Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA

Inihanda ni Reynele Bren G. Zafra, PhD

BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA


“Do not read, as children do, to amuse
yourself, or like the ambitious, for the
purpose of instruction. No, read in order to
live.” 

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata,


upang libangin ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang mabuhay .”  
KAHULUGAN NG PAGBASA
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga
nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon.

Sa pagbasa, mahalaga ang imbak na kaalaman (stock knowledge)


ng isang nagbabasa upang mas malalim na maunawaan ang mga
konsepto at impormasyong natatagpuan sa tekstong binabasa. Ang
mga kaalamang ito ay makukuha mula sa pakikinig at nakikita, at
sa kabuuang pagdanas ng isang mambabasa sa realidad na lagpas
pa sa nababasa mula sa teksto.

Richard C. Anderson, et.al: Becoming a Nation of Readers, 1985


KAHULUGAN NG PAGBASA

Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng


pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at
makabuo ng kahulugan. Mahalaga ang interaksiyon sa pagitan ng
teksto at mambabasa na hinuhulma ng mga paniniwala, kaalaman,
at karanasan ng mambabasa at ng kultural at panlipunang
kontekstong kinalalagyan niya. Dagdag pa, kailangan ang pagiging
malikhain at kritikal na pag-iisip sa pagbabasa. Hindi sapat ang
pagpapakahulugan sa pagbasa bilang simplistikong pagsasalin ng
nakalathalang simbolo sa pasalitang anyo

Sicat-De Laza, Geronimo, Zafra: Padayon: Komunikasyon, Pagbasa at Pananaliksik, 2017


KATEGORYA NG PAGBASA

1. INTENSIBONG PAGBASA. Binanggit nina Long at Richards


(1987) ang intensibong pagbasa ay bilang detalyadong pagsusuri
ng isang teksto (estruktura, uri ng diskurso, ugnayan ng ideya) sa
pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano
ito susuriin. Madalas na tinatawag ding “narrow reading” ang
intensibong pagbasa sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa
isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa.
KATEGORYA NG PAGBASA

2. EKSTENSIBONG PAGBASA. Ayon pa rin kina Long at Richards


(1987), nagaganap ang ekstensibong pagbasa kapag ang isang
mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa
kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa
loob ng klase o itinatakda sa anumang asignatura. Kadalasan, ang
layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang
makuha lamang ang “gist” o pinakaesensiya at kahulugan ng
binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo
o hindi alam ang kahulugan.
URI NG PAGBASA

1. Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang


pokus ay hanapin ang espesipikong impormasyon na itinatakda
bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa
paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon.

2. Ang skimming naman ay pagbasa na ang layunin ay alamin ang


kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang
mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat.
ANTAS NG PAGBASA

1. Antas Primarya. Ito ang pinakamababang antas ng


pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito
ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos
at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting,
lugar, o mga tauhan sa isang teksto.
ANTAS NG PAGBASA

2. Antas Inspeksiyonal. Sa antas na ito, nauunawaan na


ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng
mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan
nito, nakapagbibigay ang mambabasa ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong
basahin nang mas malaliman.
ANTAS NG PAGBASA

3. Antas Analitikal. Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit


ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o
pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang
pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung
katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
ANTAS NG PAGBASA
3. Antas Sintopikal. Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na
kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at
akda na kadalasang magkakaugnay. Sa sintopikal na
pagbasa, nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw
sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga
akdang inunawa mo. Ang sintopikal na pagbasa ay hindi
lamang pag-unawa sa nariyan nang mga eksperto sa isang
larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema
ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga
ekspertong ito.
PROSESO NG PAGBASA

PERSEPSIYON. Ito REAKSIYON. Ito INTEGRASIYON.


ay unang yugto KOMPREHENSIYON. ay kakayahan Ang paglalapat
sa pagbasa. Ito ay pag-unawa ng mambabasa ng natutuhan
Ito ay sa mga na husgahan mula sa binasa.
pagdekoda sa mensaheng ang Nagagamit ang
mga nabasa. katumpakan, impormasyong
nakalimbag na katiyakan, nakuha upang
simbolo sa kalidad o halaga magamit ang
teksto. ng binabasa. totoong buhay.
KONSIDERASYON SA EPEKTIBONG
PAGBASA

1. Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng


Teksto.
2. Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan
3. Paghihinuha at Panghuhula sa Kalalabasan ng
Pangyayari
4. Pagbibigay ng Interpretasyon sa mga Larawan/Grapiks
IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

1. Tekstong Deskriptibo
2. Tekstong Naratibo
3. Te k s t o n g
Impormatibo
4. Te k s t o n g
Argumentatibo
MARAMING SALAMAT!

You might also like