Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tekstong Argumentatibo

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay


makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang
maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang
katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang
gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta ng
empirikal na pananaliksik.

Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na


pagkalap ng mga datos o ebidensya. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang
manunulat ay obligado nang panindigan ang kaniyang panig, maari na rin siyang
magsimulang magsulat ng malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa
pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng
mananaliksik ang iba’t-ibang punto de bista na maaring matalakay sa diskurso.
Dahil may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na rin para sa
kanya ang pumili ng posisyon o papanigan.
Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at
lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak
na isyu o usapin.

Ano ang Dalawang Elemento ng Pangangatuwiran?


May dalawang elemento ang pangangatwiran, ito ay ang proposisyon at argumento.

Proposisyon
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang proposisyon
ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat
mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig.
Kung walang itatakdang proposisyon, magiging mahirap ang pangangatwiran
sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig. Sa ibaba,
iyong mababasa ang ilan sa mga halimbawa ng proposisyon.

Argumento
Ang argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang
pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng
isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman sa
proposisyon upang makapaglahad ng mahusay na argumento.

“Mga Uri ng Maling Pangangatwiran” (nakasulat sa inyong notebook)

You might also like