Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Paglilinaw ng Kalikasan at Proseso ng Paglilinang

Linawin natin ang probisyong pangwika sa ating Konstitusyon 1987. Sa Artikulo XIV Seksyon 6:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.

Idekonstrak natin ang probisyong ito.

Una: malinaw ang itatawag sa wikang pambansa ng Pilipinas, at ito ay FILIPINO.


Ikalawa: ito’y wikang nasa proseso ng paglilinang.
Ikatlo: may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang ito;
1. Ang umiiral na wika o diyalekto sa ating bansa
2. Iba pang wika o wikang dayuhan.

Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa Konstitusyon na primus inter pares o nangunguna sa


lahat ng magkakapantay ang wikang Filipino bilang wikang Pambansa sa kontekstong multilinggwal at
multicultural ng Pilipinas – ibig sabihin dapat bigyang prayoridad sa pambanasang antas ang paggamit
ng wikang Filipino.

Ano ba ang pormal na deskripsyon ng Filipino bilang wikang pambansa?

Ang wikang Filipino


 ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
 Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon
ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan pagpapahayag.

Sa deskripsyon ng KWF, ipinagdidiinan na ang wika ay buhay at dahil nga buhay ito, ito ay dinamiko.
Ngunit pansinin ang proseso ng paglinang.

Ang Filipino sa Iba’t ibang disiplina


 ay tumutukoy sa gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan o kurso.
 Isa itong malinaw na katotohanan na sa kasalukuyang panahon ang wikang Filipino ay tanggap
at ginagamit ng mga Pilipino ano mang tribu o grupo ang kanilang pinanggalingan.
 Makatutulong ang paggamit ng Pilipino sa iba’t ibang disiplina upang mas mapaunlad ang ating
sariling wika at makasabay ito sa ibang mga wikang umiiral sa mundo.
 Ayon nga kay Dr. Jose Rizal – “paunlarin mo ang wikang sarili, palaganapin ito, bayaang
mapangalagaan ang sariling kaisipan at sa halip na magkaroon ng lunggati ang panlalawigan
lamang, dapat magkaroon ng kaisipang nayungyungan ng iba, magpaunlad ka ng kaisipang
Malaya.”
Wikang Filipino ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa Pilipinas.
Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno. Ito ang wikang magiging
kakampi natin sa ating mga pakikibaka sa usapin ng istandardisasyon at internalisasyon.

FILIPINO BILANG DISIPLINA AT FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies –


tumutukoy sa Filipino bilang larangan, bilang isang disiplina na sa esensya ay interdisiplinaryo o
nagtataglay ng mahigpit nap ag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang
makamit ang higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa isang particular na usapin.

Intelektuwalismo sa Wika – sa pahayag ni Constantino (2015), ang kahalagahan ng ganap na


intelektwalisasyon – ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi
lamang ng wikang Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino.

2 ANTAS NG PAGPAPLANONG PANG-WIKA:

 MAKRO – bahagi ng antas-makro sa pagpaplanong pangwika ang pagkakaroon ng


mandatoring asignaturang Filipino sa kolehiyo
 MAYKRO – aktwal na implementasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

3 DIMENSYON SA LAYUNIN AT BAHAGI:

 ISTATUS SA PAGPAPLANONG PANGWIKA – nagbibigay pansin sa mga tiyak na gamit


mula sa wika ng pagkatuto sa mga akademikong gawain at o intelektwalisasyon, wikang opisyal
ng pamahalaan, ng negosyo at iba pang panlipunang institusyon.

 KORPUS NA PAGPAPLANONG PANGWIKA – nakatuon sa


pagbubuo/pagbabago/pamimili ng mga porma na ginagamit sa pagpapahayag na oral o nakasulat
(pagbabago ng ispleling, paglikha o pagbuo ng mga salita)

 AKWISISYONG PANGWIKA – pinagtutuunan ng pansin ang pagpapalaganap ng wika at


epekto sa gumagamit nito

Ang mga nasabing dimension sa pagpaplanong pangwika ay pawang nag-aambag sa patuloy na


pagsulong ng Filipino at ng intelektwalisasyon nito.
Posisyong Papel

 Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may
akda o ng may entidad, gaya ng isang partidong pulitikal.
 Nilalathala ang posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
 Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot
hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
 Ginagamit din ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang
mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

Halimbawa ng Posisyong Papel

Parusang Kamatayan
ni: Cristine Joy Cabuga

Usaping may kinalaman sa parusang kamatayan ay bakit hindi mamatay matay? makakatulong ba sa isang
bansa ang ganitong uri ng parusa o ito ay mas makakasama at makakalala? mayroon nga ba itong magandang
naidudulot sa bansa kapag napasiyahang ibalik ito?
Ang parusang kamatayan ay isang mainit na usapin lalo na dito sa pilipinas. maraming mga Pilipinong
tumututol at sumasang-ayon dito at isa na lamang ako sa libo-libong Pilipinong di sumasang-ayon sa pagbabalik
ng parusang kamatayan. Ano nga ba ang parusang kamataya o death penalty?. Ayon sa Republict Act No.
7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa
mga halimbawa ng mga krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder,
qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Ano nga ba ang aking mga dahilan kung
bakit ako tumututol laban sa death penalty?.
Unang dahilan, dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa Diyos at sa batas. hinihimok ng Simbahang katoliko
na labanan ang death penalty sa Pilipinas sapagkat ito’y hindi naaayon sa bibliya at batas ng Diyos. Ayon kay
Pope Francis ang santo papang tinitingalaan ng mga katoliko. Ang pagbibitay ay dapat tutulan sapagkat
naniniwala siyang ang pagbibitay ay walang moral na kalalagyan sa mga turong katoliko (O’ Connell, 2016).
Ang death penalty ay pagkitil ng buhay ng tao at ang buhay ay pinahahalagahan ng mga katoliko at ng
Simbahang Katoliko. Pangalawa, hindi ito magandang dahilan upang mabawasan ang kriminalidad ng isang
bansa sapagkat ng dahil dito nawawalan na ng tamang hatol para sa nagkasala at makamtan ang hustisya. Ang
nagkasala ay nararapat lamang mahatulan batay sa kanyang nagawang pagkakasala ngunit hindi dahilan ang
pagpatay upang makamtan ang hustisya. Mawawala ang kalidad ng batas at hustisya ng isang bansa kung ang
tanging paraan lamang upang makamtan ito ay ang pagpatay. Pangatlo, ang isang nagkasala ay may karapatang
mag bago ayon nga sa isang kialalang kasabihan ang tao ay nagbabago, hayaan natin silang pagbayaran ang
kanilang nagawang kasalanan sa patas at maayos na pamamaraan di natin kailangan gumamit ng dahas upang
makamtan ang hustisyang nais makamit. Para sa akin di rin naman biro ang makulong sa isang seldang masikip,
mainit at malayo sa pamilya sapat na sigurong sila’y maghirap sa kanilang ginawa upang mapagbayaran ito.
Ang mga nagkakasala at nagkakamali ay marapat lamang na sila ay magdusa at magbayad upang sila’y matuto
sa kasalanang kanilang ginawa huwag nating hayaang mabahiran ng dugo ang kamay ng ating batas.
Ang buhay natin ay hiram lamang mula sa maykapal wala tayong karapatang kumuha nito maliban sa kanya.
Hayaan na natin ang Diyos ang mag bigay ng parusa na ginawa niya dito sa lupa sapagkat naniniwala akong
hindi dito sa lupa ang huling hatol kundi sa kanya. Kaya sikapin nating malabanan ang parusang kamatayan dito
sa ating bansa sapagkat hindi ito ang sagot sa hustisya. Pinahayag ng CBCP na, “Ang buhay ng bawat tao ay
galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at Siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay walang
karapatan na kumitil ng buhay sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.”

You might also like