3RD Periodical Exam

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
Division of Rizal
TAYTAY NATIONAL HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO G-9


TP 2018-2019

I. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa papel.

1. Isang maikling kuwentong may aral na karaniwang hinahango mula sa Bibliya.


A. Pabula C. Nobela
B. Parabula D. Epiko

2. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.


A. Paghahambing na Magkatulad
B. Paghahambinng na Di-Magkatulad
C. Hambingang Pasahol
D. Hambingang Palamang

3. Ito ay tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan.


A. Epiko C. Elehiya
B. Nobela D. Parabula

4. Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan ay nagmula sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito ay mula sa
Ebanghelyo ni ___________.
A. Mateo 20: 1-16 C. Lucas 15: 11
B. Juan 14: 6 D. Mateo 21: 1-15

5. Ang Rama at Sita ay mula sa Epiko ng Hindu ( India ) na isinalin sa Filipino ni __________.
A. Vilma C. Ambat
B. Rene O. Villanueva
C. Pat V. Villafuerte
D. Magdalena O. Jocson

6. Sige patayin mo siya! Ang pahayag ay ___________.


A. Nakikiusap C. Nag-uutos
B. Nagmamakaawa D. Nagpapaunawa

7. May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.


A. Paghahambing na Magkatulad
B. Paghahambinng na Di-Magkatulad
C. Hambingang Pasahol
D. Hambingang Palamang

8. Ito ay panghalip na matatagpuan sa hulihan ng pangungusap bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa


unahan.
A. Katapora C. Anapora
B. Pasahol D. Palamang

9. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.


A. Elehiya C. Awit
B. Epiko D. Tanaga

10. Ito ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.


A. Pagpapakahulugang Gramatika
B. Pagpapakahulugang Retorika
C. Pagpapakahulugang Ponemiko
D. Pagpapakahulugang Metaporikal
II. ANAPORA O KATAPORA
Panuto: Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may salungguhit at PK
kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na panghalip na may salungguhit sa pahayag.

_____ 11. Ito ang aming bahay maliit ngunit maganda at maaliwalas tingnan.
______12. Kapag nakita ko si Daniel Padilla ng personal, magpapakuha ako ng litrato kasama siya.
_____ 13. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y totoong
nagagandahan dito.
______14. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa
kanya, paborito niya itong pasyalan.
______15. Kami ay magtatanim ng mga puno ngayon upang maging kapakipakinabang ang mga kabataan sa
hinaharap.
______16. Mapapalad ang mga Asyano sa pagkakaroon ng mayamang kalikasan kaya pinapahalagahan nila itong
mabuti.
______17. Kahit gaano siya katatag, kailangan pa rin ng isang anak ang gabay ng mga magulang.
______18. Nabili niya ang pinapangarap na cellphone kaya masayang-masaya si Jason.
______19. Nagkaisa ang mga mamamayan sa pagsugpo sa polusyon sapagkat sila rin ang maapektuhan nito.
______20. Ang mabait na anak ay may disiplina sa sarili kaya siya ay kahanga-hanga.

III. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD AT DI-MAGKATULAD


Panuto: Gumuhit ng tsek ( / ) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad at ( X ) kung ang
paghahambing ay di-patulad.

______21. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
______22. Lalong mahirap ang pamumuhay naming dito kung ihahambing ito sa buhay naming sa probinsya.
______23. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.
______24. Ang magkainigan ay magkasingtangkad.
______25. Si Billy ay kasinggaling ni Vhong sa pagsayaw.
______26. Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Herkules!
______27. Ang halik niya ay kasintamis ng tsokolate.
______28. Si Paul ay di-gasinong masipag na gaya ni Ryan.
______29. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
______30. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

IV. RAMA AT SITA


Panuto: Isulat sa patlang ang katumbas na titik ng tinutukoy sa bawat sumusunod na pahayag.

______31. Hari ng mga higante at demonyo a. paring Brahmin


______32. Nagnais na maging asawa ni Rama b. Surpanaka
______33. May kakayahang makapagbago ng anyo c. hari ng unggoy
______34. Kaharian na pinagmulan ni Rama at Sita d. gintong usa
______35. Nakita ni Sita sa gubat e. agila
______36. Nagpanggap si Ravana na isang f. Ravana
______37. Alok ni Ravana kay Sita g. Lakshamanan
______38. Nakarinig ng malakas na sigaw ni Sita h. Maritsa
______39. Hiningian ng tulong ng magkapatid upang i. 5,000 alipin at pagiging reyna ng Lanka
mabawi si Sita j. Kaharian ng Ayodha
______40. Kapatid ni Rama

V. ISANG LIBO’T ISANG GABI


Panuto: Pagsunud-sunurin ang mahalagang pangyayari . Isulat sa patlang ang titik A-J .

______41. Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang kapatid at lubhang mahal na mahal sa kaniya.
______42. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya.
______43. Nagtakda siya ng iisang oras sa lahat ng lalaking umiibig sa kaniya.
______44. Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahiligmaglakbay sa buong
mundo.
______45. Sunod-sunod na nagdatingan ang hepe ng pulisya, si Cadi,si Vizier, ang hari at ang karpintero sa
kaniyang bahay at isinagawa ng babae ang balak.
______46. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot.
______47. Pumayag siya sa gusto ng mgalalaking ito kapalit ng kalayaan ng iniibig.
______48. Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kaniyang lalaking inibig.
______49. Matutulungan lamang siya kung ibibigay at ipagkakaloob niya ang kaniyang sarili.
______50. Lima ang lalaking nahingian niya ng tulong.
VI. PARABULA
Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

ANG ALIBUGHANG ANAK


( Lucas 15:11-32)

Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, “Ama, ibigay 3op o ninyo sa akin ang mamanahin
ko.” At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilan araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-
arian at nagtungo sa malayong lupain,taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa’ di wastong
pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon at
nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing iyon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-
alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ang bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy
ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapagisip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, “Ang mga alila ng
aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako’y namamatay ng gutom 3op o! Babalik ako sa
kanya,at sasabihin ko, “Ama nagkasala po ako sa Diyos at sainyo.Hindi 3op o ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak;
ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.

Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong,
niyakap,at hinalikan. Sinabi ng anak, “ Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi 3op o ako karapat-dapat na
tawagin ninyong anak.” Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, “Madali! Dalhin ninyo ang pinakamahusay na
damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin, kumain tayo at
magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kung ito, ngunit muling nabuhay nawala ngunit nasumpungan.” At sila’y
nagsaya.
Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at
sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: “Bakit ? May ano sa atin? “Dumating po ang inyong kapatid!”
tugon ng alila.” Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.” Nagalit
ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito,
“Pinaglingkuran 3op o kayo sa loob ng maraming taon,at kailanma’y hindi ko kayo sinuway.Ngunit ni minsa’y hindi ninyo
ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit ng dumating ang
anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae,ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya! “ Sumagot
ang ama,”Anak ,lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Nginit dapat tayong magsaya at magalak sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay nawala ngunit nasumpungan”.

TAMA o MALI

______51.Ibinigay ng ama ang lahat ng kanilang ari-arian sa bunsong anak.


______52.Nagtayo ng malaking negosyo ang bunsong anak na siyang pinagkakitaan niya habang wala sa piling
ng kaniyang ama at kapatid.
______53.Hindi kailanman nagtanim ng sama ng loob ang panganay na kapatid sa ginawa ng kanilang ama.
______54.Agad na nakilala ng ama ang nagbabalik na bunsong anak matapos itong mangibang bayan.
______55.Pinasuot ng mga alila ang bunsong anak ng singsing at panyapak pagdating niya sa kanilang bahay.

IDENTIPIKASYON

______56.Bilang ng anak ng amang itinampok sa parabula.


______57.Ito ang inalagaan ng bunsong anak upang kumita ng salapi matapos maghirap.
______58.Sila ang tinawag ng ama upang pagsilbihan ang bagong dating na anak.
______59.Dito naglalagi ang panganay na anak nang dumating at bumalik ang bunsong anak.
______60.Saan nilustay ng alibughang anak ang malaking halaga ng salaping ipinagkatiwala ng kaniyang ama.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Carol N. Mechilina Sheila d. magan

Guro sa Filipino 9 Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino

You might also like