Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna St., La Paz, Iloilo City

PRE-TEST SA FILIPINO 8

PANUTO: Unawain nang mabuti ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

1. Ano ang nais ipahiwatig ng salawikaing “Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag
nag- iisa”?
a. pagkakaisa c. pakikipagkapwa
b. pagsama-sama d. pakikipagkaibigan

2. Saan nabibilang ang pahayag sa ibaba?

”Ang lahat ng palayok,


may katapat na saklob”

a. Kasabihan c. Salawikain
b. Sawikain d. Bugtong

Para sa bilang 3-4, piliin ang naiis ipakahulugan ng mga sumusunod na salawikain.
3. “Ang sakit ng kalingkingan ay damdam ng buong katawan.”
a. Ang problema ng isang kasapi ng pamilya ay pasanin ng lahat.
b. Ang sakit ng ngipin ay damdam ng buong katawan.
c. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat.
d. Ang kagalingan ng isang pinuno ay tagumpay ng lahat.

4. “Kung maliligo sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.”


a. Maging matiyaga sa buhay.
b. Huwag maligo sa ilog nang nag-iisa.
c. Dapat maaga pa kung maliligo sa ilog.
d. Maging maagap sa anumang gawain.

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan
ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya
siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.

5. Anong elemento ng alamat ang isinasaad sa teksto?


a. Suliranin c. Saglit na kasiglahan
b. Tagpuan d. Kakalasan

6. “Ganoon pa man, tulad mo ipinagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang
aking mga mahal sa buhay.” Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Pasko c. sa bahay
b. mahal sa buhay d. tawagan

7. Ayon sa “Alamat ng Alamat” ay naganap ang pangyayaring ito noong unang panahon”.
Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
a. pamanahon C. panlunan
b. pananggi D. kondisyunal

Para sa patlang 8-10, punan ng tamang hudyat ng sanhi at bunga upang mabuo ang kaisipan.
8. _______ mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang
ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
a. Kung d. Kaya
b. Dahil D. Bunga nito

9. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata ________ lumubog siya sa lupa.
a. dahil c. kaya
b. sapagkat d. kung
10. Nagalit ang binata ng Sakadna, __________ hinamon niya ng laban si Tuwaang.
a. bunga nito c. dahil
b. sapagkat d. upang

Kung ang bayang ito’y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik
Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit

11. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang loob ng dalaga. Ano ang kasalungat na
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. pinuri c. ipinagmalaki
b. minaliit d. hinamak

12. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “ang ngiti ni ina ay parang patak ng ulan sa tag-araw”?
a. Hindi palangiti ang ina. c. Seryoso sa buhay ang ina.
b. Marami siyang mabigat na dalahin. d. Hindi mahilig sa kasiyahan.

13. Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Ano
ang nais ipakahulugan ng talinghaga?
a. Anumang labis ay nakasasama at napupunta sa wala..
b. Hindi tatalab ang apoy sa mga nagsisikipang kahoy.
c. Mas magaan ang gawain kung maraming nagtutulungan.
d. Mahirap buwagin ang anumang bagay na may matibay na pundasyon.

14. Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang nais ipakahulugan nito?

a. labag sa kalooban
b. walang pag-alinlangang paglisan
c. pagtalikod sa responsibilidad
d. pag-iwanan sa mga mahal sa buhay

15. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib
at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…” Ano ang mahihinuhang pangyayari na makikita
sa pahayag?
a. May problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. Isang sanggol sa piling ng isang ina
c. Nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. Binabalikan ang mga pangyayari

Para sa 16-18 Panuto: Pag-aralan ang mga datos na inilahad sa tsartmula sa ginawang pananliksik. Sagutin
ang tanong sa bawat aytem.Isulat ang titik ng tamang sagot.

Bahagdan ng mga manonood


T.V. Channel National Capital Rehiyon V Rehiyon VI Rehiyon VII
Region
ABC 30% 34% 38% 36%
CNA 35% 32% 34% 30%
XXX 32% 29% 31% 37%
Net T.V. 28% 31% 36% 35%

16. Batay sa nalikom na datos, anong T.V. channel ang higit na pinapanood ng NCR?
a. CNA b.XXX c.VI d.VII

17. Aling rehiyon ang may pinakamaraming nanonood ng cahannel XXX?


a. NCR b. V c. VI d.VII

18. Batay sa apat na rehiyon sa kabuuan,anong T.V. channel ang may pinakamaraming
Porsyento ng manonod?
a. ABC b. V c. VI d.VII

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong pananaw?


a. Hindi ko sasagutin ang pambayad mo sa ospital kapag naaksidente ka!
b. Bakit iniwan mo kami? Paano na kami ngayon ng mga bata ngayong wala ka na?
c. Wala akong nakikitang problema sa iyong sa pagtatrabaho rito sa aking opisina.
d. Ikaw, Dionisio, sinusunod mo lagi ang luho ni Leona kaya lumalaking sutil ang anak mo.

20. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Ang mga suliranin sa buhay ay mga pagsubok lamang.”
a. Magtiwala ka lamang sa ating Panginoon
b. Hindi ko na kaya ang mga pasaning ito
c. Maghanap ka ng kausap mo
d. Wala akong maitutulong sa iyo

21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng negatibong pananaw?


a. Ang sipag mo namang magtarabaho, kapitbahay.
b. Magtiwala ka lamang sa ating Panginoon.
c. Si Mamang talaga super sungit, matapobre, at pasaway pa.
d. Huwag kang mag-alala…gagaling ako.

Para sa bilang 22-24. Suriin ang mga pahayag at tukuyin kung anong ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal ang ginamit.

22. Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.


a. paraan at resulta c. kondisyon at resulta
b. paraan at kondisyon d. paraan at layunin

23. Nagsikap siya nang mabuti kaya gumanda ang kaniyang buhay.
a. paraan at kondisyon c. kondisyon at resulta
b. sanhi at bunga d. paraan at resulta

24. Kung nakinig ka sana sa iyong mga magulang hindi magiging ganyan ang buhay mo.
a. paraan at kondisyon c. kondisyon at resulta
b. paraan at resulta d. sanhi at bunga

Para sa bilang 25-27

Ina: Naku, Diyos ko, tawag ako nang tawag dito, Ano ba kayo?
Mely (Anak): Pasensiya na po, naputulan kami ng telepono eh, malamang MERALCO na sa susunod.
Ina: Ah ganun, pagkatapos ano? Ayan na, ibig sabihin hindi na kayo magbabayad sa akin.
Lumang istorya na ‘yan, Mely. Bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo sa Australia? Malakas ang kita.
Mely (Anak): Alam mo naman na hindi ako mahilig sa Computer Nay, eh…katunayan nga po uutang
ulit ako sa inyo. Nay, pupunta ako sa Amerika. Seven days po ako doon. Sinasama ako ni Miss
Divina.
Ina: Naku, hulog ng langit ‘yan anak’. Naku anak alam mo ba? Ang anak ng kumare ko aatend ng
kombulsyon sa Chicago.
Mely (Anak): Nay, baka po convention?
Ina: Yon na nga yon, kombulsyon ‘yon. Ayon hindi na bumalik dito. Alam mo padala nang padala ng
dolyar sa nanay. Mabuti pa nga ‘yong nanay may pakinabang sa anak.
Mely (Anak): Hindi ko kayang iwan ang mga anak ko Nay.
Ina: Kakayanin mo alang-alang sa mga anak mo.
Mula sa Pelikulang “ A Mother’s Story”

25. Anong kontradiksiyon ang makikita sa usapan nina Mely at ina nito?
a. pamilya at pera c. pagpapahalaga ng magulang sa anak
b. dolyar at piso d. pangingibang bansa sa pamilya

26. Saan naganap ang kontradiksyong ito?


a. sa komunidad b. sa ibang bansa c. sa tanggapan d. sa tahanan

27. Anong mahahalagang isyung panlipunan ang nangingibabaw sa usapan ng mag- ina?
a. dolyar laban sa piso c.pangingibang bansa ng mga Pilipino
b. pagpapahalaga sa pamilya d. pangingibang bansa kapalit ang pamilya

Para sa bilang 28-30. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng angkop na damdamin para sa mga
sumusunod na kampanya tungo sa kamalayang Pilipino.

a. paghihimagsik b. pagmamalaki c. pagkagalit d. pag-alala

28. Karapatan naming mga manggagawa ang aming ipinaglalaban! Wala na kaming ibang hinihiling!

29. Sariling ating mahalin! Wikang Filipino ipagbunyi natin!


30. Kapaligiran ating pangalagaan, upang makabagong henerasyon may madatnan!

Pagdapithapon, kata’y magbabalik sa pinanggalingan,


Sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon: Sa dagat man irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…

31. Ano ang nais ipahiwatig ng taludtod na, “Pagdapithapon, kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw…”
a. Kung saan ka nanggaling doon ka rin babalik.
b. Ang kahirapan ng mga Pilipino sa tabi ng dagat.
c. Pangarap na mahirap abutin kaya luhaang magbabalik.
d. Ang pag-ibig ay kaakibat ng pagsasakripisyo at pagtutulungan.

32. Ano naman ang nais ipahiwatig nito, “Talagang ganoon: Sa dagat man irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…”
a. Lahat ng bagay ay may hangganan.
b. Ang pusong nagmamahal ay napapagod din.
c. Ang buhay ay parang dagat na puno ng pakikipagsapalaran.
d. Ang taong nagmamahal ay hahamakin ang lahat masunod lamang ito.

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

33. Ano ang naging papel ng Lakandiwa sa saknong sa itaas?


a. nagbukas ng Balagtasan c. nagpapakilala sa mga kalahok
b. nagbibigay ng paksa d. naghuhusga sa dalawang makata

Hindi mangyayari at ang puso niya’y


Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.

34. Batay sa saknong sa itaas, ano ang nais ipakahulugan ng Eupemistikong pahayag sa huling taludtod?
a. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang taong nag-iibigan.
b. Gustong makasama ni Paruparo si Kampopot dahil mahal niya ito.
c. Parehong mamamatay sina Kampopot at Paruparo kapag pinaghiwalay.
d. Mahal ni Paruparo si Kampopot kaya nararapat na pagsamahin silang dalawa.

35. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit sa itaas?


a. mabuti b. nakikilig c. palagay d. maginhawa
36. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi magpaparaya sina Bubuyog at Paruparo?
a. Malulungkot si Kampupot.
b. Sasagutin silang dalawa ni Kampupot.
c. Masisira ang pagkakaibigan nilang tatlo
d. Walang pipiliin si Kampupot sa kanilang dalawa.

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog
na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpapaubayang anak; ang Ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang
nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” aniya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa
pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong
sinasangayad: hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may
medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya). Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng
puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung Siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-
sakaling irog ko’y masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng
masaganang luhang sa mata’y nunukal.
Halaw sa “Walang Sugat” ni Severino Reyes
37. Ano ang mahihinuhang pahiwatig sa pahayag ni Julia?
a. Ang taong may malalim na sugat ay talagang mapapaiyak.
b. Tanging ang Diyos lamang ang masasandalan sa oras ng panganib.
c. Ayaw niyang makipagdigma si Tenyong kasama ang mga kalalakihan.
d. Binigyan niya ng garantilya si Tenyong sa paniniwalang makapagbibigay ito ng lakas.

38. Batay sa akdang “Walang Sugat”, bakit kinailangang makipaglaban ni Tenyong sa mga Relihiyoso?
a. dahil sa pagkamatay ng amang si kapitan Inggo.
b. upang ipaglaban ang naaaping Inang bayan.
c. sapagkat pinahirapan nang husto ang mga bilanggo.
d. dahil ayaw magpaapi ng mga Pilipino.
39. Ano ang sinisimbolo ng salitang “tanikala” batay sa binasang sarsuwela?
a. kadena b. kahirapan c. pagkaalipin d. pagkakaisa

“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng
gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”

Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang
pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang
guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.

Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang saranggola.
Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag.

“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan, nawasak na dahil sa laki.
Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga.
Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung
bumagsak, laging nawawasak.”
Halaw sa “Saranggola” ni Efren Abueg

40. Bakit hindi binilhan ng malaking saranggola ang anak sa kabila ng katayuan nila sa buhay?
a. Dahil nagtitipid ang kanyang ama.
b. Dahil nais ng amang matuto siyang makontento.
c. Sapagkat nais ng ama na matuto siyang tumayo sa sariling mga paa.
d. Upang matuto siyang pahalagahan ang pagsakripisyo ng kanyang pamilya.

41. “Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga”. Ano ang inyong
opinyon batay sa pahayag?
a. Kung ako ang tatanungin, anumang bagay ay tumatagal sa itaas kapag ito’y pinahalagahan.
b. Ayon sa kanyang ama, ang malaki ay madaling tumaas pero madaling bumagsak.
c. Anumang bagay kapag dinaan sa bilis at sumubra ay nagiging masama.
d. Ang paghahangad ng labis ay nakapagdudulot ng kabiguan.

42. Anong kahulugan ng eupimistikong pahayag na may salungguhit na makikita sa huling talata?
a. Ang saranggolang maliit ay mataas ang lipad at hindi madaling bumagsak.
b. Huwag mangarap nang sobrang taas dahil sa ilalim pa rin ang bagsak.
c. Sipag at tiyaga ang kailangan upang pangarap ay makamtan.
d. Huwag mangarap nang gising upang maabot ang mithiin.

43. Kinakantiyawan ako sa bukid ____________ maliit ang saranggola ko. Ano ang angkop na salitang
nagpapahayag ng pagpapaliwanag?
a. kapag b. dahil c. kung d. bagamat

44. Ano ang katangian ng ama batay sa akdang “Saranggola”?


a. matipid b. mabait c. masinop d. masipag

45. “Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” Anong salitang balbal ang maaaring ipalit sa
salitang nasalungguhitan.
a. amay b. amain c. itay d. erpat

46. Ang lahat ay himagsik ni Balagtas na makikita sa kanyang obra maestra maliban sa isa.
a. Himagsik laban sa maling paniniwala hinggil sa relihiyon
b. Himagsik sa maling pamahalaan ng mga namumuno sa isang bayan
c. Himagsik laban sa maling pagpapalaki ng magulang sa kanilang anak.
d. Himagsik laban sa maling pagpili kung sino ang tao na dapat na mahalin

47. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kalagayang panlipunang Pilipino sa panahong isinulat ni
Balagtas ang Florante at Laura?
a. Ang sinumang nais sumulat ay may kalayaang isulat ang anumang paksa o temang magustuhan
niya.
b. Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa pag-ibig at pagmamahal sa
bayan.
c. Naging maluwag, makatarungan, at makatao ang ginagawang pamamahala ng mga Espanyol sa
ating bansa.
d. Nakadama ng paghihimagsik ang mga Pilipino sa kalupitan at pagmamalabis ng mga dayuhang
sumasakop sa bansa.

48. Ayon kay Balagtas, ano muna ang dapat na gawin bago hatulan ang kanyang akda?
a. Huwag baguhin ang berso c. Pahalagahan ang kanyang pagod
b. Pakamahalin ang kanyang akda d. Pakasuriin muna ang nilalaman nito

49. May simbolismo ang pagkakagapos ni Florante sa punong higera sa madilim at mapanglaw na gubat. Alin
dito?
a. Ang rehiyong Asyano
b. Ang mga taksil sa bayan.
c. Ang bayang Pilipinas sa kuko ng mga mapanlupig
d. Ang mga bayani nating nagpakamatay dahil sa bayan

Ang may tandang letra alinmang talata,


Di mo mawawatasa’t malalim na wika,
Ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
Buong kahuluga’y mapag-unawa.”

50. Taglay ng salitang nakasalungguhit ang pagpapakahulugang_______________.


a. konotatibo b. denotatibo c. matalinhaga d. eupemistiko

51. “Tinagubilinan ng makata ang kanyang mambabasa na tingnan sa talababa o footnote ang kahulugan ng
mahirap na salita na makikita sa mga taludturan. Dahil dito, mahihinuha na siya ay:
a. matalino b. mapagmahal c. mabait d. mapag-alala

”Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


Kaliluha’y siyang nagyayaring hari,
Kagalingat bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

52. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa ikatlong linya?


a. naghihirap b. pinagtaksilan c. nadadaig d. naghahari

53. Ang kasalungat ng salitang kaliluha’y sa ikalawang linya ay________________.


a. kapayapaan b. kasaganaan c. katapatan d. kabiguan

54. Alin sa mga pares ng salita ang magkasingkahulugan?


a. labas at loob c. kagalingan at bait
b. kaliluhan at sawi d. dusa at pighati

55. Ang saknong ay nangangahulugang__________________?


a. Kabutihan at kasamaan ang lumalaganap.
b. Kagalinga’t kaliluhan ang naghahari sa bayan.
c. Kasawian at kahirapan ang nararasan ng binata.
d. Kataksilan at kasamaan ang nangingibabaw sa bayan.
56. Hanggang si Aurora’y itaboy ang dilim. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
a. hatinggabi b. mag-uumaga c. katanghalian d. dapithapon

“Masasayang nimfas sa lawa ng Bai,


Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
Kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
Ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.”

57. Anong uri ng tayutay ang ipinapakita sa saknong?


a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Panawagan d. Pagmamalabis

"Hanggang dito ama'y aking naririnig,


nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang panambitan mo't dalangin sa Langit,
na ako'y maligtas sa kukong malupit."

58. Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong?


a. pagdadalamhati b. pagkagalit c. pagkasuklam d. pagkabigo

59. Anong tayutay ang ginamit sa taludturan ng saknong?


a. Panawagan b. Pagwawangis c. Pagsasatao d. Pagmamalabis

“Humingi ng tulong at nasa pangamba,


Ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka
Ang puno ng hukbo’y balita sa sigla
Heneral Osmalik ng bayang Persiya.”

60. Anong damdamin ang naghahari sa saknong?


a. takot b. pag-asa c. pananalig d. pag-aalinlangan

Inihanda nina:

JAMES R. CIRIACO
Roberto H. Tirol HS

LORLYN T. GALIEMBA
Oton NHS

JANE P. GARZON
Janiuay NHS

JUVY A. QUIA
Alimodian NCHS

LORJIE D. SUMALDE
Dumangas NHS
SUSING SAGOT: PRE TEST

1. a 31. d
2. c 32. b
3. a 33. a
4. d 34. a
5. b 35. d
6. c 36. d
7. a 37. b
8. b 38. b
9. c 39. c
10. a 40. c
11. d 41. d
12. a 42. b
13. a 43. b
14. a 44. b
15. c 45. d
16. a 46. a
17. c 47. d
18. a 48. d
19. c 49. c
20. a 50. b
21. c 51. d
22. a 52. c
23. b 53. c
24. c 54. d
25. a 55. d
26. d 56. b
27. d 57. b
28. a 58. a
29. b 59. a
30. d 60. a

You might also like