Pagtuturo NG Wika at Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGTUTURO NG WIKA

1. Pagtuturo
1.1. Kahulugan
1.2. Kahalagahan
2. Wika
2.1. Kahulugan
2.2. Kahalagahan
2.3. Katangian
2.4. Tungkulin
2.5. Antas
2.6. Kalikasan at Istruktura ng Wika
3. Pamamaraan sa Pagtuturo ng Wika
3.1. Paglilipat-baybay (Grammar Translation)
3.2. Direktang Pamamaraan (Direct Approach)
3.3. Pabasang Pamamaraan (Reading Approach)
3.4. Audiolingualism
3.5. Oral-Sitwasyunal
3.6. Kognitiv
3.7. Afektiv-Humanistik
3.8. Comprehension-based
3.9. Komunikatibo (Communicative)
4. Mga Hamon sa Pagtuturo ng Wika
PAGTUTURO NG PANITIKAN
1. Pagtuturo
1.1. Kahulugan
1.2. Kahalagahan
2. Panitikan
2.1. Uri
2.1.1 Panggawaing Panitikan
2.1.2 Masining na Panitikan
2.1.3. Malikhaing Panitikan
2.2. Anyo ng Panitikan
2.2.1. Patula
2.2.2. Tuluyan
3. Pamamaraan sa Pagtuturo ng Panitikan
4. Mga Hamon sa Pagtuturo ng Panitikan
Malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa.
At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan
patuloy na nagbabago ang sistema nito dahil naiimpluwensyahan ng patuloy na
pagbabago ng panahon. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay nakasalalay
sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo. Ngunit kung ilalarawan sa kasalukuyan, paano
nga ba nagkakaiba ang mahusay (efficient) sa mabisa (effective) na guro? Alin nga ba
ang mas mahalaga?
May iba’t ibang papel na ginagampanan ang guro sa pagtuturo. Maaaring
tagapayo, patnubay, tagapangasiwa, kapatid, kaibigan, magulang, at iba pa. Kaya malaki
ang impluwensiya ng isang guro sa paglinang ng kakayahan ng mag-aaral, lalo na sa
panahon ng kanilang kabataan. At upang mas maganda ang kinalabasan ng
impluwensiyang ito ay kinakailangang magkaroon ng isang mahusay (efficient) na guro.
Unang katangian ay ang pagiging handa sa pagpasok ng silid-aralan na kung saan ay
may nakahanda na siyang paksa at gagawin para sa araw na nakalaan. Hindi ito
mangyayari kung walang organisasyon sa kanyang mga plano. Bago magsimula ang
lahat ay kinakailangang aalamin ng isang guro ang kanyang pagbabasehan kasama na
dito ang mga kasanayan na kailangang matamo sa loob ng isang akademikong taon.
Bunga ng maayos na pagpaplano ay nagkakaroon ng malinaw na pagpapaliwanag sa
mga komplikadong paksa dahil ito’y pinaghandaan. Higit sa lahat magiging positibo ang
kanyang pananaw at mas naeengganyo siyang manghikayat sa mga mag-aaral. Bukod
sa pagiging mahusay ay nararapat lamang na ginagamit ng isang guro ang katangian na
mayroon siya upang magkaroon ng magandang epekto. Sa madaling sabi, ang pagiging
mabisang guro (effective) ay nakasalalay sa kung paano mo ilalapat ang iyong
mahusay na katangian upang magkaroon ng magandang resulta. Kung kaya ay maaaring
ihambing ang mahusay at mabisa sa isang mag-asawa na hindi maaaring paghiwalayin.
Kadalasan ay nalilito ang ilan sa mga salitang ito, kung minsan ay nagkapalit-palit
pa ang kahulugan nito. Kaya madalas ay hindi na alam kung saan lulugar dahil sa dami
ng teknikalidad na inaalala. Gayunpaman, kailangan pa ring isaalang-alang na ang
pagtuturo ay isang malaking tulong para sa ating bansa. At upang maging buo at ganap
na isang guro, kailangang sa bawat pagsabak sa silid-aralan ay hindi dapat mawala sa
isipan ang salitang mahusay at mabisang guro.
PAGTUTURO
NG
WIKA
AT
PANITIKAN
Inihanda ni:
CABRINA A. TORBESO

You might also like