Professional Documents
Culture Documents
Banghay-Aralin Sa Filipino 9-Integrasyon
Banghay-Aralin Sa Filipino 9-Integrasyon
ARALIN 2.5
Unang Araw
TUKLASIN
I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan : Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
Gramatika : Kohesiyong Gramatika
Teksto : Naglalarawan
Sanggunian : Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
Kagamitan : LCD, laptop, Sagutang-papel
Konsepto : Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
1
Piliin ang mga elemento ng dula sa kaliwang maskara at isulat ito sa loob ng maskara
sa gawing kanan gamit ang pointer options sa powerpoint na inihanda ng guro.
Iskrip Tanghalan
Aktor Mahika
Katwiran Tugma
Magpapakita ang guro ng isang video clip ukol sa isang gawaing palasak sa loob at
labas man ng bansa https://www.youtube.com/watch?v=dRb4HzRufmA. Matapos
panoorin, sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing nilalaman ng video?
2. Sino-sino ang nahuhumaling sa gawaing ito?
3. Maituturing bang suliranin ng bansa ang ganitong gawain? Pangatuwiranan.
4. Bakit nahuhumaling ang ilan kundi man ang karamihan sa gawaing ito?
5. May naidudulot bang mabuti ang gawaing ito? Ipaliwanag.
6. Kung ang isang miyembro ng iyong pamilya ay nahuhumaling sa bisyong ito,
ano ang iyong gagawin? Bakit mo ito nasabi?
C. Panimulang Pagtataya
Pagkatapos ng gawain ay susubukin ang paniniwala at kaalaman ng mag-aaral batay
sa sariling karanasan. Hindi kinakailangan sagutin ito ayon sa DAPAT na tugon kundi
ibatay lamang ang sagot mula sa KAISIPAN. Mamarkahan ng tsek () ng mag-aaral
ang katapat na pahayag sa powerpoint presentation ng guro batay sa kanilang
paniniwala.
Paalala sa mag-aaral: Tandaan ang mga kasagutan sapagkat maaari itong mabago
habang pinag-aaralan ang aralin.
D. Paglalahad
2
Ang tunguhin sa bahaging ito ay upang malinang ang kabatiran at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan sa Asya, partikular na ang isang dula mula sa ating bansa. Dito
masasalamin ang sariling buhay at lipunang ginagalawan.
Isa sa mga ipinagmamalaking dula ng Panitikang Pilipino ay ang “Sa Pula, Sa Puti” ni
Francisco “Soc” A. Rodrigo. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
E. Pagtatalakay
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula
ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood.
Sangkap ng Dula
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa
o patung-patong na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap
na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
3
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/
Elemento ng Dula
1. Iskrip
Pinakakaluluwa ng isang dula
Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
Walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
Sila ang bumibigkas ng diyalogo
Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
Sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan
4. Direktor
Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula
Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng
kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan
5. Manonood
Sa kanila inilalaan ang isang dula
Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
F. Paglalahat
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong mga pangyayari ang kadalasang ipinakikita sa dula?
2. Ano ang nauunawaan mo sa cohesive device o kohesiyong gramatikal?
4
Ang cohesive device reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay mga
salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.Nahahati ang
kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang anapora at katapora.
G. Paglalapat
Aplikasyon:
Gamitin natin ang bagong kaalaman tungkol sa dula at kohesiyong gramatikal. Manatali
kayo sa inyong mga pangkat dahil bibigyan kayo ng mga gawaing lilinang sa inyong
imahinasyon.
Unang Pangkat- Sumulat ng isang diyalogo na nais na wakas ng kuwento gamit ang
kohesiyong gramatikal at isadula sa klase.
Bawat pangkat ay bibigyan ng limang (5) minuto upang gawin ang kanilang
Gawain. At sa bawat presentasyon ay tutukuyin ng pangkat ang mga ginamit na
kohesiyong gramatikal.
http://www.cagle.com/tag/gambling/page/9/
IV. Takdang-Aralin
Pagtatanghal ng Isang Masining na Pagkukuwento Glogster
I- video at i-upload mo ang iyong malikhaing pagkukuwento gamit ang aplikasyong
Present.me (https://present.me/). Padalhan ng kopya ang guro. Maaari mo ring i-post sa
discussion board ang inyong ginawang video upang makita ng iyong mga kamag-aral at
makapagbigay sila ng komento. Sundin ang rubric sa pagtatanghal ng masining na
pagkukuwento. Gumamit din ng kohesiyong gramatikal sa pagkukwento.
5
Kategorya Napakagaling Magaling Nalilinang Nagsisimula
4 3 2 1
Nilalaman Kahanga-hanga Makabuluhan May ilang mga Maraming
ang lahat ng ang detalye o pahayag ang di pahayag ang
pahayag hinggil sa pahayag na sumuporta sa walang
pagiging sumpa ng inilahad. paksa. kaugnayan sa
sugak at hindi paksa.
biyaya.
Tinig/ Nauunawaang Sapat lang ang Di-gaanong Hindi marinig at
Pagbigkas lubos dahil sa lakas at marinig at maunawaan.
napakaliwanag n nauunawaan maunawaan.
pagbigkas. din.
Galaw at Kakaiba at May ilang Nakagugulo Hindi akma ang
Kumpas/ nakapanghihikayat galaw at ang maraming mga kumpas at
ekspresyon ang mga galaw at kumpas na di galaw at galaw.
kumpas. akma. kumpas na
ginamit.
Dating sa Napapahanga ang Nakatatawag- Di gaanong Nakababagot
Madla. mga manonood sa pansin ang nakakuha ng ang
palabas. presentasyon. atensyon. presentasyon.
Pagkama- Orihinal at Sapat lamang Di gaanong Hindi kinakitaan
likhain namumukod- ang ipinamalas kinakitaan ang ng
tangi ang na pagkamalikhain pagkamalikhain.
presentasyon. pagkamalikhain at ilang bahagi
sa ay halaw
presentasyon. lamang sa
ibang
nagawang
presentasyon.
Ikalawang Araw
LINANGIN
I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
6
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan : Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
Gramatika : Kohesiyong Gramatika
Teksto : Naglalarawan
Sanggunian : Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
Kagamitan : LCD, laptop, Sagutang-papel
Konsepto : Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
“Picture Analysis”
Gamit ang larawan na nagpapakita ng relasyon ng magulang at anak, pipili sila ng
mukha na ilalagay batay sa kahalagahan at kagustuhan ng mag-aaral at ilalagay ito sa
tapat ng bawat larawan. Gagamitin ng mag-aaral ang inihandang powerpoint ng guro.
Pagkatapos, pag-uusapan ng guro at mag-aaral ang kahalagahan nito.
7
C. Panimulang Pagtataya
Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan nang
pagsasaayos ng mga titik na nasa loob ng bubble balloon.
lamb
aag
D. Pagtatalakay
1.
5. 2.
Isa-Isahin Ang Mga
Bahagi Ng Dula Na
Naglalarawan Ng
Karaniwang
Pamumuhay
Pamumuhay
4. 3.
9
2. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
3. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya? Bakit? 4.
Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.
5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa
kanilang anak?
6. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaing mapapangasawa ng isang
lalaking taga-Mongolia? Ipaliwanag.
7. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa maagang pag-aasawa? Sang- ayon ka ba rito o
hindi? Pangatuwiranan
1. Ang sagot ng mga mag-aaral dito ay hindi magkakapareho batay na rin sa kanilang
pagtingin, kaya ang guro ang titimbang sa kawastuhan ng kanilang sagot.
10
2. Samantala, bago suriin ang ikalawang teksto marapat na mailahad ng guro ang
koneksyon ng dalawang akda.
Gamit ang graphic organizer, paghambingin ang dulang “Munting Pagsinta” at dulang
“Dahil sa Anak.” Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Naging salamin din ng bawat dula ang kultura ng kanilang lipunang giangalawan.
Ikatlong Araw
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga pahayag sa dula na may salungguhit.
b. Nasusuri ang pagkakaiba ng Anapora at Katapora
c. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Pagsasanib Gramatika na ibinahagi ng
guro mula sa dula.
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan : Dahil sa Anak
11
Dula: Pilipinas
Gramatika : Kohesiyong Gramatika
Teksto : Naglalarawan
Sanggunian : Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
Kagamitan : LCD, laptop, Sagutang-papel
Konsepto : Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
D. Pagbabalik-aral.
E. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagtalakay ng ilang pangungusap mula sa dulang “Dahil sa Anak”.
2. Pagtalakay muli ng guro sa pagkakaiba ng Anapora at Katapora. Pagbibigay
halimbawa.
F. GAWAIN 8
Gawain 8: Ikonek Mo!
Hanapin mo ang mga pahayag na may salungguhit sa binasang dula. Ano ang iyong
napansin sa mga ito? Tiyak na mapagtitibay mo na batay sa kaalamang nakalahad sa
ibabang kahon ay makabubuo ka ng mahusay na pahayag o diyalogo ng dula.
Pagsasanay 1
12
Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit at isulat
patlang bago ang bilang kung ito ay Anapora o Katapora.
_____ 1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____ 2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng
Lourdes.
_____3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa
pagbabagong bunsod ng modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t ibang karera
katulad ng mga kalalakihan.
_____4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga
talaga ang karaniwang susi sa pagtatagumpay.
_____5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayo’y nagsisipag sa
paghahanap-buhay.
Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong kohesiyong gramatikal ang patlang sa
pamamagitan ng inilaan na WORDART sa ibaba. Tukuyin kung ito ay anapora o
katapora.
1. Matutuwa ______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-aaral.
2. Nagwika _____ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,” ipinaliwang ni Jose Rizal ang
tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, ____ay
taglay niya hanggang kamatayan.
4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, _____ nila nakukuha ang
mga mahahalagang impormasyon kailangan sa pag-aaral.
G. Paglalahat:
Pagnilayan at Unawain
Sagutin mo ang mga tanong sa kasunod na graphic organizer ng kaliwanagan
KALIWANAGAN
13
Ikaapat na araw
ILIPAT
I. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalapat ang mahahalagang konseptong natutuhan.
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Panitikan : Dahil sa Anak
Dula: Pilipinas
Gramatika : Kohesiyong Gramatika
Teksto : Naglalarawan
Sanggunian : Panitikang Asyano 9, ph. 148-170
Kagamitan : LCD, laptop, Sagutang-papel
Konsepto : Ang dula ay hango sa kasaysayan ng buhay ng tao,
mayaman ito sa mga makatotohanang pangyayari
na ating nasaksaksihan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral.
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan.
4. Pagtatala ng mga liban sa klase.
B. Pagganyak
D. Pagbabalik-aral.
E. Paglilipat
(Panitikang Asyano, pahina 164-165)
Ito ang yugto kung saan magkakaroon na ng bunga ang pagtitiyaga mo sa pag-aaral ng
dula at kohesiyong gramatikal. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong
14
natutuhan. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, mainam na
magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang yugto ng pagkatuto.
Pamantayan Bahagdan
Pagkamakatotohanan 10%
Kahusayan Sa Pagganap 30%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanghal 30%
Kabuuang Marka 100%
Marka:
Nagsisimula - 74%-pababa;
Mahusay-husay - 80 - 75%;
Mahusay - 90 - 81%;
Napakahusay - 91 - 100-%
15