Professional Documents
Culture Documents
Talumpati
Talumpati
Zalsos XI – Block C
Ang panaginip ay mga halong sunod-sunod na imahe, ideya at emosyon na nangyayari sa utak
habang tulog. Ang mga nilalaman at layunin ng mga panaginip ay hindi pa naiintindihan ng buo kahit na
napapagusapan na ito sa iba’t ibang aspeto gaya ng siyensiya, pilosopiya at maging sa aspeto ng
relihiyon. Ang mga panaginip ay kadalasan na nangyayari sa tinatawag na Rapid Eye Movement (REM)
Sleep o isang kalagayan ng malalim na pagtulog kung saan ikaw ay malabong maistorbo. Ang “dream
interpretation” ay ang pagbibigay kahulugan sa mga panaginip at ang paghahanap ng mga maaaring
maging mensahe nito.
Ang una ay ang REM ay maaaring makapagsimula ng pagpapanaginip. Ang mga panaginip ay
kadalasan na nangyayari sa REM sleep kung saan ang utak ay nasa mataas na lebel ng pagiging aktibo na
kasingtaas kapag gising.
Pangatlo, ang mga pangyayari sa mga panaginip ay madalas na may koneksyon sa totoong
buhay ng tao. Ito ay ang tinatawag na “continuity hypothesis”. Ang mga panaginip ng tao ay madalas na
sumasalamin sa mga tao o bagay na mahalaga sa kanya sa totoong buhay. Ang ating imahinasyon ay
may abilidad na magpakita ng mga makatotohanang mga sitwasyon.
Ang panghuli ay nakakatulong ito sa pag proseso ng impormasyon mula sa totoong buhay lalo na
ang mga karanasang maaaring nakapagdulot ng malakas na bugso ng emosyon. Mula sa sikolohikal na
pananaw, ang pagpapanaginip ay nakakatulong sa ating utak para umangkop sa kapaligiran sa
pamamagitan ng pagsusuri, pagpapakalma ng emosyon at pageensayo ng mga ugali. Ang
pagpapanaginip ay isang paraan ng paghahanda sa mga banta o oportunidad sa totoong buhay.