Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 3 Ugnayan NG Kitakonsumo at Pag Iimpok 3rd Quater
ARALIN 3 Ugnayan NG Kitakonsumo at Pag Iimpok 3rd Quater
ARALIN 3 Ugnayan NG Kitakonsumo at Pag Iimpok 3rd Quater
KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT
PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG
EKONOMIYA NG BANSA
Ang mga salaping inilalagak ng mga
depositor sa bangko ay lumalago dahil sa interes
sa deposito. Ipinauutang naman ito ng bangko sa
mga namumuhunan na may dagdag na kaukulang
tubo. Ibig sabihin, habang lumalaki ang
naidedeposito sa bangko, lumalaki rin ang
maaaring ipautang sa mga namumuhunan. Habang
dumarami ang namumuhunan, dumarami rin ang
nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong sitwasyon ay
indikasyon ng masiglang gawaing pang-ekonomiya
(economic activity) ng isang lipunan.
Ang matatag na sistema ng pagbabangko
ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok
(savings rate) at kapital (capital formation). Ang
ganitong pangyayari ay nakapagpapasigla ng mga
economic activities na indikasyon naman ng
pagsulong ng pambansang ekonomiya.
Ang Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC)ay ang ahensiya ng
pamahalaan ng nagbibigay ng proteksyon sa mga
depositor sa bangko sa pamamagitan ng
pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang
deposito hanggang sa halagang Php250,000*
bawat depositor. Ang isang bansang may sistema
ng deposit insurance ay makapanghihikayat ng
mga mamamayan na mag-impok sa bangko.
Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang sektor
ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko
sa katatagan ng pagbabangko.
* Sa kasalukuyan ang deposit insurance ay may
kabuuang halagang Php500,000 bawat depositor.