Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPLEKSYON

"Your attitude, not your aptitude, will determine your altitude."

Ito ang mga kataga ni Zig Ziglar na noon pa man ay tumatak na sa akin at patuloy
kong sinusubukang pinaiiral sa aking pamumuhay. Totoo at makapangyarihan, ang
ideyang ito ang masasabi kong humubog sa aking pagkatao bilang isang estudyante,
kaibigan, anak at sundalo ng Panginoon.

Mapalad ako at ipinanganak ako sa mga magulang na hindi ako tinutulak sa


anumang karangalan sa aking pag-aaral. Gayundin ay pinalaki ako sa gabay ng
pananampalataya at sa pagkakaroon ko ng sariling pag-iisip, napatunayan ko ang
kapangyarihan ng Panginoon sa aking buhay at ang mga kaniyang mga panuruan.
Natutunan ko na hindi ako ang aking grado sa paaralan, hindi ako ang medalya
pagkatapos ng isang kompetisyon, at hindi rin ako ang aking hitsura sa papuri ng
maraming tao. Datapwat, ako ang aking desisyon sa kung paano ko haharapin ang mga
bagay-bagay, ako ang aking saloobing mananalaytay sa aking pagtugon, at ako ang aking
pagkilos na pinamumunuan ng isip at ginagabayan lamang ng emosyon.

Kung magsisimula rin ako na naiisip ko ang huli, hindi mahalaga kung anong tatak
ang maaaring ibigay sa akin. Sa kamatayan, hindi ko rin naman madadala ito. Ang
mahalaga ay ang pagiging tama sa paninidigan at para sa akin ay ang pagkakaroon ng
mabuting asal sa pakikibaka sa iba’t ibang hamon ng buhay, lalo na sa pakikisalamuha sa
kapwa habang pinagdadaanan ang mga bagay na ito. Sa aking burol, ang mga taong ito
ang marahil ay bibisita sa akin, hindi ang anumang karangalan, kundi ang mga relasyon
nabuhay ang kanilang ipagsasabi at mananatili. At ang mga relasyong ito ay hindi batay
sa anong karunungan o kakayahan, kundi sa mga oras na ibinuhos natin para sa ibang
tao, at ang respeto at pagmamahal na ibinigay natin sa kanila. Dito rin masasalamin na
wala sa rami ng nalalaman at kasanayan ang halaga at lebel ng isang tao, kundi sa
kaniyang pakikisalamuha sa kaniyang kapaligiran at kung paano siya nakatutulong sa
pagbabago nito.

Sa bandang huli, walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Aanhin ng
isang tao ang personal na tagumpay kung wala siyang mga taong tunay na masasabi
niyang kaibigan at kapamilya. Totoo sa akin, ang mga karangalang iginagawad sa atin ay
walang katuturan at halaga sa iba, marahil ay nagdudulot ang mga ito ng kasiyahan sa
tao mismo at ang kaniyang mga tagasuporta ngunit pansamantala lamang. Samakatuwid,
sa aking palagay, bilang maka-esensyalismo, isa sa mga pakay natin sa mundong ito ay
ang pagbuo ng malalim na relasyon sa mga tao, pagkakaroon ng paniniwala at pagtatanim
sa isip na pansamantala lamang ang lahat ng bagay at ang ating buhay. Gayunpaman,
habang mayroon tayo nito, tungkulin nating mabuhay ng tama at may mabuting pag-
uugali. Sapakat matapos man ang lahat o hindi, ang mga alaalang binuo natin sa ating
kapwa ang mananatili.

You might also like