Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

AMBON

Unang Tagpuan: Sa isang madilim na lugar, tahimik, hating-gabi.


(Sa pagtaas ng kurtina, may mga pulis na hinahabol ang isang binata at siya’y titigil sa
gitna ng entablado dahil dead end na)
Pulis 1: Taas ang kamay (habang nakatutok ang baril sa lalaki)
Lalaki: (Hinihingal, itataas ang kamay at dahan-dahang haharap sa mga pulis) Sir-
(aalingawngaw ang tunog ng baril at babagsak ang lalaki,lalapitan ng mga pulis habang
nakatutok pa rin ang baril sa lalaki, papalibutan siya, LIGHTS OFF)
Pangalawang Tagpuan: Sa loob ng silid-aralan
(Maririnig ang ring ng bell)
Guro: (Ililigpit ang mga gamit) Class dismissed! (Ilalagay ang kamay sa lamesa na
nasa harapan) Pakilinis ng kuwarto bago umalis
Students: Opo maam
Guro: (Lalabas)
KORO: Hunyo... Unang buwan ng pasukan. Bagong gamit, bagong mga kaklase, halos
lahat palaging bago... isa nalang yata ang hindi nagbabago, yung feelings ko para sa
kanya. Gaya ng langit, malawak at malayo! Malawak, palaki nang palaki habang
panaho’y lumilipas... Malayo--malayo at malabong mangyari.
(Mula sa likuran ni Karlo ay may biglang aakbay)
Ron: Huy! Bilis ng isang buwan, ganun ganun lang! Sa isang linggo July na kaagad!
Kamusta na? Balita ko may adik daw na nabaril doon sa baranggay nyo ah? Grabe na
talaga ang mundo ngayon (iiling) tsk tsk tsk
(bubuntong hinga at muling ngingiti)Tara! basketball ba?
Karlo: Sige ba!
KORO: Hindi ko alam... Oo kung bakit sa tuwing mag-aaya ka’y di ako makatanggi...
Tila isang routine na dapat nang pagdaraanan sa tuwing sasapit ang sabado’t linggo.
Ikatlong Tagpuan: Sa kalsada, may silunggan sa bandang gitna ng entablado.
(Kakatapos lang ng laro, unti unti aambon)
Ron: Badtrip! Umaambon! Magkakasakit tayo neto eh!
Karlo: Magpandong ka magkakasakit ka niyan eh!
Ron: Dapat ikaw rin, alam ko na, share na lang tayo!
(Habang tumatakbo hanggang sa makarating sa may silungan)
KORO: At ito na nga ang labis kong iniiwasan,ang magtagpo ang ating mga braso at
magkadikit (Music fade in Ambon by Barbie Almalbis) kasaliw ng pagpatak ng ulan ang
kakaba-kaba kong puso ... Nagpatila tayo ng sandali, sandali.... at doon na nangahas....
Nangahas na huwag nang itago ang nararamdaman ko...
Karlo: (nagpupunas ng braso gamit ang bimpo na pinangtalukbong sa ulo) Uhmm…
pre… nagmamadali ka ba? Pwede usap muna tayo? (titigil sa pagpupunas at titignan si
Ron ng dahan-dahan)
Ron: (Abalang nagpupunas ng braso at buhok) Sige ano ba yun? (Titigil at titignan ng
deretso si Karlo)
Karlo: (Iiwas ng tingin) Uhmm... Ngayon ko lang sasabihin ito ah... medyo nahihiya kasi
talaga ako. Huwag mo naman sana akong husgahan tsaka dapat solid pa rin tayo ah?
Ron: Tungkol saan ba? Oo naman solid pa rin tayo! teka may ipagtatapat ka noh?
KORO: Biglang nautal… alam mo na kaya? Nararamdaman mo rin ba? Matagal mo na
rin bang napansin? Saan at Kailan? Paano?
Ron: Ano na?
Karlo: Ahh… Ron... Kasi...
(Magtititigan at nang biglang may paparating mula sa ‘di kalayuan)
Ron: Pards... sensya ka na ah (hahawakan ang balikat) usap na lang tayo sa susunod
Karlo: Hindi, mabilis lang naman ito eh (Hahawakan ang braso ni Ron)
Liza: (Kakaway at patakbong pupunta sa dalawa) RON! KARLO!
Karlo/Ron: Liza!!!
Karlo: Liza?? (nagtataka)
Ron: Karlo ako muna... may sasabihin ako (hahawakan sa mga balikat si Karlo) gusto
ko ikaw ang unang makaalam!
KORO: Wag... wag mong sabihin… ayokong marinig...
Ron: Kasi sa totoo lang... (kukunin ang kamay ni Liza) KAMI NA NI LIZA!
KORO: Oo alam ko, matagal ko ng alam Ron.
Ron: Oh? Nagulat ka ba? Ba’t parang hindi ka masaya? (dahan-dahang aalisin ang
mga kamay sa braso ni Karlo)
Karlo: Huh? Ako pa ba? Syempre masaya ko ‘no! (sabay ngiti at hampas sa balikat ni
Ron) Masayang masaya ako para sa inyong dalawa
KORO: Sa sobrang saya ko pards gusto kong umiyak!
Ron: (Yayakap pero sa likuran ay papawi ang ngiti... pagkaharap ay makikipagngitian
kay Karlo) Oh pano ba yan nandyan na kasi siya eh. Di ka naman KJ diba?
Karlo: Sinabi mo pa! Sa sobrang support ko sa inyo ipagpaplano ko pa kayo ng date eh
Hahahaha! Oh sya (itutulak papalayo) lakad na...
(Papalayo ang kaibigan, sabay usal) Lakad na at baka matuloy ko pang banggitin...
Pards... mahal ko rin si Liza.
(Lights Off. Fading In. Maiiwan si Ron at Liza)
Liza: Oh ayan ah! Lilibre mo ako ah! Kasi niligtas kita
Ron: Salamat talaga Liza Ah... (ngingiti at hahawakan ang kamay ni Liza)
Liza: Ang arte mo naman kasi, Hello! 2019 na kaya! Di na uso yang patago tago pa ng
feelings na yan.
Ron: Ayoko kasing masira ang friendship namin ni Karlo nang dahil lang dito sa
feelings ko (dahan-dahang lalapit si Liza at hihimasin ang likod ni Ron)

LIGHTS OFF
ULAN
Unang Tagpuan: Sa loob ng eskuwelahan, sabay na naglalakad si Ron at Liza,
makikita ni Liza sa malapit si Karlo, mabibigla.
Liza: (hahatakin patalikod si Ron) Ay bakla! (pabulong) Yung bebe mo nandiyan!
Ron: Ha! (gulat pero pabulong) saan? saan? (natataranta) Ano gagawin natin? wala
kong nakahandang na eme ngayon!
Karlo: (mapapansin ang dalawa, malulungkot sasaglit, ngingiti) Huy lovebirds! (tatakbo
papunta kina Liza at Ron)
Liza: (gulat na gulat na haharap) Uuy! (pekeng tatawa)
Ron: (halatang kinakabahan) Uy pre! nandyan ka pala (pekeng tatawa)
Karlo: Uhmm (magtataka) Okay lang ba kayong dalawa? mukha kasing tense na tense
kayo (patagong kakabahan)
KORO: Ayokong magsinungaling sa harap mo... Ayoko.
(Saglit na tatahimik ang lahat, Biglang seseryoso ang paligid)
Ron: (seryosong boses) Sa totoo lang kinakabahan kami
Liza: (patagong magtataka)
Karlo: Bakit naman? ano bang problema? Ano ba kaseng nangyare? (malumanay)
Ron: (Dahan-dahang uupo) may nangyari kase... sa amin
Liza: (gulat na gulat, lalakihan ng mata si Ron, hindi ipapakita kay Karlo ang reaksyon)
Karlo: (Magugulat saglit, malulungkot ng sobra) Ga-ganun ba? (Tititigan ang dalawa)
May nabuo ba?
Liza: (napilitang mapasagot, mahinahon) hindi pa kami sigurado
Karlo: Ganun ba? (Mananahimik) Ay oo nga pala may pupuntahan pa ako. Sige ah
kaya nyo yan! At kung may problema kayo lapitan niyo lang ako (ngingiti) Sige bro (Kay
Ron) Sige Liza (Kay Liza)
Ron: Salamat bro (Hahawakan sa kamay ni Karlo)
Liza: Salamat Karlo (ngingiti) ingat.
(Tuluyang aalis si Karlo, mistulang magmamadali)

Lights Off, Fading in


(Sabay na mapapabuntong hininga ang dalawa habang nakakapit sa isa’t-isa)

Liza: (Itutulak si Ron ng pagkalakas lakas) My gosh bakla! (galit na galit) Anong
pumasok dyan sa kokote mo? (babatukan si Ron, gulong gulo sa sarili, hahawakan ang
noo at lalaliman ang pag-iisip)
Ron: (Tatayo mula sa pagkakabagsak dahil sa pagtulak ni Liza) Sorry na bes!
(hahawakan ang kamay ni Liza) Hindi ko kase alam kung anong gagawin ko (Tatalikod)
bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko! Maski ako nga bes nagulat! (haharap uli kay
Liza)
Liza: Pa’no na yan? Ron naman, kaibigan kita kaya tinutulangan kita,pero ayoko
namang pati yung dignidad ko mawala! Ayokong magsinungaling ng ganito! Si Karlo,
pano kung bigla niyang ikwento sa iba yun? Edi masisira ang future nating dalawa
pareho. (Uupo)
Ron: Sorry na nga bes (lalapit kay Liza) papakiusapan ko si Karlo, mabait naman yun!
hindi naman yun chismoso atsaka hindi ka naman talaga buntis at wala naman talagang
nangyari sa atin kaya wala kang dapat intindihin
Liza: Ewan ko sayo! (tatalikuran si Ron)
Ron: Bes naman (nagmamakaawang hahawakan ang braso ni Liza) Ganto na lang.
Uhmm iliibre kita bukas, lalabas tayo, ilalabas kita, at sa oras na ito gagawin natin yun
hindi para paniwalain si Karlo na jowa kita kundi para magbonding tayo.
KORO: Ano itong nararamdaman ko? Bakit?...
Liza: Talaga ba? talagang ilalabas mo ako at hindi para paniwalain si Karlo kundi para
magbonding tayo?
Ron: Oo pramis (itataas ang kanang kamay)
Liza: Oh sige (pabebe)
Ron: Talaga! (Yayakapin si Liza) Thank you bes! I love you talaga sobraaaa!
KORO: Mahal...din....kita...sobra

LIGHTS OFF, FADING IN


Pangalawang Tagpuan: Sa park, naghihintay si Liza, biglang darating si Ron, tatakpan
ang mata ni Liza)
Ron: Hulaan mo kung sino ako! (makulit na usal ni Ron)
Liza: Ron! Hahaha
Ron: (tatanggalin ang kamay, ngingiti, uupo sa tabi ni Liza)
Liza: Ikaw ah ako pa talaga nauna dito (bubungguin si Ron gamit ang balikat, maaasar
konti)
Ron: Sorry na bes! bili na lang tayo ng cotton candy dali ayon oh! (kakapit sa braso ni
Liza)
KORO: Tama na... Masyado na ata akong malalim

LIGHTS OFF, FADING IN

Ron: Oh ayan okay na tayo? bati na tayo uli? di ka na galit?


Liza: Oo naman!
(Biglang Uulan)
Liza: Hala! Hindi na naman ako nakapagdala ng payong! lagi ko na lang
nakakalimutan! nakakainis!
Ron: Edi... (Kukunin ang kamay ni Liza at tatakbo)
Liza: (Sasabay sa pagtakbo ni Ron)
(Titigil, maghaharutan sa ulan, magtatawanan, maghahabulan na parang mga bata)
Liza: (Titigil at dahan -dahan pagmamasdan si Ron)
Ron: (Maglalarong parang bata)
KORO: Ngayon na lang uli ako nakaligo sa ulan, Ngayon na lang ako naging masaya
muli, At ngayon pa lang nadiligan ang puso kong laging sawi, (Music fading in: Ikaw by
Yeng Constentino)

LIGTHS OFF, FADING IN


Ikatlong Tagpuan: Sa eskuwelahan, sa silid aralan
Liza: (nakatulala sa upuan)
Ron: Huy!
Liza: (Magugulat) Uy!
Ron: Anong problema?
Liza: (Tatayo) wala, sa assignment lang (ngingiti) Tara na! (kukunin ang bag at lalabas
ng classroom)
KORO: Meron,.. Ikaw... may gusto akong sabihin sa iyo pero natatakot akong baka
lumayo ka…

LIGHTS OFF, FADING IN

Ikaapat na Tagpuan: Sa isang malawak na espasyo.


(Naglalakad ang dalawa, mapapansin ni Ron na ang lungkot ni Liza)
Ron: Bes okay ka lang ba talaga? (nag aalala)
Liza: (malungkot na sasagot) Ron, pwede ba tayong mag usap?
Ron: Sige (ngingiti)
(Uupo sa Upuan)
Liza: Uhmm Ron... may nararamdaman ka ba?
Ron: Ha? anong klaseng pakiramdam ba?
Liza: (mapapataas ang boses) Huwag ka munang sumagot pwede ba? hayaan mo
muna akong magsalita.
Ron: Si-sige (gulat na biglang magtataka)
Liza: Ron, hindi mo ba napapansin? Ako lang ba talaga ang nakakaramdam ng lahat?
Bakit ba ang manhid manhid mo? Hindi mo ba napapansin lahat ng efforts ko? Ganun
ba talaga kahina yang utak mo? Akala mo ba pumapayag akong magpanggap na tayo
dahil lang kaibigan kita? Ginawa ko yun kase gusto kong maging totoo! (hahawakan
ang kamay ni Ron) Mahal na mahal kita at hindi lang bilang kaibigan!
KORO: At tuluyan na nga akong sumabog...
Ron: (matatawa, bibitaw sa hawak ni Liza) Ano ka ba naman bes? Huwag ka ngang
magbiro ng ganyan. Alam mo namang babae rin ako! Mahal din kita! pero...hindi kasing
lalim ng nararamdaman mo...Sorry (Aalis)
Liza: Ron please… Ron give me a chance (yayakapin patalikod si Ron)
Ron: (Tatanggalin ang mga kamay ni Liza at tatakbo)
(Uulan mg malakas at maiiwan si Liza na mag-isa, umiiyak sa Ulanan. Biglang darating
si Karlo na naglalakad)
Karlo: (Nakapayong, makikitang mag isa si Liza, lalapitan at papayungan)
Liza: (Makikita si Karlo, Tatayo, Yayakap) Karlooo ang sakit sakit (iiyak ng malakas)
(Biglang darating si Ron na may dalang payong upang sunduin sana si Liza, Makikita
sina Karlo at Liza na magkayakap, mabibigla, mabibitawan ang payong, aalis ng dahan-
dahan habang basang-basa sa Ulan.)

LIGHTS OFF
BAGYO
Unang Tagpuan: Eskuwelahan, silid-aralan.
Liza: (Nakasimangot na nakaupo sa loob ng silid-aralan)
Karlo: (Gugulatin si Liza) Huy!
Liza: (Hindi masyadong nagulat) Uy! (Ngingiti ng kaunti at muling sisimangot)
Karlo: (Matatahimik, lilinawin ang boses) Ehem ehem, mabuti pa mag fishball na lang
tayo, libre kita! (Ngingiti) May alam akong masarap na tinitindahan nun!
Liza: Hmm… sige.
KORO: Huwag ka ng malungkot, nandito naman ako. Kung hindi ka niya kayang
pasayahin, ako ang gagawa.
Karlo: Oh ano? Tara na!
Liza: (Aayusin ang gamit) Tara. (Bibitbitin ang bag)

LIGHTS OFF, FADING IN

Ron: (Mula sa pinakalikod na upuan ng silid, gigising, magugulat na wala ng tao sa


silid, liligpitin ang gamit, maglalakad at titigil sa upuan ni Liza, mapapansing may
naiwan na gamit.) Kay Liza ‘to ah. (Bubuksan) Hala! Ito yung ipapasang project bukas
ah, nakalimutan nya hays. Okay Ron, isasauli mo lang yan bilang kaklase okay? At
dahil concern ka sa magiging grades niya… bilang isang mabuting kaklase
(Pangungumbinsi sa sarili at lalakad na paalis.)

LIGHTS OFF, FADING IN


Pangalawang Tagpuan: Sa lansangan
(Ang dalawa ay kumakain ng fishball na paubos na, naglalakad.)
Karlo: Oh diba? Sabi ko sayo masarap eh!
Liza: Oo nga Karlo eh hahaha (ngumiti)
Karlo: Yann yiii
Liza: Bakit?
Karlo: Ngumiti ka na rin sa wakas Liza! Buong maghapon ka kayang nakabusangot
hahahaha.
Liza: Okay lang kahit nakabusangot, atleast maganda pa rin.
Karlo: Ay wow, biglang humagin.
Liza: Grabe ha (hahampasin si Karlo)
Karlo: (Hahampasin rin si Liza)
Liza: Huy napakalakas nun ah! Ikaw ha! (maghahabulan)

Ikatlong Tagpuan: Sa labas ng silid aralan


(Biglang dadating si Ron)
Ron: Nasaan na ba yun si Karlo? (Kakamot ng ulo at kakalabitin ang isang estudyante)
Excuse me?
Mag-aaral 1: Ano po yun?
Ron: Ahh, kilala mo ba si Karlo? Yung varsity ng school natin.
Mag-aaral 1: Ah hindi eh. (Napaisip at naalala nga) Ahh si -----
Mag-aaral 2: Uy bes! May ikukwento ako sayo (Napalingon kay Ron na nagtataka) Ay
hala bes sino yan?
Mag-aaral 1: Ah wala bes nagtatanong lang.
Ron: Ikaw ate kilala o nakita mo ba si Karlo? Yung varsity ng school natin.
Mag-aaral 2: Ay oo, nakasalubong ko sya ngayon ngayon lang din kasama si Liza.
Ron: Talaga? Saan?!
Mag-aaral 2: Doon oh. (Ituturo ang direksyon)
Ron: Sige sige, salamat.
(Tumakbo na si Ron papunta sa direksyon na itinuro ng mga estudyanteng tinanungan
nya samantalang nagpatuloy naman sa pag uusap ang dalawang mag aaral)

Mag-aaral 2: So eto na nga bes! Kilala mo si ano?


Mag-aaral 1: Si ano?
Mag-aaral 2: Si anoooo .

(EXIT)

LIGHTS OFF, FADING IN

Ikaapat na Tagpuan: Sa isang eskenita, madilim.

(Hingal na hingal na darating ang dalawa sa eskenita, ngingisi, dahan dahang


maglalakad dahil sa pagod hindi namalayang may dalawang lalaki na nakasumbrero,
na nasa madilim na parte ng eskenita, nakashort at sando lamang)

Karlo: (Biglang titigil, ihahawi ang kamay kay Liza)


Liza: (Magtataka) bakit Ron? anong proble- (titingin kung saan nakatingin si Karlo,
makikita ang nakausling baril sa shorts ng lalaking di maaninag ang mukha, sisigaw)
AHHH!!
(Dahan dahang lilingon ang dalawang lalaki)
Karlo: (habang umaatras) Liza... Liza! Pag sinabi kong takbo tumakbo ka at wag na wag
kang titingin sa likod mo, naiintindihan mo ba?
Liza: (takot na takot at hindi malaman ang gagawin) Karlo… (takot ang nakabahid sa
mga mata)
Karlo: TAKBO!
Lalaki 1: Nalintikan na! (hahabulin si Karlo) Tigil sandali! Huy!
(Magkakahiwalay na si Karlo at Liza,*Liza Exit*)
(Tatakbo at maghahabulan ang tatlo hanggang sa mapunta sa dead end)
Karlo: (Hingal na hingal)
Lalaki 2: (Tututukan ng baril si Karlo) Lintik ka! pinagod mo kami!
Karlo: (Itataas amg kamay)
(Biglang dadating si Ron, gulat na gulat, mapapaupo sa likod ng basurahan, tatakpan
ang bibig)
Karlo: Boss wag boss (hinihingal pa rin)
Lalaki 1: Boss? BOSS? ANONG BOSS BOSS?! (tatangalin ang sumbrero) Anong
nakita mo?
Karlo: (kinakabahan) Wa-wala po
Lalaki 2: Ah wala (tatangalin din ang sumbrero) Anong wala? Ano bang tingin mo sa
amin? Tanga?
Lalaki 1: Sigurado kang wala? (tatawa) Eh napakalakas nga ng tili nung kasama mong
babae eh! Asan na nga ba yun? (Titingin sa parte kung nasaan si Ron) Ron:
(Magagalaw ang basurahan)
Karlo:(Titingin din kung saan nakatingin ang lalaki,makikita ang bracelet ni
Ron,bubulong RON?!)
Lalaki 1:(lalapit sa basurahan)
Karlo:NAKITA KO! droga yun diba? DROGA YUN DIBA?!
Lalaki 1: (titigil,haharap kay Karlo,tututukan ng baril)
Lalaki 2:Tumahimik ka hinaan mo yang boses mo!
Karlo: DRO—
-----------BANG!!!!!------
Lalaki 1: BAT MO BINARIL?!
Lalaki 2: Ang ingay eh!
lalaki 1:(ihahagis ang sumbrero,mapapaupo)Pengeng Sachet
lalaki 2:ha?
lalaki 1: BILIS!
(Ibibigay ng lalaki 2 kay lalaki 1ang isang sachet ng droga,ihahagis kay Karlo)
Lalaki 1: Tara na!(tatakbo ang dalawa paalis)
Sisilip si Ron kay Karlo,takot na takot,dadating uli ang dalawang lalaki,may dalang
karton na nakasulat na "WAG TULARAN NAGDODROGA AKO" Sesenyas si Karlo
gamit ang daliri na tumahimik si Ron hanbang nagkakatinginan sila at matatakpan ang
mukha ni Karlo at mawawalan na ng buhay)
LIGHTS OFF FADING Ikaapat na Tagpuan:Sa dead end kung saan naging huling
lugar ni Karlo
(Maraming taong nagbubulungbulungan,kinukuhaan ng litrato si Karlo habang
natatakpan ang mukha ng karton na may nakalagay na "WAG TULARAN,
NAGDODROGA AKO",
Liza:(Biglamg dadating titignan kung anong nangyayari,sisiksik sa mga tao,makikita ang
bracelet ni Karlo,titignan ang sariling bracelet)Karlo? Karlo! KARLO!! (papasok sa do no
cross line)
Pulis 1:Miss,miss
Liza: Kilala ko po yan....KILALA KO PO YAN!(patakbong lalapit kay
Karlo,Iiyak)HINDIIII!!! KARLO! PLEASE! Anong nangyari sa'yo!
(Maririnig ng mga tao si Liza)
Mag aaral 1:Hala diba si Liza yun?
Mag aaral 2:Oo nga...teka...Karlo? diba yun yung varsity ng school?
(Isang matanda ang daraan)
Nanay ni Karlo: (nakangiti)Karlo?? Varsity?? anak ko yun ah(magtataka) may nangyari
ba?(maririnig ang boses ni Liza,sisingit sa mga tao) Liza?
Liza: Karlooo!!
Nanay ni Karlo:(lulusot sa do not cross lane)
Pulis 2:Kilala nyo po ba?
Nanay ni Karlo:Titignan ko lang,kilala ko kase yung umiiyak(Dahan dahamg lalapit kay
Liza)Liza, sino yang iniiyakan mo?
Liza:Tita...Tita...
Nanay ni Karlo:(Tatanggalin ang takip sa mukha) Hindi...HINDI...HINDEEE!!!(yayakapin
si Karlo) Ang anak kooo...Ang Unico Ijo koo! ANAK!! BAKIT!!
---Tutunog ang malalakas na kulog at maliliwanang na sinag ng kidlat ang buong
entablado,habang umiiyak sina Liza at ang Ina ni Karlo---
LIGHTS OFF
Ikalimang Tagpuan:Sa burol ni Karlo
Nanay ni Karlo:(Nakatitig sa Litrato ni Karlo na nakalagay sa Tarpulin)
Liza:Tita...(hihimasin ang braso ng nanay ni Karlo)
Nanay ni Karlo: (bubuntong hininga)Hayy Liza,(Hahawakan ang Kamay ni Liza)Hindi ko
na alam,kung anong gagawin ko(iiyak)Si Karlo lang ang meron ako,siya lang( iiyak)
Liza:Tita wag ka mag alala,nandito din ako...kaya natin to
----May pulis na dadating----
Pulis 2:Magandang Umaga po maam nakikiramay po ako ah Misis hihingan lang po
sana namin kayo ng pahayag ukol sa pangyayaring to
Nanay ni Karlo:sige iha
Liza:Sige po tita
Lights off
Ikaanim na tagpuan:Sa bahay ni Ron
Liza:(Kakatok) Tao po? tao po?
Nanay ni Ron:sino yan?(bubksan amg pinto) Oh Liza
Liza:Magandang umaga po tita nandyan po ba si Ron
Nanay ni Ron:Oo nandito halika pasok ka
Liza:(papasok) kamusta na po si Ron
Nanay ni Ron:Naku Liza(uupo) ayun hindi kumakain,hindi makausap,ni hindi nga
lumalabas ng kuwarto niya. Nag aalala na nga ako eh.Hindi ko alam kung panong
gagawin.(hahawakan ang kamay ni Liza)Kausapin mo sya Liza ah
Liza:sige po tita(pupunta sa pinto ng kuwarto ni Liza,kakatok)Ron?
Ron:(hindi kikibo)
Liza:papasok na ko ah
Ron:(hindi pa rin kikibo)
Liza:(mapapansin ang notebook niya na nasa kama ni Ron,magtataka) bakit nasa'yo
to?
Ron:(wala pa ring kibo)
Liza:Ron ano bang problema? bakit hindi ka nagsasalita? bakit hindi ka
nakikipagusap?! Ano bang nangyari sa'yo? Sabihin mo naman kung anong nangyayari
sayo! Lahat kami nag aalala na sa'yo! Yung mama mo,kitang kita kong nag aalala na
siya(lalapit kay Ron,hahawakan ang mga balikat ni Ron)May alam ka ba?
Ron:(Iiwas ng tingin)
Liza:(bibitaw)Ron,sabihin mo naman kung meron (tatalikod)may nakapagsabing
sinundan mo daw kami nung araw na yun,sumunod ka samin! (lalapit at luluhpd sa
harap ni Ron)May nakita ka ba?
Ron:(titingin kay Liza,iiwas ng tingin)
Liza:(iiyak) magsalita ka naman gusto mo bang ganito na lang yung pagkamatay ni
Karlo?! Alam na alam mo na hindi magagawa ni Karlo yun(tatayo,tatalikod)Huling lamay
ni Ron bukas,sana naman magpakita ka(lalabas at isasara amg pinto)Dito na po ako
tita
Nanay ni Ron:Sige ihaÀAQ
(Biglang ilalagaw ang mga kamay sa buhok,iiyak)
Ron:KARLO! ANO BA TALAGANG GAGAWIN KO?!
LIGHTS OFF
Ikapitong Tagpuan:Sa Burol ni Karlo
Dadating si Ron
Liza:(lalapit) Ron buti naman dumating ka
Ron:(malimit na ngingiti)
Dadating ang dalawang pulis sa Burol
Ron:(makikita ang dalawa) Hindi...HINDI...HINDEEE!!(Ihahawak ang mga kamay sa
ulo)

TITINGIN ANG LAHAT NG TAUHAN SA MGA MANONOOD

LIGHTS OFF

PAGBUKAS NG KURTINA,NASA GITNA SI RON,NAKAYUKO HAWAK ANG


KARATUPANG "JUSTICE FOR KARLO" MASA LIKOD ANG MGA PULIS AT MGA
TAONG NAGRARALLY

Mga Tao: HUSTISYA!! HUSTISIYA!!


Tutugtog ang NOREM by Glock 9
IAANGAT NI RON ANG ULO

MALAKAS NA PUTOK NG BARIL,TUTUMBA ANG LAHAT MAIIWANG NAKATAYO SI


RON HAHARAP SA MGA TAO
LIGHTS OFF

You might also like