Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang dokumentaryong palabas ng GMA na pinamagatang "PHILIPPINE TREASURE " Ay

tumatalakay Sa kung gaano Kayaman ang kultura ng mga pilipino noong sinaunang panahon.
Sinasaad dito na bago pa man mapadpad si MAGELLAN Sa bansa natin noong taong 1521, ang
mga ninuno natin Ay sibilisado na kabaliktaran Sa mga pinapalabas ng mga Kastila na natagpuan
nila tayong mang-mang at walang alam. Ang grandiyosong palabas na Amaya Ay Binigyan
BUHAY kung gaano ka ganda at ka detalyado ang gintong alahas na ginawa ng ating mga ninuno
na kanilang Nilalagay palamuti sa kanilang katawan. Ang mga gintong alahas ÑA nahanap ni G.
Berto Morales sa San Miguel surigao Del sur noong 1981, Ay ang mga gintong ALAhas na Nasa
ayala meuseum na pinamagatang "the gold of ancestors ". kabilang Sa mga gintong ito ang
Pinaniniwalaang gintong hikaw na isinuot ni Magellan, ang gintong death mask naman ang
pinantatakip Sa mga muka ng yumao,patunay lamang ÑA ang ginto Ay bahagi na ng pangaraw-
araw na buhay ng TAO.
Ang PIILIPINAS ang punong puno ng mga yamang mineral kaya't Hindi nakakapagtataka na
maraming napagkukunan ng ginto noong sinaunang panahon. Mayroong maraming pruweba na
ang nga gintong ito Ay mula sa ating mga ninuno, unang una ,ang mga disenyong ginamit Ay mga
bagay na Sa pilipinas lang makikita at ikalawa, ayon sa Boxer Codex, isang manuscript na kung
saan doon nakatala ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ng una tayong nakasalamuha ng
mga kastila noong 16th century ,dito inilarawan ang mga sinaunang Pilipino na napapalibutan ng
ginto sa katawan mula ulo hanggan paa. Isa ring maaaring sumuporta sa pagkakaroon ng ginto
bilang likas na parte ng pangaraw araw na pamumuhay ng ating mga ninuno ay ang librong
isinulat ni William Henry Scott na pinamagatang Barangay 16th century, doon nakasaad ang mga
nakagawian, kultura, kaalaman at buhay ng ating mga ninuno.
Ngunit nakakalungkot isipin na huli na bago tayo namulat na pahalagahan ang mga bagay na
mistulang bumubuo sa kung anong meron tayo ngayon. Ang dokumentaryong palabas na ito ay
naging tulay upang ating balikan at masaksihan ang nagkikinangang kultura at pamumuhay
meron tayo noon.

You might also like