ang pagiging marunong daw sa
Taekwondo ay hindi dapat ipinagyayabang at ginagamit lamang ito sa self
defense.

Mga school ang nararapat maging listo sa mga estudyanteng may sintomas
ng pambu-bully. Mahigpit na ipatupad ang Anti-Bullying Act para maiwasan
ang bullying at madebelop ang psychosocial interventions sa biktima at sa
nambubully. Kung nangyayari ang pambu-bully sa mga sikat na pribadong
school, mas lalong nangyayari ito sa mga pampublikong eskuwelahan na mas
marami ang “sangganong estudyante’’. Maging mapagmatyag at alerto
naman ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka nabu-bully ito o
nambu-bully.
Feast on ‘xiao long bao’ flavors, Chinese specialties at
Paradise Dynasty
FOOD AND LEISURENovember 8, 2019 - 8:12pm

Vivo NEX 3 boasts of premium technology, luxurious aesthetic


GADGETSNovember 8, 2019 - 7:46pm
From matcha to ube: 5 popular sweets now in holiday ice
creams
FOOD AND LEISURENovember 7, 2019 - 11:00am
LIST: 5 key pointers for big businesses before going public
BUSINESSNovember 6, 2019 - 5:00pm
WATCH: K-Pop group SuperM stars in Korean Air’s newest
safety video
ENTERTAINMENTNovember 6, 2019 - 4:52pm

You might also like