Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod[baguhin]

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular
sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa Kalye Anloague (na
ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas
ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at
sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang
nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay.
Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si
Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay
kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang
paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo.
Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso.
Kung kaya’t iniba ni Padre Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay
hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso. Ito, umano ang nag-utos
na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng
pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre
Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan
pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya
Victorina.

Tagpo[baguhin]
Isang marangyang handaan ang nagaganap sa tahanan nina Kapitan Tiyago sa daang Anluwage.
Dagsa ang maraming panauhin tulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Dr. de Espadana at ang
asawang si Donya Victorina, Tinyente ng guardia civil at dalawang paisano.
Talasalitaan[baguhin]
1. binundok - Binondo Maynila
2. Garil - utal magsalita
3. Hindi magkamayaw - hindi mapatahimik
4. Walang pakundangan - padalus-dalos
5. Bukas-palad - mapagbigay

Kahalagahan[baguhin]
Sa unang tagpong ito, namamalas na ang mga sumusunod:

1. Unang Pilipino - pagdalo sa pagtitipon kahit hindi imbitado.


2. Pagtatangi ng Kasarian (Gender Discrimination) - hiwalay sa mga kalalakihan ang mga
kababaihan. Di tulad ng mga lalaki na masasaya, ang mga babae ay tahimik o pabulong
pagnag-uusap.
3. Pang-aalipusta - Tinawag ng mga dayuhan, partikular si Padre Damaso, ang mga Pilipino na
"indiyo" o mangmang.
4. Pagkamapagpatuloy (hospitality) - ginamit ni Rizal ang bahay ni Kapitan Tiyago upang
ilarawan ang pagiging mapagpatuloy ng mga Pilipino lalo na sa mga dayuhan.
5. Kapangyarihan - ipinakita sa eksenang ito na higit na makapangyarihan ang simbahan kaysa
pamahalaan.

Kabanata 1: Isang Salusalo

Dito isinasaad ang paghahanda ni Kapitan Tiago ng isang salusalo para sa pagdating ni
Crisostomo Ibarra galing Europa. Inimbitahan niya ang mga opisyal at mga prayle upang
magsipagdalo sa handaan. Mababasa dito ang pag uusap ni Padre Damaso at nang nakapaisano
tungkol sa pagpunta nito sa Pilipinas at sa hinanakit niya sa mga tao at sa heneral dahil sa
paglipat sa kanya sa ibang lugar.
MENSAHE: Unawain ang mga lihim na mensahe na itinago ni Rizal sa paglalarawan ng bahay ni Kapitan Tiyago at ang
kahulugan ng mga usapan ng mga tauhan na pinagtagpo niya sa Unang Kabanata.

You might also like